Chapter 20 - Visit

“I’m home!” saad ni Austin nang mabuksan niya ang pintuan ng kanilang bahay. Medyo mainit na sa loob kaya tinanggal na namin ang suot naming coat at vest.

Matapos naming tanggalin ang mga sapatos namin ay dumiretso kami sa kusina dahil do’n naman kaagad nagpunta si Austin, do’n ay nakita namin ang nanay niyang nagluluto ng hapunan. She’s currently cutting some vegetables, nakatalikod siya sa ’min kaya hindi niya kami nakikita ngayon.

“Ah, mabuti naman at nandito ka na, Austin. Can you help me to prepare dinner, my love?” Nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ng nanay niya.

“Mom, I told you to not call me that!” Napangisi ako nang marinig rin ang tugon niya, he’s like a typical boy.

He has a childish behavior and an unexplainable appeal on the outside, but he’s a nice person when a person gets close to him. I’m starting to have some sort of connection with this other version of Austin.

“My, my, acting all though? Tulungan mo na ’ko dito para—” nang sumulyap sa ’min ang nanay niya’y nanlaki ang mga mata nito nang makita ako.

“Gael! Is that you, dear?!” bulalas niya.

Parang mapupunit na ang muka niya dahil sa laki ng ngiti niya. Ewan ko ba kung anong me’ron pero parang sobrang saya naman yata niya na makita ako.

“Ah... hello po.” I waved hello and smiled back shyly.

Itinigil nito ang pagluluto at kaagad tumakbo patungo sa ’kin. She held my hand and hugged me, she’s laughing because of joy.

“Ang cute mo pa rin! It’s been nine years since huli ka naming makita ni Claro, how have you been?!” yakap niya sa ’kin. It was so tight that I couldn’t breath.

“Ah, Mom, Gael’s suffocating from your tight hug. Do you mind to loosen it up a bit?” I then heard Austin talk, dito na nga na-realize ng nanay niya ang situwasyon at bumitaw ito sa pagkakayakap sa ’kin.

“Sorry, Gael, I’m just so glad to see you again. Do you still remember me? It’s been that long kasi, eh. Seven years old ka pa lang no’ng umalis kami ni Ninong Claro mo papuntang States.” I already knew that thanks to Papa, but this is just my first time being with them.

After that, I took her hand and I did the bless—it’s a common thing for a Filipino to do so. Since ninang ko pa ang nanay ni Austin ay dapat lang din, but even so, I would do this to any people way older than me to show some respect. 

“Ah... opo, kayo po si Ninang Zephany ’di po ba? Mag-kumare raw po kasi kayo ni Mama, I really forgot who you are po but Mama and Papa told me about you and your connection to them and to Austin.” Kumamot ako kaagad sa ulo ko.

Totoo naman ’yong sinabi ko tungkol sa pagkukuwento nila Mama at Papa pero hindi ko naman talaga sila kilala.

“It’s nice to have you, then. Umm... by the way, what brings you here?” tanong naman niya. I then smiled and replied.

“Austin invited me here po, gagawa po kasi kami ng assignment sa summer class namin na by pair.” Ngiti ko, she nodded then she asked Austin after.

“Is he staying overnight?” tanong pa niya sa anak niya.

“Kung aabutin na po talaga ng gabi ’yong assignment namin, opo.” Kumamot rin si Austin sa ulo niya.

“Ah, so then it’s settled.” Ngiti pa ng nanay ni Austin, tumayo siya at hinaplos ang buhok ko. She patted my head and jumbled my hair.

“Mag-overnight ka na lang dito, Gael. I’ll prepare Austin’s room for the both of you. Ah, by the way... do you have some spare clothes to change, Gael?” tanong pa niya. Tango lamang ang itinugon ko.

“Wow, that’s great! Okay now, bantayan mo yung niluluto ko, Austin. Help yourself, Gael, feel at home.” Saad pa niya kaya ngumiti na lang ako.

Umakyat sa pangalawang palapag ng bahay si Ninang Zephany—I prefer to call her that since it’s too unusual to address her just using the phrases ‘Austin’s mother’ or ‘nanay ni Austin’, I think I’ll also do that to Austin’s father when I encountered him.

“Umupo ka muna, Gael, magluluto lang ako.” Saad naman ni Austin.

Inasog niya ang upuan sa dining table para may maupuan ako, kaagad niyang kinuha ang apron na nasa isang sulok nitong kusina at ipinatong ito sa suot niyang school uniform.

He opened the lid of the pan to know what’s cooking, he then smiled as he smelled its pleasant aroma. I then recognized the smell of the food, napangiti ako sa mabangong aroma ng niluluto.

“Is that curry?” tanong ko. Nilingon naman ako ni Austin at nginitian.

“It is.” Ngisi nito.

“I’ll just lower the heat to cut some vegetables, baka masupok kaagad, eh ’di pa nalalagay ’yong carrots at patatas.” Kaagad siyang naghugas ng kamay at pinunasan niya ito. He then proceed to the table to cut the ingredients, I then stood to help him.

“Tulungan na kita, it’s not that hard to cut it, though.” Mungkahi ko.

“Ah... ’wag na, nakakahiya naman sa ’yo. Bisita kita tapos gan’to.” He replied but I insisted.

“Asus, okay lang ’yon. Alam mo, I also help my mother when she cooks.” I reasoned.

Even though minsan lang magluto si Mama ng pagkain sa mundong ’to ay hindi pa rin naman maaalis ang katotohanang ako ang nagluluto ng hapunan namin sa tunay na mundo—it’s just okay to lie sometimes.

Naghugas ako ng kamay at pinunasan ko ito, matapos ’yon ay kumuha ako ng isang spare knife at chopping board sa lagayan nila ng mga utensils.

Kilala naman na siguro ako ni Austin, I keep insisting even though it makes trouble for me, just like what happened when I gave the polo back to him when we first talked to each other under that acacia tree—tuloy nilamig ako hanggang sa ipahiram niya ulit sa ’kin ’yon.

Kumuha ako ng patatas at hiniwa ko ito nang pa-kuwadrado dahil gano’n naman talaga ang hiwa ng mga sahog sa curry. In particular, Ninang Zephany is cooking chicken curry, so that means I have to do cuts this way.

Moments later, we’ve heard the door opened and as a voice of grown man echoed through the house. I believe that it’s Austin’s father, I think that he’s home from work, and so Austin and I continued on what we are currently doing.

“I’m home!” bungad nito sa ’min.

“May kasama ka ba, Austin? There’s a pair of unfamiliar shoes here. Oh, and are you making curry?” Pumunta ang lalaki sa kusina at nakita kaming dalawa nito, saglit siyang napatigil at napangiti.

“Gael, is that you?” tanong nito. Ngumiti naman si Austin at tumugon.

“Opo, Dad. It’s Gael.” Tugon niya, ibinaba ko saglit ang kutsilyong hawak ko at lumapit ako sa tatay niya—whom I’ll address as Ninong Claro from now on, I took his hand for a bless.

“Kaawaan ka ng Diyos, anak.” Ngiti nito sa ’kin, nagpatuloy nga muli kami ni Austin sa paghihiwa ng mga isasahog na gulay sa curry.

“Gael is here to do some summer class assignment with me, Dad. Dito rin po magpapalipas ng gabi si Gael sa ’tin. Mom prepared my room for the both us, and so we helped her to cook curry.” Ngiti nito, tango lamang ang itinugon ni Ninong Claro.

“You’re productive today, Austin, I’ve never seen you that way.” Ngisi naman nito kay Austin.

“Ha? I’m always productive, does today make any difference?” Austin then asked.

“Yeah, and I might just know the reason why.” Kinindatan nito si Austin, kumunot naman ang noo niya at parang hindi niya alam kung anong tinutukoy ng tatay niya.

“Anyways, I’m going up to change. I’ll help you cook once I’m done.” Umakyat na nga si Ninong Claro para magbihis.

Muli ay naiwan kaming dalawa ni Austin sa kusina. Habang itinutuloy ko ang paghihiwa siya naman ay hinalalo na ang kumukulong curry na handa nang malagyan ng sahog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top