DAY 12
DAY 12
"Good morning" Nakangiting bungad sakin ni Nathan kinaumagahan pagkadating ko ng school. Ang aga niya ata.
"Morning." Tipid na sagot ko.
"Nag breakfast ka na?" Tanong pa nito.
"Yeah."
"I see."
I don't know how to approach him. Gustohin ko man siyang iwasan hindi ko kaya. Nasanay na ako sa presensya niya.
Akala ko matatahimik na siya pero may maya lang nagsalita ulit siya.
"Tine, labas tayo mamaya?" What does he mean labas? Like go on a date?
"H-huh?" Nautal pa ko ng sambitin ko iyon.
"May sasabihin ako sayo." Nakangiting sabi niya habang ako naman ay naguguluhan.
"Balikan natin ang lugar kung saan tayo unang nagkita, kung saan kita unang nagustohan, kung saan mo unang nalaman ang nararamdaman ko para sayo." Masaya siya habang sinasabi yun. May idea na ako kung saan yun pero yung sinabi niyang kung saan kami unang nagkita ang nagpagulo sa utak ko.
"Sandali di ko ma gets." Naguguluhang tanong ko pa rin. Pero ngumiti lang siya sakin.
"Malalaman mo mamaya." Yun lang ang sinabi niya at di na muling nagsalita.
Gulong gulo naman ako sa nangyayari. Unang beses ko palang na nakapunta sa lugar na yun na kasama siya. At ang unang pagkikita namin nung magsimula ang pasokan, kaya anong pinagsasabi niya?
Sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa cafeteria. Mukang okay na din sila eh. Ewan kahapon parang magpapatayan sila sa uri ng tinginan pero ngayon mukang okay naman na sila.
"Anong sayo?" Tanong ni Nathan sakin nang makapasok kami.
Napatingin naman ako sakanya. "Kahit ano na lang." Yun na lang ang sinabi ko. Tumango naman siya at pumunta ng counter.
"Okay na kayo?" Tanong ni Calix ng maiwan kaming dalawa.
"I don't know. Eh kayo ba? Parang kahapon lang halos magpatayan na kayo sa tinginan niyo eh."
"Selos lang yun hahaha. Sige bili lang ako."
Napangiti ako habang tinitingnan si Calix. I feel proud for him kasi no matter what happened between his sudden confession he stay by my side as a friend. I can't afford to lose a friend.
Napairap ako bigla ng biglang masalita magsalita si Nathan na nasa tabi ko na pala. "Gusto mo ba siya?" Anong klaseng tanong yun? Ikaw nga kasi gusto ko. Pero syempre di ko sasabihin yun no.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Akin na nga yan!" Inagaw ko sa kamay niya ang snack na binili niya para sakin.
"Makaagaw naman to," sinamaan ko siya ng tingin ng ilayo niya sakin ang binili niya. "Ayan na po mahal na prinsesa." Nang aasar na sabi niya. Di ko naman siya pinansin at nilantakan ko nalang ang bibili niya.
"Ang takaw mo naman ata ngayon?"
"Wala kang pake kaya manahimik ka kung ayaw mong sungangain ko yang bunganga mo!" Natawa lang siya sa sinabi ko.
Nag asaran pa kaming tatlo bago bumalik sa classroom. Ang saya ko kasi sa wakas naging maayos na rin silang dalawa.
"Who is the Father of Western Philosophy?" Our Philosophy teacher ask. So I raised my hand.
"Yes Ms. Madrigal"
"Socrates," I answered. "Socrates is the Father of Western Philosophy."
"Very good Ms. Madrigal,"
"Socrates was known as the father of Western Philosophy while Descartes are considered as the Father of Modern Philosophy." Nag take down notes nalang ako ng lesson namin para may mapagaralan ako pagdating sa bahay.
Mabilis natapos si ma'am sa lesson niya pero bago siya lumabas pinaalalahanan niya kami sa pagaganap na long quiz bukas kaya kailangan ko talagang mag review mamaya.
"Piga na ang utak ko kaka quiz." Reklamo ng isa sa mga kaklase ko ng lumabas na si ma'am na sinundan naman ng iba pa.
"May utak ka pala?" Pambabara naman ng isa pa.
"Meron bukod sa gandang meron ako, may utak din ako. Eh ikaw? Panget ka na nga wala ka pang utak!"
"Ikaw maganda? Bakit ka di crinushback?"
"Try mo ring umamin sa crush mo ng ma busted kang k*ngina ka!"
"Tanga naman niya kung bustedin niya ako. Sayang lahi naming mga gwapo." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa bardagulan nilang dalawa. Halata namang gusto ang isa't isa mga indenial lang.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!"
"Uyy bagay kayo!"
"Dyan nagsimula ang lolo't lola ko!"
"Baka bukas malaman namin kayo na ah"
"Bat kasi hindi nalang kayo?!"
Pang aasar naman ng ibang kaklase ko. Nakitawa naman ako sakanila. Sanay na sa ganitong scenario magkaibigan naman ang dalawang yan kaya walang pikonan sa kanila.
Natigil lang sila nang pumasok ang panghuling teacher namin. Kagaya kanina discussion lang din nangyari. Ng matapos sabay sabay kaming lumabas ng classroom.
Naunang mag paalam si Calix dahil may gagawin pa daw siya. Samantalang kami namang dalawa ni Nathan ay pumunta muna sa may malapit na kainan. Nakapagpaalam naman na ako kaya okay lang tutal si Nathan naman kasama ko.
"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Tanong ko ng makarating na kami sa lugar na sinasabi niya.
"Basta nga. Halika na." Hinila niya pa ako papunta dun sa mismong pwesto namin nung nakaraan. Familiar talaga sakin ang place na to.
"Naalala mo yung kinukwento ko sayo nung huling beses na magpunta tayo dito?" Tanong niya. Naguguluhang tumango naman ako.
"Gaya nga ng sabi ko dito ko siya unang nakita. After 6 years nakita ko ulit siya sa mall di ko pa alam na siya yun eh. Not until makita ko yung kaparehong design nung necklace na suot niya nung unang araw na nakita ko siya dito. Mula noon lagi ko na siyang sinusundan at tinitingnan mula sa malayo." Pagkukwento niya pa.
"10 years ago ng makita ko siya dito. At alam mo ba kung anong sinabi niya?" Umiling ako.
Malay ko ba sa sinabi nun di naman nila ako kasama. Ang manhid niya naman tama bang mag kwento siya gayong nililigawan niya ako. Di niya man lang kinonsider yung mararamdaman ko.
Mahina siyang tumawa bago ginulo ang buhok ko. "Sabi niya after 10 years magiging boyfriend niya daw ako. Sabi niya pa promise daw yun." Tumawa ulit siya ng mahina.
"Alam mo, di ko alam bakit mo sinasabi sakin to. Bakit di mo nalang siya hanapin at tuparin niyo yung pangako niyo sa isa't isa?!" Tumayo na ako at handa na sanang umalis ng pigilan niya ako.
"Sandali di pa ako tapos." Pigil niya sakin ng akmang paalis na ako.
"Ano ba?!" Gigil na singhal ko. Bumabalik na naman ang sakit sa dibdib ko.
"Hintayin mo nga muna kasi akong matapos."
"Ayoko na nga eh!" Sigaw ko sa sakanya.
"Di ka ba makaintindi?!" "Di mo man lang inisip ang mararamdaman ko kapag nag kwento ka ng ganyang bagay." Mahinang sabi ko na pero alam kong narinig niya.
"Sorry," nakayukong sabi niya. Malapit na akong maiyak kaya himinga muna ako ng malalim.
"Promise last na to." Desedido na talaga siyang sabihin kaya huminga ulit ako ng malalim bago maupo ulit sa pwesto namin kanina.
"5 minutes."
"Huh? A-anong 5 minutes?" Tanong naman niya.
"5 minutes mag kwento ka na, uuwi na ako after 5 minutes." Kasi di ko alam kung kaya ko pang makarinig ng mga bagay tungkol sa kung sino mang babae yun.
Bigla siyang may nilabas sa bulsa ng pantalon niya. Napatingin pa ako sakanya ng ilahad niya sa harap ko ang nakasarang palad niya.
"Ito yung kaisa isang palatandaan ko sakanya. Ito rin ang nagturo sakin ulit sakanya." Nakangiting sabi niya pa. Napakunot naman ang noo ko. "Buksan mo."
Nagulat at nanlaki ang mata ko ng makuta ang kaparehong design ng necklace ko.
"P-panong n-napunta sayo to?" Kinakabahang sabi ko. May idea ng pumapasok sa isip ko pero baka mamali lang ako nv hinala.
"Naiwan mo yan dito noon nung minsang pauwi ka na." Nakangiting sabi niya.
"Oo Tine, ikaw ang batang babae na nakilala ko dito noon, ikaw ang batang babae na nagustohan ko 10 years ago, at ikaw la rin ang babaeng gusto ko hanggang ngayon."
"Pero paanong ako? I mean unang beses kong punta dito nung nakaraang araw lang kaya pano?" Naguguluhang tanong ko pa rin.
"Madami ng nabago sa lugar na to kaya baka di mo talaga maalala. Nawawala ka nun ng matagpuan kita dito."
I suddenly remember nung 8 years old ako ng minsang maiwala ako ng yaya ko.
"Yaya?" Tawag ko sa yaya ko ng di ko na ito makita sa paningin ko.
Nilibot ko na ang buong lugar pero di ko pa din siya makita. Hanggang sa mapadpad ako sa lugar kung saan kakaunti lang ang tao. Umiiyak ako habang tinatawag ko ang pangalan ng mommy ko ng biglang may lumapit saking batang lalaki.
"Bata okay ka lang?" Tanong nito sakin kaya lalo akong umiyak. Nataranta naman siya sa paglakas ng iyak ko.
"Wag ka ng umiyak," pagpapatahan nito sakin. "Halika, ibibili kita ng ice cream para di ka na sad." Nakakahawa ang ganda ng ngiti niya kaya napangiti rin ako kahit may munting luha pa ang pumapatak sa mata ko.
Halos malapit nag mag isang oras kaming magkasama pero di pa rin namin alam ang pangalan ng isa't isa.
"Paglaki ko gusto ko ikaw magiging boyfriend ko." Nakangiting sabi ko. "Promise me kapag nagkita ulit tayo liligawan mo ako."
"Oo ba kapag 18 ka na liligawan kita." Nakangiting sabi niya pa.
Tawa lang kami ng tawa nung biglang may sumigaw ng pangalan ko. Pagtingin ko nakita ko si mommy na tumatakbo palapit sakin.
"Mommy!" Sigaw ko.
Nakalapit na sa pwesto ko si mommy handa na sana kaming umalis ng maalala ko ang batang lalaki.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko dito.
"Tan tan nalang itawag mo sakin." Napangiti ako yun siguro ang pangalan niya.
"Thank you!"
"Naaalala mo na?" Nakangiting tanong niya na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
"I-ikaw yun?" Nauutal na tanong ko.
"Hmm."
Hindi ako makapaniwalang siya rin ang batang yun.
"Dito tayo unang nagkita, dito ako unang nagkagusto sayo, at dito rin ako unang nagtapat ng nararamdaman ko."
"Ito ang lugar kung saan nagsimula ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top