DAY 15

DAY 15

Maaga kaming nagising pareho ni Nathan kinabukasan. Masyadong limitado na ang natitirang oras para saming dalawa ayokong mag sayang ng oras.

"Good morning." Nakangiting bati ko sakanya ng magmulat siya ng mata. Nagulat pa siyang gising na ako.

"Good morning too! Ang aga mo naman magising matulog ka muna ulit kailangan mong mag pahinga." Napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon wala na akong pag aalinlangan na mahal niya ako.

Ngayon ko napatunayang totoo ang nararamdaman niya para sakin. Ilang beses ko siyang pinagtabuyan kagabi pero heto at nasa tapat ko pa rin siya.

"Sabay na tayong mag breakfast" Alok ko sakanya. Ito ang magiging una at huling breakfast namin together.

Napangiti ako para sa mga plano ko ngayong araw. Kailangang sulitin bilang na lang ang oras na magkasama kaming dalawa. Maaring ito na ang huli.

"Sandali wag ka munang mag gagagalaw. Kailangan mo ngang mag pahinga." Paalala niya pa. Oo nga't nanghihina pa rin ako pero kailangan kong sulitin ang araw na to para sakanya. Gusto kong sumaya sa huling araw ko sa lugar na to.

Inalalayan niya pa akong makaupo ng maayos sa kama bago kunin ang breakfast table sa mesa katapat ng couch. Pinabili ko kay mommy yun nung tulog pa si Nathan.

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Walang kahit anong inggay na maririnig sa buong kwarto kundi ang tunog ng nagkakalansingan na kubyertos.

Nang matapos kaming kumain nag pahinga lang ako saglit habang siya naman ay panay kwento lang. Lihim akong napapangiti sa mga kwento niya.

Lunes ngayon at may pasok ngayon kaya kailangan niyang pumasok sa school. Hindi siya pwedeng umabsent. Kung nagtataka kayo bakit nasa school kami nung Saturday may pasok kami until Saturday since half day na lang ang pasok namin.

Maaga pa naman para pumuntang school kaya nanatili muna dito si Nathan. Gusto ko sanang pumunta sa garden kaso mahigpit na pinagbabawal ng doctor ko ang paglabas ko sa ngayon. Kaya pagkakasyahin ko na lang ang oras namin dito.

Hindi ko alam kung anong gagawin kaya nakinig nalang ako sa mga kwento niya. Maya maya lang napatingin siya sakin ng maramdaman ang pagtitig ko.

"Bakit?" Tanong niya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Mula mata sa ilong, sa labi, at maging ang panga nito. Gusto kong maalala ang mukha niya bago ko siya iwan.

"Wala, na realize ko lang na gwapo ka pala?" Biro ko sakanya. Napatawa ako ng bigla siyang ngumuso na parang bata. Sana ganto nalang lagi no? Kaso hindi kailangan ko munang gumaling para maging ganto kami.

"Dalawang linggo na tayong magkasama tapos ngayon mo lang na realize na gwapo ako? Nakakasama naman ng loob yun." Pagtatampo pa nito kaya lalo akong napatawa.

Dalawang linggo palang pero minahal na namin ang isa't isa. Sa sobrang bilis ng araw di ko namalayang dalawang linggo na pala ang nakararaan ng muli kaming magkita. Dalawang linggo na rin akong ginugulo araw araw nitong si Nathan. Kung sana di lang ako inatake nitong sakit ko sobra pa ata sa dalawang linggo ko siyang kasama. Kaso mahina yung puso ko eh. Hindi kinaya ang sakit.

Natahimik ulit kami. Ang sabi ko pa naman kailangan kong sulitin ang natitirang oras para saming dalawa pero ito ako walang masabi kahit na isa. Okay na rin siguro to di ba? Atleast kasama ko siya bago ako umalis.

Naninikip na naman ang dibdib ko at hindi ako ulit makahinga pero pinigilan kong ipakita sakanyang nahihirapan ako. Ayokong mag alala pa siya baka hindi siya umalis sa tabi ko. Kailangan ko pa siyang pilitin na pumasok sa school ngayon.

Ilang oras na lang magliliwanag na kaya kunting tiis pa Tine. Wag kang magpapahalatang may nararamdaman kang sakit.

"Nathan halimbawa, kung sakaling mawala ako maghahanap ka ba ng babaeng mamahalin mo?" Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mukha nito pero maya maya pa napalitan ito ng galit.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Anong mawala? Tine lalaban ka di ba? Pipilitin pa ba kitang pumayag?" Hindi kasi may desisyon na ako.

"Halimbawa lang naman. So ano nga? Maghahanap ka ba?" Balik ko sa tanong ko kanina.

Gusto ko lang marinig ang sagot niya. Gusto kong malaman kung kaya niya pang magmahal ng iba. Kasi hindi ko ipagkakait ang bagay na yun sakanya. She deserves someone na walang sakit, yung masasamahan siya palagi, yung mapapasaya siya, yung mamahalin siya higit pa sa pagmamahal ko.

"Hindi, hinding hindi na ako magmamahal ng iba bukod sayo. At hindi ka mawawala okay? Lalaban ka, lalaban tayo. Kaya mo yan andito kaming lahat para sayo." Pero ayos lang naman sakin kahit magmahal ka ng iba. Lalaban naman talaga ako pero hindi kita kasama sa laban na gagawin ko.

Maiiwan kita dito ng mag isa. Ayokong makita mo akong nahihirapan alam kong hindi yun madali. At ayokong isugal mo ang pag aaral mo para sakin.

"Bakit mo ba natanong yun?" Nagtatakang tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.

"Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Tine. Pangako yan mamahalin kita hanggang sa mamamatay ako." Lihim akong napaiyak sa sinabi niya. Baka nga ako pa unang mamamatay sating dalawa.

"I love you." Kung nasa ibang sitwasyon lang ata kami ngayon kikiligin ako sa tatlong salitang yun. Pero hindi eh baka ito na rin ang maging una at huling I love you na bibitawan niya.

Gustohin ko mang sabihing mahal ko rin siya pero ayokong bigyan siya ng pagasa gayong alam kong aalis ako. Mas masasaktan siya kapag binitawan ko ang kaparehong salita bago ako umalis, bago ko siya iwan. Mamahalin na lang kita ng palihim Nathan.

"Lunes ngayon kailangan mong pumasok." Pag iiba ko sa usapan. Masyado ng mabigat sa pakiramdam ang atmosphere sa loob ng kwarto kaya kailangan i lighten up.

"Ayoko babantayan kita dito." Napailing ako sa sinagot niya. Kailangan niyang pumasok para di niya malaman ang pag alis ko.

"Nathan lunes ngayon bawal kang umabsent."

"Wala akong pake kung anong araw ngayon. Basta ang gusto ko ay alagaan at bantayan ka dito." Pero kailangan mo ngang umalis di ako makakaalis ng andito ka. At kailangan ko ng makaalis sa lalong madaling panahon kasi pag tumagal pa ako dito baka di na kayanin ng puso ko.

"Okay lang naman ako dito. Besides andyan naman sina mommy para bantayan ako." Pero ayaw niyang makinig parang desidido na siyang manatili dito.

"Sasamahan ko si tita sa pagbabantay sayo." Pagdadahilan niya pa. Makinig ka naman sakin please.

"Pwede ka namang bumalik dito after class. Ilang oras ka lang mawawala oh." Pagkukumbinsi ko pa sakanya.

"Please. Kahit ngayon lang makinig ka naman sakin. Kailangan mong mag aral." Nakita ko ang pagbuntong hininga niya kaya alam kong napapayag ko na siya. Makakaalis ako ng di niya nalalaman.

"Oo na. Maaga pa naman kaya dito muna ako, aalagaan kita." Napangiti ako.

Panay pa rin ang kwento niya sakin tungkol sakanya at sa mama niya noong bata pa siya. Natutuwa akong wala ng luha ang lumalandas sa mata niya kapag ang mama niya ang pinaguusapan. Sinabi niya ring tanggap na niya ang pagkamatay ng mama niya. Masaya ako para sakanya. Pero at the same time ay nalulungkot dahil maiiwan na naman siyang mag isa.

Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng biglang dumating si Calix. Nakabihis na ito ng school uniform at halatang papasok na at dumaan muna dito.

"Tine. Kamusta na ang pakiramdam mo? Ito oh dinalhan kita ng prutas." Pinakita niya pa ang isang basket ng prutas. Tiningnan ko pa siyang ilapag yun sa mesa bago siya lumapit sa pwesto ko.

Tiningnan ko si Nathan na hindi pa nakakapagbihis ng uniporme. Dala niya ba ang gamit niya?

Magtatanong na sana ako ng bigla siyang magpaalam na lalabas daw muna at may kukunin sa baba. "Calix ikaw muna bahala sakanya pre mabilis lang ako. Kunin ko lang mga gamit ko sa baba." Tinanguan naman siya ni Calix.

"Cal, I have a favor."

"What is it?" Tanong naman nito. Huminga muna ako ng malalim. T*angina hindi na ako makahinga ng maayos pero kailangan kong mag mukhang normal para sa harap nila.

"Can you look Nathan for me? Once na mawala ako alam kong malulungkot siya. Sana manatili ka sa tabi niya. Wag mong hahayaan na mag isa siya sa school. Araw araw mong ipapaalala sakanya na mag aral siya. Ikaw din mas pag butihin mo ang pag aaral mo." Nagulat siya sa mga sinabi ko. Malamang na may idea na siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko nga lang alam kung tama ang hinala niya.

"Tine ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong niya. Napangiti ako.

"Matagal mo ng alam na may sakit ako sa puso Calix. Alam niyo ring lahat na wala akong balak magpa heart transplant. Kaya paki tingnan na lang si Nathan para sakin." Siya lang maasahan ko sa bagay na yun. Ayokong isipin na magisa siya. Malulungkot lang siya lalo kapag magisa siya. Mas mabuti na yung andyan si Calix para damayan siya.

"Mas lumala ang kalagayan ng puso ko Calix mas maging komplikado ito kaysa nung una. At di ko alam kong san aabutin ang buhay ko." Kitang kita ang pagdaan ng awa at sakit sa mata niya pero pinigilan niya.

"Alam na ba to ng kapatid ko? Ng mga kaibigan mo?" Tanong niya at umiling naman ako. Ayokong mag alala sila.

Madami pa kaming napagusapan hanggang sa bumalik si Nathan dala ang bag niya. San niya naman kinuha yun?

May sariling CR naman tong kwarto ko kaya dun na siya naligo. Ng makapasok siya sa loob ng banyo pinaalalahanan ko pa si Calix na wag sabihin kay Nathan ang bilin ko. Wala ding alam si Calix sa plano kong pag alis mamaya.

Sabay na silang papasok na dalawa. Mabuti nga at napapayag ko si Nathan na pumuntang school.

"Babalik ako after school. Mag pahinga ka muna." Hinalikan niya pa ako sa noo bago mag paalam ulit.

"I love you, lagi mong tatandaan yun hmm?" Pinatakan niya pa ulit ng mabilis na halik ang noo ko bago sila lumabas.

Napahawak ako sa dibdib ko ng makalabas na sila. Gusto kong sumigaw sa sakit pero baka marinig nila ako at bumalik. Tinawagan ko si mommy at sinabing di ko kaya ang sakit. Di pa ako tapos sa sasabihin ko ng bigla kong mabitawan ang cellphone ko at mapahiyaw sa sakit. Bigla nalang akong nawalan ng malay.

Nagising ako nang nasa eroplano na kami at may nakakabit na aparato sakin. May kasama rin kaming nurse at doctor. Meron na akong go signal ng personal doctor ko na pwede na akong ibyahe.

Unang hinanap ng mata ko si mommy na nasa katabi ko lang pala. Umiiyak siyang nakayuko habang hawak hawak ang kamay ko.

"M-mom" nanghihinang tawag ko. Napaangat naman ang tingin niya sakin.

"Celestine! Oh my God pinagalala mo si mommy. Mabuti at may malay ka na ulit." Inilibot ko amg paningin ko sa buong eroplano. Kumpleto kaming lahat pati sina Kuya sumama.

"Y-yung sulat para kay Nathan naibigay n-niyo ba?" Nahihirapang saad ko.

"Iniwan ko sa nurse station bago tayo umalis. Don't worry nakausap na sila ng Tito mo at walang magsasabi kung saan tayo pupunta." Tango na lang ibinigay ko may mommy.

I'm sorry Nathan kung maiiwan ka na naman pero ipapangako kong babalikan kita. At sa pagbalik ko magaling na ako.

Because this time I will undergo for heart transplant. Sana maging successful ang operation ko. Naiwan man kita ngayon sisiguradohin kong babalikan kita. At sa pagbabalik ko sisiguradohin kong di ka na maiiwan ulit.

'I will always love you'













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top