Epilogo

“Good bye, class. You may now leave,” nakangiting saad ni Sir Jude. Ito na ang last meeting ko sa umagang ito. Pagkatapos nito ay gagawa pa ako ng lesson plan, assignment namin sa Education subject.

Akmang pipindutin ko na ang leave button nang biglang nagsalita ang isa kong kaklase, si Yaofe.

“Guys, may chismis ako.” Agad namang nag-open cam at open mic ang mga kaklase ko. Ako lang ang hindi nag-abalang buksan ang camera at microphone ng cellphone ko. “Nag-left na si Sir, 'di ba?”

“Yeah, spill it now, Yaofe.” Huwag magpahalatang atat sa chismis, sis.

“Teka lang, Georgie. Ganito kasi 'yon —” Naputol sandali ang sasabihin ni Yaofe. “Hala! Nandito pa pala sa meeting si Jemimah eh!”

Doon ko na binuksan ang microphone ko. “Bakit? Anong problema?”

“Ikaw kasi ang chismis eh.” Tumawa si Yaofe. “Ikaw ha? Akala ko ba hanggang best friend lang talaga? Balita ko, kayo na raw ni Patrick eh.”

“'Yan lang pala ang chismis mo? Sinasayang mo lang ang data ko! Huli ka na sa balita, almost two months na po sila.” Umugong ang tawanan.

Napailing na lang ako. Akala ko kung anong chismis ang sasabihin ni Yaofe.

Pagkatapos kong maligpit lahat ng gamit ay tumayo ako upang lumabas. Nakaramdam ako ng gutom, ang tagal din naman kasing natapos ni Sir Jude. Oras na talaga ng tanghalian.

Nang mabuksan ko ang pinto ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, biglang umihip ang malakas na hangin. Umiba ang pagtibok ng puso ko, biglang bumilis.

Hindi ko alam kung saan at kailan ko siya nakita pero pakiramdam ko, hindi ito ang unang beses na nagkita kami.

May dala siyang kadena, duguan. Malagkit ang bawat titig niya, diin na diin. Magkalapat ang kaniyang mga labi na namumutla.

Binuka niya ang bibig at nagwika, “Babalik ako, Jemimah!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top