DAY 6
DAY 6
Maaga akong nagising para mag ayos. Pupunta kaming airport para sunduin si dad ngayon.
Pagdating ko sa baba nasa dining area na si mom kumakain ng almusal niya.
"Good morning, mom." Binati ko muna siya bago humalik sa pisngi niya saka umupo na sa usual sit ko.
"Good morning too baby." Oh come on, ayan na naman yang baby na yan hello 18 na po kaya ako.
"Mom hindi na ako bata," nagtatampo kunyareng sabi ko. "18 na ko pero tinatawag mo pa din akong baby." Ngumuso pa ako para mas convincing. Pero wala din palang epekto tumuwa lang siya sa sinabi't ginawa ko.
"Kahit umabot ka pa ng 20, 25, 30 o kahit tumanda ka pa ikaw pa rin ang nag iisang baby ko." Napangiti ako.
Celestia Madrigal, isang butihin, mabait, maasahan at mapagmahal na asawa't ina. Palagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng bagay na gusto ko. Siya ang unang nag tiwala na kaya kong gawin ang bagay na dating takot akong gawin pero ngayon malaya ko ng ginagawa. Palagi siyang naglalaan ng oras para saamin ni kuya simula bata pa kami. Kaya para sa akin, siya na ang best mom in the world.
"Oh siya, sige na kumain ka na para masundo na natin ang daddy mo." Nakangiting sabi ni mama kaya ngumiti rin ako at sinimulan ng kumain.
Matapos ng halos isa't kalahating oras ng pag aayos ready na kami para pumuntang airport. I really miss my dad.
"Let's go baby malapit ng lumapag ang daddy mo." Tumango nalang ako.
Tahimik lang ako sa buong byahe namin papuntang airport ng tanungin ako ni mommy.
"San mo gusto pumunta? Alam ko sobrang miss mo na ang daddy mo." Nakangiting sabi ni mama.
Kahit gaano ko kagustong makasama si dad ngayon hindi pwede may usapan kami ni Nathan na ngayon kami gagawa ng project eh.
"Sorry mom, pero kasi may usapan kami ng classmate ko na ngayon gagawa ng para sa report namin eh." Nanghihinayang na sabi ko.
"That's good to hear, bukas nalang tayo lumabas."
"Opo." Magalang na sabi ko.
"Sa bahay nalang kayo gumawa ipaghahanda ko kayo ng meryenda mamaya." Nagulat ako sa sinabi niya pero tumango nalang ako. Tinext ko na din si Nathan na sa bahay nalang kami gumawa at pumayag naman siya. As if may choice siya hahaha.
Since malapit lang ang airport samin wala pang 30 minutes nakarating na kami. Ayaw na sana ni dad magpasundi kasi nga malapit lang naman pero ginusto namin to ni mom kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag.
10 minutes na kaming naghihintay ng makita namin si dad na naglalakad papalapit samin kasama ang assistant niyang si Kuya Topher at isa pang bodyguard.
"Daddy!" Tili ko habang sinasalubong siyang papalapit sakin. Agad agad ko naman siyang niyakap ng magtagpo kaming dalawa. He chuckled at my sudden reaction.
"Hey honey, it's been a while how are you? I missed you." Lumabi ako bagay na nakasanayan ko na kapag sila ni mom at Kuya ang kaharap ko.
"You're so cute." Pinaggigilan niya pa ako. Napatingin ako sa paligid at nakaramdam ng hiya ng makitang ang daming tao. Nakakahiya talaga ano ba Celestine muka kang 10 years old.
"Dad naman eh," nakanguso ko pa ring sabi. "Ayos naman po ako daddy nag aaral akong mabuti at mabait din po ako sa bahay promise di ba, Mom?" Tumingin pa ako kay mommy na ngiting ngiti habang nakatingin saming dalawa. Tumango naman si mommy na lalong nagpalawak ng ngiti ko pati na rin ni dad. "And also namiss din po kita, tagal nating di nagkita daddy."
Para talaga akong bata kung umasta kapag sila kausap ko. Kaya madalas itawag itawag sakin ng mga kaibigan ko ay spoiled brat. Pero ang totoo di naman ako ganun. Di naman ako materialistic na tao, oo mayaman kami kayang ibigay sakin lahat ng gusto ko, pero pagmamahal lang nila sapat na yun para sakin.
"Mamaya na kayo mag kwentohan umuwi na muna tayo para naman makapagpahinga na ang daddy mo hija?" Napatingin ulit ako kay mommy at tumango.
Magkakasama kaming tatlo sa iisang sasakyan kasama ang driver namin. Samantalang nasa isang sasakyan naman ang assistant ni dad pati na rin ang kasama nilang bodyguard at ilang kasama namin kanina.
Panay pa rin ang kwentohan naming tatlo sa loob ng sasakyan. Nakakatuwa lang na makitang kasama ko ulit sila sayang nga wala si kuya Christian. Di bale Celes uuwi na next yun kasama si Axel at ang asawa niya. Pagpapagaan ko ng loob sa sarili ko.
Ng malapit na kami sa bahay may napansin akong pamilyar na pigura ng lalaki habang kausap ang security guard namin. Nung una di ko pa masyadong maaninag kung sino nga ba iyong pamilyar na lalaki sa harap mg bahay namin. Not until....
"Kuya anong nangyayari dito? Sino siya?" Tanong ni mommy sa security guard namin
"Ah ma'am, kanina pa po siya dito bisita daw po ni ma'am Celestine, kaklase niya ata." Doon na ako tuluyang tumingin sa labas at tama nga ang hinala ko kanina, bakit ang aga nito?
"Bakit di niyo pa pinapasok kung ganun?" Tanong pa ni mommy sa security guard. "Siya ba ang tinutukoy mo Tine?" Sabay baling sakin ni mommy.
"Opo, sandali lang po bababain ko na po. Mauna na po kayo mom, dad sunod po ako." Pagpapaalam ko na tinanguan naman nila.
Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay ko munang makasakay sila bago ako lumapit sa pwesto ni Nathan.
"Hi." He greeted me
"Hello, bakit ang aga mo? Kanina ka pa dito? Di ba ang usapan after lunch pa?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Nag iwas naman siya ng tingin.
"Ah hindi naman kadadating ko lang mga ano 10 minutes ago." Hindi siya makatingin sakin habang sinasabi yun.
"Ay naku ma'am kanina pa yan dito mga 10 minutes bago kayo umalis ng dumating yan si sir." Biglang pumapagitnang sabi ng security guard.
"Ah hehehe." Alanganing sabi ni Nathan.
"Bakit di niyo na po pinapasok kuya?" Tanong ko naman doon sa guwardiya.
"Eh ayaw niya ma'am, dito nalang daw po siya maghihintay."
Tiningnan ko ng masama si Nathan na ngayon ay alanganin ang ngiti. Gagong to ang usapan after lunch pero ito siya. Ano early bird ang datingan.
"Sige kuya, salamat." Tumango lang si maning guard saka ko tiningnan ulit si Nathan. "Ano ba ginagawa mo dito? Di ba ang usapan natin eh after lunch pa." Nagpipigil ng inis na sabi ko. Kahit kailan talaga arghh.
"Na bored kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta nalang dito." Nagkibit balikat pa ang tanga.
"Sabi ko naman sayo aalis kami di ba? Tsaka bakit di ka pa pumasok sa loob?"
"Nakakahiya kaya, ikaw lang naman kilala ko dito sainyo." Baliw talaga to nakakahiya pero ang aga niya.
"Whatever, halika na nga hinihintay na ko ni mommy." Hinigit ko na siya papasok sa loob ng bahay.
Hila hila ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa sala kung saan naghihintay pala sina mommy. Nabitawan ko naman ang kamay ni Nathan ng dumapo doon ang tingin ni dad at malisyosong tumingin sakin.
"Mom, dad, si Nathan po classmate ko gagawa ng kami ng para sa report namin." Inunahan ko na si daddy sa kung ano man ang iniisip niya.
"Good morning po, ma'am, sir." Yumuko pa siya bilang pagbati. Tsskkk too formal HAHAHAHA.
"Classmate lang ba talaga hija?" Nakakalokong tanong ni dad.
"Dad! stop what you thinking classmate ko nga po siya kaibigan na din at the same time."
"Hahaha relax Tine nagjojoke lang si daddy eh," lumingon naman siya kay Nathan. "Good morning too hijo, and btw tito at tita nalang ma'am and sir are too formal."
Ngumiti ako, knowing daddy ayaw niya tinatawag ng sir not unless about sa work ang sadya mo.
"Ah sige po. I'm Nathan Martinez po Celestine classmate." Formal na pagpapakilala nito.
"Martinez? How are you related to Jonathan Martinez?"
"Ah daddy ko po siya. Bakit po?" Naguguluhang tanong niya pa.
"Oh really? Small world he's my business partner in some businesses, di ata kita nakikitang kasama nila sa mga gathering."
"We're not in good terms po eh." Nahihiyang sabi ni Nathan na nagpalingon naman sakin. Di ko alam na ganun pala ang relationship niya sa daddy niya.
"Sorry to hear that," hinging paumanhin ni daddy. "Oh siya may gagawin pa ata kayo." Baling sakin ni dad.
"Ah opo, kunin ko lang laptop ko dito nalang po kami sa sala gagawa inaayos pa po ata yung study room."
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Mas mabuti na rin siguro na maaga kami mag simula para maaga ring matapos.
Di naman ako nag tagal sa taas bumaba rin agad ako matapos kung kunin ang mga kakailanganin. Pagbaba ko nakita kong kausap pa rin ni mommy at daddy si Nathan.
"You're here na pala hija, hon let's go let them do whatever they need to do." Tumango naman si daddy na ngiting ngiti na saakin ngayon. Okay what's with the smile?
Nagpaalam na si daddy na aakyat na daw muna para mag pahinga at binigyan pa si Nathan ng makahulugang tingin na nginitian lang din naman ng isa. Samantalang si mommy naman pumuntang kusina para maghanda ng makakain daw namin.
Naguguluhan ako kay daddy, ano ba nangyari habang wala ako? Ngiting ngiti siya na di ko alam kung bakit.
"Shall we start?" Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Nathan. Arghh Tine stop overthinking.
"May dala ka naman ata ng sarilimong laptop hatiin natin yung gagawin, then kapag tapos ka na sa part mo send mo sakin saka nalang natin pagsasamahin."
Pumayag naman siya kaya sinimulan na naming gawin. Tahimik lang kami sa mga nakalipas na minuto ng paggawa tila ba parehong naka pukos sa ginagawa. Nabasag lang ang katahimikan namin ng bumalik si mommy at may dalang juice at cookies.
"Kumain nalang kayo kapag nagutom na kayo."
"Sige po tita, thank you po." Si Nathan na ang sumagot kay mommy naka focus talaga ako sa ginagawa ko.
"Iwan ko na muna kayo." Paalam ni mommy samin. Tumango lang ako.
Ng makaalis na si mommy bumalik na din si Nathan sa ginagawa niya. Nakaramdam ako ng gutom kaya inabot ko yung cookies pero sa di inaasahan na tabig ko yung baso. Since malapit sakin yun nabasa ako.
"Yan ang clumsy mo kasi. Bakit naman kasi kukuha nalang di pa tumitingin." Naiiritang sabi niya. Problema nito?
"Pake mo ba ha?! Ang epal mo naman." Naiinis na sabi ko. Di naman sinasadya tsaka ano naman sakanya? Di naman siya yung natapunan duh!
Di na siya nagsalita at tumayo na lang akala ko kung san pupunta kukuha lang pala ng tissue na malapit sakanya.
"Hoy anong ginagawa mo?!" Nabigla ako ng lapitan niya ako at punasan yung parte ng binti kong natapunan nung juice.
"Malamang pupunasan ko yung natapunan ng juice. Common sense mo naman kala ko ba matalino ka?" Nang iinsultong sabi niya. Aba tarantado to ah. "Joke lang HAHAHAHAHA." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mag inggat ka kasi," pag papaalala niya pa. "Di ka naman lalayasan ng laptop mo kung makatutok ka naman dyan." Nanggigil na talaga ako sa lalaking to. Paki paalala sakin na wag sakalin to. Jusko mamamatay ata ako ng maaga dito.
"Pwede ba tigil tigilan mo ako?!" Singhal ko sakanya. Basta talaga pagdating sa lalaking to ang bilis kong mairita.
"Galit ka na n'yan? HAHAHAHAHA."
"Bahala ka nga sa buhay! Bilisan mo na d'yan ng makalayas ka nasa bahay namin nakakairita ka na bwiset ka!"
Imbes na magalit o ano ang kupal tinawanan pa ako.
Bumalik na rin kami sa dati naming ginagawa and luckily mabilis kaming natapos since nakikipag cooperate naman ang lokong to. Matalino naman talaga si Nathan di lang halata sa attitude na pinapakita niya HAHAHAHAHA.
Almost lunch na ng matapos kami at sakto naman ang pagbaba ni mommy.
"Oh tapos na kayo?" Tanong ni daddy. Tinanguan ko lang siya.
"Opo, tsaka uuwi na rin daw po si Nathan.'' kahit di niya naman sinabi. Wala desisyon ako, naiinis pa rin ako sakanya.
"Dito ka na kumain hijo, at kung gusto mo pwede ka tumambay dito." Kinindatan pa ni daddy si Nathan na tinawanan lang din ng isa.
Ano ba talaga meron? May hindi ba ako alam? Kahit rin kasi si mommy natatawa. What's wrong with this people?
"Much better tito, wala din po kasi akong gagawin sa condo ko." What?! Ano ba naman to pepestehin lang ako nito eh.
Kahit labag sa loob ko wala naman akong magagawa. Sino ba naman ako para suwayin ang gusto ni daddy? Ako lang to yung nag iisa niyang magandang anak. Hala ano ba yan Tine kakasama mo sa Nathan na to pati ikaw nagiging mahangin na rin.
Kahit pikon na pikon na ko sa pagmumuka ng Nathan na to pinagtiyagaan ko nalang. Lakas ng loob mang asar kahit sa harapan ng mga magulang ko at ito namang dalawa nakikisawsaw pa. Hello? Mom? Dad? Ako to oh yung anak niyo. Bakit parang ako pa yung inaasar nila.
Nung sumapit ang alas 2 ng hapon napagpasiyahan nilang manood, kaya ito kami nanood ng movie. Nakasanayan na namin to dati pa lalo na kapag kumpleto kami. Aww how i miss my protective kuya.
Nakaupo na kami ng biglang mag salita si daddy.
"Nathan anong ginagawa mo dyan? Dito ka sa tabi ni Celestine ang layo mo naman." Nagugulat kong nilingon si daddy.
Kunti nalang talaga iisipin ko nang pinagtutulakan niya ako kay Nathan. At ang kupal wala man lang pag tanggi sa katawan agad lumipat sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walang hiya nagkibit balikat lang sabay tawa.
Ano ba talaga meron? Kanina ko pa talaga napapansin na parang may alam sila na sila sila lang ang nakakaalam arghh i hate it.
5:30 ng umuwi si Nathan. Gusto pa nga sana nilang dito pakainin ang lalaki pero tumanggi na siya kasi may kikitain pa daw siya ngayong gabi. Baka dinner date? Umamin na kaya siya sa crush niya? Siguro kita naman sa kislap ng mga mata niya.
"Mag iinggat ka sa pag uwi hijo." Pagpapaalala ni mommy dito.
"Salamat po tita, una na po ako thank you po sa masarap na pagkain. When kaya mauulit? Hahaha joke lang po." Hindi na yun mauulit di na kita iimbitahin dito bwiset ka.
"Sure pwede ka bumisita anytime you want." Nakangiting sabi ni mommy. Mom naman eh pagkakaisahan niyo lang ulit ako. Sana naman kapag nangyari yun nakauwi na si kuya no? Para naman may kakampi ako kahit papano.
"Uyy Celes una na ko ah."
"Ge inggat ka."tamad na sabi ko.
"Ikaw ang mag inggat clumsy girl. HAHAHAHAHAHA." Iniripan ko siya. Peste ka Nathan kahit kailan nagsisisi na talaga akong tinanggap kita bilang kaibigan!!!
"Una na po ako." Pagpapaalam pa ulit nito. Paulit-ulit? Pwede ka na lumayas bwiset ka.
"Sige na hijo mag iinggat ka pauwi." Si dad "See you tomorrow then?" Napalingon ako kay daddy anong tomorrow? Pababalikin niya ang lalaking to? Arghh sumasakit talaga ulo ko sa mga nangyayari ngayon.
"Sure po."
Ano daw?!! Someday wake me up! Lord bigyan niyo naman ako ng mapayapang araw. Bakit ba Araw Araw nalang kaming nagkikita?
"Bye Tine."
------------------
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top