Day 081

11:11pm

Rico: Hindi pala masaya magbirthday :(

Jhing: Hm?

Rico: Itanong mo naman kung bakit :(

Jhing: Haha. K. Bakit?

Rico: Nakakapagod maging sikat tapos pagtapos naman ng birthday ko, normal na ulit. Hindi na ako ulit kilala ng mga tao.

Rico: Hashtag EmoDaysWithMJCrux

11:12pm

Jhing: ._.

Jhing: Ano bang nangyari?

Rico: Ayun, nag greet sila sa akin.

Rico: Parang si Joena, yung childhood friend ko. Pinaalala na naman ung ginawa niyang cake sa akin noon. Akala ko chocolate cake, putik pala :(

Jhing: Hahahahahaha!

Rico: Dalawampung taon kong inalis sa isip ko ang lasa ng putik Jhing! Hindi siya madali ( p_q)

Jhing: Then? Ano pa?

11:13pm

Rico: May nag post sa timeline ko, Dalia pangalan, tinawag akong babyboi. Ang haba ng message niya tapos may sinabi siyang "akala nga ng tatay mo girlfriend mo ako nung dinala mo ako sa inyo sa Bulacan."

Jhing: Nagdadala ka ng babae sa bahay niyo?

Rico: Tropa, oo pero hindi ko kilala si Dalia! Hindi nga ako taga Bulacan eh O_O

11:14pm

Rico: Nireplyan ko siya ng "Ms Dalia, wrong timeline ata kayo"

Jhing: Haha! Epic.

Rico: Meron din, isa. Tropa siya ng pinsan ko na kaibigan ko sa fb. Sabi niya, "ang bilis talaga ng panahon parang kahapon 24 ka pa lang tapos ngayon 25 ka na."

Rico: "Nagreply ako Ate Psalm, sabi ko naman sayo wag sisinghot ng listerine na may colgate. Delikado yan eh. Kamusta na health mo?"

Rico: Ang masakit minura pa niya ako sabi niya "Gago ka Jesus!" Eh di nireplyan ko "SUSUMBONG KITA KAY PAPA JESUS!" :(((

11:15pm

Jhing: Bwisit! Bakit kasi ganyan pangalan mo!

Rico: Malay ko sa nanay ko. Pati pala un, binati ako sa timeline.

Jhing: Nanay mo? Anong sabi?

Rico: Hindi ako sanay na sobrang seryoso niya. Isa to sa mga sinabi niya:

Rico: "I am the luckiest and the proudest of all queens because you, Jesus, let me be your mother. I love you and I always will. Happy Birthday, dearest."

Jhing: You have the sweetest Mom, Jesus Crux.

11:16pm

Rico: Sweet na sana kung wala lang yung "From the prettiest mom in the world, Pretty Marie." Ang sinungaling di ba?! Tapos magkatabi lang naman kami nung pinost niya to.

Rico: Minsan nagtataka talaga ako eh. Ako na lang matino sa pamilya namin! :((

Jhing: (-‸ლ)

Rico: tas ung kapatid ko, yung maldita. Binato ako ng papel tapos pagbukas ko nakalagay lang "HBD"

Rico: ANG SWEET DI BA!!!1!1!1

Jhing: Haha! I like your sister.

Rico: Magkaugali kasi kayo.

Jhing: So?

Rico: Cute :)

Seen 11:17pm

Rico: Tas hindi ko talaga alam trip ng mga bumabati sa akin! Parang lahat sila may sapak sa utak. Tulad nung kaibiagn kong si Vionne, nag faflashback ba naman tanong niya "Bakit hindi ka tumakbo sa oblation run?"

Jhing: Oblation run?

Rico: Oo! Nireplyan ko nga "Repa, sabog ka ba? Sa USTe tayo nag aral, try mo mag oblation run dun para habulin ka ng itak ng pari."

Jhing: Hahaha! Ganyan ba talaga mga kaibigan mo? Wth.

11:18pm

Rico: Hindi lang kaibigan pati kapamilya, kapuso at kapatid. Ung pinsan ko ngang si Frences, birthday na birthday ko nagpapabili sa akin ng bra na may padding. Sabi ko wag na para tipid. Tatanggalin din naman un ng boypren niya :(

Rico: Frences pala! Frences!

11:19pm

Jhing: ._.

Rico: Totoo naman eh! ⊙︿⊙

Jhing: I can't believe this.

Rico: Hindi rin ako makapaniwala sa ibang grineet ako. Tawag sa akin, Krux. Kruz. Krus. Crus. Cruz. Sabi ko nga "bumalik ka dito sa timeline ko pag alam mo na spelling ng apelido ko :("

Jhing: Haha! Jeje surname is Jeje.

Rico: Namemersonal ka na Jhing :(

Jhing: :p

Rico: Mamahalin mo rin tong apelido ko.

Jhing: ._.

Rico: :D

11:20pm

Rico: Tapos alam mo ba ang hahaba ng post ng tropa ko. Naiyak na ako di pa rin tapos. Dun ko lang naisip na siguro may forever talaga. Forever mahaba posts nila. Sa sobrang touch ko nareply ko na lang sa kanila, "K."

Jhing: Gago. 

Rico: Alam na nila yun. Ibig sabihin ng K = Ty, Ton, Jeru, Mac. . . wag ganun mga pre, magkakabrad tayo dito walang talo-talo. Kung gusto niyo ako i-kiss, paalam muna kayo kay JhingK baka magselos.

Jhing: :|

Rico: Joke lang ^____^

11:21pm

Jhing: Pasalamat ka birthday mo.

Rico: Salamat pooo (T▽T)

Jhing: Yun lang nangyari sayo?

Rico: Oo. Scroll scroll sa facebook. Like at reply sa mga message. Kausap mga clients. Gumawa ng mga illus para sa deadline.

Jhing: Well, that sucks.

11:22pm

Rico: Sakto lang. Matanda na rin ako, di na ako nag eexpect na may birthday party ako pero gusto ko sana Jollibee party huhu D:

Rico: Sa'yo ba, wala pa ring nangyayari sa araw mo?

Seen 11:30pm

Rico: Uy grabe. Seen na naman.

Rico: Jhing?

11:33pm

Rico: Awtsu. Di na naman reply.

11:34pm

Rico: Patapos na birthday ko. . .

11:37pm

Rico: Jhing?

11:40pm

Rico: Babye :(

11:59pm

Jhing: Don't fucking reply after you read this.

Dear You,

Dahil bwisit ka and it's your birthday, read this. OR ELSE.

I hate you.

Naiinis ako sa'yo to the point na nabubwisit ako sa kalokohan mo at gustong gusto kita sampalin kaliwa't kanan. Ang hirap mo kausapin nang matino. Nakakagago ka. But as I am hating you, I, too, am hating myself for laughing at your craziness. Inaabala mo na nga ang pag-a-update ko pero here I am, still talking to you.

Bwisit ka kasi. Ang daldal mo. Ang dami mong gustong sabihin. Nauubusan ka ba ng topic? Para kasing andami mong alam. Badtrip. Pero kahit puro walang kwenta pinag uusapan natin gabi-gabi, natutuwa akong nakakasakay tayo sa trip ng isa't isa. Minsan.

Pero madalas, I'm still having this urge to hug you. In the neck. With a rope.

So yeah, happy birthday Sir Dirham, Rico Dirham, Unlikely Person, and M Jesus Crux or whoever you are.

I'll be happy without you annoying me but hell, my night will not be complete without your gayness. Stay gay, annoying and crazy. It's nice to know that a guy like you is existing.

Sorry for being cheesy as fuck. Minsan lang, e! Pagbigyan mo na ako. I just wanted to be the last one to greet you a very, very Happy Birthday!

DON'T REPLY! AND DON'T EVER BRING THIS UP AGAIN OR ELSE.

Night. :)

Seen 12:03

1:43am

Rico: (●'∀`●)



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

Hi! Thank you sa lahat ng bumati kay Rico / MJesusCrux! Nabaha ako ng greetings para sa kanya, grabe. Sobrang appreciated! Sorry hindi ko mailagay lahat ng nagmessage, andami kasi. At ang hahaba! Kaya nagputol putol na lang ako. Pero thank yoouuuuuu guys :D

So ayun, HAPPY BIRTHDAY M JESUS CRUX and Goodnight, Team Leche. :)

PS: Happy birthday sa lahat ng may birthday this year! Mabuhay! \ ^___^ /

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top