DAY 5

Dedicated to:
Kiete Nicole Minoro, stay a'tin Kiete :)
diowina_r16
Jesie_Rose

DAY 5

"Girl alam mo ba yung bali-balita?"

"Na?"

"May transferee raw ulit na dumating kanina nakita ng friend ko sa kabilang section. And take note gwapo daw." Kinikilig pa na sabi ni Mich isa sa mga kaklase ko.

Ang aga aga naman ng chismisan ng dalawang to. Ano nga bang aasahan sa dalawang to eh literal na chismosa ng room yan. Pero teka bakit parang kulang sila? Tama wala si Cath baka late lang papasok. Aba ewan kailan mo pa ginawang big deal ang pagpasok ng late ng iba ha Celestine?

Since maaga pa naman kinuha ko muna yung libro ko at nag advance reading para sa topic mamaya in case magkaron ulit ng surprise recitation or quiz ready ako.

Nasa 15 minutes palang akong nagbabasa ng dumating si Nathan at umupo sa tabi ko.

"Good morning," nagulat siya sa biglaang pagbati ko kaya natawa ako. "Gulat na gulat ka naman." Natatawa pa ring sabi ko.

"Good morning din," parang di talaga siya makapaniwala. "ganda ng gising mo ah himala at binati mo ako ano meron?"

"Wala shuta ka di sana masarap ulam mo." Nakakapikon tong bwiset na to ah

"Isa lang ibig sabihin nun," tumingin pa siya sakin at ngumisi. "Di rin masarap ulam mo hahaha baka nakakalimutan mo pareho lang ulam natin tuwing lunch." Yeah right muntik ko ng makalimutan gaya gaya nga pala siya ng ulam.

"Sinabi ko bang lunch ha?!" Defensive na tanong ko. Wala naman akong sinabing specefic time right?

"Pikon ka na niyan Celes? HAHAHAHA" tuwang tuwa talaga tong mapikon ako may araw ka din sakin. Malaman ko lang talaga nagugustohan mo sira image mo bwiset ka.

Natigil lang kami sa pag aasaran ng pumasok na ang teacher namin.

"Good morning ma'am." Bati naming lahat. Tumango lang ang teacher namin at binati ka kami pabalik.

"Bago tayo mag simula let me introduce to you your new classmate. Pasok ka na." Napatingin kaming lahat sa pinto ng may pumasok. Ng una di ko pa makita ang mukha niya hanggang sa makarating siya sa unahan. Halos malaglag ang mata ko sa nakita ko.

"Introduce yourself Mr." Nakangiting sabi ni ma'am.

Ako ito di inaalis ang tingin sa lalaki sa unahan. Ang tagal ko siyang di nakita.

"Good morning everyone, I'm Calix Santiago, 18 year's old nice to meet you all."

Unang tingin ko palang sakanya alam ko na agad naaraming nagbago sa anyo at itsura niya. Lalo siyang tumangkad, yung dating payat niyang pangangatawan naging masculine na, and girl lalo siyang gumwapo. No wonder why my classmates are screaming.

Di ko alam kung alam niya bang dito ako classroom ko o nagkataon lang. Di niya pa rin ako nakikita kasi nasa pinakahulihan ako ng upuan at di pa nagagawi dito ang tingin niya.

My God it's been 2 years since the last time I saw him.

He's Calix, he's one of my few friend. Kapatid siya ng bestfriend ko na si Camille, they are twins actually.

"Find a seat we're you are comfortable Mr. Santiago." Dahil sa sinabi ni ma'am nilibot ni Calix ang tingin niya at nagtama ang tingin namin. Nagulat ata siyang makita ako.

Bigla siyang lumapit sa pwesto ko ng nakangiti.

"Can I?" Tanong niya patungkol sa upuan. May three seats kasi per row yung tables. At dahil wala namang nakaupo dun tumango ako.

"You can have -," nabitin ang sasabihin ko ng mag salita si Nathan nakalimutan kong andito nga pala ang isang to.

"Pasensya na pre, hanap ka nalang ibang bakante dun sa kabilang dulo oh meron pa." Turo niya sa kabila. Ano ba problema ng isang to eh wala namang nakaupo dyan.

"Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko kay Nathan bago binalik ang tingin sa dati kong kaibigan. "Wala namang nakaupo dyan, you can have it wag mo nalang pansinin ang isang yan."

"Nakakita lang ng iba kinalimutan na ako amp." Narinig kong bulong ni Nathan.

"May sinasabi ka? Pwede manahimik ka muna kahit saglit lang nakakairita boses mo Nate daig mo pa babae. Tsaka wala namang nakaupo dyan ano ba problema mo?" Mahinang bulong ko sakanya baka kasi marinig ni Calix.

"Wala." Walang ganang sagot niya. " Joke lang pre pwede ka maupo dyan." Binalingan niya ulit ng tingin si Calix.

"Salamat." Nakangiting sabi ni Calix. "Long time no see Tine, kamusta ka na?" Napatingin ako sa mga kaklase ko na malapit lang din samin na nakakarinig ng usapan namin.

Biglang napatingin samin si Nathan.
"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong nito.

"Ah oo kaibigan ko siya dati." Awkward na sabi ko dahil nakatingin na samin ang iba naming kaklase.

"Calix si Nathan nga pala kaibigan ko, Nathan si Calix childhood friend ko." Pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

"Nice to meet you man" nakipagkamay pa si Calix kay Nathan

"Nice to meet you too" pilit ang ngiti na tugon nito. "Hoy babae walang bawian ah sinabi mo na dyan sa kaibigan mong kaibigan mo na ako." Bulong ni Nathan matapos makipagkamay kay Calix.

"May sinabi ba akong ganun?" Maang maangan kong tanong iniinis siya.

"Kakasabi niyo lang po senyora tssk di ka pa naman siguro makakalimutin no?" Bakit kapag may nakakasalamuhang ibang lalaki to napaka short- tempered.

"It's been a while Tine, kamusta ka na? Palagi kita tinatanong kay Camille kaso wala din ako nakukuha sa bruha kong kapatid." Pano ka makakakuha ng balita dun eh di pa kami nagkikita nun mula ng mag start pasokan. Tsaka wala ka talaga dun makukuha daig niyo pa aso at pusa tuwing mag uusap kayo no.

"Okay naman ako medyo busy lang tsaka di pa kami nagkikita nina Camille since mag start yung pasokan. Ikaw kamusta ka na? Lalo ka atang gumwapo ah ilan chicks mo?" Pangbubola ko pa.

Mula ng umalis si Calix para mag aral abroad bihira na kami mag usap. Ewan ko pano nangyari pero nawalan nalang kami ng communication sa isa't isa. Palagi pa naman siyang kinukwento samin ni Camille kapag lumalabas kami kahit papano.

"Chicks amp para namang di mo ko kilala." Yeah what ever you say Mr. Calix Santiago.

Noon pa man madami ng nagkakagusto sakanya, siya lang tong walang ine-entertain kahit isa kasi loyal sa crush niya. Ewan ko din ba dito saksakan ng torpe di nalang umamin sa crush niya noon. Wala kaming nabalitaan noon kung sino crush niya kahit kakambal niya wala din daw alam o baka pinagtatakpan lang kalatid niya. Alin man sa dalawa bahala sila di pa rin nun mababago na torpe ai Calix hahaha.

"Sus Calix don't tell me dahil pa din yan sa crush mo? Ang tagal na niyan ah di ka pa rin umaamin? Wala pa din bang progress?" Pakiki chika ko malay niyo sabihin na sino long time crush niya.

"Wala pa umalis ako ng bansa remember? Pero ngayong nakabalik na ako plano ko na umamin sakanya." Parang inspired si tanga ah haha.

"Omg level up na ba? Ready ka na ba umalis sa pagiging torpe mo? Hahaha Calix sino ba yang long time crush mo? Maganda ba yan?" Tanga Celestine malamang maganda pano magiging long time crush yun kung panget yung girl di ba?

"Oo maganda sobrang ganda niya actually mas gumanda nga siya ngayon eh." Hala totoo ba nakikita ko sa reaksyon nito? Kinikilig amp daig pa babae ah.

"Hoy ang daya mo parang di kaibigan to sino ba kasi yan? Promise i won't tell to Camille and the two about your long time crush." Panguuto ko pa baka tumalab mwehehehe.

"Soon malalaman mo din naman." Hala wag ka ngingiti sa harap ng mga kaklase natin Calix tingnan moga itsura parang ngayon lang nakakita ng tao hahaha.

Kung nagtataka kayo bakit panay ang kwentohan namin wala si ma'am lumabas saktong pinatawag kaya may time kami para mag kwentohan.

"Ehem" naagaw ang atensyon ko ng tumikhim si Nathan.

"Ay Nate andyan ka pala hahaha hindi kita napansin kala ko kasi hangin." Pang aasar ko na naman.

"Ay hindi Celestine wala ako dito kaluluwa ko talaga tong kausap mo." Pikon yarn? Hala ka may regla ata si gaga.

"High blood ka naman agad sis meron ka ba? may extra pad ako in case of emergency mukang kakailangan mo HAHAHAHA" sinamahan ko pa ng tawa. Kitang kita ko naman na napipikon na siya.

"Ang sagwa mo Celes, di ko alam kung matutuwa ba akong tinanggap mo na ako bilang kaibigan mo o ano" nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ano ba ginawa ko? Nagjojoke lang naman ako ah di ko naman akalain na mapipikon siya. Tsaka ano daw? Kung matutuwa siya? Bakit di ba yun naman ang gusto niya yung maging mag kaibigan kami unless nagbago na ang gusto niya.

"Sorry di ko naman alam na ma o-offend ka," nakababa ang ulong sabi ko. "Labas lang muna ako." Pagpapaalam ko. Kailangan ko ng hangin para makapag isip isip.

Lumabas ako ng room para makahagilap ng preskong hangin. Tama ba ang desisyon kong tanggapin ang pakikipag kaibigan ni Nathan kung gayong nagdadalawang isip naman pala siyang maging kaibigan ako?

Wala pa akong 5 minuto sa labas ng makita ko si Calix at tabihan ako.

"Bakit ka lumabas okay ka lang?" Tanong niya.

"Ayos lang ako no kailangan ko lang ng sariwang hangin." Nakangiting sagot ko.

"Sige kunwari na lang naniniwala ako," napatingin ako sakanya, bakit halata ba ako masyado? "Ang saya mo kanina habang kausap mo si Nathan ah." Puna pa niya. Eh? Pano niya nasabi?

"Alam mo Tine kahit dalawang taon tayong di nagkita di mo maipagkakaila na kilala kita. Alam kong pili lang ang nagiging kaibigan mo kaya nga sila Camille lang ang bestfriend mo, naging kaibigan mo lang naman ako dahil sa kapatid ko. Pero the way you talk to that guy seems like he pass your standard ah." Para namang ang kinalabasan eh napakataas ng standard ko sa paghahanap ng kaibigan.

"Pero masaya akong bumubuo ka ng panibagong friendship sa iba. Nakikita kong masaya ka habang kausap ko siya. Ipagpatuloy mo lang, wag mong pipigilan ang sarili mong makipagkaibigan. Alam kong inaalala mo ang kahihinatnan nitong pinasok mo pero lumalaban ka naman di ba kakayanin mo yan para sa mga kaibigan mo, para sa pamilya mo." Nagbaba ako ng tingin.

Kapag naaalala kong may sakit ako pinanghihinaan ako ng loob. Pano kapag di ko kinaya? Pano kung katawan ko na mismo ang umayaw? Sana tumagal pa ako, sana gumaling ako ayokong iwan ang mga mahal ko.

"Alam kong may di ka nagustohan sa sinabi ni Nathan, and I think you need to talk. Una na ko, bro." Dun lang ako nag angat ng tingin nakita ko si Nathan na nakatingin sakin.

"Salamat pare, ako na bahala sakanya." Nakatingin lang ako kay Nathan iniisip kung narinig niya ba ang usapan namin ni Calix.

"Kanina ka pa dyan?"

"Hindi kararating ko lang, ang tagal niyong pumasok kaya sinundan kita."

"Bakit mo ko sinundan? Tsaka ano ba narinig mo?" Kinakabahan ako ewan ko ba kung bakit. Ayokong malaman niyang may sakit ako, ayokong mag alala siya at kaawan ako.

"Wala akong narinig maliban sa huling sinabi ni Calix. Celes sorry." Nagulat ako sa sinabi niya, para saan?

"Di ko naman sinasadya yung sinabi ko kanina. Ang totoo niyan sobrang saya ko na finally tinggap mo na ako bilang kaibigan mo. Sorry sa nasabi ko kanina di ko naman sadya eh medyo na badtrip lang promise dj na mauulit." Masyado ba akong oa? Bakit parang big deal sakin yun?

"Wala yun wag mo na isipin tsaka di mo naman kailangan mag sorry." Nakangiting sabi ko.

Masyado lang ata akong sensitive sa mga sinasabi ng tao sa paligid ko. I promise to myself na babagohin ko na ang attitude kong to.

"Tara pasok na tayo baka bumalik na si ma'am." Inaya ko na siyang pumasok baka rin kasi bumalik na si ma'am.

Masaya kaming bumalik sa loob, nag aasaran na ulit. Nakita ko pang nakatingin samin si Calix kaya nginitian ko siya.

Wala namang masyadong ganap sa araw na yun patuloy lang ang asaran namin ni Nathan minsan sinasali ko din si Calix para naman di niya isiping out cast siya. Pero sa tuwing isasali ko sa usapan si Calix nag iiba ang mood ni Nathan, bipolar ata to.

Pagdating ng snacksl time sabay sabay kaming bumaba, sinama ko talaga si Calix kasi bagohan palang siya dito. Gamun din pagdating ng lunch time. Ganun na siguro magiging set up namin araw araw.

Umuwi ako sa bahay ng masaya. Masaya ako para sa araw na to. I finally accepted Nathan as one of my friend, nakita ko ulit si Calix after 2 years and one more thing i got the highest grades during our long quiz in one of our subject.

Tumulong lang ako sa bahay mag prepare ng dinner kahit may katulong naman kami. Kahit may katulong kami di ko sinanay ang sarili ko na iasa sa iba ang bagay na kaya ko namang gawin.

"Uuwi bukas ang dad mo." Masayang balita ni mommy habang kumakain kami. Napangiti ako after 3 months on his business trip finally uuwi na din si dad.

"How about kuya Christian?" Patungkol ko sa kuya ko.

"Maybe the next day? Kasama na niyang uuwi ang ate at pamangkin mo for good dito na sila titira." Omg makakasama ko na si Axel i miss that little kid.

Sobrang saya ko ng araw na yun kaya nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Maaga ako natulog kasi wala namang assignment. Tomorrow is long and tiring day kahit weekend. Bakit? Gagawa kami ng report ni Nate.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top