DAY 8
DAY 8
Pumasok ako ng lunes na lutang, iniisip pa rin yung sinabi niya. Pano ko siya haharapin ngayon? Kung bakit naman kasi, aish ayoko na isipin sumasakit lang ulo ko. Pero di ko maintindihan ang sarili ko bakit kinilig ako nung sinabi niyang gusto niya ako? Tama na Celestine mababaliw ka lang.
Naglalakad ako ng lutang ng may mabundol ako sa pader, kung pader nga ba. Aish ang tanga mo naman ngayong araw Tine.
"Ayos ka lang?" Oh shit iniisip ko pa lang siya kani-kanina lang pero heto na siya sa harap ko. Ano gagawin ko?
"Ah okay lang, sorry may iniisip lang. Sige una na ako." Nagmamadaling sabi ko.
Di ko na siya hinintay pang magsalita dali dali na akong lumakad papuntang classroom. Pagdating ko bukas na ang room, hindi na rin kasi ako nagbubukas nito. Pagpasok ko sa loob andun na si Calix kaya inabala ko ang sarili ko sa pakikipagusap sakanya. Gagawin ko lahat maiwasan lang si Nathan. At ang pakikipagusap kay Calix sa ngayon ang nakikita kong paraan.
"Uyy Tine kamusta?" Tanong nito. Laking pasasalamat ko at kinausap niya ako.
"Okay lang, Ikaw?"
"Ayos lang din. Pupuntahan sana kita sainyo kahapon kaso sabi ni Camille nasa labas daw kayo?" Tanong niya pa ulit. Ang daldal talaga ni Camille.
"Ah-" nabitin ang sasabihin ko ng may sinabi pa siya.
"At magkasama daw kayo ni Nathan? Tama ba?" Napaiwas ako ng tingin.
Kaya nga ako nakikipagusap sayo para iwasan yung tao, pero ito ka ngayon pinapaalala mo na naman.
"Ah oo, nakita kasi namin siya sa simbahan kaya ng lumabas kami sinama na siya nina mommy at daddy." Paliwanag ko.
"Close pala sila?" Curious na tanong niya pa.
"Oo ata?" Alanganin na sagot ko. "Basta mula ng pumunta siya sa bahay naging magaan na loob sakanya nila mama." Pagkukwento ko.
Wala naman masama kung sabihin ko yun and beside kaibigan ko din naman si Calix.
"I see."
Hanggang dun na lang ang pag uusap namin dahil dumating na ang teacher namin.
Lumipas ang pang umagang klase ng di ko pinapansin si Nathan. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa sinabi niya. How come na gusto niya ako, kung ang gusto niya ay yung kaibigan niya 'kuno' na nakilala niya 10 years ago. Aish napuyat na nga ako kagabi, hanggang ngayon ba naman yun pa rin ang iisipin ko? Bahala na nga.
Siguro iiwasan ko nalang siya buong maghapon tutal huling dalawang subject nalang naman.
"Tine, pwede ba tayo mag usap?" Narinig kong sabi niya.
Ano ba pag uusapan namin? Kung tungkol to sa kahapon di pa ako ready.
"Seryoso ako sa sinabi ko kagabi Tine. Pero sana, wag mo naman akong iwasan ng ganito." Napatingin ako sakanya bigla bigla akong nakonsenya.
"Wala akong masamang intensyon sayo, kasi kung meron bat ko pa sasabihin sa parent mo na gusto kita?" Nagulat ako sa sinabi niya.
So alam nina daddy at mommy ang tungkol sa nararamdaman niya sakin? Kaya ba ganun nalang sila kung umakto kapag magkasama kami ni Nathan? Kaya pala ang weird nila. Now I know why.
"Kalimutan mo na yung sinabi mo kahapon." Sabi ko at nag iwas ng tingin.
"You think it's easy huh? Gustohin ko man mahirap ng pigilan eh." Napakurap ako sa sinabi niya. God isang linggo palang kaming magkakilala.
"Nathan baka nabibigla ka lang, kasi you know ako palagi mong kasama. Baka ganun." Sabi ko nalang. Ang bilis naman niya atang ma fall.
"Kung yan ang gusto mong isipin bahala ka basta ako alam ko ang totoo. Gusto kita yun ang totoo."
Sinabi niya yun na parang wala ang sa tabi ko si Calix, sinabi niya yun na parang wala ang mga kaklase namin. Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin nalang ako bigla sa paraan ng tinginan ng mga kaklase namin. Awkward akong ngumiti sakanilang lahat bago humarap kay Nathan ulit.
"Mag usap tayo mamaya." Yun lang ang sinabi ko bago yumuko sa mesa ko.
Anong gagawin ko? Hinihintay kong sabihin niyang 'It's a prank' pero ang seryoso ng mukha niya. Bahala na mamaya. Ayokong ganto kami ka awkward sa isa't isa. And for some reason i felt happy for his sudden confession. I dont know, maybe I have already a crush on him.
The day went smoothly. Ng mag uwian hinila ko si Nathan para mag usap kami. Kailangan naming klarohin ang lahat.
"Bakit?" Naguguluhang tanong niya.
"Mag uusap tayo." Sabi ko naman.
"Huh? About saan?" Anong about saan? Nakalimutan na niya? Lutang ba to?
"Di ba sinabi ko na sayo kanina mag uusap tayo." Tila natauhan naman siya sa sinabi ko.
"Ayy oo sorry may iniisip lang, nakalimutan ko oo nga pala, pasensya na."
"Yung sinabi...." Umurong ang dila ko ano ba dapat kung sabihin? Ang awkward naman nito.
"Tine, kung about to kahapon promise totoo lahat ng sinabi ko. Di naman required na magustohan mo ko pabalik, okay na sakin na alam mo ang nararamdaman ko sayo." Sabi ko nga di ko alam ano sasabihin ko.
"Sana walang magbago. Kung ano yung pakikitungo mo sakin bago mo malamang gusto kita sana ganun pa rin."
"Ah oo naman." Awkward na ngiti ko.
"Good to know." Nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko.
"Nathan a-ano k-kasi...." Nauutal at di ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.
"Ano?" Naiinip na tanong niya.
Pano ko ba sasabihin? Hell this is my first time to confess. Yes, I'm going to confess too.
"I think ano....." Ganto pala to kahirap. Crush lang naman eh pero ang hirap pa din.
"Spill it, Tine."
"Ano kasi..., Crush kita." Napapakit ako at nag iwas ng tingin.
There's a long silence between the two of us. Ng mag angat ako ng tingin nakangiti na siya sakin. Ginulo niya ulit ang buhok ko at sinabing.,
"Good to know."
"Crush lang naman." Paglilinaw ko.
"Ayos lang atleast alam kong may pagasa."
"Huh? Sino may sabi sayo?!" Assuming naman nito.
"Alam ko lang HAHAHAHA. Halika na nga hahatid na kita.
"Kahit wag na. Susunduin naman ako ng driver namin."
"Sasamahan pa rin kita." Huh? Susunduin na nga ako eh. Kulit talaga nito.
"Wag na nga umuwi ka nalang sainyo." Aasarin niya lang ako ulit eh.
"Sasama ako that's final, tsaka isa pa pinapapunta ako nila tita HAHAHAHA." Bakit naman siya papapuntahin sa bahay?
"Ano gagawin mo dun?" Tanong ko. Ano araw araw kailangan nasa bahay siya? Aba naman talaga.
"Dun na daw ako amg dinner. Sabi pa nila may family dinner daw kayo, totoo ba?" Family dinner pala bakit kasama siya? Di naman aiya part ng family namin.
"Family dinner pero kasama ka?" Nakataas ang kilay na sabi ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
"Syempre future son in law nila ako eh." Mayabang na sabi niya. Aba kapal naman ng apog nito.
"As far as I know may asawa na si kuya at di kayo pwede, Di naman tayo kaya anong son in law sinasabi mo dyan dalawa lang kaming magkapatid." Tanga tangahan kong sabi. Try lang mang inis HAHHAHAHAHA.
"Seryoso ka ba Tine?" Di makapaniwalang tanong niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Joke lang HAHAHA."
"Halika na nga nag text na si tita umuwi ka na daw." Yun lang sinabi niya at hinatak na niya ako.
Ng makarating kami sa gate nakita kong nakaabang na ang driver namin.
"Good afternoon ma'am, sir" bati niya bago buksan ang pinto.
"Good afternoon kuya." Bati ko naman at punasok na ako. Nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Nathan.
"Hoy anong ginagawa mo dito?!" Seryoso ba siyang sasama siya?
"Obvious ba? Sasama nga ako." Di nalang ako nagsalita bahala siya sa buhay niya.
Di nagtagal nakarating na rin kami sa bahay pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan.
"Tita andito na po kami!" Sigaw niya ng makapasok na kami sa loob ng bahay. Ang walanghiya sumigaw pa talaga feel at home na feel at home ang datingan natin lods ah. Kapal ng mukha talaga nito.
"Andyan na pala kayo," Lumabas si mama galing kusina. "Upo muna kayo dyan."
"Hi mom." Humalik ako sa pisngi niya ng makalapit siya samin.
"Hello baby, how's you're day?" She ask me.
"It's fine."
"That's good," she smiled at me and glance at Nathan who's smiling like an idiot beside me. "Buti nakarating ka." Ngiti ni mommy sakanya.
"Syempre naman tita, papalampasin ko ba ang pagkakataon na to? Syempre hindi HAHAHAHHAHA."
"Malamang eh wala ka namang hiya eh kapal ng mukha nito." Sabi ko sakanya sinamaan naman ako ng tingin mi mommy. Okay my fault, sorry.
"HAHAHAHAHA ganyan ka ba sa crush mo?" Nang aasar na sabi niya.
"Manahimik ka nga." Sabi na eh dapat di ko na lang sinabi. Tanga mo naman Tine.
"O siya dito muna kayo at may tataposin ako sa kusina." Tatawa tawang sabi ni mommy. Sa paraan ng tawa niya alam kong nang aasar siya. Arghh this is great.
Ten minutes na kaming walang imikan ni Nathan ng makarinig ako ng iyak ng bata. San galing yun? Wala namang bata dito samin. Galing sa taas ang iyak kaya tumayo ako para sana tingnan kung sino yun ng magulat ako sa taong pababa ng hagdan karga karga ang tatlong taong gulang na bata. Omo kailan pa sila dumating?
"Axel!" Nagtatakbo ako para salubungin sila. Namiss ko ang puslit na to.
"Kailan ba kayo dumating kuya? Kala ko ba di kayo tuloy at next month pa uwi niyo?" Tanong ko ng makalapit ako sakanila. Pinaggigilan ko ang pisngi ni Axel.
"Tita ganda it hurts." Nakangusong sabi niya. Aww ang cute.
"Sorry baby boy, namiss ka lang ni tita ganda." I smiled at him and kiss him on the cheek.
"Kanina lang ang dating namin. Sinadya ko talagang wag sabihin sayo para isurprise ka." Nakangiting sabi ni kuya. Nakita ko namang pababa si Ate Alex ng hagdan.
"Hi Ate." Nakangiting bati niya sakin. She smiled back and greeted me also. Ate Alex is beautiful, smart, talented, kind, and lovable that's why kuya falls for her deeper than he wanted.
Sabay sabay kaming bumalik sa sala. Nakita ko namang nagugulat na tumayo si Nathan. Huh? Anyare sakanya.
"Ate Alex?!" Nagugulat niyang sabi.
"N-Nate a-anong ginagawa mo rito?" Magkakilala sila? Nagpabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa.
"Ikaw ang anong ginagawa no rito? Ang tagal kitang di nakita, ni wala akong balita sayo may anak ka na pala." So magkakilalaa nga sila.
"She's my wife, ikaw ang sino ka? Anong ginagawa mo rito sa bahay namin?" Masungit na sabi ni kuya. Ganyan talaga siya kapag si niya kilala ang nasa loob ng bahay namin.
"Ah kasama ko siya kuya kaklase ko yan si Nathan ininvite siya nina mom." Pumagitna na ako baka ano pa sabihin ni kuya.
"I see." Di niya pa rin inaalis ang tingin niya kay Nathan.
"Pinsan ko siya hon," napatingin ako kay ate. So mag pinsan pala siya. "Remember yung kinukwento ko sayo palagi siya yun." Sabi pa ni ate. "Ah Nate kung pwede wag mo na muna to ipaalam kahit kanino sa pamilya ko alam mo naman ang nangyari di ba?" Tila nagmamakaawang sabi niya. Complicated nga pala ang sitwasyon ng pamilya ni ate Alex pero di ko alam ang dahilan. I never ask anyway ayoko manghimasok sa buhay ng iba.
"Yeah makakaasa ka, ikaw pa ba? Lakas mo sakin eh. I miss you Ate." Lumapit si Nathan at niyakap si Ate Alex napangiti ako mukang ang tagal nga nilang si nagkita.
"Mag usap tayo mamaya bago ka umuwi." Sabi ni ate na tango lang sinagot ni Nathan.
Tinawag na kami para kumain. Mag eearly dinner daw kami ngayon kasi mag mo- movie marathon later.
Kumpleto na kami sa mesa Nasa unahan si Dad samantalang nasa kanan naman niya si mom, si kuya na nasa kaliwa ni dad at Axel na pinapagitnaan ni ate at Kuya. Sa katabi naman ako ni mom at katabi ko si Nathan na kaharap si Ate Alex.
"Buti nakapunta ka Nathan." Nakangiting sabi ni dad. "At mukang masaya ka ah, anong meron?" Nang aasar na tanong ni dad napangisi naman si Nathan sa tanong ni dad.
"Ganto po pala ang feeling kapag may umamin sainyo no tito?" Ngiting ngiti na sabi niya. Sinipa ko siya sa ilalim ng upuan para manahimik na siya pero ang kupal lalo lang tumawa.
Napatingin ako sa mga kasama namin sa mesa, si Kuya at Ate Alex mukang naguguluhan samantao ngiting ngiti naman sina mom at dad.
"Ano bang nangyari?" Si mom naman ang nag tanong.
"Umamin po kasi sakin si Tine na-..." Naputol ang sasabihin niya ng takpan ko ang bibig niya tawang tawa sina mom at dad samantalang masama ang tingin ni kuya napapailing naman si Ate Alex mukang may idea na sila sa nagyayari.
"Manahimik ka nga ang inggay mo naman kumain ka nalang." Sabi ko bago tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.
"Crush niya daw po ako." Amp naman akala ko titigil na. Lupa kainin mo nalang ako.
"Totoo ba Tine?" Si dad.
Namula ang pisngi ko. Nasa hot seat ba ako? Kasi kung oo lupa pakilamon ako ngayon na.
"Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" Si Kuya naman ang nag tanong sakanya. Nagulat ako sa tanong niya.
"Kuya hindi!" Agap ko. Natawa naman sina mom and dad.
"Hindi kasi hindi pa," ano ba sinasabi niya? "Kasi liligiwan ko palang siya." Natulala ako sa sinabi niya.
"Ano?!"
Gusto ko na lang tumakbo sa kwarto at mapag isa nakakahiya ano ba sinasabi niya? Bakit ba ang lakas ng loob niyang sabihin to sa harap pa ng pamilya ko?
"Tita, Tito, ahm kuya?," Di niya siguradong tawag kay kuya. "Magpapaalam po sana akong ligawan si Celestine." Buo ang loob na sabi niya.
"Alam kung darating ang araw na to, nasabi ko naman na ang gusto kong sabihin sayo ng unang magkita tayo sa bahay na to, nasa anak ko na ang desisyon na yan hijo. Gusto kita para sakanya pero, siya ba gusto niya?" Seryosong sabi ni dad. Napalunok ako. Ang awkward naman nito.
"Tine?" Tawag sakin ni Nathan.
"Ano..... ewan ko pero wala namang masama kung susubukan pero ayokong madalian ang lahat, kakakakilala palang natin Nathan so, sana maintindihan mo." What? Pano ko nasabi yun? Kusa nalang lumalabas yun sa bibig ko.
Kinakabahan ako sa pwedeng sabihin ni kuya sakin. Sa kanilang tatlo mas takot ako sakanya. He's sweet but over protective lahat ng mga nagtangkang manligaw sakin noon dumaan sakanya, kapag kinabukasan ayaw na nila, takot lang nila kay kuya no.
"K-kuya?" Kinakabahang tawag ko. Tumingin siya sakin. Natakot pa ako sa paraan ng pagtingin niya. Para akong sinisilaban sa impyerno.
"HAHAHAHAHAHA" Eh? Nabaliw na ba to at bigla biglang tumatawa.
"Baby sis kilala ko na si Nathan, nakwento sakin ni dad na may nagkakagusto daw sayo at sinabi niyang there's nothing to worry about I trust dad's words that's why I'm not against with you and Nathan." Eh? Himala ata. Nauntog ba tong si Kuya? Bigla biglang nagbabago eh. Si Nathan palang ata ang pinayagan niyang manliligaw ko.
Natapos ang gabi namin sa panonood ng movie, and this time kumpleto na kami. Si Nathan naman pinahatid ni dad sa driver namin ayaw niya sana kaso nagpumilit si dad kaya wala din siyang nagawa, pati delikado na sa daan. Hindi na rin natuloy ang plano nilang mag usap ni Ate Alex, he said next time nalang daw. He even say na tatawag siya pagkarating niya sa condo niya. And here I am talking to the idiot.
"Anong feeling na ka late night talk ang crush mo?" Natatawang sabi niya. Kanina pa to asar ng asar ah.
"Anong feeling na crush ka ng gusto mo?" Mas mayabang na tanong ko, akala ko matitinag siya pero hindi lalo lang siyang tumawa.
"Syempre masarap sa feeling matagal ko nang crush yun eh." Ano daw? Matagal eh kakakilala palang namin.
"Huh? Matagal?"
"Wala sabi ko matulog ka na late na, may pasok pa bukas. Goodnight"
"Goodnight too." Yun lang at binaba ko na ang tawag.
Napangiti na lang ako sa mga nangyari ngayong araw. Maybe this is one of the happiest thing happened in my existence.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top