Day 078

11:11pm

Rico: Maglaro tayo :D

Jhing: Laro?

Rico: 10 questions.

Jhing: 10 questions?

Rico: Paulit ulit tayo Baby Jhing?

Jhing: :|

Rico: Hahaha joklang!

11:13pm

Rico: Salitan tayong magtatanong pero ang rule, bawal maulit yung itatanong.

Jhing: K. Pake ko?

Rico: :(

11:14pm

Jhing: You first.

11:15pm

Rico: May boyfriend ka na?

Jhing: Woaaahhh there.

Rico: :)

Rico: Sagutin mo na.

11:16pm

Jhing: Wala.

Rico: Good :D

Jhing: Ano ang M mo?

11:17pm

Rico: Hahahahahahahahahahahahaha

Jhing: Haha :p

Rico: Mark

Jhing: Really?

Rico: Salitan tayo. Ako muna ulit. :D

Jhing: Fuck. Iniisahan mo ako.

Rico: Hindi po :)

Rico: Anong paborito mong lugar?

11:18pm

Jhing: home.

Rico: Sa quezon?

Jhing: Secret. Salitan nga tayo di ba?

Rico: Hahahahahahahahahaha natututo ka na Jhing. Sige, ikaw na :D

Jhing: Seryosong Mark yung M mo?

Rico: Hindi.

Jhing: WHAT?!

Rico: Ako ulit :D

11:19pm

Jhing: Gago ka.

Rico: 3rd question: Anong namimiss mo?

Jhing: Namimiss ko?

Rico: Bawal magtanong.

Jhing: Bwisit.

Rico: Kahit anong namimiss mo. Bagay, tao, hayop, lugar, gawain. Kahit ano :D

11:20pm

Jhing: I miss home. I miss my family. I miss being a kid. I miss the days when one of my problems is knowing how to cook champorado for my younger siblings when my parents aren't around.

Rico: Awtsu. Hashtag HugotSaBalon :(

Jhing: My turn to ask.

Rico: Sige po.

11:21pm

Jhing: Ano yung M mo?

Rico: Maria.

Jhing: Totoo???

Rico: Mamaya na ulit ang tanong :D

Jhing: Iniisahan mo talaga ako!

Rico: Hindi po. :D

11:23pm

Rico: Kuha ka ng pinaka malapit na libro sa kinalalagyan mo, anong nakalagay sa last page?

Jhing: Seriously, yan tanong mo?

Rico: Bawal magtanong. Sagutin mo muna tanong ko.

Jhing: Ugh!

Jhing: Okay, here it is.

11:26pm

Jhing: I'm still hoping for us to happen. I'm still expecting that we'll still end up together and that he's the best guy for me. But I know I fucked up everything when I ran away because of my doubts. I ruined the happily ever after that never had the once upon a time. And up to this day, I still see myself not falling in love with anyone else but him.

Rico: Woah. Saang libro yan?

11:27pm

Jhing: My turn to ask!

Rico: Hahahahahahahhaa ayos. Sige :D

Jhing: Maria talaga name mo? Ano ba? Pinaglololoko mo ba ako?

Rico: Hindi at oo. Hahahahahah! Ako naman magtatanong :D

Jhing: Ughhhhh

11:28pm

Rico: Saan galing yung sinulat mo? Anong libro?

Jhing: My diary.

Rico: ('⊙ω⊙')

Jhing: My turn to ask?

Rico: Sige.

Jhing: How do you pronounce Jesus Crux? Is it Hesus? Jesus? Kruks? Krus?

Rico: Uy nagtanong ka na ah!

Jhing: What?

11:29pm

Rico: Tinanong mo na "my turn to ask?" tapos ka na!

Jhing: WAG MO AKONG PINAGLOLOKO JUST ANSWER MY DAMN QUESTION!

Rico: Secret ;)

Jhing: WTF hindi pwede yan! Iniisahan mo na ako magsisecret ka pa?!

Rico: Hahahaha Jesus Krus.

11:30pm

Jhing: The Jesus, I understand but the Crux? Krus talaga?

Rico: Hindi ka na pwede magtanong, ako muna.

Jhing: NO! Answer me!

Rico: Oo na, Jhing! I do! Oo na!

Jhing: Pakyu ka. Ayusin mo.

Rico: Hahahahaha :D

11:31pm

Rico: Krus talaga. Kung bibigyan lang ako ng 100 pesos sa bawat taong nagkakamali sa pagbigkas ng apelido ko, mabibigyan na kita ng house and lot. :(

Jhing: Huh? House and lot?

Rico: Di ba yun ung gusto ng mga babae sa mapapangasawa nila? :D

11:32pm

Jhing: Is that your question?

Rico: Teka, rephrase.

Rico: Ano bang gusto mo sa lalaking mapapangasawa mo?

11:33pm

Jhing: So you're thinking about marriage now? Didn't know you're capable of it.

Rico: Sagutin mo na lang yung tanong ko kesa saktan mo ako nang saktan :(

Jhing: Hmm. . .

Jhing: Mag iisip ako.

Rico: Tagal naman.

Jhing: Wala pa ngang 1 second! Wait lang!

11:34pm

Rico: Tagal :(

11:35pm

Jhing is typing. . .

11:36pm

Jhing: I'd like a guy who respects me. Cause if he do, he'll accept me for who I am, what I am and what I'm going to be together with him. Hindi man siya sumang ayon lagi sa akin, atleast he'll be willing to understand. He'll love me for who I am. Gusto ko rin irespeto niya na ayaw ko nang mahal lang niya ako.

Jhing: I don't want to be a part of the huge percentage wherein couple live in together with only 'love' as their weapon. 

11:37pm

Jhing: Hindi naman pwedeng gutom kayo pati ang mga anak niyo at sasabihin niyo na lang, "anak, titigan mo lang kami ng papa mo then you'll feel better."

Rico: Hahahahahahahahaha!

Rico: Nak, tingin kay papa. Mabubusog ka na sa sobrang yummy ni papa.

Rico: ᕙ( ͡° ͜ʖ ͡°)ᕗ

Jhing: Exactly!

Jhing: Wtf yang emoticon na naman na yan

11:38pm

Rico: Yaan mo na! Pagpatuloy mo na sasabihin mo.

Rico: ᕙ( ͡° ͜ʖ ͡°):*・°☆

Jhing: Ugh. Ignoring the annoying emoticon.

Jhing: Ikaw?

Rico: Ako?

Jhing: Don't ask. Just answer.

Rico: I want a girl who wants to be respected.

11:39pm

Jhing: Gago.

Rico: Hahahahahahahahahaha 

Rico: Di ba gusto mo sa lalaking napapatawa ka?

Jhing: O?

Rico: Eh di gusto mo ako?

Seen 11:41pm

11:42pm

Jhing: Shutanginames! ANG LANDI LANDI MO!

Jhing: Back to the fucking game. Sino na magtatanong?

11:43pm

Rico: Di ko alam tanong ka rin nang tanong naguluhan na ako. :(

Jhing: Ako na lang magtatanong, shet ka.

Jhing is typing. . .

11:44pm

Jhing: Do you believe in soulmates?

Rico: Soulmates? HAHAHAHHHA CHILDISH, BABY JHING.

Jhing: Gago ka a.

11:45pm

Rico: I do and always will.

11:46pm

Rico: Sa tingin mo nakilala mo na ang soulmate mo?

Jhing: Why'd you ask?

Rico: Ewan ko rin.

11:47pm

Jhing is typing. . .

Jhing: I really don't know. Paano ba malalaman na nakilala mo na ang soulmate mo?

11:49pm

Rico: Siguro pag nagkita kayo, mapapatigil ka sandali sa lahat ng ginagawa mo para matitigan sa mata 'yung taong 'yun? Tas mawawala lahat ng ingay sa paligid tas parang kayong dalawa lang nandun sa lugar.

Rico: Hashtag KiligToTheBones

Rico: (๑→‿ฺ←๑)

11:50m

Jhing: Oh god Jesus Crux, that's the cheesiest thing you've ever said. Nakakarindi!

Rico: Minsan lang hindi mo pa ako pagbigyan!11!11 Bakit ka ganyan sinisira mo lagi diskarte ko. May galit ka ba sa akin?! :((

Jhing: Haha :p

11:51pm

Rico: Tama na yan, Jhing. Magbalat na lang tayo ng patatas. :(

Jhing: Gawin kaya kitang patatas tapos ikaw balatan ko?

11:54pm

Rico: Sadista :(

Rico: Jhing. . .

Jhing: What?

11:57pm

Rico: Anong number mo?

11:59pm

Jhing: 23

Rico: Talaga?! 23 number mo? Akala ko 11!

Rico: (((( ;°Д°))))

12:02am

Rico: Bakit ang korni mo na Jhing?????????

Rico: Anong nangyari sayo?

Rico: Bilog ba ang buwan?

Rico: BAKIT?!?!?!?!?!

Rico: OTL

12:18am

Jhing: OA mo a!

Rico: Ano na kasi cellphone number mo?

Jhing: Kapag binigay ko sayo yung number ko, mawawalan ako.

Rico: Jhing. . .

Jhing: What?

Rico: Bakit ka naging ganyan? ლ(ಠ_ಠლ)

12:19am

Rico: Anong nangyari? щ(ಥДಥщ)

Rico: Kung may problema ka pwede mo naman sabihin saken hindi yung nagkakaganito ka щ(ºДºщ)

Jhing: Haha! Bwisit ka!

Rico: Ang korni mo na Jhing. Iba ka na :(

Jhing: Nakakainis ka na. Ayaw ko na nga magjoke.

Rico: Nagjoke ka pala?

12:20am

Jhing: Fuck you.

Rico: Joke lang! Hahahahahahaha joke lang di na Baby Jhing wag na galit :">

Rico: Natawa naman ako ng mga 2.0243 seconds sa joke mo eh hahahahaha

Rico: Improving ka na :">

Jhing: I fucking hate you.

Rico: The more you hate the more you love :)

12:21am

Jhing: Lol.

Rico: HARSH O_O

Rico: Nawala na tayo sa laro natin :(

Jhing: Puro ka kasi kalokohan!

12:23am

Rico: Ako? Kalokohan? IMPOSIBLE.

Rico: Tanong: anong mas gusto mo, mas matanda sayo o mas bata?

Jhing: Na ano?

Rico: Lalaki?

12:29am

Jhing: Mas matanda.

Rico: Tagal reply mukhang pinag isipan mo nang sobrang buti ah?

Jhing: :p

Rico: Ilang taon ka na?

12:31am

Jhing: Huh? 22 bakit?

Rico: 24 na ako :D

12:32am

Jhing: Ayoko sa isip bata na nagpapanggap na matanda.

Rico: Sinong isip bata?

Jhing: I don't know. Maybe. . .you?

12:34am

Rico: Me? Certainly not, Ms Blanco.

Rico: Being playful at times does not show that I have a child-like mind. I just tend to be cheerful to make you smile but if you want to have a serious conversation, then you can just ask for it.

12:35am

Jhing: Okay, Mr. English-nang-English Crux. What's your opinion regarding PDAF?

12:36am

Rico is typing. . .

12:37am

Rico: Goodnight, Jhing!!!!!! Salamat sa oras yay :D

Jhing: Serious conversation pala a.

Rico: Nosebleed :(

12:43am

Rico: Sinong villain na lang ang malandi? :DDD

Rico: Eh di si Malandificent. Boom panes!

12:55am

Jhing: RIP joke ni Jesus Crux you will no be fucking missed! GOODNIGHT!

12:58am

Rico: Sorryy pooooooo D:

Rico: May nangyari ba sayo ngayong araw, Jhing?

Seen 1:02am

Rico: Sabi ko nga matutulog na ako. :<

Rico: Good mornight, Baby Jhing. :D

Jhing: Yeah, good mornight. :)



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

Malandificent joke from my friend, Zuberu-sama. Hahahaha korneh e :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top