Day 030
11:11pm
Unlikely Person: Hi Jhing!
11:22am
Jhing: wtf.
Jhing: anong problema mo?
Unlikely: Ha? Bakit na naman!
Jhing: What the hell. Unlikely? Really?
Unlikely: Sabi ko naman sa'yo di ba. . .
11:24am
Jhing: Change that.
Unlikely: Pero :(
Jhing: Ewan ko sa'yo.
Unlikely: ito na nga! :(
11:33pm
Unlikely: Pinalitan ko na pero 24 hours pa raw hihintayin ko :(
Unlikely: huhuhuhuhu sapilitan sa pagpapalit ng pangalan :(
Unlikely: Wala na talagang free will sa demokratiko nating bansa D:
Jhing: Ang sabog mo, alam mo 'yun?
11:38pm
Unlikely: Hindi naman ah?
Jhing: Orily
Unlikely: Matino ako.
Unlikely: Ako ang pinaka matinong makakausap mo sa buong buhay mo O_O
12:25am
Jhing: Sinong niloko mo?
Unlikely: :(
Unlikely: Nagsusulat ka?
Jhing: Medyo pero nawala ako sa mood eh.
Jhing: Nag pm ka kasi
Unlikely: Awtsu. Tulog na ba ako?
12:26am
Jhing: Waw ano ako nanay mo?
Jhing: I'm bothered with your name.
Unlikely: Natanong lang :(
Unlikely: Hayaan mo na! :))
Jhing: Ok.
Jhing: Paano kung sinabi kong wag kang matulog?
Unlikely: Eh di hindi matutulog :D
Jhing: O sige wag ka matulog pero matutulog ako. Kwentuhan mo ako. Every 5 minutes dapat may kwento ka hanggang pag gising ko.
Jhing: Keri?
12:30am
Unlikely: Okay. Goodnight Jhing.
Unlikely: Isang araw. . .
12:35am
Unlikely: Umulan nang malakas pagkarating ni Rico sa opis niya dati. Tamad na tamad ang mga kaopisina niya. Obvious na obvious. Pagkaupo niya sa sariling upuan, nilingon niya ang kaibigan niyang tawa nang tawa sa harap ng computer
12:40am
Unlikely: Nagtanong si Rico "gusto mo na bang ihatid kita sa mental? Sabihin mo lang."
12:45am
Unlikely: Itago natin sa pangalang Petra ang opismeyt na yun. Natigil lang sa pagtawa si Petra matapos ng ilang minuto.
12:50am
Unlikely: "Gago kasi tong binabasa ko ang sabog ng kwento. Ginawang shampoo yung PHcare hahahahahahahaha" sabi ni Petra.
12:55am
Unlikely: Nagtaka si Rico. "seryoso ako. Gusto mo bang ihatid na kita sa mental?"
1:00am
Unlikely: Hindi makakalimutan ni Rico ang batok na natanggap niya galing kay Petra.
1:05am
Unlikely: "Bakit ka nagbabasa?!" tanong ni Rico kay Petra. "Wattpad tawag dito boy. Tapos itong binabasa ko. Diary ng Medyo Malandi, slight lang! Ang sabog ng kwento pero may matutunan. Galing lang. Try mo."
1:10am
Unlikely: "Pero may trabaho pa tayo." sabi ni Rico
1:15am
Unlikely: "Wala si sir. Absent." sabi ni Petra.
1:20am
Unlikely: Labag sa loob ni Rico ang pagbabasa pero sinuhulan siya ni Petra ng lunch. Pagbukas niya ng site na wattpad, una niyang pinuntahan ay ang binabasa ni petra pero hindi siya mahilig sa teens kaya naghanap pa siya ng iba.
1:25am
Unlikely: Nagscroll siya hanggang sa mabasa niya ang isang title na "A writer's own love story" Clinick niya yun at sa hindi malaman na dahilan, may nabasa siyang pangalan sa dedication.
1:30am
Unlikely: JhingBlanco.
1:35am
Unlikely: "Sino si Jhing Blanco?" tanong ni Rico kay Petra pero tawa lang nang tawa ang katabi ni Rico. Nabaliw na si Petra. Curious naman si Rico kung sino yung dinedicate-an ng kwento.
1:40am
Unlikely: Naglibot siya sa 'my works' ng author na yon at naghanap ng pang lalaking title. Ang daming pages ng kwento. Naisip pa nga niya, "may buhay pa kaya to? Bakit ang daming kwento?"
1:45am
Unlikely: Hanggang sa napatigil siya sa isang title. "Seven Degrees of Separation" Paborito ni Rico ang kantang yun.
1:50am
Unlikely: Inuna ni Rico ang his side. . . sunod ang her side.
1:55am
Unlikely: At ang unang nasabi ni Rico ay. . ."wow"
2:00am
Unlikely: Pagkatapos mabaliw ni Petra sa pagbabasa, tinanong siya ni Rico kung sino si Jhing.
2:05am
Unlikely: "Magaling siya eh. Ang sungit lang." sabi ni Petra.
2:10am
Unlikely: "Gaano kasungit?" tanong ni Rico.
2:15am
Unlikely: "Try mo kausapin. Yun ay kung kakausapin ka niya." Binigay ni Petra ang link ng facebook ng Jhing.
2:20am
Unlikely: "Hmmm interesting," sambit ni Rico.
2:25am
Unlikely: Gumawa ng facebook account si Rico na may pangalan na Sir Dirham. Masungit daw kasi kaya kailangan niyang mag-step up. Sir Dirham ang pinili niyang pangalan dahil nakita niya ang picture ng masungit niyang boss at may nabasa siyang comment sa status nung Jhing. Fangirl ata niya.
2:30am
Unlikely: Ang gwapo gwapo talaga ni Daniel Dirham!!! Thank you ate Jhing sa pagpapakilala mo sa kanya sa amin!!! > ///// <
2:35am
Unlikely: Naisip ni Rico, baka mapansin siya ni Jhing kung gamitin niya ang Dirham.
2:40am
Unlikely: Pero nagkamali si Rico dahil hindi siya pinansin ni Jhing.
2:45am
Unlikely: Sa sobrang pagkainip ng ilang araw na puro seen, binasa niya ang A writer's own love story ni sic at nabasa niya ang Rico na pangalan. "Uy, maganda pangalan ah," naisip niya. Love story 'yun ng isang writer at reader. Si Jhing at Rico.
2:50am
Unlikely: Pinalitan niya ang pangalan niya sa account na ginawa, iniisip na baka mas lalo siyang pansinin ni Jhing kung paboritong pangalan ng author ang gagamitin niya. Pero hindi nagbago ang pakikitungo ni Jhing sa kanya. Mapa Sir man o Rico ang pangalan.
2:55am
Unlikely: Ang sungit pa rin. Nabadtrip na nga si Rico dahil ang snob.
3:00am
Unlikely: Hanggang sa isang 11:11pm. . .
3:05am
Unlikely: Nagrereply na siya nang maayos.
3:10am
Unlikely: Nakakausap na niya si Jhing minsan na lang ma-seen.
3:15am
Unlikely: Hindi malaman ni Rico kung bakit pero natuwa siya sa pagrereply ni Jhing kahit masungit pa ang reply.
3:20am
Unlikely: Pinagmalaki na nga ni Rico ang usapan nila ni Jhing kay Petra kahit hindi na sila magkatrabaho. Natawa pa nga siya dahil sobrang inggit si Petra. Nasabi na lang ni Rico, "wala eh. Gwapo eh."
3:25am
Unlikely: Batok ang naabutan niya kay Petra.
3:30am
Unlikely: Pero hindi maiaalis ng batok na 'yun ang saya ni Rico sa tuwing lalapit na ang 11pm. Kasi sigurado siyang magpPm na siya at sigurado siyang hinihintay ni Jhing ang PM niya tuwing 11pm.
3:35am
Unlikely: Araw araw, inaabangan ni Rico ang 11:11pm para masend niya ang message niya.
3:40am
Unlikely: Replyan man ni Jhing o hindi. Okay lang sa kanya.
3:45am
Unlikely: Naging daily dose of 11:11 ni Rico si Jhing.
3:50am
Unlikely: Hinihiling din niya na sana ay siya ang daily dose of 11:11 ni Jhing.
3:55am
Unlikely: Naging close sila dahil sa kakulitan at effort ni Rico.
4:00am
Unlikely: Ano nga naman mapapala nila sa kasungitan ni Jhing di ba? Sa seen naging close?! Hindi syempre! Sa effort ni Rico talaga yun! Kaya ayun.
4:05am
Unlikely: Nagkapanatagan sila ng loob at mas lalong naging close.
4:10am
Unlikely: Nagkukwentuhan.
4:15am
Unlikely: Nagsusungitan.
4:20am
Unlikely: Nagkukulitan.
4:25am
Unlikely: Nagsi-seen-an.
4:30am
Unlikely: Madalas nang puyat si Rico para kay Jhing.
4:35am
Unlikely: Madalas na ring puyat si Jhing dahil kay Rico.
4:40am
Unlikely: Hindi natatapos at nagsisimula ang araw nila nang hindi sila nag-uusap. Masaya talaga sila.
4:45am
Unlikely: Kahit masungit si Jhing.
4:50am
Unlikely: Hanggang sa isang araw, nagising si Rico na hindi na siya mapakali.
4:55am
Unlikely: Parang hindi niya dapat maisip at maramdaman 'yun pero, wala eh. Sobrang kabado siya buong magdamag. Hindi na siya makagawa ng designs sa sobrang gulo ng isip.
5:00am
Unlikely: Hindi nawala ang malakas na tibok ng puso niya hanggang sa mag gabi na. Hindi rin siya mapakali. Patingin-tingin siya sa orasan.
5:05am
Unlikely: "Puta, anong nangyayari sa akin?" tanong niya sa sarili.
5:10am
Unlikely: Nag online siya.
5:15am
Unlikely: Sabik na sabik siyang magpunta ng facebook at tingnan ang message box nila ni Jhing.
5:20am
Unlikely: Walang reply si Jhing. Seen lang.
5:25am
Unlikely: Pero kahit seen lang ang nakita. Nakangiti pa rin si Rico.
5:30am
Rico: Tinipa niya ang gusto niyang sabihin kay Jhing. "Hi Jhing. Missed me?"
5:35am
Unlikely: Nakaready na ang sasabihin niya sa gabing 'yun.
5:40am
Unlikely: Tumingin siya sa orasan.
5:45am
Unlikely: "putspa bakit ang tagal ng 11:11pm?!" tanong niya. 8pm pa lang kasi.
5:50am
Unlikely: Kaya naghintay siya.
5:55am
Unlikely: Naghintay siya nang naghintay hanggang sa. . .
6:00am
Unlikely: Nagpm si Jhing. 11:11pm.
6:05am
Unlikely: Sabi niya. . .
6:10am
Unlikely: "I miss you Rico :)"
6:15am
Unlikely: Gulat na gulat si Rico sa nangyari at parang sasabog na ang puso niya hanggang sa bigla na lang.
6:20am
Unlikely: Nagising siya.
6:25am
Unlikely: Panaginip pala.
6:30am
Unlikely: Napatitig si Rico sa kisame habang pawis na pawis ang katawan. Ang dilim ng paligid at naiwan niya ang laptop na nakabukas. Nakatulog pala siya.
6:35am
Unlikely: Napatitig siya sa kisame at nag-isip nang malalim.
6:40am
Unlikely: Nakakagulat dahil hindi naman nag iisip masyado si Rico lalo na kung malalim.
6:45am
Unlikely: Pinatong niya ang kanyang braso sa noo at pumikit nang ilang beses.
6:50am
Unlikely: "Ano ba tong iniisip mo Rico?" tanong niya sa sarili.
6:55am
Unlikely: Tumingin siya sa orasan.
7:00am
Unlikely: 11pm.
7:05am
Unlikely: Mabilis siyang kumilos at kinuha ang laptop.
7:10am
Unlikely: Tumingin ulit siya sa orasan. 11:03pm.
7:15am
Unlikely: "Shit! Malapit na mag 11:11!"
7:20am
Unlikely: Reload siya nang reload dahil ang tagal ng loading ng facebook hanggang sa. . .
7:25am
Unlikely: Unable to connect to the internet.
7:30am
Unlikely: "*!#^$%@%@! *censor* BAKIT *censor* NGAYON *censor* PA?! @%^#%@$"
7:35am
Unlikely: Tumingin ulit siya sa orasan.
7:40am
Unlikely: 11:11pm na!
7:45am
Unlikely: Fuck.
Unlikely: Este *censor*!
7:50am
Unlikely: Napahilamos siya ng mukha sa sobrang pagkainis. Muntikan pa niyang mabato ang laptop niya.
7:55am
Unlikely: Hanggang sa naisip niya. . .
8:00am
Unlikely: Bakit niya babatuhin ang laptop niya eh sobrang mahal nun at regalo niya sa sarili ang laptop noong unang sweldo niya? May Burger King naman sa kabilang kanto. Isang sakay lang ng jeep at may wifi. Masarap pa ang burger!
8:05am
Unlikely: Hindi naman siguro maiinip ang daily dose of 11:11 niya.
8:10am
Unlikely: Hindi naman siguro magagalit ang babaeng 'yun kahit masungit.
8:15am
Unlikely: Hindi naman siguro mapapansin ni Jhing kung hindi siya makapag pm ng saktong 11:11
8:20am
Unlikely: Nagpunta si Rico sa Burger King kahit nakaboxers at puting sando lang.
8:25am
Unlikely: Hiningi niya agad ang password at nagconnect gamit ang phone.
8:30am
Unlikely: Masaya siya nang magload agad ang fb pero pinigil siya ng isang waiter at sinabing mag order muna bago magpakasaya sa internet. Kaya nag order siya.
8:35am
Unlikely: Tiningnan niya ang messenger at nagulat nang makitang may unread message galing kay Jhing.
8:40am
Unlikely: Ang nakalagay?
8:45am
Unlikely: "I miss you Rico :)"
8:50am
Unlikely: Nagulat si Rico. Muntikan pa niyang mabuga ang kinakaing burger pero mahal ang burger kaya nilunon na lang niya. Nagreply siya.
8:55am
Unlikely: "SINO KA AT ANONG GINAWA MO KAY JHING?!?!?!?!"
9:00am
Unlikely: Natawa ang gumagamit ng facebook ni Jhing. Hindi niya narinig syempre. Dun lang sa chat, naka "hahahaha!" lang with emoticon na :))))))
9:05am
Unlikely: "Leche ka pinaghintay mo ako ng 11:11pm! Kung kelan naging tayo na tska mo ako kakalimutan?! Magbreak na lang kaya tayo?!" sabi ni Jhing.
9:10am
Unlikely: "Ay, sorry babe ;)" reply ni Rico habang nakangiti.
9:15am
Unlikely: "Sasayangin mo ba ang 2 years relationship natin? :">" dagdag pa niya.
9:20am
Unlikely: "Leche!" sabi ni Jhing.
9:25am
Unlikely: "Leche." sabi ni Rico
9:30am
Unlikely: Hindi lang sila Gus at Hazel may karapatan magkaroon ng Okay? Okay. di ba?
9:35am
Unlikely: Dahil sila Rico at Jhing na nagsimula online
9:40am
Unlikely: Meron din.
9:45am
Unlikely: Courtesy of Jhing syempre siya masungit eh
9:50am
Unlikely: Leche! Leche.
9:55am
Unlikely: Mas intense kanila dahil exclamation point.
10:00am
Unlikely: Leche forever!
10:05am
Unlikely: Hashtag KiligToTheBones
10:10am
Unlikely: The end.
Unlikely: Hindi ka pa rin gising? :(
Unlikely: Gising na Jhing. . .
Unlikely: Antok na ako :(
10:19am
Unlikely: Jhing :(
Seen 11:02am
Unlikely: Gising ka na!!!!!!!!!!!!!
Seen 11:05am
Unlikely: Nasiseen pa rin ako. . . :(
Jhing: Uto uto ka pala eh no
Jhing: Mag antay ka nagbabasa ako.
Unlikely: Okay po D:
Seen 11:18am
12:43pm
Jhing: Sabi ko mag kwento. Hindi mag imbento.
Unlikely: Sinong nagsabi na imbento ko lang to?
Jhing: Tigilan mo ako. Tanghaling tapat iniitress mo ako
Unlikely: Pero :(((
Jhing: Sabog ka na itulog mo na yan.
Unlikely: Hahahaha sige. Tulog na ako. Di na ako makakapagtrabaho nito :(
12:50pm
Jhing: Ok. Bye Unlikely
Unlikely: Masaya ka na nyan? Huhu
Unlikely: Good noon :)
Seen 1:01pm
Unlikely: Girlfriend ;)
Jhing: Yak fck stop it!
Unlikely: Hahahahahahahahahaha good afternoon :)
Unlikely: Mag goodafternoon too ka sa akin pls!
Unlikely: Sayang naman effort ko sa pagkwento :(
Seen 1:25pm
Unlikely: Awts. Okay sige . . .
1:30pm
Jhing: Good Afternoon. Sleep well. :)
1:32pm
Unlikely: Thank you. I will surely sleep well because of you. :">
Jhing: Watever
Unlikely: Hahahahahaha matutulog na talaga ako. :D
Jhing: Ok.
Unlikely: Huwag ka na magreply pls. Napipilitan akong magreply eh
1:34pm
Jhing: Ayoko nga.
Unlikely: Awww, maawa ka sa akin :(
Unlikely: Patulugin mo ako.
Jhing: Pinapatulog na nga kita di ba
Unlikely: Pero nagrereply ka pa rin :(((((
1:35pm
Jhing: Di na ako magrereply kahit kelan
Unlikely: Hindi na ako matutulog kahit kelan.
Jhing: Shatap. Sleep. Now.
Unlikely: Demanding :">
Unlikely: I like that about you. :">
Seen 1:43pm
Unlikely: Ahahahahahaha tulog na talaga ako.
Unlikely: 1:43 :D
Seen 1:44pm
Unlikely: ;)
--
Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top