Chapter 22 - Pastries
Dalawang araw, ’yan na lang ang itatagal ko rito sa mundong ’to. I’m already aware na matatapos na ang mga araw, alam ko na kaunti na lang ang nalalabi kong oras.
Kaunti na lang, kaya lulubus-lubusin ko na ang lahat. I’ll make this three days of mine more memorable than it can be.
“You’re really good at writing stories, you’re just bad at describing it. Thanks to you we’ve got a high score on our assignment, ikaw lang naman halos ’yong gumawa, eh.” Austin laughed as we walk down the hallways of Saint Anthony’s Baguio, katatapos lang ng klase namin sa unang period ng Friday schedule.
“But I’m just really curious. Bakit hindi mo nilagyan ng ending ’yong story? Bakit tinapos mo kaagad do’n sa mga magandang bagay na nangyari sa main character? ’Di ba dapat babalik siya sa reality after fifteen days?” sunod-sunod na nagtanong si Austin.
“Alam mo, hindi ko rin talaga alam kung ano ’yong ending, eh. So I just left it blank, it’s for the readers to think.” Ngiti ko naman, we proceeded to walk down the corridor.
Phisical Education at Practical Research lang naman ang subjects namin dito ngayong araw kaya kapag katapos ng first period ay p’wede na kaming umuwi.
Ngayon din namin ipi-nass ni Austin yung ginawa naming flash fiction story for our assignment in twenty first century literature—even though I just did most of it alone.
“Oy ’wag ka ngang ano d’yan, ikaw din naman ’yong gumawa sa assignment ko sa General Mathematics kaya quits lang tayo.” Tawa ko rin naman, I just returned the favor since marunong siya sa Mathematics and marunong naman ako sa Literature.
“Also, it’s your fault why I’m not productive enough today. Kalakas ng hilik mo, parang ayaw mong magpatulog, ah.” Nagreklamo ako tungkol sa nangyari sa ’ming dalawa kagabi habang natutulog kami sa kuwarto niya.
Kahit ang totoo’y mahimbing naman talaga ang tulog ko.
Now, I’m starting to feel something when I’m with this version of Austin. Hindi ko alam kung sa’n ’to nagmula, I just felt it right after I felt this sort-of comfort while I’m with him—much to what I’ve felt towards the Austin on the other side.
“Huh, hindi nga ako humihilik, eh. Tahimik kaya ako matulog sabi ni Mom.” Reklamo niya naman.
I was actually joking, I just want to see him react like that.
“Joke lang, actually... I had fun last night. Sana maulit ’yong mga gano’ng overnight natin, ano? And sana next time ay kasama na natin sila Armin at Klarense.” Mungkahi ko, nakita ko naman siyang ngumiti.
Just literally, everything was this state out of the blue. Palagi na kaming magkasama ni Austin, mula umaga hanggang sa hapon ay kami’t kami na. Ngayon ko lang din naisip ito, kung hindi siguro niya ’ko niligtas do’n sa bus incident ay hindi rin kami magiging gan’to ka-close.
Imagine it, I’m hanging out with the person that I like in the other world. In these past days, I have been a subject to Armin and Klarense’s romance that I also wished na sana’y ako rin.
Austin and I are technically just friends as of now, narinig ko na rin sa kan’ya na may nararamdaman siya sa ’kin pero hindi rin nawawala sa isip ko na baka nagkakamali lang pala ako.
“I’m sure that’ll happen, we can choose each other for some projects. Then mag-overnight tayo, how does that sound?” he giggled as he asked.
Napangiti na lang ako, paniguradong hindi ko na mararanasan ’yan dahil dalawang araw na lang at babalik na ’ko sa totoong mundo. At habang palapit nang palapit ay parang ayaw ko nang bumalik sa pinagmulan ko.
“That would be fun, I can’t wait for that to happen.” I chuckled, even though I would never see that happen.
Well, I guess this world will go on kahit wala na ’ko rito.
“Uuwi ka na?” tanong ko sa kan’ya nang makalabas kami ng gate. Nagtaka ako nang umiling siya.
“Hindi pa, I have something important to go to.” He replied.
“Ikaw ba, uuwi ka na?” tanong niya naman sa ’kin. Tumango naman ako.
“Oo sana, but I have nothing in particular to do at home. Sana magkasama pa tayo nang matagal, mabo-bored lang ako sa bahay, eh.” I pouted, I sat on a nearby bench under a maple tree.
Nakita ko namang sumunod sa ’kin si Austin at umupo rin sa bench, nagtaka naman ako kung bakit nandito pa siya eh ’di ba sabi niya may pupuntahan pa siya?
“Bakit nandito ka pa, ’di ba sabi mo may pupuntahan ka pa?” Sumandal lang siya sa upuan at tumingin sa ’kin, nginisian niya ’ko at dito na rin siya tumugon.
“May charity work sila Mom at Dad sa isang orphanage sa kabilang barangay, if you like you could come with me. You’ll be a big help for us also, and I want to show you something afterwards.” In every situation, hindi mawawalan ng dahilan si Austin para makasama ko siya.
I chatted Mama na mamayang hapon na ’ko uuwi dahil sumama ako sa charity work ng mga magulang ni Austin. She said thay it’s alright as long as kasama ko si Austin at ang pamilya nito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing sasabihin sa ’kin ni Mama na okay lang. I never felt this much freedom in my entire life.
If I could just stay here forever, I will. All I can wish for, all I can have, all that I deserved, it’s all here. I don’t want to leave this world, I don’t want to leave everything. But there’s an agreement between me and Sir Lorenzo. I have just fifteen days, and those days will be over soon.
***
“At last, we’re here!” hingal na wika ni Austin habang na sa bike lot kami ng isang malaking simbahan.
Bumaba ako sa sinasakyan naming bisikleta at pinagpag ang suot kong coat at vest. Nag-bike lang kami ni Austin patungo rito, napaka-reckless nga ng desisyon niya pero napilit pa rin niya ’kong umangkas sa bisikleta niya.
Sabi ko kasi mag-commute na lang kami para ’di siya mapagod pero ayaw niya dahil may bisikleta naman daw siya. I let him be, umangkas na lang ako sa kan’ya at pinabayaan ko na lang.
Suot ko pa rin ang standard uniform ng Saint Anthony’s Academy, pero siya, inalis na niya ’yong coat at vest niya dahil sa sobrang init ng pakiramdam niya. Pawis na pawis siya, basang basa ng pawis ang buong katawan niya.
Kinuha ko ang spare mineral water ko sa bag at isang bimpo, hingal na hingal pa rin siya sa mga pagkakataong ito—siya ba naman kasing mag-bisikleta nang ang layo eh isang barangay mula sa school tapos sa kabundukan ka pa ng Baguio nag-travel, hindi ba naman siya hingalin do’n?
“Here, drink this, ayan bike pa. Sabi ko kasi mag-commute na lang tayo, nagmatigas ka pa ayan tuloy hingal na hingal ka ngayon.” I offered him the drink, kaagad niya namang kinuha ’yon at ininom.
“T-Thanks.” Utal niyang saad nang makaimom.
Hinihingal pa rin siya sa mga pagkakataong ito. Tumatagaktak ang pawis siya sa bawat sulok ng muka niya kaya naman hinawakan ko ang balikat niya at pinunas ito.
His eyes widened as the towel traveled along his sweaty face and his neck. Hindi ko maipinta yung reaction niya, just seeing him at this state makes me giggle on the inside.
“I have a spare polo and t-shirt here, you could borrow it for now.” Saad ko sa kan’ya.
Kinuha ko ang mga spare clothes ko sa bag, I lend it to him. Walang kaano-ano’y hinubad niya na lang basta-basta ang damit niyang basang-basa ng pawis.
“A-Austin! Na sa bike lot tayo ng simbahan, oh! Maghububad ka na lang nang basta-basta!” I shouted, I covered my face with my hand because I don’t want to see his body.
“Hmm, gusto mong makita yung muscles ko—” I shouted to interfere before he could even tease me.
“Just put that clothes on already, sixteen pa lang tayo, Austin. Why would you tease me like that?! Also, na sa simbahan tayo kaya magtigil ka d’yan.” Tumalikod ako sa kan’ya, umiinit ang muka ko... Out of all places, bakit dito pa kasi?!
And nagmuka pang gusto kong makita ’yong ano niya...
“Fine, isusuot ko na ’to. It’s still freezing here kahit matindi na ang sikat ng araw.” Isinuot niya ang t-shirt at polo na binigay ko. He also wore his vest but not his coat, naiinitan pa rin siguro siya.
“Come on now, let’s get inside para makatulong tayo kila Mom at Dad.” He smiled and he took my hand, nanlaki naman ang mga mata ko pero ’di na ako nakapiglas.
It’s strange, I never felt his hand like this... or I never felt it otherwise? It’s warm, medyo magaspang—a sign that he also works other than being lazy at home.
Humawak ako pabalik, I smiled as we entered the church while still holding each other’s hands. We exited the church’s interior as we got into the orphanage grounds where there were lots of children running around and playing happily.
Do’n na nga namin nakita sila Ninang Zephany at Ninong Claro, they were both giving out school supplies and some cupcakes and pastries to the orphaned children.
“Tara, Gael, let’s go help.” Niyaya ako ni Austin habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay.
Tango lamang ang itinugon ko, sapat na ’yon para sabihing oo. Austin was very determined to help, even though he’s tired of biking from the school to here, hindi pa rin nawala ’yong gana niyang tumulong sa mga magulang niya kahit alam kong pagod siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top