Chapter 6 - Diverse

“Goodbye, sweety! Mag-ingat ka sa pag-pasok mo, don’t worry about what happened yesterday.” Wala sa sarili na lang akong napatango sa sinabi ni Mama, blanko lang ang naging reaksyon ko at wala sa sarili akong kumikilos.

Kaninang umaga pagkagising ko, narito pa rin ako sa kung anong mundong kinaroroonan ko. Hindi ako pinapasok ng mga magulang ko sa eskuwelahan dahil sa nangyari kahapon pero nagpumilit ako dahil curious na curious ako sa mga nangyayari. Iginayak ko ang sarili ko at ngayon ay pinasakay na ako sa isang kotse upang ihatid sa school.

We even have a car—a car?! The whole house, my own room, the meal I ate earlier, the soap I used while taking a shower, and even the shower! I have it all, I have the heck of a lifestyle that I can only get in my dreams. Pero... hindi panaginip ang lahat ng ito, totoo ang lahat ng ’to and it’s right here before my very eyes!

“Nauna na ang Papa mo sa school because he has some important things to do early this morning, ’di ka na nga namin pinapapasok kasi baka pagod ka pa, are you are about going, sweety? Itong driver muna natin ang maghahatid sa’yo ngayon.” Nakangiting tanong pa ni Mama, hindi pa rin ako tumugon subalit ay ngumiti lang ako.

Akala ko talaga panaginip lang ang lahat ng mga nangyari kahapon, it turns out that it’s all real. Akala ko paggising ko ay okay na ulit ang lahat—na babalik na ulit sa dati ang lahat, pero nandito pa rin ako. Napakaraming pagbabago sa nakagawian kong buhay, I didn’t expect this twist in my life.

Ngayon ko lang din nakita ang buong bahay na tinitirhan namin ngayon, napakalaki talaga. Hindi lang din si Manang Teodora ang kasambahay, marami pa palang mga katulong dito. Ibang-iba sa buhay namin no’ng kailangan pa naming mangutang upang makakayod, hindi ko talaga inaasahan ang lahat ng ’to.

“Okay lang po ako... M-Mama, wala po kayong dapat ipag-alala. Okay na okay na po ako.” Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa nanay ko, ’di ko pa rin sure kung ano bang dapat kong gawin o kung kakausapin ko ba sila ng Papa ko dahil ibang-iba sila sa kinagawian kong mga magulang.

“Then it’s okay, sweety, that’s all I have to know. Kung ’di mo kaya, umuwi ka na lang. Wala naman nang klase kaya open gate na rin ang school. Tumawag ka lang sa ’kin at ipapasundo kita.” Bilin pa ni Mama sa ’kin, tango na lang naman ang itinugon ko.

Kalaunan ay umandar ang kotse. Unang beses kong nakasakay sa gan’tong klaseng sasakyan kaya bahagya akong nabighani sa pakiramdam, ganito pala ang feeling ng mga mayayaman. Ganito pala ang palagiang nararanasan ng mga classmates ko sa Saint Anthony’s tuwing ihinahatid sila sa umaga.

Tahimik lang ako sa buong biyahe dahil malayo ang tinatahak ng sasakyan. Unlike our home back then ay mas malayo ang bahay namin ngayon sa school. Hindi ko ine-expect na aabot ng halos ten minutes ang biyahe namin dahil may kalayuan ang distansiya ng school sa tahanan namin, dati kasi ay walking-distance lang ang layo no’n sa school at kaya ko pang lakarin papunta’t pauwi.

Hindi nga nagtagal ay nakarating kami ro’n, hindi ko alam pero ang daming nagbago sa school na ’to. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng kotse ay bumungad na kaagad sa ’kin ang isang masayang atmospera, this is very unlikely to the Saint Anthony’s I know. May ingay nga pero hindi masyadong lively, wala ring naririnig na mga tawa at halakhak dahil bawal ang sobra. Pero ngayon... ibang-iba.

Nang makababa ako ay may sumalubong kaagad sa ’king isang tao, kaagad ko naman itong namukaan dahil siya lang naman ang best friend kong si Armin. Nakapagtataka lang at hindi niya ’ko ginulat ngayon, and how peculiar it is for his style of clothes and his behavior. Something was really off, I can see it in the way he acts and walks towards me.

Dati’y plain uniform lang ang suot niya at napakadaldal niya, ngayo’y nakasuot niya siya ng loose hoodie na nakapatong sa uniform niya. He wears glasses and he has a fine look, parang straight siya pero what the heck?! Nakakabigla lang na makita siya sa pormahang gano’n. The Armin I know would not wear these kind of clothes, he’s not being himself.

“Bes!” kamusta ko sa kan’ya. He just nodded and talked back afterwards like he wasn’t excited on seeing me, he would always greet me with slap on my back or on my arms—not this time.

“Kumusta ka naman? Hindi ka ba naapektuhan ss nangyari sa ’yo kahapon? Dapat nag-absent ka na lang muna, clearance na lang naman.” He muttered with a firm and clear voice. Nabigla rin ako nang marinig ko ang boses at tono niya ng pananalita, para talaga siyang straight!

“Nakakapanibago ka, Armin. Bakit gan’yan ka magsalita. Straight ka na ba ngayon—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko.

“Don’t say that out loud! ’Di ba tinatago ko nga then you’ll just say that kind of thing so casually? Hindi nila p’wedeng malaman kung ’di patay ako sa parents ko!” Nanlaki ang mga ko nang marinig ’yon, bahagyang napakunot ang noo ko.

What the heck is he talking about?!

Kaagad kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko, napaubo ako nang bahagya dahil pinigilan no’n ang paghinga ko. Sa paghawak pa lang sa ’kin ni Armin ay talagang alam ko nang seryoso siya, he never held so painful like that before. Nang okay na ’ko ay tumugon na ’ko kay Armin.

“Anong hindi alam ng parents mo? Alam nga ng buong school. Pati nga mga magulang mo alam nilang bakla ka, ’di ba?” I insisted, napaatras siya sa narinig at napasinghal. Nakita ko siyang nanginginig at parang natutuliro.

“T-Totoo ba?” he asked me, with a tone in the verge of fear.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya komportable, para bang may kung anong nangyayari sa kan’yang kagimbal-gimbal nang sabihin ko ang mga sinabi ko. It was then I realized one thing, kung nagbagong biglaan ang buhay ko’y baka gano’n din ang nangyari sa kan’ya. Even so, I doubt that he’s aware about the change.

“Sabihin mo, Gael... Nagbibiro ka, ’di ba? Hindi nila p’wedeng malaman kasi papatayin talaga ako ng parents ko!” I realized what he meant, napalulon ako at huminga ako nang malalim. Dito na ’ko tumugon upang i-comfort siya.

“H-Hindi nila alam, Armin. Walang nakakaalam, I’m just kidding around.” Tugon ko, dito na lumuwag ang kan’yang paghinga, maybe my realization was right afterall. Baka nga nagbago rin ang buhay niya, napakalaking pagbabago sa Armin na kilala ko.

“Hindi nila p’wedeng malaman, wala dapat makaalam bukod sa ’yo, Gael. I tell you right this moment, ’wag ka namang nagbibiro ng gan’yan dahil ’di nakakatawa.” Napatango na lang ako, dito niya na ako tinalikurang para bang nagagalit siya sa ’kin.

“Sandali lang, Bes!” I shouted, lumingon naman siya.

“Sorry, I went overboard.” Hingi ko ng tawad, nakita ko naman siyang ngumiti at tumango rin.

“It’s fine, don’t worry about it.” Tugon niya naman, sabay na nga kaming naglakad sa hallway papasok sa classroom at dito ko nakita ang buong kagandahan ng Saint Anthony’s.

Ibang-iba ang school na ’to sa Saint Anthony’s na kinagisnan ko. Nakikita kong masasaya ang mga estudyante sa loob ng school, at napakaganda ng atmospera sa loob nito. May improvement din sa aesthetic ng mga facilities, this new hue of the school I’m seeing suddenly felt like I’m inside a nostalgic childhood movie.

Nang papalapit na kami sa classroom namin ay bigla na lang kaming nagulat ni Armin nang makarinig kami ng malakas na bangayan at sigawan mula sa room. Nagkatinginan kaming dalawa at kaagad kaming tumakbo patungo sa loob no’n. Nakita naming may dalawang lalaking nagsusuntukan.

Nanlaki ang mga mata ko at tila ba bumagal ang ikot ng mundo nang makita ko ang isa sa dalawang taong nagsusuntukan dito sa loob ng classroom. I can hear his husky voice growling, holding his opponent on its collar. With eyes furious, his gaze lingers in anger as he lands his fists on the bare face of the other.

“A-Austin...” I whispered his name, not believing on what I’m seeing right now. Saglit naman akong napahawak sa dibdib ko nang makita ko ang kaaway niya.

Ang isa nama’y si Klarense Valentin, isa rin mga kaklase ko. Si Klarense rin ang crush ni Armin na hindi niya maamin-aminan dahil sa takot na baka hindi siya nito magustuhan—dahil wala siyang... kipay.

“Buti naman at nandito ka na, ayaw nilang makinig sa sargent at arms. Baka sa class president makinig sila!” Bungad sa ’kin ng isa kong classmate at kaagad niya ’kong hinila papunta sa scene ng away.

What?! Anong class president? I was never a classroom officer and now I’m the class president here?!

“Dalian mo na, Gael, awatin mo na!” saad naman ni Armin na ngayon ay nangangamba na rin. He’s focusing on Klarense, just like I suspected he would be doing.

“Oo nga, baka lumaki pa ’yan at magkaduguan pa rito.” Saad pa ng isa, wala naman akong nagawa kung ’di ang sumunod na lang sa mga inuutos nila. Ano pa nga bang magagawa ko?

Kaagad akong tumakbo sa kinakaroonan nila Austin at no’ng kasuntukan niya, makikita talaga sa dalawang furious na furious ang mga ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at hiluminga ako nang malalim bago ako tumakbo at pinagitnaan ko silang dalawa, handa nang masuntok o kung sa ano pa mang mangyari.

Sa pagpagitna ko ay itinulak ko silang dalawa gamit ang magkabila kong kamay para maglayo, dito na sumunod ang iba kong mga kaklase at ginapos nila gamit ang mga braso at kamay nila sila Austin at ang kaaway nito. Malalim ang naging paghinga ko matapos kong gawin ang bagay na ’yon, para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

Nakita kong nagpupumilit na makawala si Austin sa mga umaawat sa kan’ya, hindi ko naman inaasahang nakawala siya sa pagkakagapos sa iba naming mga kaklase kaya napasinghap ako. Susugurin niya na sana si Klarense ngunit ako na mismo ang pumigil, sinunggaban ko siya sa pamamagitan ng pagkayakap sa kan’ya habang itinutulak ko siya palayo.

Thinking about it... it was actually the first time that I hugged Austin.

I closed my eyes and I tightened my embrace, I can smell that familiar scent of his perfume—the smell of vanilla. That husky voice shouting. His warm body moving against mine—escaping my capture. Hindi ko lubos na maunawaan kung anong nangyayari kay Austin, dito ko na na-realize na baka isa rin siya sa naapektuhan ng mga pagbabagong naganap sa buhay ko.

“Tumigil ka na! Tumigil ka na, Austin!” paki-usap at usal ko pero ayaw niya akong pakinggan. Pilit pa rin siyang kumakawala sa ’king para bang isa siyang mabangis na hayop.

Wala na akong ibang nagawa kung ’di ang sampalin siya, he’s out of his senses and it’s just his anger taking over him. Nang masampal ko siya ay dito na siya natauhan, nawala ang galit sa muka niya at dahan-dahan siyang tumingin sa ’kin.

Shuta! Magtitigil kayong dalawa kung ’di ako ang babangas sa mga muka niyo?!” sumigaw ako. Walang ibang narinig sa classroom kung ’di katahimikan. Sa tono ko ay parang ako na ang may gustong makipag-away dahil sa mga nangyayari.

“Ano, ha, Austin? Ikaw, Klarense? Ano? Sige, magpatayan kayo! Sige, sige!” sumigaw muli ako ngunit wala pa rin silang kibo.

“All right, what is the meaning of this?” Kaagad kaming napalingon sa pintuan at nakita kung sinong nagsalita, nabigla kaming lahat nang mapagtantong si Sir Lorenzo ang taong ’yon.

“Sir, wala po... We’re just having fun.” Narinig kong nagpalusot si Armin habang sarkastiko itong nakangiti, nakita naming umiling-iling ang adviser namin.

“Come on, I know you’re hiding something. Tell it, hindi ako magagalit.” Ngumiti siya, pero wala pa rin talagang nangahas na magsalita. Base sa mga ngiti ni Sir Lorenzo ay nangangahulugang nais talaga niyang hukayin ang nangyayari.

“Is it Austin again, who was it this time? Kung patatagalin niyo pa, magagalit talaga ako, class.” Saad pa niya, rito na nagsalita si Armin.

“It was Klarense and Austin, Sir. Gael and I arrived when the fight started. Si Gael po ’yong umawat sa dalawa.” Saad pa ni Armin, napahinga naman ng malalim si Sir Lorenzo.

“So it was Austin again, huh? Namumuro ka na talaga, Austin.” Sir Lorenzo crossed his arms, umiling-iling siya at bumuntong-hininga.

“To the principal’s office with Klarense... now.” Saad niya at tinalikuran niya kaming lahat. Nagbalik naman sa kanilang mga upuan ang iba ko pang mga kaklase.

“Gael, if you don’t mind?” I heard someone close, I heard Austin. Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang sarili kong nakayakap pa rin sa kan’ya. My eyes widened in shock as I let him go.

“S-Sorry...” I apologized but he did not reply or even look at me.

Sumunod kay Sir Lorenzo ang dalawang nag-away kanina, palabas na sila nang classroom. But again, Sir Lorenzo stopped from walking and talked. From his words, parang madadamay pa yata ako.

“Sumama ka, Gael, total ikaw ang umawat. Sino ’yong nandito bago ’yong away?” nagtanong siya.

Itinuro naman ng lahat ang isang babaeng nagngangalang Angelina Sotto. She’s one of the with honors awardee as I can remember, so siya rin ang nakasaksi ng punot-dulo ng pangyayaring ’to.

“Now, let’s go.” Ngumiti si Sir Lorenzo at naunang naglakad, sumunod naman kaming apat sa kan’ya papunta sa principal’s office.

Ang dami na talagang kabaliwang nangyayari sa buhay ko!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top