DAY 3
DAY 3
Gustohin ko mang wag pumasok dahil sa kahihiyan kahapon hindi pwede dahil bukod sa ako ang magbubukas ng room namin may quiz din kami ngayon.
"Baka niligawan kita"
Napatakip ako ng unan ng sumagi na naman sa isip ko ang mga katagang sinabi ng ulupong na yun. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang kunting oras na lang ang meron ako para mag ayos. Dali dali akong bumangon at naligo ni hindi na ako nag almusal kasi malalate na ako. Great ng dahil sa lalaking yun mukang malalate pa ako.
"Ma, alis na po ako. Nagmamadaling paalam ko kay mama ng madatnan ko siya sa sala na umiinom ng kape habang may binabasang magazine.
"Akala ko wala kang pasok kaya di na kita ginising. Mag almusal ka na muna."
"Hindi na ma, kailangan ko na talagang umalis baka malate ako nasakin po ang susi ng room namin bawal ako mahuli." Humalik na lang ako sa pisngi niya at nagmadali ng lumabas at nagpahatid nalang sa driver namin.
Pagdating ko sa school naabutan ko g marami rami na rin ang nandoon sa mga kaklase ko.
"Uy Nathan andyan na Celestine oh hahaha buo na araw mo tol." Narinig kong pang-aasar ni Edison kay Nathan
"Sorry na late ako, latena kasi ako gising" pagpapaliwanag ko sakanila iniignora ang mga narinig kanina.
"Good Morning, Celestine." Wag ngayon please ayaw ko ma issue na naman. Di ko pinansin si Nathan at binuksan na lang pinto. Nag tuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa upuan ko.
"Woahhh di ka pinansin bro." Nag hiyawan ang mga kaklase kong lalaki narinig ko namang natawa rin si Nathan pero di ko nalang pinansin.
"Baliw mag kaibigan lang kami ni Celestine no." Natatawa pa ring tugon ni Nathan
"Ay friend zone agad." Pahabol agad ni Edison "Pormahan mo na." Napa irap nalang ako.
Yumuko nalang ako sa desk ko at nag salpak ng earphone sa tenga inaantok pa talaga ako. Wala pang 5 minutes akong nakapikit ng may kumalabit sakin pag tingin ko si Nathan.
"Problema mo?" Naiiritang tanong ko inaantok pa yung tao istorbo.
"Galit ka ba sakin?" Parang tangang tanong niya
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Di mo kasi ako pinapansin simula kahapon tapos kanina din binati kita ng good morning di mo ako pinansin, may nagawa na ako?" Di ko talaga maintindihan ang isang to kanina parang normal naman siya nung ang kasama niya mga kaklase namin tapos ngayon na ako ang kaharap niya para na naman siyang bata.
"Di ko alam sinasabi mo ah inaantok pa ko kaya kung pwede manahimik ka?"
"Galit nga," bulong niya sa sarili "ano ba kasi ginawa ko kahapon? Pinuri ko lang naman siya na maganda siya, eh sa totoo naman ah ano ba masama dun?" Parang tangang pagkausap niya sa sarili niya.
"Ano bang binubulong- bulong mo dyan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Hininaan ko ang earphones ko kaya naririnig ko talaga ang mga bulong niya.
"Ah hehe wala, sabi ko idlip ka muna gisingin na lang kita kapag andyan na si ma'am." Iniripan ko nalang siya huling huli na di pa umamin.
Dahil sa pang iistorbo niya nawalan na ko ng gana umidlip kahit ilang minuto. Nag check nalang ako ng facebook account ko di pala ako nag open kagabi.
Nathan Martinez sent you a friend request
Napataas ang kilay ko at napatingin sa katabi ko. Kailan pa ba to nag friend reques? Hinayaan ko lang muna siya sa friend requests ko. Nireplyan ko lang ang mga kaibigan ko at nag log out na sakto namang dumating ang teacher namin.
"Good Morning ma'am." Sabay sabay na bati namin habang nakatayo. Binati rin kami pabalik ng adviser namin at pinaupo na.
Walang imik ang katabi ko kaya nagtaka ako kanina pa niya ako hindi kinukulit and it's kinda weird. Di naman sa hinahanap ko yung pangungulit niya nasanay lang talaga akong makulit siya.
Wala namang pinagawa si ma'am buong period except sa lesson of the day. Natapos ang first 2 hours ng klase namin ngayong umaga at may 30 minutes break kami para sa recession.
Nauna ng labas si Nathan kaya mas nagtaka ako kasi lagi naman akong hinihintay niyan. Well mas okay na rin siguro yun para iwas issue na rin.
Imbes na bumaba at magpunta sa cafeteria mas pinili kong manatili sa loob ng room para matulog 30 minutes pa naman ang break. Babawi nalang ako ng kain mamayang lunch break. Sa ngayon matutulog muna ako, wala naman ng tao sa loob ng classroom dahil lahat bumaba para mag recess siguro.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag idlip ko ng makaramdam ako ng pagtapik ULIT. Pagmulat ko nakita ko si Nathan na nakaiwas ng tingin may hawak siyang snack. Nilibot ko amg paningin ko at nakitang nakabalik na ang ilan sa mga kaklase ko. Nagtataka kong binalik ang paningin sa taong dahilan ng kung bakit naputol ang pag idlip ko.
"Ano ba yun?" Naiirita ko pa ring tanong.
"A-ano..." parang di niya pa kayang ituloy ang sasabihin. "binilhan kita ng snacks kanina di kasi kita nakita sa cafeteria. Baka magutom ka tsaka leiace offering na rin. Sorry" nakayuko pa siya habang nag so-sorry. Peace offering?
"At bakit may pa peace offering?" Nakataas ulit ang kilay na tanong ko.
"Galit ka kasi sakin kaya ayon," nahihiya pang anya "kainin mo na yan 5 minutes nalang ang breaktime kanina pa sana kita gigisingin kaso mukang puyat ka talaga."
Napatingin ako sa hawak niyang dalawang slice ng cheese cake at bottle ng Coca Cola. Kinuha ko na sayang din yun no tsaka di pa ko nag breakfast kaya gutom talaga ako.
"Di naman ako galit sayo para kang tanga" sinabi ko matapos kong maubos yung dala niyang snacks.
"Eh bakit di mo ko pinapansin mula kahapon?"
"A-ano..." Ano bang dapat kong sabihin? Na kaya di ko siya pinansin kasi nahihiya ako sa mga sinabi niya at nahihiya ako sa mga kaklase ko.
"Ano?" Parang nabitin ata siya sasabihin ko.
"Sumama pakiramdam ko kahapon," gandang rason Tine ah halatang di pinagisipan. "Ganun talaga ako kapag masama pakiramdam ko, mood swings ganun." Awkward na ngiti ang binigay ko sakanya muka naman siyang naniwala.
"Eh kanina bakit di mo ko pinansin?" Sa harap ng mga kaklase nating panay tukso sating dalawa? Seryoso ka?
"Inaantok pa kasi ako wala ako sa mood" Well atleast yun kahit papano totoo.
"Ah okay?" Kumamot pa siya sa batok na parang di alam ang gagawin
"Sabay ulit mag lunch mamaya, pwede?" Tanong niya ulit. Di talaga makatiis to ng di nagsasalita eh.
Nagkibit balikat nalang ako "Ikaw bahala."
Nakita ko namang nag liwanag ang muka niya kaya kahit papano napangiti rin ako.
Mabilis na natapos ang klase sa pang umaga naming schedule at lunch break na pero di kagaya kahapon, sa cafeteria na kami kumain siya na rin ang nag order ng pagkain naming dalawa ayoko pa sana pumayag kaso nag pumilit siya kaya ako nalang ang nag hanap mg pwede namin maupan.
Nakahanap na ko ng mauupuan at prenteng nakaupo na sa pwestong napili ko ng makita ko siyang dala dala na ang order namin agad naman niya akong nakita.
"Nag order na rin ako ng dessert para sayo. Ahmm di ko lang alam kung gusto ko ba nito." Alanganin pang sabi niya ng makita ko ang inorder niyang dessert ay natakam ako. Pano favorite ko yan eh.
"Favorite ko kaya ang leche flan." Tuwang tuwa na sabi ko
"Well that's good to know." Nakangiti na niya ulit na sabi.
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may huminto sa tapat ng mesa namin. Sabay pa kaming nag angat ng tingin.
"Excuse me," isang matangkad at guwapong lalaki ang bumungad sa mata ko "pwede maki share ng table wala na kasing vacant." Nilibot ko ang paningin at nakitang wala na ngang bakanteng mesa.
Binalik ko ang tingin ko sa lalaki at nakangiting tumango "Sure."
"Btw I'm Mark," pagpapakilala niya saming dalawa "and you are?"
"Celes~" nabitin ang sasabihin ko ng biglang sabat si Nathan
"None of your business" mataray na sambit nito. Nagtaka naman ako sa inasta niya.
"Nate!" Sita ko sakanya dahil masyado siyang nagiging rude wala namang ginagawa yung tao.
"What?!" Mataray pa ring anya
"Ano ba problema mo?" Bulong ko sakanya
"Just kidding. You may now sit bro I'm Nathan." Pagpapakilala din ng huli.
Umupo naman si Mark sa bakanteng upuan. Tumingin siya sakin at nag tanong "how about you miss?"
"Celes~" nabitin ulit sa ere ang dapat kong sabihin ng sumabat ulit si Nathan
"Anong grade mo na pare?" Biglaaang tanong niya
"Ahm 11"
"I see"
Naging tahimik na ulit ang mesa namin at di na rin mag tanong si Mark tungkol sa pangalan ko. Ang pinagtataka ko lang anong problema nitong si Nathan bigla nalang nagsusungit at sumisingit kapagako na ang magsasalita.
Kung ano man yun, bahala na siya sa buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top