Chapter 16

"Gising ka na pala."

Napaungol ako nang marinig ko ang boses ni Faye na nagsalita at bumalot sa buong kuwarto ang mabangis nitong boses.

Grabe kahit sa panaginip ko ay hindi ako tinatantanan ng babae na 'to. Napakamot ako sa ulo at hindi minulat ang mga mata. Hinayaan kong tangayin akong muli nang antok pero nagsalita na naman si Faye.

"Alam kong gising ka na. Halos isang oras ka rin na nawalan ng malay."

Ha?

Agad akong napabalikwas ng bangon at sinalubong ako ng malamig na hangin galing sa aircon ng kuwarto. Kaya pala masarap ang tulog ko, may aircon pala at maganda ang higaan.

Tiningnan ko si Faye na nakapamaywang. Suot nito ang kuwintas na binili namin ni Patrick noong nakaraan bago ang kaarawan ko. Akala ko pa naman regalo ni Patrick iyon para sa akin, umasa pa naman ako.

Ang tanga ko rin sa part na iyon. Nakalimutan ko yata na wala namang magreregalo na isasama ka pa upang bumili, diba? Kung mayroon man, iilan lang siguro at hindi kabilang si Patrick doon.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at napayuko na lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayong kaharap ko na si Faye. Nakalimutan ko ang mga kinabisado kong linya kanina bago ko naisipang puntahan siya rito mismo sa bahay nito.

"Anong nangyari sa'yo at nawalan ka ng malay at dito pa mismo sa harap ng bahay namin?" tanong nito kaya tiningala ko siya.

Parang ibang Faye yata ang kaharap ko. Nawala ang magandang kislap ng mga mata nito na siyang unang nakakuha ng atensiyon ko. Nag-iba ang boses nito at nawala ang malambot nitong boses kapag nagsasalita.

Bumuntonghininga ako at hindi nagpahalata na napansin ko ang pag-iiba ng boses niya. Muli kong kinagat ang ibabang labi ko nilaro-laro ang mga daliri ko upang kumalma ako kahit kunti.

Faye cleared her throat before asking me again the same question.

"Anong nangyari sa'yo? Hindi naman ako manghuhula, Jemimah."

Bumalik na ang boses na nakasanayan kong marinig kay Faye. Tama siguro ang hinala ko na hindi talaga totoo na mabait itong aking kaharap.

Nagbabalatkayo ka lang ba talaga, Faye? Sino ka ba talaga? Ano ba talagang totoo mong ugali? Bakit ganito ang ipinapakita mo? Bakit kailangan mo pang magtago?

"Bigla kasi akong nahilo," pagsisinungaling ko upang hindi na siya magsiyasat pa. Hinilot ko nang kunti ang aking sintido upang mas maniwala siya.

Alam ko namang walang maniniwala sa nangyayari sa akin. Alam kong pagtatawanan lang nila ako kapag sinabi kong may mga tao na nagmula pa sa panahon ng mga mananakop ang nagpapakita sa akin.

And worst, they are asking my help to solve their problems.

Baka kapag nagsalita ako ay mapagkamalan pa nila akong nababaliw. Pagtatawanan lang nila ako. Walang maniniwala sa akin.

"Nagpalipas ka siguro. Teka, gutom ka na ba? Padadalhan kita ng pagkain dito."

Banayad na ang boses ni Faye. Nahalata siguro nito ang pagkailang ko kanina kaya bumalik sa normal ang boses nito.

Normal ba talaga? O iyong kanina na boses nito ang totoong normal?

Agad akong umiling upang tanggihan ang alok ni Faye. Mahirap na, hindi ko pa siya lubusang kilala.

Sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko. Makakaramdam talaga ako ng ganito. Mahirap ng magtiwala.

Ngumiti si Faye at hinawakan ako sa balikat.

"I know you're hungry. Huwag ka kasing magpalipas ng gutom nang hindi ka mawalan ng malay kung saan-saan. Mabuti na lang at nakita ka ng guard namin baka kung ano na ang mangyari sa'yo."

Really? Nakailang pindot ako sa door bell pero hindi ka lumabas.

Gusto kong paikutin ang mga mata ko pero pinilit kong huwag gawin iyon. Hindi rin naman ako sigurado na narinig ako ni Faye o hindi.

Pero kahit na! Imposible naman na hindi nila ako narinig eh!

"Nahihilo ka pa ba?" tanong ulit ni Faye at hinawakan nito at noo ko.

"Wala akong lagnat, Faye. Nahilo lang talaga ako "

"Ano ba kasing ginagawa mo sa labas ng bahay namin?" tanong nito sa akin at tumabi ng upo.

Kinuha nito ang isang unan at nilagay sa kandungan nito. Umayos ako ng upo dahil kahit anong isipin ko, naiilang pa rin ako sa kaniya.

"May gusto lang kasi akong tangunin."

"Tungkol ba ito kay Patrick?" mahina nitong bulong at tumingin siya sa akin. "Wala akong alam, Jemimah. Nag-away kasi kami bago siya nawala."

"Nag-away?" gulat kong ulit sa sinabi niya.

"He's asking about—"

Naputol ang sasabihin sana nito nang may biglang nagbukas ng pinto. Nakita ko ang isang batang lalaki na palagay ko'y tatlong taong gulang pa lamang.

"Xian, go back to your room!" saad ni Faye sa bata ngunit tumakbo ito papalapit sa amin. Agad nitong niyakap si Faye kaya wala nang nagawa ang huli.

"Mommy, can't sleep," sabi ng bata at hinila si Faye papalabas ng kuwarto.

Mommy?

Naiwan akong nakatulala at tinitingnan ang pinto na nilabasan ng dalawa.

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa bumabalik si Faye kaya naisipan kong libutin ang malaki nitong kuwarto. Inilibot ko ang paningin at nakita kong mahilig talaga si Faye sa mga libro. Mayroon itong mini-library na puno ng mga libro.

Tumayo ako at nilapitan ang estante na puno ng mga libro. Iba-iba ang laki ng mga libro at kapal niyon. Isa-isa kong kinuha ang mga libro na halos ang iba ang napaligiran na nga mga alikabok.

"Hindi na naaalalagaan. Kawawa naman," wala sa sarili kong bigkas habang pinapagpagan ang mga libro na may alikabok.

Magaganda ang mga pabalat na halata mong mamahalin. Makakapal ang mga book cover nito na malalaman mong mamahalin talaga.

Pagkatapos kong magsawa sa mga libro ay lumapit ako sa mesa ni Faye na kung saan ay may nakalagay na isang makapal na libro. Base sa pabalat pa lang nito ay mahahalata mong luma na talaga. Halos nagkulay dilaw na ang kulay puti nitong pabalat.

Hinawakan ko iyon at binuklat ang unang pahina at nagbabakasali na makita ko kung anong pamagat ng libro. Sa pabalat kasi nitl ay hindi na halos mabasa kung ano ang pamagat.

"The Beginning?" gulat kong basa at agad na isinara ang libro. "Diba iyon ang pamagat ng sinulat ni Sarita?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top