chapter 23


Carla POV

Nakaupo kami ngayon dito sa pangdalawahang table sa cafeteria ni jonathan.

Nag order ako ng lasagna at coke. Siya pizza na isang box. Tang'ina mauubos niya kaya yan?  May dalawa pa siyang sprite na panulak

"Hinay hinay naman,  baka mabulunan ka"- biglang sabi ko sa kanya

"Cough **** cough ***"- mabilis niya nalang kinuha ang sprite niya at ininom ito.

"Hahahaha... Bilis nga naman ng karma"- sabi ko habang natatawa

"Tsk "- siya. Prrfftt... Matampuhin..

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa clinic. Pagpasok namin wala na kaming nadatnang Tao.

"Nurse joy nasan na sila pres? "- tanong ko kay nurse joy

"Kanina pa sila umalis, bakit? "- siya

"Ah.. Ok po. Segi po alis na kami"- paalam ko kay nurse joy at hinila na palabas si jonathan

"Ano ba!  Palagi ka nalang nanghihila baka hindi mo na namalayan nahila mo na pala puso ko"- biglang sabi ni jonathan

Napangiwi naman ako sa banat niya.
"Tigilan mo ako at baka iwan kita dito"- sabi ko sa kanya

"Aww...Nakakahurt ka naman.. Kahit iwan mo ako hindi naman kita iiwan at titigilan e. Kasi mahal kita"- sabi niya na ikinatigil ko

"A-no? "- utal na tanong ko sa kanya

"Hahahaha... Ito naman seneryoso mo joke lang"- sabi niya at inakbayan pa ako.

Parang may kung anong kirot sa puso ko nang sabihin niya ang salitang joke. Tsk!  Ano naman ngayon

"Haist!  Tara na nga"- sabi ko at nauna nang maglakad

"Hahaha.. Hoy!  Hintay"- sigaw niya
Hindi ko nalang siya pinansin.

-------------------------------------------------------------

Nandito kami ngayon sa gym. May practice kasi ang volleyball girl at boys naisipan na namin ni jonathan na manood. Tutal hindi naman namin nakita yung tatlo na nang iwan.

"Jonathan "- tawag ko kay jonathan pero wala akong makuhang sagot sa kanya. Tinignan ko siya at ang gago nakikipaglandian na pala siya sa isang volleyball girl.

😒 ako kasama niya. Iba ang inaatupag niya. Tumayo na ako at iniwan na siya doon.

Bahala siya sa buhay niya. Teka nga bakit ba ako nagagalit? Ayuko nang nararamdaman ko ngayon.. Kainis..

Habang naglalakad ako sa field nakita kong nag papractice din ang mga football team.

Napangiti naman ako ng makita ko si Ben. Ang gwapo niya talaga.

Pumunta ako sa railing. Nandito kasi ako sa taas at sa baba pa ang field. Kaya medyo malayo sila sa akin.

Nakatingin lang ako kay Ben ng marinig kong may sumigaw

"MISS ILAG!! "- huli nang marealize ko ang lahat. May kung anong bagay na tumama sa ulo ko kaya napaupo ako.

Napapikit ako ng maramdaman kong nahihilo ako.

"Shit! "- mura ko

"Miss ok nalang.. Nako sorry "- dinig kong may nagsalita at umalalay sa kin. Wait!  That voice. Inaninag ko ang taong yun pero blur ang paningin ko. And the next thing I knew everything went black

-------------------------------------------------------------

Pagkamulat ko ng mata ko. Puti ang bunungad sa akin. Wait!  Dont tell me Im dead? No!

"Miss ok kana ba? "- gulat akong napatingin sa taong nagsalita. Don ko lang narealize na nasa clinic pala ako. Tsk. Akala ko naman nasa langit na ako.

"B-en"- utal na tawag ko sa kanya. Kyyahhhh.. Pwede na ba akong kiligin?

"Oh!  You know me.. Pasensya ka na pala kanina.. A-ko kasi ang sumipa nh bola na tumama sa ulo mo"- paliwanag niya.

Oh!  Thanks to that ball.

"Nako ok lang. Medyo ok naman ako"- sabi ko sa kanya at hinawakan ko pa ang ulo ko

"You sure? "- tanong niya. I nod to him

Bigla namang dumating si nurse joy

"Miss carla sabi ni doc. Pwede na kayong lumabas ok naman po kayo"- sabi niya. Pagkatapos niyang sabihin yun nagpaalam na siya sa amin na babalik na siya.

Nagayos na ako ng sarili ko at tinulungan naman ako ni ben. Ngayon naglalakad kami papunta sa cafeteria. Sabi niya daw nagugutom na daw siya e. Hahahaha.. Siya pa nagutom sa aming dalawa.

Pagdating namin sa cafeteria all eyes on us. O huh!  Ano kayo ngayon kasama ko lang naman ang pantasya ng bayan nilang si Ben hyunson. Hahaha

"Ako na mag oorder sa atin"- sabi niya. Tumango naman ako. Kaya ngayon naghahanap ako ng mauupuan namin.

Nakahanap naman ako kaagad. Kaya ngayon hinihintay ko nalang siya.

Hindi naman nagtagal nakabalik na siya. May dala siyang dalawang tray. Binigay niya sa akin ang isa. Pagkaupo niya kumain na kami.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo ng maayos"- nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Carla"- ako at nilahad ang kamay ko

"Smile* Ben"- sabi niya at nag shake hand kami. Nako hindi na ako maghuhugas mamaya ng kamay. Shit!  Nahawakan ko kamay ng crush. Ko

"Let's eat"- sabi niya. Napatango naman ako at kumain na kami.

------

Pagkatapos naming kumain hinatid niya ako sa bahay. Sabi ko nga sa kanya na wag na dahil naabala ko pa siya. But he insist para naman daw makabawi siya sa akin.

Wala na akong nagawa at pumayag nalang.

"Thanks ulit"-huling sabi ko sa kanya pagkababa ko sa kotse niya.

"Carla ..take care bye"- huling sabi niya at umalis na.

Ako naman naiwang nakatulala dito sa gate namin.

O to the m to the g!!! 

"Sinabihan niya akong magiingat ako"- sabi ko sa sarili ko

"Waaahhhhhhhhh"- tili ko

"HOY! "

"AY KALABAW! "- sigaw ko dahil sa gulat. Tinignan ko naman ng matalim ang pinsan ko na hindi magkamayaw sa kakatawa

"Hahahahaha... "- siya

"Sei tawa pa. Matuluyan ka sana"- inis na sabi ko sa kanya

"Ehem.. Pprftt.. Ok.. Haha
..ito hahaa na..titigil hahahana ako"- siya. Anong titigil  na? Gago ba to tawa pa din kasi ng tawa

"Ito na talaga... Ehem... Sino yun? "- tanong niya

"Tsk.. You don't care"- inis na sabi ko at pumasok na. Sinundan niya naman ako.

"Hoy!. Sino nga yun?  Coz! "- sigaw oa niya 

"Wala kaibigan ko lang"- sabi ko at umakyat na sa taas. Pero ang hinayupak sinundan pa rin ako.

"Kaibigan daw!  Sus maniwala "- sabi pa niya.

Hinarap ko naman siya at tinaasan ng kilay

"Bakit ba gusto mo siyang makilala?  Type mo?  Nako sinasabi ko na nga ba coz.. Bakla ka talaga"- pangiinis ko sa kanya. Nagulat pa siya sa sinabi ko

"Ako!  Bakla?  No way.. Never akong magiging bakla dami kayang humahabol sa akin"- sabi pa niya

" na ano?  ASO? "tanong ko at diniin ko talaga ang salitang aso

"HINDI!  BABAE ANG HUMAHABOL SA AKIN! "- sigaw na may halong inis niya sa akin

"Hahaha... Babaeng mukhang aso kamo"- sabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Narinig ko pang may sinigaw pa siya sa labas. Natatawa naman ako sa pinsan ko. Inis talo talaga yun.

Pabagsak naman akong nahiga sa kama at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Kyaaahhhhhh!! "- tili ko at nagpagulong gulong pa.

Omg!!  Ang gwapo Niya talaga.

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top