DAY 2

AUTHOR'S NOTE: Typographical and grammatical error ahead

*************

Ng sumunod na araw mas naging malapit kami ni Nathan si sa isa't isa . Mabait naman siya madaldal nga lang minsan iniisip ko talagang bakla to eh, pano mas maingay pa kaysa sakin.

"Celes bakit ba wala kang kaibigan sa school na to?'' Out of the blue na tanong niya.

Bakit nga ba? Kung tutuusin di mahirap maghanap ng kaibigan sa eskwelahan na to, ang kaso lang ayokong ma attached sa kahit na sino sa school.

''Wala mas prefer kong mag-isa, bakit ba?''

"Wala tanong lang, di ba ang boring nun yung mag-isa ka lang?''

''Di naman, pumunta akong school para mag aral di para makipag kaibigan.''

Alam ko namang iniisip ng iba na loner ako pero mas pipiliin ko ngang ganun nalang kaysa naman dumami ang mga taong iiwan ako someday di ba? Mas okay na rin siguro yun

''Andito naman na ako, ako na magiging kaibigan mo dito di ka na mag iisa kahit kailan.'' Yung ngiti niya abot hanggang tenga.

''Bakit ba naman kasi sa dinami dami mong pwedeng guluhin sa room bakit ako pa pinili mo?'' Nakataas ang kilay na tanong ko.

''Bakit hindi ikaw?'' parang tangang tanong niya. ''Ikaw lang kasi ang mukang mabait sa loob ng room, kaso~'' pabitin pa si tanga. ''nagkamali ata ako hahaha."

''Yun na nga eh, pwede ka naman makipag kaibigan sa iba wag na lang sakin.''

Lumungkot yung muka niya matapos marinig ang sinabi ko. Nakokonsensya ako pero anong magagawa ko? Mas mabuti ng lumayo siya sakin habang maaga pa.

''Ang tagal kong hinintay na makalapit ako ulit sayo, ngayong malapit na ko sayo ngayon pa ba ko lalayo?'' di ko alam kung tama ang narinig ko kasi paramg bulong niya lang yun sa sarili niya kaya naguluhan ako.

''Ha? Ano ba sinasabi mo? Nagkakilala na ba tayo dati?'' Curious na tanong ko. Pero kung nakilala ko na siya dati palang di ba dapat alam ko kung sino siya? Pero kahapon ko lang siya nakilala.

''Ah ano,'' di pa siya makatingin sakin ng deretsyo kaya mas nagtaka ako. ''wag mo ng pansinin yung sinabi ko wala lang yun.'' Bumalik na ulit yung ngiti sa labi niya kahit alam kong pilit yun. Mas lalo lang ako naguluhan sakanya ang weird lang.

''Ang weird mo ah.''

''Pero Celestine, kahit anong pagtataboy gawin mo sakin di kita lulubayan.'' ayan na naman ang ngiti niyang abot hanggang tenga.

Arghh di ba makaramdam ang isang to? One thing for sure, im doomed.

Di ko na siya kinausap matapos niyang sabihin yun. Di ko naman kasi alam ano sasabihin ko. Pasalamat na lang ako at dumating na ang teacher namin para sa sunod na klase.

Nag discuss lang si ma'am ng lesson niya para sa araw na to at nag bigay ng assignment.

''One more thing class, prefer for your long quiz that would be on friday that's all dismiss.''

At last lunch break na gutom na ko. Nag aayos ako ng gamit at sinadya kong bagalan ang pag kilos para mauna na sakin si Nathan pero ang kupal hinihintay talaga ako.

''What?'' masungit na tanong ko ng mahuli siyang nakatingin sakin.

''Sabay na tayo.''

''Mauna ka na may dadaanan pa ako'' pag dadahilan ko kahit ang totoo ay gusto ko lang siyang iwasan. Great Tine kailan ka pa naging sinungaling?

''Samahan nalang kita, san ba punta mo?'' ayaw mo talaga paawat Nathan? Manhid ata to iniiwasan na nga eh.

''Ay hindi na mauna ka nalang baka maubusan ka pang pwesto sa cafeteria alam mo na lunch break madami tao ngayon sa cafeteria.'' Pumayag ka na wala na kong ibang idadahilan sayo.

''Sasamahan kita.'' What? Ano ba to aso? Kung nasan ako kailangan andun din siya.

''Wag na nga." Nauna na akong maglakad palabas sakanya. Di na ako tumingin sa likod alam ko namang nasa likod ko pa din siya

Imbes na daan patungong cafeteria ang tahakin ko umiba ako ng daan kunware nalang na pupunta akong library. Magkaibang daan ang cafeteria at ang library kaya alam kong makakalayo na ko sakanya. Pero pag talikod ko nagulat ako ng makitang nakasunod pa rin siya sakin.

"A-anong ginagawa mo dito? Doon ang daan patungong cafeteria oh." Turo ko sa kabilang daanan.

Tiningnan niya lang ang tinuro ko at sabay sabing, "Di ba sabi ko naman sayo sasamahan kita."

"Pero ano... baka nagugutom ka na. Di mo naman ako kailangang samahan, pupunta akong library baka ano.. baka ma bored ka lang dun." Sabay ngiti ng peke.

"Okay lang di pa naman ako gutom." Pwes ako gutom na! Peste naman kasi dapat nasa cafeteria ako pero dahil gusto kong makaiwas sayo mas pinili ko lng pumunta sa library tapos sasama ka lang din naman pala. Sayang sakripisyo ko boy.

"Sige ikaw bahala. May hihiramin lang akong libro."

Binilisan ko nalang ang lakad ko para makapag lunch na agad ako nag aalburuto na ang tiyan ko for pete's sake.

In just 5 minutes narating din namin agad ang library at dahil lunch break nga ay kunti lang ang tao na nasa loob. Hiniram ko agad ang sadya ko or should i say ang dapat alibi ko lang sana. Matapos namin sa library mabilis kaming nakarating sa cafeteria. At gaya ng inaasahan ko puno na nga ang cafeteria.

Umorder nalang kami ng kanin at ulam. Siguro sa room nalang kami kakain wala namang masama kung sa loob ng classroom kumain.

"Ate isang kanin po tsaka adobo nalang po sa ulam." Nakangiting sabi ko sa tindera. Hinihintay niya nalang ang order ng kasama ko.

"Ano sayo?"

"Ang ganun nalang din po sakin tsaka 2 iced tea" Kung may bayad lang suguro ang ngiti mayaman na tong isang to wagas makangiti eh.

Mabilis namang inabot samin ang order namin naglibot pa ko ng tingin kung may vacant pa pero wala na talaga.

"Sa room nalang tayo kumain wala ng space eh." Tumango naman siya kaya umalis na kami at bumalik sa room.

Tapos na akong kumain ng marealize ko na hindi pala ako bumili ng maiinom. Nauuhaw na ako!

"Oh" biglang nilapag ni Nathan yung isa sa iced tea na binili niya.

"Ah wag na babalik nalang ako ng cafeteria para bumili."Nahihiyang sabi ko.

"Parang talaga sayo yan." Tama naman narinigko di ba? di naman ataako niloloko ng tenga ko.

"Para sakin talaga to?" Naniniguradong tanong ko syempre mahirap na no baka hindi talaga akin yan.

He chuckled a little bit. "Yeah para sayo talaga yan napansin ko kasing di ka bumili kaya isinabay na kita."

Kumuha ako ng pera sa bag ko at inabot sakanya. "Here accept it bayad ko nakakahiya naman sayo." Nakayuko pang sabi ko.

He stared at me amusingly. "Libre ko yan hahaha mag kaibigan naman tayo kaya no worries." Nagkibit balikat pa siya

Binalik ko nalang yung pera sa bag ko muka namang wala siyang balak kunin sayang naman yun. Sabagay magkano lang naman ang iced tea.

Matapos naming kumain nilinis na nakin ang aming pinagkainan nag dadatingan na rin kasi ang mga kaklase ako namin.

20 minutes bago ang sunod ning klase pinatawag ako ng subject teacher namin sa Practical Research. Pagdating ko sa office ni ma'am kumatok muna ako.

"Come in" boses yun ni ma'am kaya pumasok na ako.

"Good afternoon ma'am. Pinapatawag niyo daw po ako?" Magalang na tanong ko.

"Ah yes Ms. Madrigal, meron kasing emergency meeting ang lahat ng faculty members. Since ikaw naman ang class president, ikaw na muna ang bahala sa mga kaklase mo pasabi na rin na pag aralan niyo ang tinalakay ko kahapon dahil magkakaron tayo ng short quiz next meeting. Tatagal mg hanggang alas 3 ang meeting kaya wala na kayong pasok hanggang mamaya puntahan mo nalang ang class adviser niyo kung pwede na ba kayong umuwi." Mahabang litanya ni ma'am.

"Sige po ma'am sabihin ko pa sakanila." Nakangiti pa ring anya ko. "Yun lang po ba?"

"Oo yun lang naman maring salamat maaasahan ka talaga kahit kailan." Nakakahiya naman pero ma'am ako lang to. Syempre secret lang yun baka masira image ko dito ibagsak pa ako.

"Sige po. Una na po ako puntahan ko pa po adviser namin." Pagpapaalam ko na sa nasabing guro. Ngumiti lang siya at tumango kaya lumabas na ako ng office niya.

Sunod kong pinuntahan ang adviser namin. Kumatok din muna ako bago pumasok baka magulat pa si ma'am sa biglaang pagpasok ko at sabihin pang bastos ako.

"Sakto ang punta mo Ms. Madrigal ipapatawag na dapat sana kita." Nakangiti ring sabi ni ma'am mabait naman yan si ma'am tsaka isa pa dalaga rin kaya medyo close kami pero ako sipsip.

"Galing po kasi ako kay ma'am Alonso nabanggit niya pong walang pasok."

"Ah oo nga. Ikaw na ang bahala sa buong klase since ikaw naman ang class president kahit walang pasok mahigpit na ipagbibilin ko na bawal lumabas ng classroom kapag hindi naman kinakailangan." Nakangiti akong tumango kay ma'am

"Sige po ma'am ako na po bahala."

"Maari na kayong umawi ng alas 3 pero siguraduhin ninyong malinis ang room kapag umalis kayo. At isa pa mula ngayon ikaw na ang bahalang magbukas at mag sarado ng room, Maayos ba yun sayo?"

"Opo ayos lang naman po kasi maaga naman po akong pumapasok."

Di rin naman ako nag tagal doon bumalik din ako agad sa room at ibinalita ang sinabi ng mga teacher namin yung iba nga tuwang tuwa pa. Pero ako ito kinukulit na naman nitong si Nathan.

"Ano nga wala ka pang ex?" Kanina pa to paulit ulit lang naman ang tanong.

"Paulit ulit ka naman eh."

"Kasi nga di mo naman sinasagot ang tanong ko."

"Wala pa, oh ayan nasagot ko na masaya ka na?" Napangiti naman siya sa sinabi ko anong nakakatuwa dun?

"Sa ganda mong yan? Wala ka pa naging boyfriend ang tatanga naman ng nakakakilala sayong lalaki di nila makita ang ganda mo." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa kinikilig ako, namula ako dahil sa kahihiyan pano ba naman narinig ng mga kaklase ko ang sinabi niya. Tampulan tuloy kami ng asaran nakakahiya.

"Tumigil ka nga nakakahiya kaya." Namumula pa ring sabi ko

"Bakit ka mahihiya eh sa totoo naman. Alam mo kung noon pa kita nakilala baka niligawan kita."

"Baka niligawan kita"

"Baka niligawan kita"

"Baka niligawan kita"

Yan ang paulit-ulit na laman ng isip ko hanggang sa pag uwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top