Chapter 24

Hindi pa sumisikat ang araw nang bumangon ako sa higaan. Masiyadong masakit ang ulo ko dahil sa maraming tagpong nangyari na kahit hindi ko man isipin ay kusang nagpapakita sa aking balintataw.

Binuksan ko ang pinto at humakbang palabas sa kuwarto. Nakapatay pa ang ilaw kaya hinanap ko ang switch upang buksan.

"Kalma, kakain na nga tayo, diba?" pagkausap ko sa tiyan ko nang biglang nag-ingay na naman. Kumukulo sa gutom.

Wala sa sariling nangtanggal ako ng muta pagkatapos ay nanghikab. Gusto ko pa talagang matulog ngunit nadaig ako ng gutom. Nakalimutan ko pa lang kumain ng hapunan kagabi.

Hindi na rin siguro ako ginising nila Mama. Batid naman nila ang pinagdadaanan ko.

"Akala ko ba magmo-move on na?" Umiling ako at binuksan ang ref.

Kumuha ako ng tubig at nilagay sa mesa nang may nahagip ang aking mga mata.

Umiilaw na libro. Nakabukas.

Nagsalubong ang aking mga kilay. Mukhang ang librong iyon ay ang libro ni Sarita.

Wala sa sariling hinawakan ko iyon at namatay ang liwanag kaya agad ko ring binitawan. Ano na namang kababalaghan ito?

Muli iyong bumukas at hindi ko na alam ang nangyari. Biglang umitim ang paligid at hindi ko na nasundan kong saan ako napadpad.

Taong 1914

"Tulungan mo ko, hindi ko na kaya."

Pinilit kong humakbang upang hanapin kong saan nanggaling ang boses na iyon. Kahit madilim at wala akong makita. Kahit masakit ang katawan ko't hindi ko matukoy ang dahilan. Kinaya ko upang mahanap kung saan nanggaling ang boses.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ako pinapahirapan ng ganito? Lahat naman ng hiniling mo ay binigay ko, hindi ba? Bakit pati kalayaan ko'y idadamay mo pa? Ganito ka na ba talaga kasama?"

Umiiyak ang babae at patuloy sa paghikbi. Hinintay kong sumagot ang kausap niya kaya nagtago muna ako. Hindi ko siya matutulungan kong kasama niya ang taong gumawa sa kaniya ng ganito.

Yumakap ang katahimikan.

"Tunuring pa naman kitang kaibigan." Humikbi muli ang babae. "Tinuring kitang kapatid! Tinuring kitang kadugo! At higit sa lahat, alam mo kung ano? Minahal kita higit pa sa iniisip mo. Akala ko, akala ko gano'n ka rin sa'kin."

Napahawak ako sa aking bibig upang maiwasan ang paglikha ko ng ingay. Hindi ko halos maintindihan ang pinagsasabi ng babae pero kung pagbabasehan ang sinasabi niya, nasasaktan talaga siya ng sobra sa ginawa ng kasama niya.

Marahil ay mahal na mahal niya talaga ang taong gumawa sa kaniya ng ganito. Kung sino man siya, kinamumuhian ko ang lahi niya.

Kahit anong gawin talaga natin, hindi lahat kaya nating pangitiin. Kahit pa tumatawa ang tao kapag kaharap natin, ay may pagkakataon din na pinapatay nila tayo sa kanilang isipan.

Kahit pa ibigay natin ang lahat ng kanilang hinihingi, hindi pa rin iyon sapat sa kanila upang maging tapat. May mga tao talaga na hindi kayang tumanaw ng utang na loob.

May mga tao talagang taksil.

May mga tao talaga na masasama ang budhi.

May mga taong hindi kayang magmahal.

Umiling ako muling sumilip, nagbabasakaling may makita ngunit sobrang dilim talaga.

"Pumayag naman ako diba no'ng sinabi mong mahal mo ang kasintahan ko? Pumayag ako no'ng sinabi mong hiwalayan ko siya dahil mas lamang ka sa kaniya. Hindi ko kayang magalit ka sa akin dahil lang sa isang lalaki. Pero bakit ganito pa rin?

"Bakit ginagawa mo sa akin ito? Bakit mo ko sinasaktan? Bakit mo ko pinapahirapan? Alam mo, wala akong pakialam kung maging kayo no'ng lalaking iyon. Pakawalan mo lang ako. Hayaan mo kong mabuhay ng payapa."

Kasintahan? Lalaki lang ang dahilan ng lahat? Nakaya niyang manakit dahil lang sa lalaki? Anong klase siya? Ang tapang niya.

"Ngunit alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa? Nasasaktan ako!"

Napalingon ako nang may sumagot. Gaya ng inaasahan ko, babae nga may kagagawan ng lahat.

"Dahil kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin ang iniibig niya. Nasasaktan ako dahil kahit ako ang kaharap niya'y ikaw ang hinahanap niya. Ikaw palagi ang kaniyang bukambibig. Ano bang mayroon sa'yo na wala sa akin?"

Kabaitan. Iyon ang wala sa'yo. Tanga lang ang mayroon ka. Halata naman siguro eh, nagtatanong ka pa.

"Mas maganda ako sa'yo. Mas matalino. Mas mayaman. Mas kilala ang aming angkan. May lahi akong kastila, ikaw wala. Isa ka lang hamak na Pilipino na wala namang kayamanan. Kaya nakakapagtaka kung bakit ikaw ang pinili niya!

"Masakit isipin na mas minahal ka niya samantalang kapag may kailangan siya ay ako ang tumutulong. Ginawa ko lahat upang ako'y kaniyang mapansin. Mahal ko siya, bakit hindi niya kayang mahalin ako pabalik?"

Nakarinig ako nang pagbagsak ng kadena na agad yumakap sa buong paligid.

Sino ba itong mga kasama ko sa lugar na ito?

1914 na naman ba?

"1914? Hindi kaya—"

"Tama na. Hindi ko na kaya, Sarita. Kailangan mong mawala upang sa akin matuon ang pansin niya!" sigaw ng babae.

Sarita? Tama nga ang hinala ko, ang babae na nagsasalita kanina ay si Sarita at ang kasintahan na tinutukoy nito ay si Simeon. Pero...

Pero sino ang babae na kausap ni Sarita? Sino ang babae na gumawa sa kaniya ng ganito? Sino ang babae na tinutukoy niyang tinuring na niyang kapatid at kadugo? Sino ang babae na maitim ang dugo sa katawan?

"Kahit mamatay man ako. Kung ako talaga ang mahal niya, wala kang magagawa. Kahit mamatay man ako, hindi mo magagawang ialis ako sa isipan niya. Kung ako talaga ang mahal niya, wala ka ng magagawa sa bagay na iyan, Margarita" matigas na saad ni Sarita na mas ikinagalit ng babae.

Margarita pala ang pangalan niya. Kay gandang pangalan, ang pangit lang ng ugali.

"Walang hiya ka!" sigaw ni Margarita.

"Ikaw ang walang hiya! Sa lahat ng kabaitan na binigay ko sa'yo, ito ang igaganti mo? Hindi ka lang walang hiya eh, alam mo kung ano ka? Ang sama mo! Ang sama-sama ng ugali mo!"

Iyan nga! Ipamukha mo sa kaniya Sarita. Hindi ka lang pala nakakatakot na multo. Mas nakakatakot ka pala kapag tao ka. Lihim akong napatawa.

"Ikaw ang masama! Alam mo na ngang mahal ko si Simeon, inagaw mo pa!" sigaw din ni Margarita.

Ano ba naman iyan, ang pangit naman ni Simeon, pinag-aagawan niyo pa. Duh!

"Hindi ko siya inagaw. Hindi ka lang niya talaga gusto kaya tumahimik ka riyan! Wala tayong magagawa kung sa'kin siya umibig. Gaya nang sinabi ni Padre Castillo, hindi napipilit ang pagmamahal."

Sigaw ni Margarita ang yumakap sa buong paligid. Galit na galit ang babae habang sumisigaw. Minumura niya si Sarita na hindi rin naman nagpatinag.

Minsan, nakakainggit din pala si Simeon, dalawang babae talaga ang nagkagusto sa kaniya. Samantalang sa akin, wala ni isa.

Ako pa nga minsan ang nagkakagusto eh, na minsan ay nauuwi sa wala.

Ano ba naman iyan! Pinapunta lang ba talaga ako rito upang ipamukha sa akin na wala akong lovelife? Okay na po ako, Lord. Pakiusap, ibalik niyo na ako sa taong 2021.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top