Chapter 7
Isa na siguro sa pinakamasakit na naranasan ko ay ang makita sa ganoong posisʼyon ang taong mahal ko kasama ang babae na minamahal nito. Ang sakit nila sa mata, ang sakit pa sa dibdib.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Hindi ko alam kung tama 'to. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong maramdaman o hindi, pero parang may mali.
Alam ko pala, alam kong mali. Kaibigan ko siya at kaibigan lang din ang turing niya sa akin. Magkaibigan lang kaming dalawa at iyon ang masakit.
Hindi ba talaga maaari? Hindi ba talaga maaari na ako naman ang mahalin niya? Hanggang kailan ba ako magmamakaawa? Ako na lang ba palagi ang dapat lumugar?
Bakit ba ganito? Kahit ilang beses na niya akong itinakwil ay minamahal ko pa rin siya? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Ibang klase.
Ganito ko na ba talaga siya kamahal? Iyong kaya kong maging tanga at harapin ang masakit. Bakit nararamdaman ko ito? Mali ito, hindi ba? Bakit nararamdaman ko pa?
Pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking mga mata na hindi man lang nanghingi ng permiso sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang nais ko na lang umiyak habang patuloy ko silang tinitingnan.
Nais kong isaradong muli ang kurtina pero hindi ko magawa. Nais kong isarado ang bintana pero nanaig ang sakit na nararamdaman ko. Para akong tanga, alam ko na ngang masakit pero nanonood pa.
"Tama, matagal na akong tanga. Mula noong minahal ko si Patrick ay naging tanga na ako. Mula noong inamin ko sa sarili ko na mahal ko ang bestfriend ko ay tanga na 'ko. Bakit pa ako nagtataka?"
Kitang-kita ko ang bawat galaw ng labi nila, kitang-kita ko kung paano halikan ni Patrick si Faye. Bawat galaw ng mga labi nila ay nagdudulot ng matinding sakit sa dibdib ko. Parang hinihiwa gamit ang isang kutsilyo.
Bakit ganoon? Noong nakaraan ay hindi niya nagawang halikan ako? Bakit?
Agad kong iniling ang aking ulo. Bakit niya ko hahalikan? Hindi pala ako ang nobya.
Hindi lang pala ako tanga, ang bobo ko pa.
Muli ko silang tiningnan. Ito pala ang regalo mo sa kaarawan ko, Patrick? Kinasusuklaman ko ang araw na ito, muli mong sinaktan ang damdamin ko.
Huminga ako nang malalim bago isinara ang bintana. Mabuti naman ay nagawa ko na.
"Grabe, pangalawang bangungot pala iyon," wala sa sariling nabigkas ko. "Mukhang mamatay ako ng wala sa oras."
Lumapit ako sa kama at umupo roon. Minasahe ko nang marahan ang dalawa kong tuhod at pilit na pinakalma ang sarili. Dati, ang bintana ko ang paborito kong tambayan dahil nakikita ko si Patrick. Ngayon, nagbago na.
Napatawa ako nang mahina at pagkatapos ay umiling. Kahit naman siguro ilang beses akong masaktan, tatanawin ko pa rin si Patrick.
"Ginayuma yata ako ng lalaking iyon. Ibang klase ang tama ko, eh. Kahit ilang beses na niya akong tinanggihan ay sige pa rin ako ng sige," ani ko at napabuntong hininga.
Kinuha ko ang stuff toy na Pikachu at inilapit sa dibdib koʼt niyakap. Ito ang unang regalo niya saʼkin. Pinilit ko pa siya na bilhin 'to, ayaw niya kasi kay Pikachu pero wala siyang nagawa dahil ito ang paborito ko.
"Akala ko may gusto na siya sa akin noʼn kasi ako ang nasusunod palagi pero hindi pala iyon ang basehan."
Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa stuff toy at inamoy ito makaraan ng ilang segundo. Agad naman na niyakap ng mabangong amoy ang sistema ko. Masama pala na maging assuming, minsan nasasaktan tayo ng dahil doon.
"Ako lang naman ang nag-isip na may gusto siya saʼkin eh. Hindi ko naman masisisi si Patrick kung hindi niya ako kayang mahalin." Ngumiti ako at hinarap ang laruan. "Diba, Pika?" tanong ko sa laruan na parang sasagutin nito ang tanong ko.
Ngumuso ako at muling pinahiran ang luha.
"Pero, bakit nasasaktan a-ako?" tanong ko at sinabayan ng paghikbi. "Bakit nasasaktan ako tuwing nakikitang masaya si Patrick sa iba? Bakit ninanais ko pa rin na sana ako na lang ang minahal niya? Bakit ganoʼn? Bakit masakit?"
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy, "Bakit ayaw ko na makuha siya ng iba? Akala ko ba, tanggap ko na?"
Yumuko ako at sinapo ang mukha. Ganito ba talaga kapag nagmahal? Dapat ko ba talaga na maranasan itong lahat?
Pinagpatuloy ko ang pag-iyak hanggang sa nakaramdam ako ng panghihina. Pagod na pagod na ako.
Gusto ko lang namang mahalin niya rin ako. Gusto ko lang naman na makita niya ako bilang isang babae at hindi bilang isang kaibigan lang.
Dati, natatawa ako kapag may napapanood akong isang pelikula na tungkol sa magkakaibigan na nahulog sa bestfriend niya. Tawang-tawa ako noʼn kasi hindi magandang tingnan. Hindi ko alam na madadaanan ko rin pala.
Ang tanga kasi ni Kupido, bakit niya ako pinana?
Pagkatapos kong pahiran ang mga luha ko gamit ang aking kumot ay muli akong napatingin sa bintana. Ngumiti ako at muling naglakad patungo roon.
Bakit nga ba ako nasasaktan? Dapat maging matatag ako kasi wala namang forever, ibig sabihin lang noʼn ay may pag-asa pa na maghiwalay si Faye at Patrick.
"Duh! Maghihiwalay din ang dalawang 'to."
Kapag nangyari iyon, ako ang nagwagi!
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang bintana at binuksan iyon.
Pagtataka ang bumalot sa akin nang makita ang kuwarto ni Patrick. Wala roon ang lalaking mahal ko, taliwas ito sa inaasahan kong makita.
Pinikit-pikit ko ang aking mga mata at nagbabakasaling magbago ang aking nakikita ngayon. Paulit-ulit kong pinikit ang aking mga mata pero wala, ganoon pa rin at walang nagbago.
Umatras ako at dali-daling sinara ang bintana. Hawak ko ang aking dibdib at habol ko ang aking hininga. Mabilis na nagtaas-baba ang aking dibdib.
Bakit? Totoo ba ang aking nakita? Siya iyon, hindi ako maaaring magkamali!
May dugo ang mukha at napapalibutan siya ng sugat. Hindi kaya?
Umiling ako upang iwaksi ang aking naiisip. Imposible!
Umupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod. "Hindi kaya ang babae na iyon ang nagsasalita sa aking panagip? Bakit nandoon siya sa kuwarto ni Patrick?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top