Chapter 10
Palinga-linga ako habang naglalakad. Tinatahak ko ang daan papunta sa pinakamalapit na tindahan. Balak kong bumili ng kuwaderno upang gamitin sa isang subject ko sa major.
Hindi ako komportable sa nilalakaran ko, hindi ko mawari kung bakit. Ilang araw din akong hindi lumabas pagkatapos noong nangyari sa labas ng kuwarto ko. Mabuti na lang at beyernes nangyari iyon kaya nakapagpahinga rin ako.
Hindi ko maiwasang matakot at yakapin ng matinding kaba. Sa tindi ba naman nang naranasan ko, sinong hindi masisiraan ng bait noʼn?
Ilang beses akong tinanong ni Patrick ngunit hindi ko siya nagawang sagutin. Paano na lang kung totoo iyong sinabi ni Simeon? Paano na lang kung hindi lang talaga panaginip 'yon? Paano kong totoo talagang nakausap ko ang lalaki? Anong gagawin ko?
Malaki ang posibilidad na totoo iyon. Parang katulad lang sa sitwasyon namin ni Sarita. Kahit ayaw kong maniwala ngunit parang wala akong magagawa.
Nunit may pisibilidad din naman na hindi totoo iyon pero mas malaki ang posibilidad na totoo. Anong gagawin ko?
"Uutang ka na naman?" singhal sa akin no'ng tindera sa katabi naming tindahan. "Tapos kapag hindi pinautang magagalit at hindi na rito bibili. Nako, Jemimah! 'Wag ako!" pagalit na sigaw nito na parang lalabas na ang mga mata.
"Grabe ka naman, Manang Cory. Bibili kaya ako," sagot ko pagkatapos ay pinahaba ang nguso.
Tinuro ko ang isang brand ng shampoo na agad namang kinuha ni Manang Cory at nagtanong kung ilan ang bibilhin ko.
"Magtigil ka nga, Jemimah, para kang pato. Akala mo ba bagay saʼyo?" sagot ng katabi kong lalaki na lasing na yata sabay nagpalabas ng malutong na mura. "Ang pangit mong hayop ka!" sigaw nito at padabog na inilapag ang hawak na bote.
"Sa tingin mo rin ba guwapo ka sa ginawa mo?" Hindi ko na kailangan pang lumingon upang alamin kung sino ang nagsalita. "Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo. Saan kami lulugar? Mas masahol ka pa sa hayop eh."
"Tama na, Patrick. Huwag kang humanap ng gulo," saway ko sa kaniya at hinila siya palayo sa tindahan. "Bakit ba ang hilig mong humanap ng gulo?"
"Bitawan mo ko!" sigaw niya. "Kaya hindi ka nila nirerespeto kasi 'di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Lumaban ka rin, Jemimah! Paano ka na lang kung wala na 'ko? Sinong lalaban para saʼyo?"
"Iiwan mo ko?" nauutal kong tanong sa kaniya. Parang hindi ko kayang bitawan ang mga salitang iyon.
Yinakap niya ko nang mahigpit pagkatapos ay bumulong, "Nandito lang ako para saʼyo pero ipangako mong ipagtanggol mo rin ang sarili mo. Hindi ka basta babae na tatawagin nilang pangit, kaibigan kita."
"Tanggap kong kaibigan mo lang talaga ako, Patrick."
MABILIS na lumipas ang tatlong araw at daig ko pa ang isang makina kung gawin ang mga requirements ko. Hindi ko maalala kung bakit ang dami kong hindi nagawang mga activities, samantalang wala naman akong ginagawa.
Humiga ako at padabog na kinuha ang cellphone mula sa unan. Mukhang hindi ko kayang tapusin itong mag-isa, sobrang dami.
Sa bawat subject na nasa Google Classroom ko ay may pending na activity. Titingnan ko pa nga lang ay parang mag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
"Mamamatay na yata ako," wala sa sarili kong saad at in-off ang cellphone. "Kailangan ko ng pahinga. Matulog muna tayo, Jemimah."
NAKATUNGANGA. Tulala akong nakatingin sa screen ng computer ko at hindi makapaniwala. Sana pala hindi ko na lang binuksan ang computer ko at nag-search ng kung ano-anong kabaliwan nang sana hindi ako natataranta sa nalaman ko.
Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa dahil hindi ako nababaliw. Dapat ba akong maging masaya dahil may posibilidad na totoo ang lahat at hindi lang guni-guni ang nangyayari sa akin.
Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko ay hindi ko maiwasan na mangamba, hindi ko maiwasang matakot. Sino ba namang tanga ang makakaramdan ng saya kung nakababaliw ang sitwasiyon na nararanasan mo?
Kung magiging masaya man ako, ako na iyong tanga.
Katangahan kasi ang dapat itawag sa gano'n kaya hindi dapat ako matuwa.
"Dreams are very much real," pag-ulit ko nang basa. "Bakit hindi pa rin nagbabago ang sentence na ito?" reklamo ko at nagpalabas ng ungol.
"Anong real? Panaginip nga, hindi ba?" reklamo ko ulit. "Hay nako, Jemimah! Hindi lahat ng nasa internet ay totoo."
Napahawak ako sa sintido habang nasa screen pa rin ang tingin. "Pero, hindi naman sila makakakuha ng ganitong idea kung wala silang basehan diba?"
"They convey real information," pagpatuloy ko sa pagbasa. "Really? Real information?" Napailing ako. "Real impact, real emotions, and have real consequences if ignored."
Bakit ba ko naniniwala rito? Ang panaginip ay panaginip lang. Hindi ito totoo.
Tumayo ako at pinatay ang computer. "Kaya ako nagkakaganito kasi naniniwala ako." Huminga ako nang malalim at tinahak ang higaan.
"So, kapag hindi ko na sila pinaniniwalaan baka may pag-asa pa na layuan nila ako."
Nagpalabas ako ng ngiti. "Tama! May utak pa rin naman pala ako."
Nang pumikit ako ay nakarinig ako nang sunod-sunod na katok kaya agad akong napabangon. Patakbo kong tinahak ang pinto at agad iyong binuksan sumalubong sa akin ang Mama na hawak ang sariling cellphone.
"Ang tagal mo namang binuksan, anak," anito habang nasa cellphone pa rin ang tingin. "May naghahanap sa iyo sa labas. Instructor mo raw."
Kumunot ang noo ko. "Instructor? Bakit naman pupunta rito ang instructor ko?" nagtataka kong tanong na sinagot lang ni Mama ng kibit-balikat.
"Instructor mo raw eh, 'yon ang sabi." Muli itong tumingin sa cellphone. "Anak, paano ba i-on ang camera sa video call? Kanina pa ako nito, ayaw mag-open ng camera nitong kausap ko."
Kinuha ko ang cellphone ni Mama na agad ko namang nabitawan nang makita ko kung sinong kausap niya.
Kahit hindi ko pa in-on ang camera ay kitang-kita ko ang mukha ng babae na matagal nang ginugulo ang buhay ko. Kitang-kita ko ang duguan niyang mukha na hinaluan na ng luha.
Nanginginig ang mga kamay kong dinampi ko sa aking pisngi at hinarap si Mama.
"Mama! Bakit niyo po kausap si Sarita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top