Chapter 5 - Unfamiliar

“Ma’am Nilda, Sir Bert, gising na po si Sir Gael! Ma’am Nilda, Sir Bert!” Nakarinig kaagad ako ng sigaw ng isang matandang babae nang unti-unti kong buksan ang aking mga mata. Malabo pa at umiikot pa ang paningin ko habang pinipilit kong bumangon sa kung ano man ang kinahihigaan ko.

The next thing I noticed is that I’m inside a large room, hindi ako pamilyar sa lugar na ’to dahil ngayon ko lang ’to nasilayan. Dahan-dahan akong bumangon at nakita kong bukas na ang pintuan ng kuwarto. Lumabas siguro ’yong matanda, nagtataka ako kung bakit Ma’am at Sir ang tawag no’ng babae sa kila Mama at Papa.

Ma’am Nilda? Sir Bert? Gusto kong matawa sa narinig ko. Pinagloloko ba nila ako? Ano na namang kahibangan ’to? Bakit ba ako nandito?

Kinuskos ko ang aking mga mata dala ng kalabuan na aking nakikita, the next thing I saw is that I’m inside a room filled with book shelves. It even has an art station and a study table with a laptop on top of it. Na sa likod din ng bintana ang study table kaya kitang-kita ang labas. At base sa nakikita ko’y parang na sa pangalawang palapag yata ako nitong bahay.

I wonder whose house is this? Hindi naman gan’to ’yong bahay namin, and wala rin sa kalingkingan ng kuwartong ’to ang kuwarto ko. Nakakapagtaka, ano bang ginagawa ko rito? Bakit ba ’ko nandito? I did also notice that I’m now wearing clothes different from what I’m wearing the last time that I’m conscious.

Right now, I’m wearing a pair of jogging pants and an oversized t-shirt. I also have some socks on. Napakaligamgam sa pakiramdam ang suot ko, nakaka-relax din dito sa loob ng kuwarto dahil may nakita akong AC. Pero ’di ang kuwartong ito ang napagbalingan ng atensiyon ko kung ’di ang nangyari no’ng may malay pa ’ko. Do’n na pumasok sa isip ko ang nangyari sa school.

Dahan-dahan akong tumayo at lumakad palabas ng kuwarto, pero bago ko pa man marating ang pinto ay nakita ko sila Mama at Papa. Nagulat sila nang makita ako, kaagad akong nilapitan ni Mama at niyakap niya ’ko. Sa gulat ko ay ’di ako nakagalaw at hinayaan ko lang ang sarili kong tanggapin ang yakap niya.

It’s strange, I’ve never felt this kind of embrace before. Actually, mawala akong matandaang nakatanggap ako ng yakap mula sa mga magulang ko I kahit kanino pa man, ngayon pa lang ako nayakap at ang surreal pala no’n sa pakiramdam. It’s filling up on something that I lack, I can’t describe what it is—but it feels so nice.

“I thought that our little princess would be gone! Thank goodness you’re okay, Gael!” Bulalas ni Mama. Bahagya naman akong nabigla sa sinabi niya sa ’kin at ang paraan ng pagkakasabi niya no’n.

Little princess? Saan nagmula ’yon? Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama, saka kailan pa siya naging fluent sa English? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ng lahat ng ’to!

“I thought we’ve lost you, Gael. Let Papa hug his little princess.” Saad naman ni Papa. Mas lalo pa ’kong nagulat nang si Papa na mismo ang tumawag na “little princess” sa ’kin.

Ano bang mga sinasabi nila? Hindi ko sila maintindihan, could it be that... They knew my secret already?! Alam na ba nilang bakla ako? Alam na ba nila ang tungkol sa totoo kong pagkatao? Bakit gan’to ang reaksiyon nila? Bakit normal lang sa kanila ang lahat ng ’to?!

Wala sa sarili akong yumakap kay Papa, naguguluhan pa rin ako dahil sa mga nangyayari. Nahihilo ako sa mga pinagsasasabi nila, naisip ko na ring baka isang malaking delusyon lang ang lahat ng ’to. Parang totoo ang lahat. Nananaginip ba ’ko? Nasisiraan na ba ’ko ng bait?

“Mabuti na lang po Sir Gael at nagising na kayo, nag-aalala po kaming lahat sa inyo.” Narinig kong nagsalita ang matandang babae kanina, ngayon ko lang din napansing nakasuot siya ng isang maid’s uniform.

Kailan pa nag-hire ng maid ang mga magulang ko? Bukod do’n sa maid ay napansin ko rin ang suot nila, nakasuot sila ng pag-mayamang damit. Kagaya ’yon ng mga nakikita ko sa mga napapanood kong melodrama sa TV.

Hindi ako nakakibo kaagad dahil yakap-yakap pa ako ni Papa, nang makawala ako sa pagkakayakap ay kaagad akong nagtanong sa kung ano ang mga nangyayari ngayon. Gulong-gulo at windang na windang na ang utak ko pero ’di ko pa rin talaga maintindihan ang lahat.

“Papa, alam niyo na po ang sikreto ko?” tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at bahagyang natawa, napakunot naman ang noo ko at nagtataka ko silang tiningnan.

“What secret, Gael?” they asked. Nakapagtataka talagang nagsasalita sila ng English. They don’t sound like them. Hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng nangyayari at kung bakit bigla-bigla na lang silang nagkaka-gan’to.

“Na bakla po ako.” Dito na sila natawa, hindi sila nagalit. Naguguluhan ako, ang akala ko ba’y ayaw nila sa mga katulad ko? They’re the most homophobic people I know, so... bakit?

“Of course we do, sweety. Since you were a child.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ’yon mula kay Mama, napakunot ang noo ko. Mawiwindang na talaga ako sa nga sinasabi nila.

“Hindi naman po kayo pala-English, ah. Bakit ang fluent niyo po?” Nagkatinginan muli sila, at sa pagkakataong ito’y naging seryoso na ang kanilang muka.

“Gael, is everything okay? You don’t seem yourself today.” Saad naman ni Papa. Saglit pa’y kinapa ni Papa ang ulo ko upang suriin siguro kung mero’n akong sakit.

“Ipinauwi ka na sa ’min ng doktor kanina kasi he said that you’re fine. Why are you so unfamiliar of things all of the sudden? What is this kind of behavior you’re acting? I think kailangan mo nang magpahinga.” Sunod-sunod na nagtanong si Papa sa ’kin at inalalayan niya ’ko.

Pahinga? Pero okay naman ako, naguguluhan lang ako sa mga nangyayari.

“Anong petsa na po ba ngayon?” I asked both of them again.

“March seven, Twenty Eighteen. Bakit, may problema ba, anak?” tugon at tanong ni Papa. Wala namang nagbago sa panahon at taon, pero bakit... nakakagulo ng isip?

“Alam mo, Gael, you should take some rest. It’s already eight in the evening and past dinner time.” Sabi naman ni Mama, kinuha niya ang kamay ko at inakay niya ’ko papunta sa kama at doo’y pinahiga at kinumutan niya ng isang makapal na comforter ang gawing paa ko.

“Manang Teodora, paki-dal’han po ng pagkain si Gael dito sa room niya. Pagbihisin niyo na rin po siya ng pang-tulog after niyang kumain.” Mahinahon pang nag-utos si Mama sa maid, kaagad namang tumugon ang matandang babae.

“Opo Ma’am, sandali lang po’t kukuhanin ko na ang hapunan ni Sir Gael.” Said the old lady as she went off the room.

Pamilyar ang pangalan niya sa ’kin kasi siya ’yong pinagkakautangan nila Mama at Papa do’n sa puhunan at puwesto sa palengke. Bakit maid siya rito ngayon? Bakit parang bumaliktad yata ang mundong ginagalawan ko? Saglit pa ’kong napatingin kila Mama at Papa at nagtanong.

“’Ma, ’Pa, ’di po ba si Aling Teodora ’yong pinagkakautangan niyo sa puhunan niyo sa palengke? ’Di po ba nilooban ’yong puwesto natin at kailangan kong tumigil sa pag-aaral ko ng isang taon para mabawi po ninyo ’yong nanakaw na kita ng tindahan?” nagtanong muli ako. Napakunot naman ang noo nila Mama at Papa sa narinig nila.

“Gael, wala tayong puwesto sa palengke. Maid natin si Manang Teodora, and you’re not going to stop your studies. Para sa’n pang ikaw ang valedictorian ngayong taon sa Saint Anthony’s. What are you talking about all of the sudden?” Nabigla ako sa sinabi ni Mama.

Hindi ko alam ang isasagot ko after kong marinig ang sinabi niya. Para ngang tumagilid na yata ang pag-iisip ko. Para bang nasisiraan na yata ako ng ulo dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko na alam kung ano ba’ng totoo sa lahat ng mga nangyayari. Narinig ko namang nagsalita si Papa kaya kaagad akong napatingin sa kan’ya.

“Saka anak, hindi naman palengkera ang Mama mo. Wala rin tayong pinagkakautangan, we have a blessed and fine life. I think you need some rest, you’re making things up.” Napasinghap ako sa sinabi ng sarili kong ama sa ’kin, hindi talaga ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

What the hell did he just said?! A fine life—eh naghihirap nga kami, nagbibiro ba siya?! Anong pakana ba ’to? Ano ba’ng nangyayari?!

“Don’t you remember, your father is the head and principal of Saint Anthony’s. While I—your mother, manages a bookstore na pagmamay-ari rin ng papa mo. Kaya nga lahat ng latest release na nobela ay me’ron ka.” Ano bang sinasabi nila Mama at Papa? Hindi ko talaga sila maintindihan.

“Maybe you’re just tired, sweety. Take some rest now. Parating na si Manang Teodora dala ang hapunan mo, sana bukas okay ka na. Kung ’di ay tatawag ulit kami ng doktor.” Nagsalita ulit si Mama na sinundan naman ni Papa.

“Yeah, you should get some rest, Gael. Maybe you’ve read too much novels already kaya nasasabi mo ’yang mga bagay na ’yan kaya magpahinga ka na. Goodnight, sweety.” Saad pa niya at nagsuot ng isang sinserong ngiti.

Kahit hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ay naramdaman ko pa rin ang isang bagay na ’di ko maipaliwanag. This warm feeling when these people—my parents—cared about what’s going on with me.

Everything I perceive as of the moment could just be a pigment of my imagination. Everything here’s uncannily strange, everything started to turn heads over heels ever since I gained consciousness again after that incident at school.

My thoughts then popped out of my mind as I felt Papa kissing my forehead, Mama then patted my head and caressed my cheek as they wish me a nice rest. I can also see the both of them worried—must be because of what I’m acting towards them, but I’m more worried about what’s happening to me. They then closed the door as they’ve gone out of the room.

Naiwan akong mag-isa sa kuwarto, nalilito pa rin talaga ako sa mga nangyayari pagkatapos no’n. Saglit na pumasok sa isip ko ang mga pinagsasabi ng Mama at Papa ko kanina. May magingawa raw kaming buhay at si Papa ang may-ari ng Saint Anthony’s Catholic Academy. Meanwhile, Mama’s a manager of a bookstore that Papa owns.

Ang pinagkakautangan din nila Mama at Papa na si Manang Teodora ay maid na rito sa bahay na ’to ngayon. Nito to mention, the huge room I have and the comfortable outfits I’m wearing. I even have a collection of books and my own study table! Even so, what’s more confusing is that I’m the valedictorian of my class! This is really driving me crazy!

Lumipas ang ilang segundo at may narinig akong katok sa ’king pintuan, napatingin naman ako ro’n at kaagad ko naman itong tinayo at binuksan. Tumambad sa ’kin si Manang Teodora na ngayon ay magiliw na nakangiti sa ’kim. May dala siyang pagkaing nakalagay sa isang sa isang tray, ’yon na siguro ang hapunan kong kinuha niya.

“Ay, Sir Gael! Naku, naku, naku... Sir Gael, bumalik po kayo sa higaan niyo’t magpahinga. Hindi niyo po ba naaalala ’yong nangyari sa inyo kanina?” tanong nito sa ’kin at pinabalik niya muli ako sa higaan. Saglit ko muling naisip ang nangyari kanina sa school.

Oo nga pala, malapit na nga pala akong masagasaan ng bus.

“Itatanong ko lang po, Manang Teodora. Sino po ’yong nagligtas sa ’kin kanina?” tanong ko sa kan’ya. Ibinaba niya naman ang pagkain sa kama at umupo siya sa tabi ko.

“Sabi po nila, ’yong lalaking ang pangalan daw po ay Austin Bautista ang nagligtas sa inyo. Anak po siya ng kaibigan ng Papa niyong principal din sa ibang school.” Tugon niya, nabigla naman ako sa narinig.

Si Austin ’yong nagligtas sa ’kin sa bus accident? Pero... bakit at paano? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Anak ng kaibigan ni Papa na principal din? Kailan pa ako nagkaro’n ng buhay na gan’to? Nababaliw na nga yata talaga ako.

Maybe I’m dreaming, but the time I pinched and slapped myself ay nasasaktan lang ako. Hindi ako magising, so I’m not literally dreaming! Kung hindi ako nananaginip, anong nangyayari? Bakit bigla na lang naging gan’to ang lahat?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top