DAY 7
DAY 7
Today is Sunday, at gaya ng nakasanayan namin maaga kaming aalis para magsimba then, after gagala kami.
"Celestine? Hija gising ka na ba?" Tawag ni yaya Elena.
"Gising na po." Tugon ko naman.
"Pinapasabi ng mommy mo na maaga daw kayong aalis ngayon."
Siya si Yaya Elena, siya ang nag alaga samin ni kuya mula bata pa kami tuwing wala sina mommy. Tumandang walang anak si yaya kaya naman parang anak na rin ang turing niya samin ni kuya Christian. Malaki ang tiwala sakanya nina mommy at daddy kaya ng masira ng bagyo ang bahay nila sila na ang gumastos para mapaayos at mapatayuan sila ng mas komportableng matitirihan.
"Sige po mag aayos na po."
Ng maramdaman kong wala na sa labas si yaya bumangon na ako kama para maligo.
After almost 1 hour of preparing bumaba na ako para mag breakfast.
"Good morning dad," bati ko sakanya sabay halik sa pisngi ng madatnan ko siya sa dining area na nagkakape.
"Good morning, princess." Nakangiting bati niya rin sakin.
"Asan si mommy?" Tanong ko ng di ko siya madatnan.
"May kinuha lang, anyway kumain ka na maya maya lang aalis na tayo."
Tumango nalang ako at umupo na sa usual seat ko para kumain. I'm not into heavy meal at breakfast kaya di rin nag tagal tapos na ako sakto naman ang pagbaba ni mommy.
"Tapos na kayo?" Tanong niya ng makalapit samin. Tumango lang kami pareho ni dad.
"So let's go? Kakausapin pa natin si father bago mag start ang mass, so we need to go there as early as we can."
"Kunin ko lang po ang gamit ko sa taas." Pagpapaalam ko. Tinanguan lang nila ako kaya umalis din ako agad.
30 minutes kaming maaga bago mag simula ang sunday mass. Dumeretsyo kami sa likod ng simbahan kung saan naroon ang tinutuloyan ng pari.
Pag uusapan nila yung charity work na gagawin nila daddy dito sa simbahan. Every year nila tong ginagawa minsan twice a year or even thrice.
At dahil di ko naman alam ang pinaguusapan nila nag paalam na akong sa loob nalang mismo ng simbahan maghihintay. Maaga pa naman kaya mag suot muna ako ng earphone.
Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa kanta ng biglang may tumabi sa akin. Sa pag aakalang sina mommy na yun nag mulat ako ng mata at nag tangal ng earphone para lang magulat sa itsura mg taong bubungad sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagugulat na tanong ko.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa simbahan?" Pilosopong tanong niya. Napasapo ako sa aking noo kahit kailan talaga. Ipaalala niyo sakin na nasa simbahan ako.
"Pilosopo!" Nanggigigil na sambit ko. Tumawa naman siya ng malakas kaya napatingin ako sa mga tao na inti unti ng dumarating na nakatingin sa gawi namin.
"Chill ito naman. Madalas talaga ako mag simba dito ano." Madalas? Eh ngayon ko lang kaya siya nakita dito.
"Sige mag sinungaling ka sa harap mismo ng altar!"
"Oo na! oo na!" Pagsuko niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay na paraang ipinapahiwatig ko na ituloy niya ang sinasabi niya.
"Ano kasi-" si siya makatingin sakin. "Ano-" di niya matuloy tuloy ang sinasabi niya.
"Ano? Puro ka ano!"
"Kasi ahm-," patingin tingin siya sa paligid tila naghahanap ng makukuhang sagot. "Hi tito, hi tita!" Parang nakahinga siya ng maluwag ng makita ang mga magulang ko.
Nakita ko naman ang pasimpleng pag ngiti nina mommy. Kahapon pa tong mga to ah. Ngayon malakas na amg kutob kong may tinatago sila sakin. Ano naman kaya yun?
"Your here hijo." Nakita ko pa ang pag baling sakin ni daddy at ang makahulugan niyang ngiti. You're really acting weird dad.
"Good morning po!"
"Hi sungit good morning!" Taas ng energy ah.
"Good morning too, and please stop calling me ma sungit 'coz I'm not." Tinawanan lang ako ng loko.
"Wag na kayo mag away pa dyan kayo din baka kayo magkatuloyan." Nag aasar na sabi ni dad.
Bakit feeling ko pinagtutulakan niya talaga ako? Hello? Dad? Akala ko ba bawal pa ko mag boyfriend? Pero bakit kung umasta ka gustong gusto mo ako ipamigay sa lalaking to.
"Mag dilang anghel ka tito." Pakikisabay pa ni Nathan kay daddy. Urghhh nakakairita na ah bakit ba pinagtutulungan nila ako?
"Oh siya maupo na kayo at magsisimula na." Padarag akong umupo sa upuan at ang walang hiya ang kapal ng muka tumabi pa talaga sakin. Di ko nalang pinansin.
Ewan ko ba sanay naman na ko so presensya niya kasi nga palagi kami mag kasama sa school pero iba kasi ngayon. May something na di ko alam.
Pagkatapos ng Sunday mass sinama na rin nila mommy si Nathan papuntang mall manonood kami sine.
"Bakit ba kasama ka na naman?" Kunyaring naiinis ko sakanya pero ang totoo natutuwa na rin naman ako sa presenya niya. Para kasi siyang si Kuya lang din dati.
"Aba tanungin mo mommy't daddy mo." inirapan ko siya. Nasasanay na talaga ako umirap sa lalaking to eh sarap lang sakalin. Pero syempre joke lang yun.
Just like the set up in the church a while ago magkatabi ulit kami. This time di na ako nag reklamo.
Nasa kalagitnaan na ng movie ng bigla akong maiyak. Dalang dala ako doon sa sitwasyon nung girl. Maybe because we we're on the same page of our life.
"Are you okay?" Kinurap kurap ko ang mata ko at nag pahid ng luha para tangoan siya.
Hindi niya pa pala alam ang kalagayan ko. At sa mga oras na to mas gugustuhin kong wag niya nalang malaman.
"Yeah" yun nalang ang sinagot ko.
After namin manood kumain muna kami sa restaurant sa loob lang din ng mall then, after kumain maghahanap kami ng magandang pasyalan.
It was Nathan's suggestion to visit here and he's right, the nature here are so peaceful and very relaxing. Perfect for dad 'coz he's very stressed this past few months on his business. So i think he badly need this.
I was busy thinking when suddenly my phone rang. I immediately pick it up when i noticed whose calling. It was Camille and the 2 girls.
"OMG! mga gaga bakit ngayon lang kayo tumawag?" Bungad ko agad ng sandaling masagot ko na ang tawag nila.
At ang mga gaga bakit magkakasama? Ako nalang pala ang kulang ang daya naman. I miss them a lot.
"Sorry busy lang ngayon lang din kami nagkita kita." It was Reign whose talking.
"We miss you girl!" Danica. And as always she's so hyper again.
"Kamusta? Nakapag desisyon ka na ba?" Tanong ni Camille na nagpatigil sakin.
I've been thinking about it this past few days and i decided to fight for this. I'll take the risk gusto ko pa mabuhay. Gusto kong maranasan ang maka graduate. Gusto kong makitang lumaki si Axel. Gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay. Ayokong matulad sa babae kanina sa movie. Ngayon gusto ko ng lumaban.
Sinabi ko sakanila ang balak ko at sobrang natutuwa sila sa desisyon ko. Kasi finally ready na akong lumaban.
Madami pa kaming napagkwentohan at halatang sabik na sabik ng makita ang isa't isa, well ako nalang pala ang kulang sakanila. Anyway alam ko naman uuwi sila dito but i dont know when.
Nag uusap pa kami ng bestfriends ko ng dumating si Nathan at tawagin ako.
"Celes, tara kain tayo may malapit na bilihan dito ng mga street foods." Lag anyaya niya. Saglit akong napatingin sakanya.
"Sige sunod ako kausap ko pa kaibigan ko." Tinuro ko pa phone ko. Lunapit naman siya at nakisilip.
"Ay, hello girls!"
"OMG! shuta ka sino yan?" Tili ni Danica.
"Kalmahan mo lang Dans!" Natatawang sabi ko. Knowing her basta makakita ng gwapo kilig na kilig. Ewan ba dyan jowang jowa na pero takot sa commitment.
"Hello there! What's your name? And why magkasama kayo? Are you together?" It was Reign.
"Ah girls si Nathan kaklase ko kaibigan na rin, Nathan mga kaibigan ko si Reign, Danica and Camille." Pagpapakilala ko sakanila.
Binigyan naman nila ako ng nakakalokong tingin. And i hate that stares.
"Nice to meet you all." Nakangiting sabi niya pa.
"Are you single?"
"Hoy Dans mahiya ka nga!" Saway ni Reign kay Danica na ikinatawa ko naman.
"What? Ang kj mo Reign nagtatanong lang naman eh."
"I'm single but not available." Nag wink pa ang kingina sa tatlo.
"Ay sayang may irereto sana ako sayo." Itsurang nanghihinayang talaga si Danica kaya natawa ako sakanya.
"Really? Sino naman sana?"
"Si tine! HAHAHAHAHHAHAA" napangiwi ako sa sinabi niya kung andito lang to natamaan na siya sakin eh.
"Tangina mo Danica!" Nanggigigil na sabi ko. Tawa naman siya ng tawa at nakitawa ma rin ang dalawa.
"Is that so? Pwede naman Hahahaha." Pakikisali ni Nathan. Inirapan ko siya.
"Lumayas ka na nga, nagugutom ka na di ba? Oh siya layas na susunod ako." Pangtataboy ko sakanya.
Wala naman siyang nagawa at umalis na ng itulak tulak ko siya. Ng makaalis si Nathan panay naman ang asar sakin nung tatlo.
"Infairness naman talaga sa taste mo Celestine. Marunong ka ngang pumili HAHAHAHHAA." napangiwi ako sa sinabi ni Danica na tinawanan naman nung dalawa.
"Siya pala yung sinasabi ni Calix hmm now i know hahahaha dapat na ngang mabahala ang kapatid ko." Huh? Anong sinasabi nitong si Camille?
"Huh? What do you mean?"
"Ahh wala, sige na una na kami may pupuntahan pa us. We miss you."
"Yeah i miss you too, bye!"
"Bye, we love you!" Sabay sabay pa na sabi nila at binaba na ang call.
Sinundan ko naman si Nathan ng matapos na kami sa pag uusap ng mga kaibigan ko. Nakita ko siya sa mga food stall sa malapit lang din. Ng makalapit ako napansin kong wala sina mom and dad.
"Naglilibot libot sila." Napansin niya atang hinahanap ko sila. Tumango naman ako at tiningnan yung mga paninda sa harapin namin.
"Masarap yan, promise di ka magsisi." Kumbinsi niya pa. Well kumakain naman na ko nito di naman ako maarte sa mga ganitong bagay.
"Ate, magkano po sa isaw?" Magalang na tanong ko dun sa tindira.
"Limang peso bawat isa." Tumango ako at kumuha.
"Hala ang sarap!"
Kuha lang ako ng kuha hanggang sa mabusog na ako. Nakatingin lang sakin si Nathan pero di ko siya pinansin mas focus ako dun sa mga kinakain ko. Kaya nagulat ako ng lapitan niya ako at punasan ang gilid ng labi ko.
"Ang dugyot mo kasing kumain HAHAHAHA!"
Matapos namin kumain naglakad lakad kami para matunawan. May nakita akong ice cream sa malapit kaya hinila ko siya papunta dun.
"Ang takaw mo kakakain palang natin." Nakangusong sabi niya pa.
"Ang init kaya, tamang tama lang tong ice cream."
"Oo na." Pagsuko niya. Tinawanan ko naman siya talo ka sakin ngayon.
"Kuya dalawa po."
Pagkabigay ni manong naglakad lakad ulit kami. Panay lang siya kwento ng mga bagay bagay habang ako naman parang di nakikinig. Para kasing ang pamilyar ng lugar na to sakin. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip kung nakapunta na ba talaga ako dito o ano ng biglang maramdaman ko ang malamig sa pisngi ko. Pag tingin ko sa kaliwa ko ngiting ngiti na si Nathan sakin.
"Ano ba!" Singhal ko kaya tumakbo na siya. At ako naman tong si tanga hinabol pa talaga siya.
Para kaming mga bata na nagtatakbo sa paligid ng maramdaman ko ang pag bigat ng paghinga ko. Ang tanga mo naman Tine alam mong bawal sayo ang mapagod hito at takbo ka ng takbo gusto mo na ba talaga mamamatay.
Nang maramdaman niyang di na ako sumusunod nilapitan niya ako. Napansin niya ata ang pamumutla ko. Nakita ko ang pag aalala sa mata niya.
"Tine ayos ka lang?" Kahit ang tinig niya tunog nag aalala. Kinakapos na ko ng hininga pero ayoko ipahalata baka lasi bigla niyang tawagin sina mom at dad.
"Yeah ayos lang ako, napagod lang siguro sa pagtakbo." Tumango naman siya at parang kumbinsido na sa sinabi ko.
Nagbukas ang ng mapaguusapan para malihis amg atensyon niya sa bigat ng nararamdaman ko.
"Alam mo parang pamilyar sakin ang lugar na to." Nakita ko namang napangiti siya. Weird.
"Baka nakapunta ka na dito dati." Sabi niya habang nakatingin sa unahan namin.
"Yun nga din iniisip ko eh."
"Madami na kasi ang nabago sa lugar na to. Madalas akong pumunta dito noon simula ng makita ko ang babaeng yun." Babae? Sino naman kaya yun? Baka childhood friend niya. Di ako nagsalita hinahayaan lang siyang mag kwento.
"Ng makita ko siya sa lugar na to umiiyak, punong puno ng luha ang mukha ng nilapitan ko siya ang sabi niya di niya daw mahanap ang kasama niya. Di niya rin alam ang address ng bahay nila kaya ang ginawa ko sinamahan ko siya hanggang sa balikan siya ng kasama niya. Di ko makalimutan ang itsura niya maganda ang kulay ng mga mata, matangos ang ilong, tamang tama ang hugis ng muka niya. At hanggang ngayon ganun pa din siya ang kaibahan nga langas gumanda pa siya lalo. Mas nahulog ako sakanya ng lubos." Nakangiti niyang pag kukwento. Nakaramdam ako ng kunting inggit dun sa girl. Kumirot yung puso ko di ko alam kung bakit.
"Nagkikita pa rin ba kayo?"
"Oo kaso di niya ako makilala. Ang tagal na rin kasi nun 10 years ago pa. Ngayon nalang ulit kami nagkita, i mean nitong nakaraan lang ulit ako nagpakita. Nasanay akong tingnan siya sa malayo ng di ko na kaya ako na ang kusang lumapit sakanya."
Madami pa siyang kinwento at kunyare nalang na nakikinig ako parang mas bumigat ang pakiramdam ko. Nakakaramdam ako ng kunting selos na di ko alam kung san nanggagaling.
"Tine may gusto sana akong sabihin sayo." Napatingin ako sa gawi niya ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.
"Ano?"
"Halimbawa, may mag confess sayo ng nararamdaman niya towards you, ano gagawin mo?" Parang out of the blue naman ng tanong niya.
"Ewan ko." Kibit balikat na sagot ko. Kasi di ko naman talaga alam.
"Pano kapag sinabi kong mahal kita?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ano? Panong? Bakit ako? Akala ko ba yung babaeng natagpuan niya dito? Pjnagloloko ba ako nito?
"Anong gagawin mo sa nararamdaman ko?"
------------------
<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top