DAY 10
DAY 10
Magkasama kami ngayon ni Calix sa cafeteria. Kung hinahanap niyo si Nathan wala siya di pumasok. Ewan ko ba dun ngayon palang naman siya umabsent.
Wala rin kasi siyang sinabi na mag aabsent siya. Ang huling text niya is 'see you tomorrow' so I assume na papasok siya. Pero, ano nga bang pakealam ko sakanya? Bahala siya kung papasok siya o hindi.
"Tine, anong sayo?" I went back to my senses when Calix call my name.
"Kahit ano nalang." Tipid na sabi ko. Tumango na lang siya at pumunta ng pila, naiwan naman ako sa table namin.
This is the first time na di kami sabay ni Nathan.
Bumalik ako sa pag iisip kung bakit nga ba siya absent gayong wala naman siyang sinasabi kahit sa mga teacher di siya nagpaalam. And one more thing, sino si Sarah?
Tahimik kaming kumakain ni Calix nang biglang tumunog ang cellphone ko. Text ni Nathan ang bumungad sakin.
From Nathan:
Good morning <3
To Nathan:
Bakit absent ka?
From Nathan:
Ah may inayos lang. Puntahan kita mamaya.
Ha? Anong puntahan? Akala ko ba may inaayos siya?
To Nathan:
Ano wag na. Di ba may ginagawa ka pa? Ayosin mo muna.
Wala pang 1 minute bago ko masend yun tumunog ulit ang cellphone ko. And this time tumatawag na siya.
Napatingin naman ako kay Calix ng bigla siyang tumingin sa cellphone ko na nasa mesa. "Excuse me, Calix sagotin ko lang to." Nahihiyang sabi ko na tinaguan naman niya.
Lumabas ako ng cafeteria para sagotin ang tawag niya.
"Hello? Bat ka tumawag?" I ask Nathan when I answer his call.
"Wala lang, gusto kita makausap." Eh? Problema ng isang to?
"Nahihibang ka na." Napailing ako. Tama bang rason yun? Ang OA niya naman kahapon lang kausap ko siya, araw araw din kaming magkasama. Ewan ko sa trip nito.
"Ibababa ko na kumakain ako," narinig ko ang pagbuntong hininga niya na tila ba nahihirapan.
"Kita tayo mamaya."
"Sabi ko naman sayo na wag na." Sabi ko pero binabaan na niya ako. Aba naman ang bastos ah. Bahala nga siya sa buhay niya.
"Sino yun?" Tanong ni Calix ng makabalik ako sa loob.
Napaiwas ako ng tingin. "Ah si Nathan, nagtatanong lang about sa klase." Pagsisinungaling ko. Di ko alam kung bakit kailangan ko pang mag sinungaling gayong pwede ko namang sabihin ang totoo.
"I see." Alanganing sagot niya, tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. I'm not good in lying, bruh.
"A-ano balik na tayo malapit na mag simula yung next class natin." Pag iiba ko sa usapan. Nagsalubong naman ang kilay niya.
"Pero di ka pa tapos kumain. Ubusin mo muna to baka magutom ka."
Umiling lang ako sa tinuran niya. "Dadalhin ko na lang baka malate talaga tayo." Dali dali ko namang kinuha yung natirang sandwich at inumin sa mesa at nagmamadaling umalis ng cafeteria.
Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko? Eh ano namankung tumawag si Nathan? Ano naman kung sinabi niyang magkikita kami? Umayos ka nga, wag mo sabihing nahulog ka na nang tuluyan sa lalaking yun. Pero, what if kung oo? Bakit ang bilis naman ata?
"Tine! Sandali hintayin mo ako!" Sigaw ni Calix na dali dali namang tinakbo ang distansya namin. "Ano ba nangyayari sayo? Bakit bigla bigla ka na lang aalis?" Tanong niya sakin ng maabutan niya ako.
"Ah wala," di ako makatingin sakanya kaya sa daan ko nalang itinuon ang atensyon ko. "Ayoko lang talaga ma late." Di na siya nagsalita kaya nakahinga ako ng maluwag.
Mabilis kaming nakabalik sa classroom. Kaunti palang din ang naroon malamang nasa cafeteria pa ang iba. Pasalampak akong naupo sa upuan ko at napadapo ang tingin sa katabing upuan, sa pwesto ni Nathan.
Ano ba nangyayari sakin? Bakit parang meron akong hindi alam?
Mabilis natapos ang klase namin at dahil nga half day nalang ang pasok uuwi muna ako bago pumuntang mall. Bibili ako ang pang regalo kay Axel.
"Una na ako, Calix" paalam ko sa kaibigan. Ngumiti muna siya at nagpaalam na mauuna na rin.
Inimbitahan ko na rin siya para sa birthday ni Axel. Di na rin kasi iba si Calix samin tsaka kilala naman siya nina mom.
"Andito na po ako" matamlay na sabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.
Hinubad ko lang ang sapatos ko at nag derederetsyo na sa kwarto ko. Di ko na nga tiningnan kung sino ang nasa sala nung oras na yun o kung may tao nga ba sa sala.
Gusto ko nalang matulog at magkulong sa kwarto. Ewan parang na dismaya ako nung di ko makita si Nathan sa school. Pero sabi niya naman magkikita kami ngayong araw. Ang akala ko kasi sa school mismo kami magkikita kaya medyo nanghinayang ako ng di ko siya makita kahit sa labas ng school. Baka busy talaga siya.
Nakabihis na ako ng pang bahay. Oo pang bahay kasi mamaya na ako aalis parang tinamad ako bigla. Di ko rin alam kung bakit. Siguro dahil sa disappointment? Pero saan naman? Maaga akong mababaliw nito.
Nagising ako sa malalim na pag iisip ng biglang may kumatok.
"Pasok!" Sigaw ko at inayos ang pagkakaupo sa kama. Nakatingin pa ako sa bintana kaya di ko makita kung sino yung pumasok.
"Bat di ka bumababa?" Nagulat ako sa pamilyar na boses. Anong ginagawa niya dito? At pano niya nalaman ang kwarto ko? Dali dali kong nilingon ang may ari ng boses na narinig ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Nagugulat na sigaw ko.
Di ko akalaing ang lalaking iniisip ko kani kanina lang ay nandito sa harap ko sa mismong kwarto ko.
"Kanina pa kita hinihintay sa baba ang tagal mo kaya sabi ni tita akyatin na kita." Napailing ako sinabi niya so kanina pa siya andito?
"Tinatawag kita kanina pero derederetsyo ka lang, ni hindi ka nga lumingon man lang."
So kanina pa nga siya dito sa bahay? Akala ko ba busy siya kaya di siya nakapasok? Pinagloloko ba ako nito? Busy o baka ayaw lang talagang pumasok.
"Lumabas ka na." Pagtataboy ko sakanya. Pero ang kupal imbes na lumubas eh tumabi pa ng upo sa kama ko.
"Hoy sabi ko lumabas ka na." Tinulak tulak ko pa siya pero wala pa rin. Humiga na din siya sa kama na parang pagod na pagod. Dun ko lang napansin na parang wala pa siyang tulog.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.
"Hmm." Sagot niya lang sabay takip ng kamay sa mata niya.
"Okay ka lang ba talaga?" Mas dumoble ang pag aaalala ko. Ngumiti lang siya pero nakatakip pa rin ang kamay sa kanyang mga mata.
"Yeah. Let me just rest here for a while." Napatango na lang ako at di na siya kinausap. I
Ilang minuto pa ramdam ko na ang malalim niyang paghinga. Siguro nga ganun na lang ito kapagod at ang bilis niyang nakatulog.
Iniwan ko muna sa kwarto ko si Nathan nang makaramdam ng gutom.
"Oh asan si Nathan?" Napatingin pa si mommy sa likod para tingnan kung kasunod ko ba si Nathan. Pero nag salubong ang kilay nito ng makitang wala sa likod ko ang hinahanap.
"Nasa kwarto ko po, nakatulog na sa sobrang pagod siguro." Napatango naman si mommy sa tinuran ko. Ako naman ay kumain na dahil gutom na talaga ako.
After 30 minutes bumalik na ako sa kwarto ko para maligo at makapagayos bibili ako pang regalo kay Axel.
Paalis na ako ng biglang magising si Nathan.
"San punta mo?" Nagkusot pa siya ng mata at halata rin sa boses nito na bagong gising.
"Ah punta lang akong mall."
"Sama ako." Dali dali siyang bumangon at nag inat ng katawan.
"Wag na magpahinga ka nalang dyan. Mabilis lang naman ako." Mas kailangan niya ng sapat na tulog kaysa samahan pa ako sa mall no! Tsaka isa pa kaya ko mag isa.
"Sasama ako." He said that with finality. Bakit ba ang kulit nito? Sinabi na nga na mas kailangan niya ng sapat na tulog. Tigas naman ng ulo nito.
"Bahala ka sa buhay mo!" Pagsuko ko. As if naman na may magagawa pa ako di ba? Hay bat kasi andito pa to?
"Ah a-ano p-pwede makigamit ng CR mo? Paghihilamos lang ako sandali." Nahihiyang sabi niya. Natawa naman ako bakit siya nauutal? HAHAHAHA akala ko kung ano na may pautal utal pa siya.
"Sige na bilisan mo. Hintayin na lang kita sa baba." Yun lang sinabi ko at bumaba na. Ni hindi ko na nga hinintay na makasagot pa siya basta ko na lang siyang iniwan dun.
Hindi rin nag tagal nang bumaba na din siya. Nagpaalam lang ako kay mommy bago kami umalis. Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan. Parang biglang ang awkward ng atmosphere sa loob.
Pero siya rin yung di nakatiis kaya nagsalita na siya. "How's school?" He ask me.
"Ayos lang nakatayo pa rin naman wala namang nagbago sa isang araw na pagkawala mo." Bored na sagot ko. Napalingon ako sakanya ng mahina siyang tumawa.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?!' naiinis na tanong ko. Pagtawanan ba ako. Mukha na akong nagjojoke sakalin ko to eh.
"What I mean is, how are you in school, silly." Pinitik pa niya ako sa noo. Aba naman so nananakit na siya ng pisikilan ngayon ah! Humanda ka sakin kapag ako nakaganti!
"Wala namang bago matalino pa rin. Kidding." I laughed a bit.
"Pshh.. yabang!"
"Anong sabi mo?! Narinig kita ah. Sa totoo naman mas matalino pa nga ako sayo." Pagyayabang ko, aasarin ko lang siya
"Sige buhatin mo sariling bangko mo." Napailing iling pa siya habang tumatawa. Eh kung sipain ko siya palabas ng sasakyan.
"Ay talaga ba, Nathan? F*ck you!!!" Nakakapikon na talaga ang isang to ah. Wala ba siyang magawa sa buhay niya kundi ang asarin ako.
"Hoy Tine yang bunganga mo ang bastos na ah," saka ko lang na realize ang huling sinabi ko. Omg patay ako kay mommy kapag nalaman niya yun. Ito naman kasing kumag na to eh. "Pasalamat ka at mahal kita." A-ano daw? Di pa naman ako nabibingi di ba? Tama ang narinig ko.
"A-anong s-sabi mo?" Pautal utal pa na sabi ko.
"Wala sabi ko andito na tayo." Mabilis naman akong tumingin sa labas at nakita kong andito na nga kami.
Nauna na siyang lumabas kaya sumunod naman ako. Tinulungan ako ni Nathan sa pagpili ng bibilhin since pareho naman silang lalaki.
In the end I choose the newest edition of his toy car collection. Nathan also buy him a gift.
Right after we buy a gift for Axel we came in an ice cream parlor. He order memy favorite chocolate ice cream.
Panay pa rin ang asaran namin sa loob ng ice cream parlor. Pinagtitinginan na rin kami dahil sa inggay namin pero pareho kaming walang pakialam.
Manonood pa nga sana kami ng movie kaso sabi ko next time na lang. Naglibot libot na lang kami sa mall when I saw a familiar face of a man.
"Calix!" Tawag ko sakanya. Nakita ko siya sa jewelry store. Aning ginagawa niya dito?
"T-tine?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"A-ahh wala may t-tinitingnan lang. Ikaw ba?" Nauutal na sagot niya.
Napatingin naman ako kay Nathan na di na nagsasalita sa gilid ko. "I'm with Nathan, bumili kami ng gift kay Axel para bukas." Nakangiting sabi ko naman.
Napatingin naman siya sa katabi ko. "I see."
Nakaramdam ako na kailangan kong pumunta ng CR kaya nagpaalam muna ako sakanilang dalawa.
Pagkabalik ko masama ang tingin nila sa isa't isa at ang bigat din ng atmosphere sa pwesto nila.
"Okay lang ba kayo?" Naguguluhang tanong ko. Umalis lang ako sandali naging ganito na sila.
"Halika na Tine uwuwi na tayo." Hinigit ako sa braso ni Nathan.
Pero di pa kami nakakaalis ng higitin din ako ni Calix sa isang braso ko. Okay? Ano ba problema nila?
"Ahh Calix uuwi na kasi ako," nahihiyang sambit ko. "May sasabihin ka ba?"
"Pwede ba tayo mag usap bukas?"
"Oo naman no. Tungkol saan ba?" Nakangiting sambit ko. Yun lang pala eh.
"Bukas ko na lang sasabihin. Sige aalis na ata kayo," tumingin pa ulit siya ng masama kay Nathan. "Inggat ka Tine." Tumango lang ako at nginitian siya bago umalis.
Habang naglalakad kami hindi na naman nagsasalita si Nathan. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang di na ako nakatiis.
"Ah oo, may iniisip lang. Lika na malapit ng dumilim." Tumango na lang ako at nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad.
Palabas na kami ng mall ng biglang may yumakap patalikod kay Nathan. Pareho kaming gulat na napatingin sa likod namin.
May isang babae na parang coloring book na ang mukha dahil sa kapal nang make up. Matangkad, maganda ang hubog ng katawan, blonde ang straight at mahabang buhok, at may pagka revealing ang suot na damit. Sino ba ang babaeng to?
Kung nagulat na ako sa pagyakap niya kay Nathan mas nagulat ako ng bigla niyang halikan si Nathan. Dali dali naman siyang tinulak ni Nathan.
"What the f*ck is your problem?!!" Sigaw niya dito na naging dahilan para mapunta sa direksyon namin ang atensyon ng tao.
Napayuko ako. Ayoko sa ganito ayokong pinagtitinginan. Aalis na sana ako ng hawakan ako ni Nathan sa kamay.
"What's wrong with you?!" May diing tanong ni Nathan sa babae.
"Hey your so grumpy." Sabi naman ng babae. "Who is she?" Nandidiring tumingin siya sakin. Ano ba problema nito.
"None of your business." Masungit na sabi ni Nathan.
"Anyway, your father called me earlier," so magkakilala sila? Napatingin ako kay Nathan na masama ang tingin sa babae.
"He said that we're having a dinner together with your family." Masayang sambit ng babae.
"F*cking stay away from me Sarah." May pagbabanta sa boses nito.
Sarah? So she's the one calling him yesterday ha. I smiled bitterly.
"And why would I do that?" Naghahamon na tanong naman nito.
"Because I said so."
"I'm your fiance so why the hell I'll stay away?!"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. He's f*cking engage but still he manage to court me?! What a jerk!!
"In your f*cking dreams Sarah, I will never marry a gold digger like you. Why don't you marry my father instead? You're after his money right? Then go and marry him and stop pestering me!!!"
Mabilis akong tumakbo palabas ng mall. Narinig ko pang tinatawag ako ni Nathan pero di ako huminto ni hindi ako lumingon.
Pagdating ko sa bahay sinabi ko na lang na busog na ako at magpapahinga na. Pumasok ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Panay ang text at tawag ni Nathan pero kahit isa wala akong sinagot.
Ni hindi pa nga kami nagsisimula nagtapos agad. Isa lang ang sigurado ako nasasaktan ako kasi mahal ko na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top