DAY 13
DAY 13
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Nathan nung higitin niya ako palabas ng classroom.
"Basta sumama ka nalang."
Katatapos lang namin mag quiz sa Philosophy since mabilis kaming natapos na dalawa pinalabas na kami ng room para daw di na kami maka istorbo sa iba. Bago kami makalabas nakita ko pang tumayo na rin si Calix. Hinintay ko muna siyang makalapit samin.
"Psst! Calix! Sama ka samin." Alok ko sakanya. Kawawa naman niya mag isa lang eh. Syempre bilang isang butihing kaibigan di ko siya hahayaang mag isa.
"Tsskk!" Palatak ni Nathan.
Natatawang umiling naman si Calix. "Di ako pwede Tine. Kayo nalang enjoy." Natatawang sabi niya bago kami lampasan.
Eh? Ayaw niya sumama? Sayang naman.
"Para nga lang sating dalawa yun." Naiinis na sabi ni Nathan at hinatak na naman ako kung saan man kami papunta. "Magyayaya pa eh." Bulong bulong niya na narinig ko naman.
"Naririnig kita." Naiiritang sabi ko.
Sandali papuntang school garden ang daan na to ah. Ano namang gagawin namin dun? Tsaka isa pa wala ng estudyante na pumupunta dun since napabayaan na. Nawala na ang dating ganda ng school garden.
"Ano ba gagawin natin kasi?" Naiinip na tanong ko. Pa suspense pa ang k*ingina.
"Pikit ka muna." Nakangiting sabi niya.
"Bakit kailangan pang nakapikit aber?" Tanong ko.
"Basta." Yun lang sinabi niya at tinakpan ng kamay niya mata ko.
"Kapag ako nadapa makakatikim ka talaga ng sapak sakin." Banta ko sakanya. Andaming pakulo pesteng to.
"Akong bahala sayo. Dami mong reklamo."
Di na lang ako nagsalita at nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad sa tulong ng pagalalay niya.
"Andito na tayo," sabi niya ng huminto kami. "Pagbilang ko ng tatlo pwede ka na magmulat."
"1"
"2" dalawa palang tinanggal ko na ang kamay niya sa mata ko.
"Aish sabi ko 3 eh." Naiinis na sabi niya. "Di ka naman excited niyan noh?" Inirapan ko lang siya.
Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko para pagmasdan ang buong paligid. Lumubo ang bibig ko sa mangha ng lugar. Paanong?
"Pinalinis ko to kahapon." Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.
"Kinausap ko naman ang head at pumayag naman siya. Pinuri niya pa nga ako kasi magandang idea daw yun." Mayabang pa na sabi nito.
"Ang tagal na ring di nalilinis tong garden." Pinagmasdan kong maigi ang buong lugar. Ang laki ng pinagbago nito. Kakagaling ko lang ng isang araw dito at ngayong andito na naman ako masasabi kong gumanda na ulit to.
"Anong pumasok sa utak mo at pinaayos mo to? Di naman sayo ang school na to ah." May balak ba siyang mag SSC?
"Ahm ano kasi.... Nabanggit ni tita na mas nature lover ka daw kaya naisipan kong ipaayos to at dalhin ka dito tuwing break time." Eh?? Ginawa niya talaga yun para sakin? Pero di naman kailangan.
"Isa pa sa Tito ko ang school na to." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bakit ngayon niya lang sinabi?
"Nagjojoke ka ba?" Prank ba to?
"Hindi, kapatid ng mama ko ang may ari nito. Ayoko sana mag aral dito kasi mas lalo ko lang siyang naalala kaso dito ka ka nag aaral. Kaya kahit masakit para sakin na mapunta ulit sa lugar na to pinilit ko makasama ka lang." May bahid ng pait ang boses niya pero pinilit niyang ngumiti.
"Ano ba meron sa lugar na to?" Curious na tanong ko.
"Dito kami madalas magpunta ni mama noon nung siya pa ang namamahala ng school na to. Bata pa ako noon nung huling punta ko sa school na to. Gustong gusto ko ang lugar na to noon pero ngayon di ko na alam."
"Simula ng mamatay siya kinalimutan ko na ang school na to. Nandito ang lahat ng alala namin eh. Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap na wala na siya." Nakaramdam ako ng awa sakanya. All this time di ko alam na patay na pala ang mama niya. Ngayon ko lang din na realize ang dami ko pang hindi alam sakanya.
"Sorry, di ko alam na ganun pala ang nangyari, kung sanang nalaman ko lang agad di na sana ako nag tanong. Sorry talaga Nathan."
"Okay lang balak ko naman talagang sabihin sayo yun." Ginulo niya ang buhok ko.
"Nung magkita tayo sa park noon, hinihintay kong sunduin ako ni mama nun malapit lang kasi yun sa school ko. Pag alis mo dun na rin dumating yung mama ko sayang di kayo nagkita nun. Ang saya ko ng araw na yun kasi dinala ako ni mama sa isang magandang lugar di ko alam na yun na din pala ang huli." Huminga muna siya ng malalim. Kita ko ang pagkislap ng mata niya dahil sa nagbabadyang luha.
"Nahuli ni mama yung daddy ko na may kasamang ibang babae. Rinig na rinig sa loob ng kwarto ko noon ang away nila. Hanggang sa napagbuhatan ng kamay ng daddy ko yung mama ko saktong paglabas ko ng kwarto. Kitang kita ko ang pagtumba ni mama noon. Pero wala akong magawa kundi umiyak. Matapos siyang pagbuhatan ng kamay ni daddy tumakbo siya palabas ng bahay. Hindi na niya ako naisip. Matagal akong naghintay sa bahay na makabalik siya pero isang tawag ang sumira sa pagasa kong babalikan niya ako at kukunin sa puder ng daddy ko." Nagsimula ng tumulo ang liha niya. Di ko alam pero bigla ko siyang niyakap. Mahal na mahal niya siguro ang mama niya kaya ganun na lang ang iyak niya hanggang ngayon.
"Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng tumawag si tito na nadisgrasya si mama at dead on arrival na. Simula din ng araw na yun kinamunghian ko na ang daddy ko."
"Sa ilang araw na naka burol yung mommy ko ni minsan di ko man lang siya nakitaan ng pagkalungkot ni hindi siya umiyak. Nung araw din na yun nalaman kong hindi lang ako nawalan ng ina sa mismong araw na yun nawalan din ako ng kapatid. Buntis pala si mama. Mas lalo lang akong nagalit sa daddy ko ng ilang buwan palang ng mawala yung mama ko nakailang palit na siya ng babae." Umiiyak lang siya sa balikat ko habang nagkukwento siya. Yung luha ko wala na ding tigil sa pagtulo. Isipin ko palang na ano mang oras ay maaari ko rin siyang iwan di na kinakaya ng sistema ko.
"Kaya nung mag 15 ako umalis na ako sa bahay na iyon. Di ko kayang makita ang daddy ko sa iisang bahay. Araw araw kong naaalala ang ka g*gohan na ginawa niya sa mama ko."
Madami pa siyang sinabi tungkol sa pamilya niya at pano niyang nakayanan na mabuhay mag isa sa loob ng tatlong taon. Hindi na rin kami nakapasok sa huling subject namin dahil di na namin namalayan ang oras. Nagulat nalang kami ng makita si Calix na dala dala na ang mga gamit naming dalawa.
"Wag kayo mag alala sinabi kong excuse kayo ang tagal niyong bumalik kaya dinala ko na ang mga gamit niyo." Turan nito ng makalapit samin.
"Sandali anong nangyari sainyo? Bakit namamaga ang mga mata niyo?" Naguguluhang tanong nito.
Umiling lang ako masyadong private na yun kaya mas mabuting wag ko na ikwento kay Calix.
"Salamat, Calix." Pagpapasalamat ko ng tanggapin ko ang gamit naming dalawa. Samantalang di naman kumikibo si Nathan.
"Sama kayo mamaya?" Tanong ni Calix samin ni Nathan.
"Saan?" Sabay na sagot naming dalawa.
"May live band mamaya malapit sa bahay niyo Tine. Balita ko pupunta yung favorite band mo." Nakangiting sabi pa nito. Bigla akong na excite sa sinabi niya.
"Sasama ako!" Magiliw na sabi ko.
"Ikaw Nathan?" Tanong ni Calix. Napatingin naman ako sakanya at parang ang lalim pa rin ng iniisip niya.
"Pardon. What is it again?" Sabi ko nga lutang siya.
Inexplain naman ni Calixyu g mangyayari mamaya at ng tumango siya at pumayag ay napangiti ako. Kailangan niyang idevert ang attention niya sa ibang bagay.
Alas 7 daw ang simula ng live band pero alas 6 palang ay nasa bagay na yung dalawa. Nakakatuwang isipin na nagkakasundo na sila. Sa bahay na rin sila mag dinner kaya sabay sabay na kaming pumunta sa nasabing event.
Natatawa nalang ang dalawa kapag nakikipagsabayan ako ng tili sa mga taong nandito. Para kaming baliw na nakikipagsabayan sa kanta nung tumogtog na yung favorite band ko. Grabe ito ang unang beses na nag perform sila sa lugar namin.
Malapit ng mag alas 10 ng hinatid nila ako pauwi.
"Inggat kayo." Ngiti ko ng maihatid nila ako sa loob ng bahay namin.
"See you tomorrow then?" Nathan ask me. Tumango naman ako sakanya.
"Goodbye Tine! Una na kami." Paalam naman ni Calix.
"Goodnight!" Ngiti ko sakanilang dalawa.
"I'll text you when I get home. Bye!" Natawa naman si Calix sa sinabi ni Nathan.
"Update update ka pa wala naman kayong label."
"Shut up. Palibhasa di ka na crushback." Ganti naman ni Nathan. Kahit kailan talaga hindi magpapatalo ang isang to. Imbes na mapikon tinawanan lang siya ni Calix at di na nagsalita.
Sinarado ko lang ang pinto ng makaalis na silang dalawa. Tulog na ang mga tao sa bahay kaya dahan dahan akong umakyat sa kwarto ko.
15 minutes palang nang makaalis yung dalawa may text na agad si Nathan.
From Nathan:
Kakadating ko lang. Matulog ka na. Goodnight! <3
Napangiti naman ako sa text niya. Sobrang saya ko ngayong araw na to bukod sa nakita ko ng malapitan yung favorite band ko, nakikita ko ring malapit na sa isa't isa si Nathan at Calix. Panandalian kong nakalimutan ang kwento ni Nathan tungkol sa mommy niya.
Pero lahat pala talaga ng saya may kaakibat na lungkot kinabukasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top