Chapter 35
Maaga akong nagising dahil sa nag-iingay na alarm clock. Hindi lang pala dahil sa alarm clock ko, kundi sa panaginip ko rin. Grabe! Bangungot yata iyon eh. Halos atakihin ako sa takot.
Sino ba namang matutuwa kung puro dugo ang nakita ko sa panaginip ko? Ewan kung iyon ba ang tinatawag na Red Sea o totoong dugo talaga 'yon. Hanggang ngayon nga ay nararamdaman ko pa rin ang takot na nararamdaman ko sa panaginip ko.
Tapos ko nang suklayin ang kulot kong buhok nang lakasan ko ang volume ng bluetooth speaker ko. Ang arte kasi ni Sir Jude, parang walang kausap na estudyante sa sobrang hina ng volume ng boses niya. Mahilig yata sa bulungan ang instructor namin.
Sa lahat ng ayaw ko? Hindi ko na kailangan pang lumayo, online class agad ang sasabihin ko. Maliban sa halos wala akong natutuhan ay ang baba pa ng grades ko no'ng last sem. Pero wala naman akong magagawa, ganito na ang buhay eh.
Lahat ay inaaasa sa online.
Inilagay ko na sa mesa ang suklay na ginamit ko at bumalik na sa higaan. Kung tatanungin din naman ako kung may maganda bang naidulot ang online class sa 'kin, mayroon din naman. Maganda ang tulog ko kahit may klase. Wala rin namang may paki!
Nakahiga na ako nang biglang lakasan ni Sir ang boses. Sumigaw pa ito na parang galit kaya agad akong napabangon. Parang kanina lang ay halos pabulong lang si Sir, 'di ko rin naman akalain na gusto rin pala ni Sir sumigaw.
“Open your cam! Alam kong may natutulog na naman diyan!”
Natigil ako sa sinabi niya at natigil din ang balak kong mag-open mic.
Déjà vu!
Parang nangyari na 'to. Biglang may pumitik sa ulo ko na naging dahilan ng pagsapo ko sa aking ulo. Parang pinupokpok ng bato, sobrang sakit. Napakahapdi!
Nakarinig ako ng iyak ng bata mula sa speaker, umalingawngaw iyon sa buo kong kuwarto. Biglang nagsalita si Yaofe, kahit putol-putol pero naintindihan ko ang sinabi niya.
“Sir? Gusto mo po ng milk tea? Libre ko po.”
Mas lalong sumakit ang ulo ko. Iyon kasi ang iniisip kong sasabihin sana kay Sir Jude kung hindi biglang sumakit ang aking ulo.
Déjà vu!
Hindi ko alam kung napaginipan ko na ba 'to pero parang hindi naman, parang wala akong panaginip na ganito noon. Pero imposible naman kung nangyari na ito 'di ba?
Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo. Tila umikot ang buong kuwarto hanggang sa umitim ang paligid.
Pero nang nagsalita na naman si Yaofe ay natauhan ako. Sinabi niya kasing brown out daw sa university kaya nawala si Sir sa meeting. Pinilit kong bumalik sa pagkakaupo at nag-left sa meeting. Humiga ako sa kama at pumikit.
Déjà vu. Pakiramdam ko talaga nangyari na 'to. Pero sana hindi pupunta si Patrick sa bahay namin kasi pakiramdam ko rin, iyon ang susunod na mangyayari.
Nagpatangay ako sa antok. Bakit kaya nahihilo ako? Hindi naman yata ako buntis, bulong ko sa sarili na nagpatawa sa akin. Mas imposible talagang mabuntis ako. Ni boyfriend nga wala eh.
Hinintay ko talagang kumatok si Patrick sa kuwarto ko pero hindi nangyari. Medyo kumalma na ang aking pakiramdam pero hindi pa rin ako bumangon. Siguro tama si Mama, baka sa mata ko na talaga 'to. Kailangan ko na talagang magpa-check up. Pero saan naman ako kukuha ng pera?
Nang kapain ko ang aking cellphone ay biglang may kumatok. Natigil ako sa balak kong gawin dahil baka nga si Patrick na talaga. Déjà vu nga! Napaginipan ko na 'to. Ano bang ibig sabihin ng lahat?
“Anak?” Napabuntonghininga hininga ako. Mas masakit pa sa break up, si Mama pala ang nasa labas ng pinto. Akala ko si Patrick na. Iniisip ko pa namang papasok si Patrick sa kuwarto at hahalikan ako.
Oh 'di ba, Jemimah? Wattpad pa!
“'Ma? Bakit po?”
“Nasa labas si Patrick, magpapatulong daw sa P.E niyo. Lumabas ka muna, may niluto akong shanghai. Kumain muna kayo.”
Si Patrick? Si Patrick nasa bahay?
Nasapo ko ang aking bibig. Tama nga ako! Nangyari na 'to.
Tumayo ako sa kama. Ibig kong sabihin napaginipan ko na 'to. Nagkuha ulit ako ng pantali sa buhok at hindi na 'ko nag-abalang magsuklay pa ulit. Tinali ko na ang buhok ko at lumabas na ng kuwarto.
Nakita ko si Patrick na kaharap ang cellphone na nakalagay sa sahig, nakasandig iyon sa mismong dingding ng bahay at pilit na isinayaw ang sarili. Gusto ko mang pilitin ang sarili na maniwalang magaling sumayaw ang best friend ko, pero kasi matibay ang evidence na nasasaksihan ko ngayon. Kaliwa lahat ng paa ni Patrick.
Napansin yata ng kumag na may nakatitig sa kaniya kaya lumingon siya sa direksiyon ko. Napakamot ito sa batok at hilaw na ngumiti sa akin. Kinuha nito ang cellphone at nilapitan ako.
“Uy, Jem! Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa?”
“Mga three minutes na. Marunong ka na pala, anong kailangan mo sa 'kin?” tukoy ko sa pagsayaw niya kanina. Project kasi iyon sa P.E namin, which is kailangan pang naka-Tiktok style. Ewan ba, sabay sa uso talaga si Ma'am.
“Kailangan kita,” wika nito pero hindi ko sineryoso.
“Kailangan kita, ngayon at kailanman.” Humalakhak ako pagkatapos kantahin iyon. “Hay nako, Patrick. Binulabog mo lang talaga ang tulog ko.”
Umupo ako sa sofa at agad namang sumunod si Patrick.
“Alam mo, Jemimah. Hindi ko alam kung paano sasabihin 'to pero —”
“Pero?”
“I think —”
Naputol ang sasabihin ni Patrick nang biglang pumasok si Mama sa sala. May dala itong shanghai.
“Oh, mga anak! Kain muna kayo.”
“I think, gutom na po talaga ako.” Napailing na lang ako sa sinabi ni Patrick. Gutom lang pala, akala ko kung ano na.
SINAMAHAN ko si Patrick nang pumunta siya sa mall. Ewan ko rin ba sa lalaking ito, ang tanda na pero hindi pa rin kayang bumili mag-isa. O baka gusto lang talaga ako kasama. Sige, daydream pa, Jemimah.
Lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Patrick na tumitingin sa mga display na bulaklak. Inaamoy pa nito kahit plastic lang. OMG naman, Patrick! Kung ganiyan ka, hindi kita sasamahan. Pero siyempre, charot lang.
Agad ko siyang nilapitan at sinapak ang braso niya. Oh, 'di ba? Chansing pa.
“Wala 'yang amoy, plastic 'yan.” Tumawa pa ako at kinurot siya sa braso.
“Mas gugustuhin ko pa kasama 'tong plastic kung panay kurot ka sa 'kin. Pero alam ko namang gusto mo lang akong hawakan, umaarte ka lang.” Si Patrick naman ang tumawa samantalang ako ay nagsalubong ang mga kilay. Langyang Patrick 'to, nilaglag pa 'ko.
“Ang sweet niyo naman po. Monthsary niyo po ba? May maganda akong bouquet po rito, Sir, para kay Ma'am.” Ngumiti nang malapad ang saleslady sa amin at kinuha ang sinasabi nitong bouquet. “Bagay po talaga ito kay Ma'am, Sir.”
Sus, nambola pa. Akala niya siguro talaga na boyfriend ko si Patrick. Pero kung totoo, ang suwerte ko na yata. Promise, hindi na ako aangal.
“Nako po. Sa iba niyo na lang 'yan ibenta. Hindi ko po boyfriend ang kumag na —”
“Hey! Magkano po? Manliligaw pa lang ako eh,” nahihiyang saad ni Patrick at napakamot pa sa ulo.
Natigilan ako at nagtatakang tiningnan siya. Manliligaw?
“At sino naman ang liligawan mo, aber?” intriga kong tanong. May liligawan na naman pala, sinama pa 'ko rito.
“Ikaw.”
ISANG buwan ang lumipas, hindi pa rin talaga tumigil si Patrick sa kabaliwan niya. Akala ko hanggang one week lang siya, titigil na. Pero seryoso pala ang kumag, nagtagal sa kabaliwan.
Inilapag ni Patrick ang hawak na bowl, puno iyon ng popcorn. Tumabi siya sa 'kin at kinuha ang laptop na nasa kandungan ko.
“Malapit na ba?” tanong niya at nagtipa.
“Malayo pa. Nasa learning activity three pa tayo. May apat pa,” sagot ko at kumuha ng popcorn at hinatid iyon sa bibig. Kumuha rin ako ng isa at inilapit iyon sa bibig ni Patrick. “Say ah!”
“Ahh! Baby, faster.” Umungol pa ito kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.
“Buang ka ba? Bakit ka umungol? Baka sabihin ni Mama may ginagawa tayong milagro!” Kinurot ko siya sa singit pero tumawa lang siya. Loko-loko talaga!
“Paisa pa nga,” saad nito pagkatapos tumawa.
Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo. “Anong paisa?” gulat kong tanong.
“Isang subo pa.”
Wala sa sariling sinulyapan ko ang nasa bandang hita niya.
“Mukhang iba yata ang gusto mong isubo eh. Sige lang, Jemimah. Pagsamantalahan mo ang kahinaan ko —”
Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla kong pinasok sa kamay niya ang hindi mabilang na popcorn. Leche 'to! Ang dumi ng utak.
“Oo na, sinasagot na kita. Huwag mo kong idaan sa kalandian mo, okay?”
“What the —” Umubo si Patrick at maluha-luhang tiningnan ako. “Anong sabi mo?”
“Uulitin ko pa ba?”
“Gusto ko ulit marinig. Say it again, baby.”
“Oo —”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sinakop ang labi ko. Finally, naging kami rin ng best friend ko.
Single, no more!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top