DAY 9

DAY 9

Buong mag damag akong gising dahil sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon di pa rin ma process ng utak ko ang nangyari. Pero, may part sakin na natutuwa sa nangyari. Ang weird lang na ambilis ko talagang na fall kay Nathan.

30 minutes na ata akong tulala sa kwarto ko. Inaalala ko yung unang araw kaming nagkita sa school, sigurado akong di yun ang unang beses na nagkita kami. Pero di ko naman siya kilala eh. Bahala na nga ang importante nakilala ko siya. Siya sige, Tine kumiriking ka lang dyan, may pasok ka pa uy.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para mag ayos. Ngiting ngiti ako habang pababa ng hagdan. Weird ba? Ako din di ko maintindihan ang sarili ko eh.

"Good morning, everyone!" Sobrang lawak ng pagkakangiti ko.

"You look so happy ha?" Natatawang sabi ni dad. Sinimangutan ko naman siya.

"Syempre po, this is the first time we eat breakfast together again after how many months." Pagdadahilan ko. Yun na kasi ang pinaka malapit na pwedeng irason.

"Tita ganda, lets play." Masayang sabi ni Axel. Nalungkot naman ako. Kahit gustohin kong makipaglaro sakanya may pasok ako.

"Play! Play! Play!" Tumalon talon pa siya. Natakot naman ako kasi baka kung mapano siya dahil sa kakatalon.

"Sorry baby, but tita ganda will go to school." I said that made him sad. I feel sorry for Axel.

"Axel and Tita Ganda will play later, okay?" Pambawi ko. Nakita ko naman ng mabuhayan siya ng dahil sa sinabi ko. Tumango na lang si Axel kaya napangiti ako.

Kinulit ko pa siya ng mga ilang minuto pa bago ako nagpaalam na aalis na. Nasa loob na ako ng sasakyan ng maka receive ako ng message galing kay Nate.

From Nathan:
Goodmorning! <3

From Nathan:
Papasok ka na?

From Nathan:
Sabay tayo mag lunch mamaya may ipapakita ako sayo.

Huh? Ano namang ibibigay niya? Tsaka palagi naman talaga kaming sabay mag lunch para naman siyang ewan. Wala sana akong balak replayan siya pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nagtitipa ng sagot sa messages niya.

To Nathan:
Goodmorning too!

To Nathan:
Otw na ako sa school, ikaw?

To Nathan:
Ano ibibigay mo?

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Napatingin ako sa driver namin ng bigla siyang magsalita. At anong sinasabi nyang kung okay lang ako? Ofcourse I'm okay. "Kanina pa po kasi kayo ngiting ngiti." Dugtong pa nito.

Sinabihan ko na lang siyang okay lang ako. Ginawa ko ulit rason na kumpleto na kami kahit alam ko sa sarili na di lang yun ang rason.

Mabilis akong nakarating sa school at medyo maaga pa naman. Nagpasalamat lang ako sa driver namin bago bumaba ng sasakyan. Hanggang sa pagbaba ko abot tenga ang ngiti ko. Muntik na akong madapa ng biglang may sumulpot sa tabi ko.

"Goodmorning!" Masayang bati niya.

"Ay p*tang*na aatakihin ata ako sayong bwiset ka!" Singhal ko kay Nathan. Oo siya lang naman itong tarantadong nanggugulat sakin.

"Sorry." He chuckled.

Kita ko ang itim sa ilalim ng mata niya. Di ba siya natulog? Nag mukha siyang panda. Ay wow nakakahiya sayo Tine, bakit ikaw ba hindi? Looks like hindi lang ako ang puyat ah. Sino kaya kapuyatan nito? Baka naman mag aadik na tong si Nathan. Hala ano ba yang iniisip ko Tine?

"Nag aadik ka na ba?" Out of the blue na tanong ko. Nakita ko namang natigilan siya kasabay ng panlalaki ng mata. Tumingin pa siya sa paligid bago ako muling tiningnan.

"Anong nag aadik ka dyan?!" Natawa ako sa reaksyon niya.

"Ang itim ng ilalim ng mata mo." Sabi ko.

Napailing iling siya. Naguluhan naman ako sa ginawa niya. May problema ba sa sinabi ko? Aba minsan talaga parang ewan to.

"Ikaw may kasalanan bakit puyat ako." Sobrang hinang pagkakasabi niya kaya di ko narinig. Anong binubulong bulong nito?

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Wala, sabi ko tara na pasok na tayo sa loob kanina pa tayo nakatayo rito," oo nga pala para kaming tanga na nakahinto sa tapat ng gate. "Tsaka sayo lang ako mag aadik no!" Then he wink at me.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Kay aga aga ang harot harot niya. Karamihan sa madadaanan namin ay napapatingin talaga samin. Di ko sila masisi gwapo naman talaga kasi si Nathan.

"Bagay sila no?"

"Gwapo yung guy and I admit it bagay nga sila."

"Sana all na lang kay ate Celestine."

Lihim akong napangiti dahil sa mga naririnig ko. Kilala nila ako dahil isa sila sa mga tinuruan ko sa junior high last school year. Nginitian ko sila isa isa dahil baka isipin na kinalimutan ko na sila.

"Good morning, ate!" Bati ni Madie at nginitian ko naman siya.

"Jowa mo ate?" Pakikiusisa naman ni Angel.

"Good morning too!, And no di ko siya boyfriend kaibigan at kaklase ko siya." Nakangiting sabi ko.

"Weh? Sayang bagay sana kayo ate Tine" pakikisali ni Vianca.

"Hala si Ate Tine namumula!" Kaye exclaimed.

Napakapa ako sa mukha ko. Namumula ba talaga ako? O baka naman gino-good time lang ako nitong si Kaye.

Sinabi ko na lang na hindi para matigil na at nagpaalam na rin ako sakanila. Si Nathan naman di mawala ang ngiti sa labi simula pa kanina. Gustong gusto ko na nga siyang sapakin ng tumigil siya kakangiti. Panigurado kasing aasarin na naman niya ako mamaya. Subukan niya lang talaga malilintinkan siya sakin.

Halos kumpleto na ang lahat ng dumating kami sa loob ng room. Napatingin sa pinto ang lahat ng biglang magsalita ang kaklase ko at saktong hawak ni Nathan ang kamay ko. And now this is great.

"Kayo na ba?"

"Ay naks umamin ka na pare? Buti naman at di ka na torpe."

"OMG! Sayang crush ko pa naman si Nathan."

"Tine, how to be you po?"

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Sinamaan ko ng tingin si Nathan at sinabing alisin niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Ano bang eksena niya at bigla bigla na lang ng hahawak.

Panay ang pang aasar nina Oliver kay Nathan ng makapasok na kami.Na kesyo anong nakain ni Nathan at di na torpe, na tinawanan lang din ng huli. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

Nakita kong nakatingin sa akin si Calix kaya naman binati ko siya ng magandang umaga at nginitian naman niya ako.

Mabilis natapos ang pang umagang klase at bago kami magsialisan ay pumasok ang adviser namin may announcement lang daw.

"This came from the deans office. Simula ngayon magiging half day na lang ang klase niyo. There's a sudden change of your class schedule at mapapaaga na rin ang simula ng klase. From 8:00 AM na start niyo magiging 7:00 AM na since half day na lang pasok niyo. Bukas ko nalang siguro ibibigay ang bagong class schedule niyo at alam kong gutom na kayong lahat. Class dismiss!"

Nag sigawan naman ang mga baliw kong kaklase malamang ay natutuwa silang pang umaga na lang ang klase. Pero bakit nga kaya half day na lang ang klase?

"Uuwi ka na?" Tanong ni Calix. Napatigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko para lingunin siya.

"Ah oo, wala naman ng pasok tsaka nangako ako kay Axel na maglalaro kami eh. Bakit?"

"Nakauwi na pala sila Kuya Christian?" Tanong niya ulit na tinanguan ko na lang. "Ah I see." Inaayos ko na ulit ang gamit ko.

"Una na ako Calix." Pagpapaalam ko pa sa kaibigan. Nang tumango siya dumeretsyo na ako palabas ng room. Pero nagulat ako ng may humila sakin.

"Hoy! Ano ba?! Biwatan mo nga ako!" Singhal ko kay Nathan. Bigla bigla ba namang manghila sapakin ko na talaga to eh.

"Di ba sabi ko sabay tayong mag lu-lunch." Pagpapaalala niya sakin. Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. May ibibigay nga pala siya sakin.

"Sama ka? Sa bahay na lang tayo kumain maglalaro kami ni Axel eh." Gusto rin kasi siya ni Axel na kalaro tuwang tuwa pa nga si Axel kahapon nung maglaro sila ng Tito Nathan niya.

"Ano nga palang ibibigay mo sakin?" Tanong ko mg bigla kong maalala ang sinabi niya kanina.

Nakangiti niyang inilabas sa bulsa niya ang isang necklace ng mapunta kami sa walang masyadong tao.

"Nakita ko to sa mall nung isang araw ng mapadaan ako tapos naalala kita. Kahapon ko sana ibibigay kaso nakalimutan kong dalhin kaya ngayon na lang." Isinuot niya pa mismo sa akin yung kwentas. Ng tingan ko yun namangha ako sa sobrang ganda. Alam kong may kamahalan ang isang to kaya balak ko sanang hubarin at ibalik sakanya ng pigilan niya ako.

"Wag, tanggapin mo na please. Binili ko talaga yan para sayo eh." Mahinang sambit niya kaya tumango na lang ako. Pinakatitigan ko ang bigay niyang necklace ang ganda niya talaga. Magkano kaya bili niya dito? Hystt nagsayang lang siya ng pera.

Dahil hindi alam sa bahay na half day na lang ang klase namin naisipan ko mag text na lang na magpapasundo ako. Handa na akong isend ang message ko sa driver namin ng may maalala ako, gusto kong maglakad pauwi.

I checked my bag kung dala ko ba ang payong ko. Napangiti ako ng dala dala ko nga. Naguguluhang napatingin si Nathan sakin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Maglalakad ako pauwi." Abot tenga yung ngiti ko. Finally, makakapaglakad ako ulit pauwi.

"Ganitong oras maglalakad ka? Nahihibang ka na ba? Tatawagan ko si tita at sasabihin kong ipasundo ka na. Ang init init tapos maglalakad ka dyan." Akmang tatawagan na nga niya si mama pero nakipagagawan ako sakanya ng cellphone. Matangkad siya kaya kailangan kong tumingkayad para abutin siya.

Sa pakikipagagawan ko sakanya ng phone di ko napansin na sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Automateko kaming napahinto. Napatitig ako sa mukha niya, panay ang lunok niya at nang mataohan ako ay nag iwas ng tingin sakanya ganun na rin siya sakin.

"A-ano wag... Wag mo nalang sabihin kina mommy gusto ko maglakad pauwi." Yun lang ang sinabi ko at naglakad na ako palabas ng school. Grabe nakakahiya.

Naglakad ako ng naglakad ni hindi man lang siya nilingon. Ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong nakipag karera sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Tine! Sandali!" Sigaw niya. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Pero kahit anong bilis ko naabutan niya pa rin ako.

Tahimik lang kaming naglalakad nakita kong naiinitan na siya kaya umusog ako para mahagip siya ng payong. Tumingin siya sakin at ngumiti. Kinuha niya ang payong sa kamay ko at siya na ang humawak nito. May katangkaran siya kaya mabuti nalang at kinuha niya payong.

May nadaanan kaming mga tambay sa kanto malapit samin. Bigla niyang pinagpalit ang position namin.

"Dito ka." Tumango na lang ako. Kahit ang paghawak niya sa braso ko di ko na pinigilan dahil sa takot ko sa mga lalaki sa nadadaanan namin.

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Nagtaka pa sina mommy kung bakit ang aga ko daw umuwi at bakit kasama ko pa si Nathan kaya nag explain muna ako sakanya bago ako nagpaalam na magpapalit na muna ng damit.

Tapos na silang lahat kumain kaya kami na lang ni Nathan ang kumain. Pinaghanda pa kami ng makakain kahit pwede naman gawin yun ng katulong.

Nginitian ko lang si mom bago kami mag simulang kumain. Ng matapos mag presenta si Nathan na siya na daw ang maghuhugas ayaw pa sana ni mommy pero mapilit siya kaya wala ding nagawa si mommy ng magsimula na siyang ligpitin ang pinagkainan naming dalawa. Ako naman pinuntahan si Axel sa playhouse niya para makipaglaro.

"Tita ganda! Are we going to play now?" Tumango ako at ginulo ang buhok niya.

Nakakatuwang makita siyang masaya. Muntik ko ng makalimutan birthday na ni Axel the day after tomorrow. Kailangan ko ng bumili ng gift ko para sakanya.

Nasa gitna ako ng pagiisip ng pwedeng iregalo kay Axel ng pumasok si Nathan sa playroom ni Axel.

"Tito pogi you're here again! Yehey!" Tuwang tuwa talaga siyang maging kalaro ang tito Nathan niya.

"Axel will play! Axel will play~!" Pakanta kanta pa siya kaya natawa ako.

Aalis sina Kuya kaya iniwan na muna samin si Axel okay lang naman kasi wala naman akong gagawin ewan ko na lang dito kay Nathan. Pero sabi niya wala naman siyang gagawin kaya okay lang daw.

Dahil sa pagod mabilis na nakatulog si Axel. Pinabuhat ko na lang kay Nathan si Axel papunta sa room nito.

Nang mailapag na niya sa kama si Axel nagpaalam siyang bababa daw muna siya kasi nauuhaw na. Tumango naman ako. Iniwan niya ang cellphone niya sa kama.

Wala pang 3 minuto ng makaalis si Nathan nang biglang may tumatawag sa cellphone niya. Ng tingan ko kung sino the name 'Sarah' pop in the screen.

Sino si Sarah? Kapatid niya ba? Ayoko namang sagotin kasi di naman akin yung phone. Bumalik din agad siya at sinabi kong may tumawag kani kanina lang. Di niya pa natitingnan kung sino ang tunatawag ng mag ring ulit ang cellphone niya. Napatitig muna siya sa screen bago inoff ang cellphone niya.

"Bakit mo inoff?" Nagtatakang tanong ko. Baka kasi emergency pala yun.

"Di naman importante yun."

"Una na pala ako Tine, thank you sa dinner ang sarap talaga ng luto ni tita. May gagawin pa kasi ako. See you tomorrow." Dali dali siyang lumabas ng room hindi na nga hinintay ang sagot ko.

30 minutes na nung makaalis siya ng maka receive ako ng text sakanya.

From Nathan:
Sorry nagmamadali talaga kasi ako.

From Nathan:
See you tomorrow <3

Di ko na nagawang mag reply sakanya sa kakaisip kung sino ba si Sarah? Bakit biglang nag iba ang mood niya ng makita kung sino ang tumatawag?

Sarah?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top