Chapter 31
Yakap ko ang aking tuhod upang matakpan ang aking katawan at pinipigilan ang panginginig lalo na ang nararamdaman kong takot. Mas lumakas ang buga ng hangin kumpara kanina na siyang nagbigay ng pangamba sa dibdib ko. Nalaman yata ni Satanas na dumating ang first lady niya kaya binigyan ng magarbong welcome ceremony. Kailangan ko na rin bang magdiwang? Mukhang last night ko na rin yata ngayon.
Nang lumampas na si Margarita sa puwesto ko ay nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako kinakain ng kaba habang naririnig ko ang mga yapak niya lalo na ang ingay ng hawak niyang kadena. Ni hindi pa nga rin ako sigurado kung ligtas na ba ako dahil nilampasan lang niya ako. Baka kasi kapag pumikit ako ay bigla niya akong sakmalin. Katapusan ko na talaga! For sure, wala ng Jemimah sa 2021.
Kahit madilim ay kitang-kita ko ang dugo na nakamarka sa hawak nitong kadena. Muling sumiklab ang galit na naramdaman ko kanina. Buwesit talaga ang babae na 'to! Kung may kapangyarihan lang din sana ako, hinulog ko na siya sa bangin! 'Yong sobrang lalim para mamatay siya agad! Kadiliman lang naman ang naiambag niya.
Hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa kaibigan niya, o kaibigan ba talaga ang turing niya kay Sarita? Kasi kung ako ang tatanungin, parang hindi naman kaibigan ang turing niya eh. Ni hindi man lang siya nakaramdam kahit kunti man lang sanang konsensiya. Grabe! Ang itim talaga ng budhi! First lady nga ni Satanas! Walang duda!
“Akala ko, hindi ka na darating.” Nagtasaanan ang mga balahibo ko nang biglang nagsalita si Margarita. Grabe, sa paraan ng pagsasalita niya ay parang nasa ilalim ako ng lupa. Medyo may kalayuan na siya sa akin at bulong lamang ang ginawa niya pero tagos na tagos sa aking sistema. Iba ang aura at dating niya para sa 'kin.
Tumawa ang lalaking kinausap niya na bagong dating. Nakapamulsa ang lalaki at nakatutok lang kay Margarita. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya. Siya na ba si Satanas? Baka nga. Sungay at buntot na lang ang kulang.
“Bakit mo naman naisip iyon, Marga?”
Hindi lang balahibo ko ang tumayo nang sumagot ang kausap ni Margarita. Pati kilay, buhok, at dugo ko ay tumaas! Boses palang kilala ko na. Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko siya. Magkakampi pala sila? Sa simula pa lang siguro ay magkakampi na sila?
Tinitigan ko silang mabuti. Kung puwede pa lang na kahit paghinga ay hindi ko na gawin para lang mapagmasdan ko sila nang mabuti ay gagawin ko. Gusto kong marinig lahat ng pag-uusapan ng mga traydor! Gusto kong masaksihan kung paano sila magdiwang. Umiinit ang dugo ko sa kanila! Mga animal!
Nakita kong lumapit si Marga sa lalaki at hinawakan ang pisngi nito. Like, ew! Madumi kaya ang kamay niya. Madungis talaga!
“Naisip ko lang. Hindi mo ako masisisi, Simeon. May pinagsamahan din kayo ng babae na iyon.”
Gusto kong umiyak lalo na no'ng binanggit ni Margarita ang pangalan ng lalaki. Ayaw ko sanang maniwala kasi baka namamalikmata lang ako. Pero wala, tama ang hinala ko. Sumisikip ang dibdib ko, nahihirapan akong lumanghap ng hangin. Gusto kong pag-umpugin ang kanilang mga ulo! Mga asal-hayop!
“Alam mo namang mas mahal kita, hindi ba?” Akmang hahalikan na ni Simeon ang taksil na Margarita nang binato ko silang dalawa ng hawak kong bato. Sapol iyon sa dibdib ni Margarita kaya napasigaw siya.
'Buti nga sa'yo! Tawag lang ng laman ang iniisip mo! Kulang pa iyan sa ginawa mo. Kulang pa 'yan sa ginawa mong pang-aaahas! Kulang pa iyan sa lahat!
“Anong nangyari sa'yo?” nag-aalalang tanong naman ni Simeon pero umiling lang si Margarita. Muling hinawakan ng babae ang mukha ni Simeon na para bang walang nangyari pero umiwas ang lalaki. Naglakad ito palayo kay Margarita. “Nakuha mo ba ang hinihingi ko?”
Hinihingi? Ulit ng utak ko sa binanggit ni Simeon.
Gumapang ako papalapit sa dalawa. Baka may plano na naman kasi nagbubulungan na. Ano naman kayang hiningi ng Satanas na 'to? Kaya pala kahit kailan ay ayaw ko talagang nagpapakita siya sa 'kin sa taon ko. Tama pala talaga ang hinala ko na kasabwat siya sa pagpatay kay Sarita.
“Iyon ang pinagtataka ko, Simeon —”
“Anong ibig mong sabihin? Nagtataka ka tungkol saan? Huwag mong sabihin sa akin ngayon na hindi mo nakuha?” Mababakas ang inis sa boses ni Simeon. Hinarap nito si Margarita na agad namang napaatras.
“Kaya nga ako'y nagtataka. Alam kong nakuha ko ang hinihingi mo, Mahal. Pero bigla itong nawala sa pinaglagyan —”
“Wala ka talagang silbi!” Sinampal ni Simeon si Margarita na mas kinagulat ko. Sa paraan ng paglagapak ay alam ko talagang malakas ang pagsampal niya kay Margarita. Napamura si Margarita pero baliwala lang iyon sa lalaki.
Totoo ba 'to? Sinampal ni Simeon si Margarita? Pero bakit? Ano ba talaga ang hindi nakuha ni Margarita? Ibig bang sabihin nito ay inutusan lang si Margarita ni Simeon?
“Ang kuwento na ginawa ni Sarita lang ang hiningi kong kapalit sa iyo pero hindi mo pa nakuha?” muling sigaw ni Simeon. Umalingawngaw ang sigaw ni Simeon sa gubat na kahit ang mga ibon ay nagsiliparan palayo.
“Huwag kang mag-alala. Wala na siya, wala nang makakaagaw sa posisyon mo. Hahanapin ko ang kuwentong sinulat niya. Wala kang dapat ipag-alala.”
Kuwento? Bumilis na naman ang pagpintig ng puso ko nang marinig ang pinag-usapan ng dalawa. Ang kuwento na sinulat ni Sarita. Iyon ang gustong makuha ni Simeon. Pero bakit? Anong gagawin niya sa kuwento?
“Dapat lang. Nakikita ko na ang kasikatan ko.” Tumingala pa sa langit si Simeon na para bang abot-langit ang naiisip nitong kasikatan.
Mas lalong lumukob ang galit ko kay Simeon. Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na ang lahat.
Manunulat din si Simeon at ang kuwentong sinulat ni Sarita ay aaangkinin niya. Kung sa panahon ko ay siya si Faye. Kasikatan lang din ang habol. At ang mas malala, nagawa niyang ipapatay ang kasintahan niya para lang maisakatuparan ang kaniyang mga plano.
Napakaitim ng budhi! Isang animal!
Pinahiran ko ang luha ko. Hindi ko na kayang saksihan at marinig pa ang mga sasabihin ng dalawa. Pero bago pa ako makalayo ay tumawa si Simeon. Sobrang lakas ng tawa ng lalaki na para bang nasisiyahan na talaga. Sino nga bang hindi magiging masaya kung natupad na ang mga planong binabalak?
Ang sarap takpan ng tainga ko upang hindi ko marinig ang tawa niya. Mas lalo lang umiinit ang dugo ko at baka ano pang magawa ko sa kanila. At ang nakababahala, baka kapag may ginawa akong mali rito ay hindi na ako makabalik sa taon ko. Ako pa rin ang lugi.
Hindi ko na pinakinggan ang tawa ni Satanas at gumapang na ako palayo sa dalawa. Tila dinudurog ang puso ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Ang sasama nila! Mga demonyo! Mga walang puso! Mga walang utang na loob! Makasarili!
Sa isang sulok ay nakita ko si Romeo. Nakasunod din pala siya?
Matatag itong nakatayo at hawak ang pana nito. Sinundan ko kung saan nakatutok ang pana nito at nakatutok iyon sa lalaking humahalakhak pa rin hanggang ngayon. Si Simeon ang balak nitong panain.
“Hindi ko matatanggap ang inyong ginawa,” malakas nitong wika at diin na diin. “Hindi ko matatanggap kahit makita ko pang kinakain ng mga mababangis na hayop ang inyong mga katawan!”
Nang bitawan ni Romeo ang palaso ay diretso iyon sa leeg ni Simeon at agad itong humandusay. Nakita ko pang tumayo si Margarita at agad na tumakbo pero hindi rin nagtagal ay sumunod ang babae na humandusay. Nangingisay pa ang katawan ng dalawa.
Kitang-kita ko na naging itim na usok ang katawan ng dalawa.
“Kinuha ko lamang ang bayad sa pagkitil ninyo sa buhay ng kapatid ng aking Lola!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top