Day 047
11:11pm
Rico: Huy.
Jhing: Don't bother me with that destiny shit of yours.
Jhing Or meet up.
Jhing: Or you being a creep.
11:12pm
Rico: Grabe!! Andami mong sinabi Huy lang sabi ko huhu
Rico: Pero hindi na po :(
Rico: Sa ngayon >:D
Rico: May tanong lang ako.
11:13pm
Jhing: ?
Rico: Anong tipo mo sa lalaki?
Rico: Pwera sa hindi ako?
11:14pm
Jhing: Wala.
Jhing: Hindi ikaw. Yun lang.
Rico: Bakit ang sama mo sa akin? TT ^ TT
Jhing: Haha :p
11:17pm
Rico: Alam mo kung anong tipo ko sa babae?
Jhing: Wala akong paki.
Rico: Yung tulad mo :">
Seen 11:19pm
Rico: Pwera yung seen
Rico: Tapos medyo kontian ung kasungitan
Rico: Oks na ako.
11:20pm
Jhing: Leche.
11:23pm
Rico: Pwede mo bang irecord yung leche tapos send mo saken?
Rico: Gawin kong alarm para ikaw agad marinig ko pag gising ko
Jhing: Tigilan mo ako.
11:25pm
Rico: Hahahaha
Rico: Seryoso ako :D
Rico: Paano mo ba sinasabi ang leche?
Rico: Malumanay? Masungit? Pataas?
11:26pm
Jhing: Anong problema mo?
Rico: Curious lang ako kung anong boses mo.
11:29pm
Rico: Masungit? Brusko? hahahaha!
Jhing: Ewan ko sayo.
Rico: O baka naman mahinhin?
Seen 11:32pm
Rico: Ah! Mahinhin? Hindi makabasag pinggan na boses pero masungit?
Rico: Wow angas nun.
11:36pm
Rico: Parinig ng boses :D
11:38pm
Rico: Sa akin kasi, husky voice.
Rico: Alam mo ung bed room voice?
Rico: sexy ng boses ko eh
11:49pm
Jhing: Asa ka pa.
Rico: Antagal ng reply!
Jhing: Pinagnilayan ko pa kasi kasinungalingan mo.
Rico: Grabe :(
11:51pm
Rico: Seryoso ako sa boses. ko
Rico: Magkita tayo para malaman mo.
Jhing: Tigilan mo ako.
Rico: Bigay mo number mo tapos tatawagan kita.
11:53pm
Jhing: At kukulitin mo ako buong araw sa phone? No thanks.
Rico: Wow medyo feeling ah
Rico: Hahahahahahahha
11:59pm
Rico: Paano mo nalaman plano ko?!
12:02am
Jhing: Ewan ko talaga sa'yo.
Rico: Paano mo maririnig boses ko?
12:05am
Jhing: Hindi na kailangan.
Rico: Dito na lang.
12:07am
Jhing: ?
12:12am
Rico: Magsend ako ng voice mail.
12:22am
Rico: Bakit ayaw masend.
Rico: Bakit ganito?
12:26am
Jhing: Error sa sobrang pangit ng boses.
Rico: Wow! Parang ang sexy voice naman ata ng boses ko
Jhing: Kadiri ka.
Rico: Aray ko naman!
12:28am
Jhing: Haha :p
12:37am
Rico: Bakit ganito. Ayaw magsend :(
Jhing: Ano ba kasing gusto mo sabihin?
12:38am
Rico: "Ang gwapo ko."
Jhing: Kaya naman pala ayaw magsend.
Jhing: Virus.
12:41am
Rico: O_______O
Rico: TT_______TT
Jhing: Haha!
12:54am
Rico: Ayaw talaga magsend. :<
1:03am
Jhing: Maybe because we're not destined to know each other that well.
Rico: Nosebleed!
Rico: Para sa boses lang nag Hashtag Hugot ka na?
1:11am
Jhing: I need to sleep.
Rico: Pero!!!
1:19am
Jhing: Goodnight. :)
1:21am
Rico: Bakit ang bait ng goodnight mo :(
Rico: Hindi ako sanay :(
1:27am
Jhing: Tangina goodnight na nga sabi!
Rico: Ayan!!!!
Rico: Jhing na Jhing! Ahahahaha!
1:33am
Rico: Pero madaling araw na D:
Jhing: Ewan ko sayo!
Rico: Goodmornight My Seen Queen na hindi na ako masyadong siniseen :D
1:35am
Rico: Leche :">
--
Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top