Chapter 7 - Opposite

“Mister Torres and Miss Sotto, you can go now. Maiwan na lang dito sila Mister Bautista at Mister Valentin, ipinatawag na namin ang parents niyo para ayusin ang matter sa inyong dalawa.” Nagsalita si Papa at inutusan niya kaming lumabas na ng office, nakakailang lang na makita ko ang sarili kong ama as the principal of this school.

Talagang napaka-professional ng datingan niya, he’s wearing a white long sleeve partnered with a brown coat on top of it. He’s also wearing a red necktie, a pair of dark blue pants and brown leather shoes. I just can’t still process this bug change that happened, it’s just out of the blue.

Pero kahit na gan’to pa man ang nangyayari ngayon ay kailangan kong sumama sa agos ng pagkakataon. Baka kasi kung ano pang mangyari sa ’kin kapag nagmatigas pa ’kong hindi ito ang buhay ko. Kahit na gan’to pa rin naman, ’di pa rin naaalis sa isip ko ang pagtuklas ng mga kasagutan sa kung bakit ako naririto at anong klaseng mundo ang ginagalawan ko

“Yes po, Sir Torres, halika na Gael.” Ngiti sa ’kin ni Angelina at sinenyasan niya ’ko upang lumabas n a ng office. Tango lang ang itinugon ko at sabay na nga kaming lumabas. Naiwan nga ro’n sila Sir Lorenzo, Austin, at Klarense.

Nang makalabas kami sa hallway ay narinig kong humagikgik si Angelina, nagtataka ko naman siyang tiningnan. Para bang nanunuya siyang nakatingin sa ’kin o kung ano pa man. Napatanong tuloy ako sa isip ko kung anong nakakatawa o kung may mali ba kong nagawa. I looked at her unfazed as I asked myself again, what’s wrong with this girl?

“Grabe Gael, it’s my first time to see you acting all brave like that. Hindi ko inakalang kaya mong sampalin ng gano’n si Austin! Biruin mo ’yon, isang bully ay sinampal ng isang mhiema? You mothered, girl! That was history!” bulalas niya. Ikinabigla ko naman ’yon dahil alam niya ang pagkatao ko.

“Wait, you knew that I’m gay?” tanong ko. Dito na rin kumunot ang noo niya.

“Oo naman, alam ng buong school. Nag-open up ka nga when you just entered here three years ago, ’di ba? Nakakalimot ka na ba?” tanong at sagot naman niya. It’s then I realized the impact of change that have happened. It’s not just the people close to me, but this whole world I’m in... it all changed.

“Ah yeah, oo... sorry lutang lang.” Tawa ko naman. Nakita ko naman siyang napaismid at napahagikgik din, tumingin siya sa ’kin nang nakakaloko.

“Asus, lutang ka diyan? Kinikilig ka ’no? You just hugged and slapped the most handsome guy in this academy, like girl! That’s one of my biggest dreams!” Napanganga ako sa sinabi niya, how did she formulate something like that?!

“Hindi, ah!” tanggi ko naman. Dito na siya humalakhak nang tuluyan.

“Aminin mo na kasi, Gael, gusto mo si Austin ’no?” naiintrigang tanong niya naman. Napaiwas naman ako ng tingin at saglit pa ’kong nag-isip.

Now that’s a question I don’t want to answer either, naguguluhan na nga ako sa malaking pagbabago sa buhay ko tapos iisipin ko pa ang love life? And the fact na naging gano’n ang taong gusto ko ay mas lalo pa ’kong naguluhan kung gugustuhin ko ba siya o pakakawalan ko na.

“It’s not that...” Napayuko ako at muli akong nag-isip ako ng sasabihin ngunit sadyang blanko lang at walang pumapasok sa utak ko.

Napatigil ako nang wala na ’kong maisip na itutugon kay Angelina, hindi ko naman kasi siya ka-close dati tapos ngayon ay ang dami na nilang lumalapit sa ’kin. It’s overwhelming for some reasons, but I can’t do something about it since it’s been served to me when I got here. I can’t deny them all, I’ve got myself to protect.

“Wait, maiba tayo... Ano ba ’yong pinagmulan ng away no’ng dalawa?” tanong ko at pag-iiba ko na rin sa usapan.

“Hmm, iniiba mo lang ’yong topic, eh, pero sige, sasagutin kita sa tanong mo.” Tumawa naman si Angelina, napatawa rin naman ako nang marahan dahil nabasa niya na kaagad ang sasabihin ko.

“Magka-duo ’yong dalawa sa Mobile Legends. Ayon... na-loose streak kaya bumaba ng rank nitong si Austin. Ito namang si Klarense, sinisisi pa si Austin kasi tanga raw gumamit ng hero—siya naman ’tong mas bobo pang gumamit.” Napahalakhak kami g dalawa sa paliwanag niya.

“Kaya ayon, nag-away sila. Ang babaw ng rason, ano?” tanong pa niya at tumawa siyang muli. Huminga na lang ako nang malalim at napangisi sa ’king narinig.

Sabagay ay napakababaw nga naman ng rason. Para lang sa Mobile Legends ay magbubugbugan na sila? They’re acting like little babies. The original Austin is way matured-thinking enough to deal with such situations, I don’t know what happened to this new Austin here.

“Austin has been that bully since grade seven, many people tend to keep away from him—especially girls. Even though maraming nagkaka-crush sa kan’ya because of his looks and intelligence, it doesn’t affect the fact that he has the temper.” Saad pa ni Angelina dahilan upang maputol ang iniisip ako at makinig ako sa sinasabi niya.

Even though I didn’t really want it it happen, Austin did also became a part of this big change.

This change affected my life so much that it affected the lives of other people, too. Base sa mga nakita at narinig ko kanina’y malaki talaga ang naging pagbabago sa buhay ng mga tao sa paligid ko, ang environment na ginagalawan ko, at sa buhay ko na rin.

Armin became the introverted type of person, opposite to the Armin that I know. Kung dati’y kaya niyang mag-open up tungkol sa kasarian niya, ngayon ay natatakot na siya dahil hindi ’yon gusto ng mga magulang niya. Parang ako lang siya dati, at ngayon ay parang siya na ako.

Austin became a bully, his kindness back then faded like it was nothing. I can still remember what happened the day before the final exams, it was my first time being connected to him. His kindness led me to like him more, pero kabaliktaran niya ang Austin na naririto ngayon.

’Yong mga taong hindi ko naman kalapit dati’y kalapit ko na ngayon, hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari dahil hindi ko naman talaga alam ang kasagutan sa lahat ng ito. Umaasang na lang ako sa mga nakikita at mga nasasaksihan ko upang gumawa ng konklusyon sa lahat ng mga katanungan ko.

“Ay, siya nga pala, I have something to buy at the cafeteria. Mauna ka nang bumalik sa classroom kung gusto mo.” Muli kong narinig si Angelina, tango lamang ang itinugon ko at ngumiti na lang. Hindi nga nagtagal ay tumakbo siya palayo.

Lalakad na sana ako pabalik sa classroom nang may marinig akong ingay sa corridor, parang sigawan yata. I became curious so I immediately went down, pero pagkababa ko’y may nakita akong dalawang babaeng hina-harass ang isa pa habang nakasandal ito sa pader at umiiyak.

Laking gulat ko na lang nang mamukaan ko kung sino ang babaeng inaaway ng dalawa. Makakalimutan ko ba naman ang mukang ’yon? At base sa nakikita ko ay nangangamba na rin ako sa buhay na mero’n siya rito. Si Pressy and babaeng ’yon kaya’t ’di na ’ko nagpatumpik-tumpik pa. Kaagad akong tumakbo papunta kay Pressy upang pigilan ang mga nanghahamak sa kan’ya.

“Oy, anong ginagawa niyo?!” I shouted and asked as if I didn’t know that they were bullying her. I pointed at them and I made a serious look.

Napalingon naman sa ’kin ’yong dalawang babaeng nang-aaway kay Pressy, base sa nakita ko sa ekspresyon sa kanilang mga muka ay nagulat sila nang makita ako. Maybe it was because of my influence as the principal’s son. Gan’to pala ako ka-powerful kapag, ’di ko inaasahan ang magiging reaksiyon nila.

Kaagad na kumaripas nang takbo palayo ang dalawang babae, they left Pressy behind as she cries while leaning against the wall. I then ran to her to check if she’s all right or was hurt. Umiiyak pa rin siya kaya’t pinakalma ko muna siya nang ilang segundo bago ko siya kausapin. Nang medyo nakakahinga na siya nang maluwag ay do’n ko na siya tinanong sa mga nangyayari.

“Are you all right, Pressy? What happened back there?” mahinahon kong tanong. I asked her in a concerned tone, pero nakikita kong batid pa rin kay Pressy ang takot nang umimik siya.

“G-Gusto nilang kunin ’yong project ko sa Filipino, I-,I refused so they made me... by violence.” Utal niyang kuwento at pasinghal-singhal siyang humihinga dahil sa nadaramang pangamba at kaba, I then decided to hold her shoulder to give her comfort as I smile.

“It’s okay, ’di ka na nila gagambalain, I’ll let Papa know about this. Tell me, sinong mga nang-agrabyado sa ’yo?” saad ko pa sa kan’ya. Hindi naman siya nakaimik kaya’t iniba ko na lang ang usapan.

“I haven’t saw you this morning in our classroom, bakit?” I then asked again. The idea hit me when I thought about it. Hindi ko nga siya nakita sa classroom kanina.

“Naghahabol ako ng grade, napakarami kong missing activities dahil tumutulong ako sa nanay at tatay ko sa palengke. Tapos ’yong mga taga-lower sections, gusto nilang kuhanin ang mga activities ko dahil naghahabol din daw sila ng grades.” Nagkuwento na siya, nanlaki naman ang mga mata ko at kinuyom ko ang aking kamao.

“Running for salutatorian pa naman ako, Gael. Sorry because I dragged you into this. Baka ikaw naman ang pagbalingan ng mga ’yon.” Saglit naman akong napangisi kay Pressy at huminga muna ako nang malalim saka ako tumugon sa kan’ya.

“Don’t worry about it, I have enough influence to scare the heck of those kind of people. Besides, they ran away when they saw me, being the son of the principal is enough to drag those kind of guys away from you.” I smirked as I looked at her.

Habang tinitingnan ko siya ay saglit akong nanlumo nang mapagtanto ko pa ang sitwasyon ni Pressy ngayon. I felt bad for her, naaalala ko ang sarili ko sa kan’ya.

My old self.

I understand now, naapektuhan din si Pressy ng mga pagbabago. Napre-pressure na siya ngayon, unlike then na siya ang tinitingala ng lahat. Siya ang naghihirap ngayon, at ang mga magulang niya ang siyang mga palengkera. Si Pressy ngayon ang nagkukumahog para sa grades niya, at siya ngayon ang talunan. I faced her and I asked her some questions once again.

“Pressy, I know na you don’t have so many friends—hardly no one. I just want to ask if hihinto ka ba sa pag-aaral mo dahil nanakawan ’yong puwesto niyo sa palengke?” I just asked randomly, nakita kong nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang napatingin sa 'kin.

“O-Oo, paano mo nalaman ’yon? Wala naman akong pinagsasabihan sa mga sitwasyon ko sa buhay?” tanong niya. I confirmed my doubt by her answer.

So it was my state, nagpalit ba kami ng pagkatao? Nagpalit ba kami ng estado? How... how can this be?

“No, I just figured. Don’t worry, wala akong pagsasabihan. I’ll recommend to Papa na siya na ang sumagot sa expenses mo, I’ll make everything all right for you. Tutulungan kita, Pressy. Tumugon naman ako kay Pressy, I assured that she’ll be okay.

“Pero, Gael, hindi mo na kailangang gawin ’yon—” hindi ko na siya pinagsalita dahil kaagad na ’kong tumugon sa sinasabi niya.

“No, I knew someone who experienced this kind of thing before. He was helpless, so I’ll do everything I can do to help you because you’re in a situation just like that person.” Napaiwas naman siya ng tingin sa ’kin nang marinig niya ’yon.

“Ihabol mo na ’yang mga activities mo, go now. I’ll be seeing you after I told Papa about your situation. You’re going to be fine, Pressy.” Maaliwalas  akong ngumiti sa kan’ya para ipakita ang pagsuporta ko.

“S-Sige... s-salamat, Gael.” Utal niyang saad at saglit pang tumango, hindi nga nagtagal pa’y tumakbo na siya upang ihabol ang mga projects niya.

Lumakad naman ako pataas sa corridor para bumalik sa classroom, samantalang nakita ko naman si Pressy na lumabas naman ng building para ihabol ang mga missing activities niya sa faculty office. I saw Pressy waving at me as she grins with contentment, I smiled and waved back as she goes.

Ilang hakbang din ang binuno ko upang makarating sa classroom namin only to find out that it was empty. Madilim din sa loob at napaka-gloomy ng atmospera rito, malamig ang hangin sa loob, at para bang may kung anong kahindik-hindik akong makikita rito. I didn’t care enough not to enter, and when I was about to set foot on our classroom, I heard a voice coming from my back.

“You really did something good from that person who cost you a lot of regrets.” Kaagad akong napatingin sa taong ’yon, laking gulat ko nang makita ko si Sir Lorenzo na siyang nakangiti na sa ’kin ngayon.

“What d-do you m-mean, Sir?” utal kong tanong. Before he answered, he grinned and crossed his arms.

“I’m the one who transported you here, Gael. Kaya alam ko ang lahat ng ginagawa mo rito.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang kan’yang sinabi. Na-estatwa ako at biglang nanlamig ang pakiramdam ko.

“A-Ano po?” I tried to reach my chest, I slowly stepped back because I could feel this demeaning aura towards this person—towards Sir Lorenzo.

Naglaro ang iba’t ibang mga ideya sa isip ko sa kung anong nilalang ang kaharap ko ngayon. Sino nga ba ang teacher ko? Sino nga ba si Sir Lorenzo? Ano ’tong sinasabi niyang siya ang nagdala sa ’kin dito at alam niya ang mga ikinikilos ko?

Who is he?

But Sir Lorenzo just smiled, he nodded as he lifted up the atmosphere between us. The gloomy aura he had suddenly became a ray of sunlight as he smiled genuinely, the afternoon sun bloomed upon the empty classroom. Sir Lorenzo then uttered once again, but what he said just became the cause of a major dysfunction inside my mind.

This is your parallel, Gael.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top