Chapter 14
"I told you to leave us alone!"
Nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin. Halos lumuwa ang mga ugat nito sa leeg nang bigkasin nito ang mga salitang iyon. Binagsak pa nito ang dala nitong shoulder bag na kulay pula na halatang mamahalin.
Humakbang ako papalapit sa kaniya.
"Leave? At bakit naman?"
Hindi ko matukoy kung saan galing ang lakas ko na tanungin siya. Akala ko hindi siya ganito. Akala ko ugaling anghel siya kaya maraming nagkakagusto sa kaniya. Akala ko totoo ang nababasa ko sa internet tungkol sa ugali niya.
Akala ko totoo lahat iyon, akala ko iyon ang dahilan kaya maraming humahanga sa kaniya. Siya kasi ang isa sa sikat na manunulat sa mundo ng literatura. Parang ang dali lang para sa kaniya ang lahat. Parang ang dali lang para rito na kunin ang simpatiya ng ibang tao.
Akala ko mabait siya pero mukhang ibang Faye pala ang nakilala ko.
"Kaibigan ka lang ni Patrick, Jemimah. Hindi mo ba ma-gets iyon?" nang-uuyam na tanong nito sa akin at tumawa pa. "O sadiyang, bobo ka lang talaga? Oh well, ano pa lang aasahan ko sa isang education student na nakipag-usap pa sa Dean para lang tanggapin? Wow, talagang 'di ka nahiya, 'no? Saan nakakabili ng lakas ng loob, girl? Nais kong bumili."
Sumusobra na siya, ah? Below the belt na.
"At anong nakakahiya sa ginawa ko?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon natanong. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ko tumakbo at lumayo sa kaniya.
Parang gusto ko pa yatang masampal pa.
Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero hindi ko kaya. Sinubukan kong humakbang pero hindi ko magawa. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero nabigo ako.
"Really? You don't know? Come on, alam kong pinipilit mo ang sarili mo na mahalin ka ng boyfriend ko. Girl, wake up. You're just his best friend and nothing more. Don't expect too much, nagmumukha ka kasing desperada."
Tumalikod si Faye at naiwan akong nakatulala. Pero no'ng maka-tatlong hakbang na siya ay muli siyang tumingin sa akin.
"Stop dreaming. Patrick is mine."
Agad akong napabangon nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Buwiset! Panaginip lang pala.
NAGMAMADALI ang hakbang ko palabas ng aking kuwarto habang hawak ang isang malaking notebook na naglalaman ng lahat ng notes ko sa buong isang semester. Mula sa major at lahat ng minor subjects.
Napahinto ako saglit at muling bumalik sa loob ng silid nang maalala ko na hindi ko pala napatay ang computer. Baka mapagalitan na naman ako ni Mama kaya kailangan ko muna na patayin iyon bago pa ako mahuli ni Mama na naiwang nakabukas ang computer.
Pagkatapos ko iyon mapatay ay muli kong tinahak ang daan palabas at nagmamadaling nagsuklay kahit masakit sa anit dahil tila na naman galing ako sa malupit na pakikipag-away kung pagbabasehan ang hitsura ng buhok ko. Mukha kasing sinabunutan ng sampong engkanto.
"Bakit ba kasi kulot ako? Hindi naman kulot si Mama at Papa eh." Napangiwi ako sa sakit nang pinilit kong suklayin ang buhok ko. "Putek! Kung ako talaga nasagad, papakalbo ako."
"As if naman kaya mong magpakalbo."
Agad akong napalingon sa nagsalita at lumawak ang ngiti ko nang makitang pinsan ko pala na si Yda ang nasa labas.
"Wala bang hug?" tanong nito na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Binalik ko sa salamin ang suklay at agad na nilapitan ang aking pinsan.
"Ang tagal nating hindi nagkita ah? Kumusta?" tanong ko sa kaniya.
"May pinapatulong kasi si Tita sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako ang kinukulit, diba may bago na siya?" balik tanong nito na napatigil sa akin.
Kahit hindi niya sabihin kung sino ang tinutukoy niya, parang kilala ko na. Tumango na lang ako bilang tugon.
"Eh bakit kinukulit pa rin ako ni Tita?"dagdag tanong nito at pumasok na sa bahay. "Akala ko ba may bago na? Bakit parang kami pa rin kung umasta ang mga magulang niya?"
"Yda." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Kahit naman wala na kayo ni Patrick—"
Kumawala si Yda sa pagkakahawak ko at tiningnan ako. "Huwag mo ngang banggitin ang pangalan niya. Naiirita pa rin talaga ako eh."
Si Yda na pinsan ko ang isa sa ex-girl friend ni Patrick. Halos dalawang taon din ang relasiyon ng dalawa na mas nagpasakit ng damdamin ko pero siyempre, wala na naman akong nagawa kun'di tanggapin ang kapalaran ko.
Akala ko talaga ay sila na ang magkakatuluyan pero iyon nga lang, tila nagkaroon ng isang malaking hindi pagkakaintindihan ang pinsan at best friend ko. Nalaman ko na lang isang araw na hiwalay na pala ang dalawa.
Ninais ko talaga na magdiwang no'n pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi naman porque hiwalay na ang dalawa ay ako na dapat ang umeksena. Pinsan ko pa rin si Yda, dapat hanapin ko kung saan ako lulugar.
Sa sobrang paghahanap ko ng lugar ay hindi ko napansin na naunahan na naman ako. Nakahanap na naman ng bago si Patrick sa katauhan ni Faye.
Wala eh, palagi talaga akong nahuhuli.
"You know what, I don't know kung dapat ba akong matuwa sa nangyari." Biglang nagsalita si Yda kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "But I guess, mali iyon kaya hindi dapat pala ako matuwa."
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ng pinsan ko.
"Dapat ikatuwa ang ano?"
"Don't tell me," saad nito na sinadyang bitinin ako. "Hindi mo alam?"
Umismid ako at kinuha ang suklay. Kahit alam kong masakit, dapat kong ituloy ito dahil kung hindi, ako ang magmumukhang engkanto.
"Ano ba kasing sadya ni Tita at pinapunta ka?" Hindi ko napigilang itanong.
"Nagulat nga ako no'ng biglang tumawag si Tita tapos umiiyak pa. Diba ikaw ang best friend no'ng tikbalang na—"
"Hindi tikbalang si—"
"Yeah, I know. Alam ko namang sa kaniya ka lalaban."
Pinaikot ko ang mga mata ko at muling tumingin sa kaniya. "So, ano nga?"
"Magsuklay ka nga muna, ang gulo ng buhok mo."
Sabay kaming natawa at pinagpatuloy ko nang suklayin ang buhok ko.
Agad akong napalingon nang biglang sumigaw si Mama sa labas at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Humihingal itong tumingin sa amin.
"Anak, kagabi pa raw nawawala si Patrick."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top