Epilogue - Reality

Four years later...

The rain pours directly as I walk down the corridor of the college department, isinindi ko ang payong na dala ko upang ipangsangga sa ulan dahil lalabas na ’ko ng corridor. Sumalang ako sa malakas na ulan, malamig din ang hangin tanda ng palapit na Pasko.

It was the fifteenth day of December, twenty-twenty two. Napakaraming nangyari sa nakalipas na apat na taon, sa pagtungtong ko ng kolehiyo ay napakaraming pagbabago ang aking naranasan.

Upang masama sa Dean’s Lister ay kailangan kong magkumahog at magsunog ng kilay para na rin hindi matanggal ang scholarship ko na eight years ko nang mine-maintain.

Apat na taon na ang nakalipas simula no’ng mangyari ang lahat ng ’yon, paunti-unti ko nang nalilimutan ang mga nangyari no’n dahil pumapasok na ’ko sa bagong yugto ng aking buhay.

Ako ngayon ay na sa second year college na at kinuha ko ang kursong Education, noon pa man kasi ay pangarap ko na ang maging isang teacher.

Sa apat na taon na ’yon ay paano ko nga ba naman malilimutan ang lahat ng nangyari? Kahit ba labing limang araw lang ang itinagal ko sa lugar na ’yon, I managed to do what I really wanted to do in those days.

Sa kaunting pahingang ’yon ay natuto kong harapin ang reyalidad, at natuto ko ring tanggapin na hindi sa lahat ng panahon ay aayon sa ’kin ang pagkakataon.

Parang kahapon lang ang mga nangyari, parang gumising lang ako sa isang panaginip. Apat na taon na pero hindi ko pa rin siya nalilimutan kahit paunti-unti nang nababasag ang mga alaala ng mga pangyayari.

Apat na taon na pero hindi ko pa rin siya nalilimutan, it’s because those were the greatest of memories.

Kahit malabo na, hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa ’king muli ko siyang makikita. I shouldn’t be thinking about it but hindi naman mali kung umasa ako, kasi inaasahan ko na ring imposible talaga.

Sir Lorenzo was gone in Saint Anthony’s four years ago. He just did that because he can’t forgive himself for taking away what’s supposed to be mine. Masaya na rin naman ako ngayon, masaya na dahil paunti-unti ko nang natutupad ang aking mga pangarap.

Tungkol naman kay Armin, he managed to confess here in the real world. Pero hindi kagaya ng nangyari sa kabilang mundo, Armin was turned down.

Ang ending ay hindi naging sila—unlike what happened in the parallel world. Armin was devastated when he heard that Klarense is transferring, ilang buwan siyang tuliro after umalis ni Klarense.

Pero naka-move on na siya ngayon at binago siya ng mga nangyari sa kan’ya.

He became strong and he made that rejection the key for him to be more likeable.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan, maitim ang mga ulap at mahangin ang panahon, it was just so sudden that the rains fell weak and so is the wind. Mabuti na lang at uwian na dahil alam kong babahain na naman ang mga daanan pauwi sa ’min.

Pababa na ’ko sa high school department kung sa’n malapit ang gate, may isang stairway na bababaan pa bago marating ’yon.

Pero nakapagtataka dahil uwian na pero wala pang masyadong tao sa paligid ng department, siguro’y maaga lang kaming binitawan ng professor namin. But I’m sure that around this time ay marami nang nagsisilakad na mga students dito.

Itinaas ko ang payong ko para makita ang bababaan ko, pero laking gulat ko nang may makitang isang lalaking nag-aabang sa ibaba.

A familiar boy wearing the Saint Anthony’s P.E uniform, he’s smiling while looking at me. Saglit akong napatigil nang mapagtanto ko kung sino siya.

It’s... Austin?

Saglit rin naman akong sinampal ng reyalidad, kaagad ko ring naisip na hindi ang Austin na ’yon ang kaharap ko. Maybe he’s just waiting for Pressy kasi pareho naman kami ng department.

Nagpatuloy na nga ako sa pagbaba sa hagdan, pero bago ko pa man siya malampasan ay narinig ko siyang nagsalita.

“How have you been, Gael?” he asked me. Saglit pa ay tumigil ako. Nginitian ko siya at tinugunan.

“Okay naman, I’m just focusing on my studies. You know... para hindi matanggal sa Dean’s Lister at para ’di rin matanggal ang scholarship.” I said in a bubbly way, he then chuckled.

“But you don’t need a scholarship. Don’t you remember? Your father owns this school.” Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napatingin sa kan’ya, he’s still smiling yet I don’t know how to react.

“What are you saying? I don’t know what you’re talking about.” I laughed sarcastically, knowing this situation. Alam kong hindi na, eh, alam kong malabo na!

“You’re the class valedictorian of our junior and senior high school class, you helped Armin—your bestfriend to be accepted by his homophobic parents. I’ve also heard that you slapped his mother.” Isinara ko ang mga aking mga palad, mas hinigpitan ko ang hawak ko sa payong.

“You even helped me with our Twenty First Century Literature assignment in our summer class, the story you wrote.” He knows, but how could it possibly be?

Dahan-dahan ko siyang tinignan nang diretso, nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang nangyayari, panaginip lang ba ito o nangyayari talaga sa reyalidad? Sobrang nakakagulo ng isipan, matagal na ’yon.

Apat na taon na!

“You didn’t gave the story a proper ending, Gael... remember? Well, this might be the ending of that story. After four years, the protagonist met the male lead again and things turned the other way around. But this time, it’s not just for fifteen days. This time... it’s forevermore.” Humangin nang malakas, sa paghangi’y tinangay nito ang payong na hawak ko.

Pero, wala akong pakialam. The leaves from the trees started to surround us while the two of us are just standing before each other. Dahan-dahan, paunti-unti, napagtanto kong siya ang Austin na ’yon. Walang duda, walang agam-agam.

Kaagad ko siyang sinunggaban ng yakap, a tight hug that signifies my happiness. Tears flowed down from my eyes as we both laughed. Suddenly, we’ve found ourselves on a familiar place, a flower field filled with golden Marigolds.

The weather is sunny, there were birds flying above the sky. The petals from the flowers are taken up by the calming breeze. Dahil sa pagsunggab ko ng yakap sa kan’ya ay parehas kaming natumba at napahiga sa mga bulaklak, parehas naming niyakap ang isa’t isa habang patuloy ang pagtawa at kaligayahan.

It was then, I saw a man standing from afar. A teacher, smiling and looking directly at us. It was Sir Lorenzo, when our eyes met he nodded and put his hands on his chest. The wind blew again and he faded away in the fleeting wind.

“Oy! Kayong dalawa d’yan, akala ko ba gagala tayo today?!” I heard a familiar voice calling me and Austin.

It was Armin together with Klarense—they are both holding each other’s hands while Armin is waving at us.

Kaagad naman kaming tumayo ni Austin at magkahawak-kamay ding nagtungo palapit sa kanila, sabay-sabay kaming naglakad palayo sa flower field—nagtatawanan at nagkakantiyawan. It was so sudden, yet it was spectacular.

“Sir Lorenzo told me everything, and I think... he wants the both of us to be happy.” Pareho kaming sumakay sa isang bisikleta at pumedal si Austin para patakbuhin ito.

“But what about my life in the other world? Sino ang Gael na mabubuhay do’n? Pa’no ang mga taong maiiwan ko ro’n?” sunod-sunod na tanong ko naman kay Austin habang pumepedal siya.

“Si Sir Lorenzo na raw ang bahala, basta’t ang sabi niya’y malaya na nating mahalin ang isa’t isa, because we’re going to be together not just for fifteen days!” he exclaimed further.

“I’ve always looked for the real you, the version of you who changed the way I live.” Saad niya pa habang pumipidal.

“Mahal na mahal kita, Gael, at hinding-hindi ’yon magbabago habang buhay!” Austin shouted loud and proud as the wind blows directly at us.

Dito ay muling tumulo ang luha sa ’king mga mata at niyapos ko siya ng isang mahigpit na yakap mula sa likuran. I landed my head on his back, I closed my eyes as I cried in joy.

“Ikaw rin, always. Through and thorough, I’ve hoped to see you again. Hindi ako binigo ng Diyos at ng tadhana sa mga hiling ko. I love you too, Austin.” I smiled and hugged him tightly.

I fell in love with the person I didn’t have yet I had.

Another version of the first person I first adored.

The version of him that I changed—and changed me.

The boy that truly chose me.

The version of him that made me happy.

This time, it’s not just for fifteen days, but... it’s forevermore.

---The end---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top