17 // Busted
Chapter 17
I'm still questioning myself what happened yesterday that made me feel so bad about myself. Parang ayoko ngang umalis sa pagkahihiga ko. Ayokong magpakita ng mukha. May mga nakakita no'ng ginawa ko kay Nixon at natatawa pa ako dahil ang tapang ko pa sa puntong 'yong pero ito ako ngayon, ayokong umalis ng dorm unit ko dahil pakiramdam ko wala akong mukhang ipakikita sa kanila.
Nahihiya ako kay Nixon at sa girlfriend niya ngayon na wala namang ginawa sa aking masama pero ako itong nagmukhang kontrabida sa mata ng mga tao. Pero bahala na kung anong maging tingin nila sa akin. Hindi lang naman sila ang tao rito sa mundo para alalahanin ko ng sobra.
Mabigat kong binuhat ang katawan ko mula sa pagkahihiga para lang pumasok ngayong araw. Iyong kasama ko rin dito sa dorm room ko ay tinatanong ako kung papasok ba ako o hindi pero dahil hindi ko siya masagot sa totoong dahilan, gumawa na lang ako ng ibang dahilan para ma-excuse ko ang sarili ko, but there's no excuse not to go anywhere dahil lang do'n.
I'm just gonna go with the flow and live like nothing happened.
Realizing what happened to me, mahirap talaga mag-rely sa ibang tao. You're just trying to help them pero ako pa 'tong naloloko. I'm not even sure kung totoo nga bang jowa ni Nailah si Nixon or she was even saying the truth to me. Sa ngayon, hindi ko na lang talaga alam. She blocked me on my alter ego account, but when I tried looking at her profile using my personal account ay naka-private na no'n and I don't have the luxury to send her a private message dahil malalaman niyang ako 'yong kausap niya.
But whatever her deal is, bahala na siya sa buhay niya.
Pagkalabas ko ng dorm room, huminga ako nang napakalalim as if ang laking bagay no'ng nangyari sa akin, but then I just had to shrug it off dahil hindi lang naman sila ang tao sa mundo. Habang naglalakad, it seems like people starting to look at me and then they will just shift their eyes away after staring at me for a few seconds. Nagtataka naman ako ro'n kasi hindi naman ako pansinin at lalo nang hindi ko makakayang magpa-second look ng mga tao gaya na lamang ng nangyayari ngayon.
The girls looked at me and then they will start talking to each other. Ang mga kalalakihan naman ay mapapatingin sa akin sabay iling ng ulo. Ako rin ay napaiiling ang ulo dahil para silang tanga na titingin tapos ngingisihan ako na para bang kilala nila ako para umasta ng gano'n.
Nang makarating naman ako ng building ng course namin ay napansin ko naman na medyo may kumpol ng mga tao sa bulletin board. Nagtaka naman ako dahil hindi pa naman naglalabas ng dean lister's ang office o kaya naman wala akong naririnig na events na magaganap kaya nagmadali na rin akong tumungo ro'n para maki-chismis.
Sa paglapit ko naman ay hindi ko inaasahang lilingon sa akin ang ilang tao dahilan para umatras sila na para bang may masangsang akong amoy na idinala at nagsilayuan silang lahat sa akin, but then I realize kung bakit nila ginawa 'yon. Nasagot ang kuryusida ko nang makita ko ang pagmumukha ko na nakapost sa billboard at ang aking alter ego na si Vanessa Bieche. There were proofs na ako 'yong taong tinutukoy nga at dahil do'n, nasagot na rin kung bakit ang daming nagtitinginan sa akin kanina pagkalabas ko pa lamang ng dorm room at sa paglalakad ko sa grounds.
Mabilis kong hinablot at nilupi ang naka-post sa billboard dahil pinagkaguguluhan nilang lahat iyon. Tumungo naman ako sa restroom at nagtago ako sa dulong cubicle kung saan ikinalma ko ang sarili ko dahil walang magandang bagay na idadala iyon sa kalusugan ko kaya hinayaan ko na lamang na maging kalmado ako.
Mga sampung minuto rin ang nakalipas at tinitigan ko ang papel na hawak ko. Unti-unti ko naman iyong binuksan at ang nakalagay ro'n ay isang malaking headline ng BUSTED na para bang napakalaking pagkakamali iyong ginawa ko. Napapaisip din naman ako kung sino ang pwedeng gumawa no'n at makakilala sa akin?
Sa pagkaaalam ko, wala akong binigay o ipinaalam na impormasyon tungkol sa alter ego ko at sa pagtulong ko sa mga kababaihan na gusto lamang malaman kung niloloko sila ng mga jowa nila. I thought that was helpful at iyong pinapabayad ko ay ang effort or services na ginagawa ko dahil hindi naman biro itong ginagawa ko. But then, I was the one who's paying the price now. Gusto kong umiyak pero nilakasan ko na lamang ang loob ko. Nandito na 'to... tatakasan ko pa ba?
I've checked my alter ego's account and it received a lot of hateful comments and a lot of them were telling to mass report the account—karamihan ay mga lalaki ang nagsasabi no'n at 'yong mga babaeng nahuli ko before. May mga ilang nagtanggol sa akin, iyong mga babaeng natulungan ko no'n, but them defending me isn't enough.
"Did you know na freshman lang pala 'yong girl na 'yon?" Narinig kong sabi ng isang babae pagkapasok ng restroom.
"True! Super mali 'yong ginawa niya," komento naman ng kasamahang babae nito.
"So, right. Mabuti na lang wala akong jowa ngayon kung hindi talaga, naku, baka ako pa 'yong gawing third party. "
"True ulit! But I guess her motive is great, iyon nga lang... may nakaharap siyang maling tao and this happened to her. I'm so sad for her, but sorry not sorry."
They both laughed and as they left the restroom, tumayo ako sa pagkauupo ko sa inidoro at tinapon ko ang papel sa tubig at flinush iyon. I watched I get drained by the water and then I walked out of the cubicle heading out of the restroom.
Pero hindi ko naman inaasahan na sasalubong sa akin si Blake. Tinitigan pa ako nito at ako na mismo ang unang umiwas ng tingin at naglakad palayo sa kanya ngunit nahabol niya ako at hinawaka sa braso para pigilan.
"So, you're her, huh?" Ngisi pa nito.
"Wala kang pakialam," sagot ko sa kanya.
"I do care because you ruined my relationship and now you gotta pay for it."
"Wala ulit akong pakialam!" I shoved his hands off of me at tumakbo na ako sa kabilang hallway para hindi na niya ako masundan pa.
Hindi ako pumasok sa klase ko at nagtago lamang sa sulok sa library dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. This feels like a nightmare for me. Gusto kong iiyak ang lahat pero ayokong ipakitang mahina ako. I need to be strong... I can't be broken right now. Pinasok ko 'tong bagay na 'to at ngayon ay kailangan kong panindigan ang consequences. I need to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top