15 // Caught

Chapter 15

It's been three days and I still have no new information about Nixon. Para sa akin, isa siya sa mga maiilap na mahuli, hindi kagaya ni Blake na siya mismo ang lumapit sa akin para mahuli ko. Siguro, isa na rin sa dahilan kung bakit napatatagal ang paghuli ko rito kay Nixon ay nawawalan ako ng gana one of these days. Hindi ko alam kung bakit pero natutulala na lang ako minsan saka pumapasok sa isip ko na kailangan ko ng tigilan 'tong ginagawa ko.

I know it helps some girls na malaman kung nagchi-cheat nga ba talaga 'yong boyfriend nila sa kanila. There's some fulifilment in it pero these days, hindi na siya nagsasatisfy sa akin na para bang it's starting to get hard for me to escape the situation.

Hindi ko alam... pero baka dahilan 'to sa pagtanggap ko ng request ni Izzy at si Blake ang naging target. Maybe it's the reason why kung bakit gusto ko ng bitawan 'to and I think after Nixon, I would think thorough my decision to it. isang pindot lamang sa deactivation ng account then I'll be good and hopefully I would find something that would help me financially for the rest of my college years.

I tried sending Nixon a message, but he's not replying to my messages kaya naman nagtataka ako dahil siya pa 'tong naging interested na makipag-meet sa akin pero siya pa 'tong feeling nag-go-ghost this time. Like, what? Siya 'yong nagbigya ng motibo and I'm here just trying to make him feel that I'm also interested at him pero, duh? If this don't work, kailangan ko na rin humanap ng iba pang way para mahuli ko si Nixon.

Nailah's request is just a bit hard dahil siya mismo ang gustong bumuking sa jowa niya. She's been sending me direct messages at wala naman akong matinong maisagot sa kanya kasi hindi ko nga mahanapan si Nixon ng butas para mahuli. I even asked her kung saan madalas magpunta si Nixon and to that question, hindi niya ako nireplayan, lagpas 24 hours na rin since nang mag-usap kaming dalawa.

I'm wondering what could be Nixon's agenda and why it's hard for me to catch him dahil sa tingin ko naman ay hindi siya gano'n kahirap mahuli. Na no'ng first time encounter namin ay halatang bumigay agad siya sa intensyon niyang mapalapit sa akin. If Nixon's a cheater, who could he be cheating with?

Tinanong ko rin 'yan kay Nailah kung may ideya ba siya kung sino 'yong pinaghihinalaan niyang baka kinikita ni Nixon behind her back. Ang sagot niya lang sa akin ay hindi niya alam. Pa'no ko kaya siya matutulungan kung hindi niya rin ako bibigyan ng suffiecient information, right? I feel like her request is a joke, but she paid for it so baka seryoso nga siya ro'n at ako na lang 'tong nagda-drama dahil hindi ko mahanapan ng butas si Nixon. Bad trip lang talaga.

I haven't been able to see Blake these days and that's a good thing for me, though I've been seeing Izzy lately na may kausap na lalaki—same batch lamang nila ni Blake. I don't think she'll be interested to get back to Blake kung niloko siya nito at ngayon na nakahanap na siya ng bago, I think doon na lang niya itutuon ang atensyon niya. Bakit kasi mas priority nila ang magkaroon ng jowa kaysa mag-focus muna sa studies nila? Pero choices naman nila 'yan sa life, but I'm just here if they needed some help. Though decline ko na kaagad kapag si Izzy 'yan dahil masyado siyang maraming gusto sa buhay at ayoko nang maging komplikado ang mag ginagawa ko katulad nitong paghuli ko kay Nixon.

Katatapos lamang ng klase ko at papunta ako sa may football field nang makita ko si Nixon na may kausap na isang babaeng member ng cheersquad. So, I started sneaking photos of them. Napangingiti na lang ako dahil sakto talaga na gusto ko lang maglibang at hindi ko pa inaasahan na makikita si Nixon ngayon kasama ang babaeng iyon.

I took a picture dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Parang kaunting usog na lamang ng mukha ni Nixon ay mahahalikan na niya 'yong babae. The girl seems okay with it and then she kissed Nixon on his cheek and I've got a shot of it.

Maya-maya lamang ay biglang may humawak sa balikat ko at dahan-dahan kong inangat ang tingin ko para tingnan kung sino iyon. I wasn't expecting anyone to be so closed to me pero mas hindi ko inaasahan na si Blake ang nasa harap ko ngayon. Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa ko at umatras papalayo kay Blake.

"What are you doing?" seryoso nitong tugon sa akin. Hindi naman ako sumagot sa kanya. "Did I just caught you on act?"

Tinaasan ko siya ng kilay para depensahan ang sarili ko. Humalukipkip naman ako. "Bakit mo naman natanong 'yan?!"

"You're taking pictures of that guy and that cheerleader together," aniya. Nilingon ko naman kung sino 'yong tinutukoy siya, but shit lang dahil wala na ro'n si Nixon at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hinarap ko muli siya. "Don't you lie to me, Olyvia. Are you spying on them?"

Napasinghal naman ako sa tanong niya at gusto kong humalakhak do'n pero pinigilan ko lang. "Ako? Mag-spy? Duh? Anong nasa isip mo ngayon, Blake? May masabi lang sa akin? If you're not aware, kinukuhaan ko lang ang football field ng picture dahil gsutong makita ng mga high school friends ko. Ayos ka na? And do you remember what I said? We shouldn't be closed to each other. Lumayo ka nga sa akin!"

"I feel like I know what you're doing, Via."

I rolled my eyes, shaking my head. "You don't even know me, Blake."

"I don't personally know you, but I feel like there's many reason why I caught you here. But if you would come clean to me, I wouldn't say a word."

I scrunched my eyes. "Wala akong dapat aminin sa 'yo. There's not a word I would love to say to your face."

"Reallu... Vanessa Bieche?"

At lumagapak ang palad ko sa pisngi niya nang banggitin niya 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Siguro dahil inis na inis na rin ako sa kanya. Namuo naman ang pagkagulat sa mukha niya.

"Don't make me look someone who's not me," aniko. "I can be a bitch, but I'm not Vanessa Bieche. Good thing Izzy found someone and replaced you already. Good for her, and to you, loser. Don't ever talk to me again."

I stormed walking away from her. How could he, right? Pero muntik na rin 'yon. How does he know about Vanessa Bieche? Oh, gosh! I need to be careful now. I need to stop making mistakes.

Gosh, Via! Blake's a disaster!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top