Chapter 3 - Crush

“How could they stop you from your studies! Hindi ka dapat nila pinahinto sa pag-aaral mo, masasayang lang ang talino mo, Gael!” sigaw ni Armin nang mabalitaan niya ang nangyari.

I told Armin about what happened yesterday and he was furious, like what I expected him to react. At least I have someone who have the same sentiments, I don’t wanna sulk in the matter alone. I totally need someone to be with me in my lowest, and that’s Armin doing me a favor. To have him feels like having someone I could really cling on to, thank God he’s my best friend.

Nakaupo kami ngayon sa isang bakanteng bench dito sa school park, wala ring masyadong tao rito kaya p’wede kamong mag-usap nang masinsinan ni Armin. Nagulat nga siya nang sabihin ko sa kan’yang pahihintuin ako nila Mama at Papa sa pag-aaral, magagalit siya dahil hindi ko raw deserve ang mga nangyari.

Hindi ko masisisi si Armin sa kan’yang reaksiyon dahil nakakabigla nga rin namang malaman ang gano’ng bagay. Good mood pa siya bago ko sabihin ang about sa nangyari, pero pumuputok na ang butse niya ngayon. Hindi ko siya mapipigilang mag-react dahil best friend ko siya, hangad niya rin ang ikabubuti ko. I know that he’s just concerned on what’s going to happen to me when I stop my studies.

“Pagkatapos pa naman ng graduation natin ngayong year, siyempre patatapusin na nila ako since fourth grading na. Saka we could still see each other kapag may time tayo.” Tugon ko naman. I’m trying to soften the conversation and to ease his anger even though I want to level his rage.

“Kapag huminto ka, alam mo na’ng mangyayari sa ’yo. Mawawala ang scholarship mo, mapag-iiwanan ka rin, Gael! Alam kong ayaw na ayaw mong mangyari ’yon.” Saad niya pa, I just looked away and leaned to rest my back on the bench. I heaved a sigh and I uttered back.

“I guess I have to transfer to a public school for senior high, hihinto ako ng isang taon para tulungan sila Mama at Papa na mabawi ’yong mga nawala sa ’min. Okay lang kahit maiwan ako, isang taon lang naman.” I looked at him and smiled, pero sa loob-loob ko’y nadudurog talaga ang puso ko.

“You’ll never see Austin again for the rest of your high school life, Gael. Gusto mo ba ’yon? Alam kong madudurog ka kapag nangyari ’yon, alam ko kung ga’no siya ka-importante sa ’yo. Malay mo maging kayo pa.” Muli ay napaiwas ako ng tingin. Umiling na lang ako dahil alam kong wala na talagang pag-asa.

Tama si Armin sa sinabi niya, ’di ko na ulit makikita si Austin for the rest of my high school life. If makikita ko man siya, bihira na ’yon at tiyak na sa labas ’yon ng school—I would look stupid if that happens, ang school uniform ko lang ang magandang damit ko.

Masyado na rin namang idealistic kung magiging kami nga ni Austin, hanggang sa imagination ko lang siguro mangyayari ’yon. My fantasies would never become real, ’di magiging totoo kung ganito at ganito na lang din ang kakahinatnan ng buhay ko.

What’s the point of seeing him everyday if I couldn’t fulfill the gap between us? Our lives aren’t meant to be, that’s it. Hindi na ’ko aasa dahil komplikado naman ang lahat, maski hindi ko siya makita o makita ko man siya ay hindi magbabago ang katotohanang hindi talaga magiging kami. Kasi we’re both guys, and I’m way out of his league.

“Magsisimula na ’yong exams natin sa loob ng limang minuto, we better get inside our classroom before it’s too late.” Tumayo ako sa ’king kinauupuan at dinala ko na nga ang aking bag na isinukbit ko sa balikat ko. Saglit pa ’kong tumingin kay Armin at sinenyasan ko siya.

Nauna na ’kong naglakad papasok sa classroom, hindi ko na sinagot ang kan’yang katanungan dahil hindi ko naman talaga alam ang kasagutan. Gusto ko nga ba ’yon, ang hindi na muling makita si Austin throughout my high school life? Kung hindi man, may magagawa pa ba ’ko para mapigilan ang lahat?

Nang makapasok ako sa classroom ay umupo na ’ko sa ’king armchair at kinuha ko ang librong nire-review ko kanina pang umaga, inilabas ko rin ang highlighter kong papaubos na ang laman. As I highlighted the important parts of what I was reviewing, I accidentally dropped it because it slipped off my hands.

Tumilampon ’yon sa sahig, it’s a meter away and I can’t reach it out of my chair. I was about to stand to get my highlighter from the floor when someone grabbed it and handed it to me, ikinagulat ko naman ’yon dahil wala namang taong lumalapit sa ’kin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Austin pala ang nakapulot ng highlighter, I froze for a moment because of that instant shock.

Nakita ko ang mala-anghel niyang muka, ang mga mata niyang kumikinang, ang labi niyang may kahali-halinang ngiti. He just looks so perfect. His brown hair and eyes, his slightly pointed nose, his pinkish lips... I can’t stand him! Hindi ko kayang makipagharapan sa kan’ya nang matagal dahil sa nararamdaman ko towards him. Nahihiya ako sa kan’ya for acting this way.

“You dropped this, Gael.” Do’n na ’ko natauhan nang marinig ko ang matipuno niyang boses.

It’s a husky but a modulated voice. A typical voice of a high school boy that many adores, in his voice is a demeaning tone that sounds like it’s from a coming-of-age movie. Habang pinagmamasdan ko siya, ume-echo pa rin sa utak ko ang boses niya. Para bang bumagal ang ikot ng mundo para sa ’kin.

Dahan-dahan kong kinuha ang highlighter mula sa kan’yang kamay. Naramdaman ko rin ang kan’yang palad dahil saglit ’yong tumama sa palad ko. I felt its warmth even in a split second of touch. Nang makuha ko na ang highlighter nang tuluyan mula sa kan’ha ay nakita ko siyang ngumiti.

Damn! I can’t take more of this, this is literally driving crazy! Baka nawawala na lang ako sa katinuan o nagdedelusyon ako? Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Kaya’t pa simple kong kinurot ang aking pulsuhan, masakit ngunit ’di nagbago ang nakikita ko—reyalidad ito. I slowly opened my mouth to talk, nauutal pa ’ko sa mga pagkakataong ito.

“S-Salamat, Austin.” Saad ko habang nararamdaman kong napakalakas ng kabog ng aking puso na para bang lalabas na ’yon sa ’king dibdib.

Akma na siyang aalis ngunit bago pa man ’yon mangyari ay naramdaman ko ang kan’yang kamay na humawak sa tuktok ng aking ulo. He gently patted my head and messed up my hair as he uttered.

“You’re welcome.” Ngisi niya at dahan-dahan siyang lumakad upang lampasan ako. Saglit pa ’kong tumingin sa kan’ya at ngumiti rin ako. Makalipas ang ilang segundo ay tinaggal niya ang kamay niya at naglakad na rin siya palayo.

Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. The familiar scent of vanilla na palagi kong naaamoy once na magkalapit na kami. I can’t move because of what happened just now, not until naramdaman kong may humampas sa ’king likuran. Alam ko na kaagad na si Armin ’yon at halatang kilig na kilig, I guess he saw what happened.

“Ang haba ng hair mo, Gael, nakaka-inggit ka kaya!” he whispered as he giggles. I sighed but I still smiled,  ito na lang yata ang nangyaring maganda sa ’kin sa paaralang ’to.

“Sana mangyari din sa ’min ng crush ko ’yan, kikiligin talaga ako to the point na hihimatayin ako!” saad pa niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya at umiling-iling na lang.

“Bakit kasi hindi ka umamin sa crush mo? Baka naman, ’di ba?” tugon ko sa kan’ya at napatawa naman siya.

“Wow, big word! Coming from you, ah! Sino kaya ’tong pinapakitahan na ng motibo pero ayaw pa ring umamin?” Armin raised his eyebrows as he asked me teasingly. I chuckled thinking but I just denied him.

“Hindi naman ’yon motibo, it’s just a random act of kindness. That’s purely basic human decency.” Ngiti ko naman, nakita ko ang paggulong ng kaniyang mata. Halata ko namang disappointed siya kasi itinatanggi ko ang mga sinasabi niya—kahit totoo naman talaga ’yon.

“Bahala ka nga, you’re just ruining the vibe. Oh siya, mag-review ka na at may exam pa tayo.” Tuluyan niya na nga akong tinalikuran at bumalik na rin siya sa kaniyang armchair, umupo na nga rin ako at nag-review na lang.

A few minutes passed and Sir Lorenzo arrived with the examination papers, parang kisap-mata lang ang lahat. As he handed the test papers to us until we’ve finished answering it. Mahirap ang mga tanong pero nasagot ko naman sa lahat ng aking makakaya. Kontento na ’ko sa naging mga sagot ko.

That’s it, before I knew it, it’s over. Do’n na nakasalalay ang magiging additional written works sa final grade ko sa mga subjects niya.

***

The bell chime rang and all of my classmates went off the classroom to go home, walang nag-handle sa ’min buong hapon dahil busy si Sir Lorenzo sa pagche-check ng mga exams sa faculty room. Free naman na talaga kami buong maghapon dahil tapos na ang mga exams namin, pero hindi nagpapalabas sa school kaya buong maghapon kaming naka-tengga rito sa loob.

Nauna nang lumabas si Armin, at kagaya nang dating nakagawian ay mag-isa lamang akong naglalakad sa hallway habang papalubog na ang araw. I was about to go down the corridor when I heard random voices coming from afar. Medyo malakas ang mga boses na naririnig ko, kaya malapit lang panigurado kung sino man ang nag-uusap.

As the voices gets louder and nearer, I could hear that those were two people arguing about something. Dali-dali akong nagtago sa likod ng hagdan upang hindi ako makita ng mga taong ’yon. Still listening to them, I focused my ears and I let myself eavesdrop.

From what I’m hearing, I sense that they’re both ladies arguing about something. The other one is older and  like an adult while the other one sounds like she’s the age of mine. Galit ang mas matandang babae sa isa sa hindi ko matukoy na dahilan.

Saglit pa ’kong sumilip nang unti-unti ko nang naririnig ang dalawang babaeng ’yong malapit na  sa ’kin, dito ko na namukaan ang isa. Si Pressy ang mas nakakabata at ang isa nama’y isang teacher, kilala ko rin kung sino ang teacher na ’yon—si Pressy ay anak ng isang teacher at apo siya ng principal namin.

“Ano ka ba, ha, Pressy?! Bakit ba Hindi mo malampas-lampasan ’yang Gael na ’yan?! Ano bang me’ron siyang wala ka?! Scholar lang ’yon, Pressy! Na sa ’yo na ang lahat ng resources pero ni minsan, hindi mo siya nalampasan!” Narinig ko ang isinigaw ng babae, napakunot naman ang noo ko dahil do’n.

I can’t understand what’s going on between them and kung bakit nadawit ang pangalan ko sa usapan nila. Bakit nga kaya? Is this something about the rankings? Narinig kong ’di niya raw ako mapantayan, I’m not sure about what I heard. I just stayed silent at the back of the stairs, hiding as I overhear their conversation.

“Kung ’di lang dahil sa lolo mo, ’di ka magiging top one sa klase niyo, tandaan mo ’yan! Kung ’di lang dahil pinadoktor natin ’yong grades mo para mas maging mataas ka sa Gael na ’yon ay wala ka d’yan sa kinalalagyan mo!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ’yong muli, napahinga ako nang malalim at napahawak sa ’king dibdib.

“Kasasabi lang sa ’kin kanina ng lolo mo, aalis na raw ’yong Gael na ’yon sa susunod na school year. You lost to him again, pero pinipilit naming ipanalo ka para magkaroon ka naman ng karangalan!” Sigaw pa ng babae, nakita ko namang umiiyak si Pressy habang binubulyawan siya nito.

“Kahit naman second place lang ako, magugustuhan pa rin naman ako nang marami. I did not wish for a higher grade, I wished for consideration!” sambit naman ni Pressy, kaagad na kumunot ang noo ng nanay niya dahil sa sinabi niya. Kaagad muli siyang umusal.

“Hayaan niyo na ang pagiging top one kay Gael, kasi gusto ko lang namang mahalin ako ng pamilya ko sa kung ano ang kaya kong ibigay—” ngunit hindi na natuloy ni Pressy ang sinasabi niya. A slap was then heard through the hallways, sa sobrang lutong ng sampal ay nataob si Pressy sa sahig.

Napapikit ako, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig at nasasaksihan ko ngayon.

“Alam mo ba ang mga sinasabi mo?! Mapapahiya ka lang kapag pinanatili mo sa isip mo ang gan’yang ugali! Wala kang mapapala riyan!” her mother growled, still enraged by what she said.

“Gael will be gone next school year, so be at the top of your class. Kapag hindi ka pa rin naging number one, hindi ko na talaga ipapa-alter ’yong grades mo.” Naglakad sila palayo habang ako’y nabibigla pa rin dahil sa ’king narinig.

“Then don’t! It’s not like I need it anyway! And Gael deserves the number one spot, just for you to know!” Tumayo si Pressy mula sa pagkakabagsak sa sahig at tumakbo siya palayo. Naiwan naman ang nanay niyang nanggagalaiti sa galit.

It was then a realization hit me, so I won all along without even knowing na nanalo pala ako. Pero hindi binigay ang nararapat na parangal sa lahat ng pinaghirapan ko, ’yon ang ikinadudurog ng puso ko ngayon.

Dinaya ako, sa wala lang din pala napupunta lahat ng mga pagsisikap ko, sa huli ay iba lang din pala ang makikinabang kahit sunugin ko nang todo ang kilay ko para makakuha lang ng mataas na score sa mga exams, quizzes, at mga performance task.

Ang unfair talaga ng mundo. Sobrang unfair.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top