Chapter 2 - Poverty
“Okay class, this week will be the final exams for your subjects. Ngayon pa lang ay mag-review na kayo para sa isang araw ay masagot niyo ang lahat ng mga tanong sa test papers.” Saad ni Sir Lorenzo Saberola—ang aming classroom adviser.
Siya ang humahawak sa karamihan ng aming subjects kaya sa kan’ya nakadepende ang karamihan sa aming mga marka, sa kan’ya rin manggagaling kung naging mabuti bang bata ang isang istudyante dahil siya rin ang nagmamarka ng aming behavior. Hawak niya ang halos lahat ng mga records namin at talagang depende lang sa performance namin ang nagre-reflect sa mga cards namin kapag siya ang may-hawak ng subject.
Indeed, Sir Lorenzo is a strict teacher, pero most of the time, he’s caring and considerate if the matter’s a valid reason. Hindi niya pinapapasok ang isang student kapag lumampas na ito sa oras ng pasukan, hindi niya run pinapapasok at pinagpapahinga niya na lang ang mga estudyante niyang mayro’ng sakit.
Marami rin siyang rules sa ’min. Ayaw niya ng maingay at nagdadaldalan sa classroom, lalo na sa oras ng klase niya. Nothing echoes except his modulated voice once he’s discussing a particular topic. He hates too much unnecessary questions but entertains them if it’s about the topic we’re discussing about. Ayaw niya rin ang mga taong sipsip at bida-bida.
Even though I’m always alone and neglected by many, Sir Lorenzo treats me more than just his student but his friend also. I’m not doing it for extra credit, hindi ako sumisipsip sa teacher, sadyang gusto lang talaga ni Sir Lorenzo ang ugali ko at kami ni Arjim ang madalas niyang kausap.
Close kaming tatlo nila Armin and we formed a certain bond together as teachers and students and as friends. Naging close kaming tatlo simula pa lang noong grade seven kami dahil teacher na namin si Sir Lorenzo no’n pa man. Masaya daw kaming kasama ang sabi niya, and as for me ay napapansin niya namang wala talaga akong kaibigan bukod kay Armin.
Nakapagtataka nga dahil sa lahat-lahat ng mga estudyante ritong p’wede niyang kaibiganin at samahan ay ako pa talaga ang isa sa mga napili niya—ako sa lahat ng mga taong mas better pa kaysa sa ’kin. Maraming mas masayang kasama sa ’kin or even much better ang personality pero Sir Lorenzo keeps listening to my stories, he does like most of it though.
Hindi siya kagaya ng ibang mga teachers na backstabber pagdating sa kanilang mga students. Madalas kong ikinu-kuwento kay Sir Lorenzo ang mga rants ko sa buhay, at isa rin si Sir Lorenzo sa mga taong maraming alam sa mga sikreto ko. He’s known my other side and prefers it rather than my facade, he accepts me for who I am and he doesn’t have any problems with me whatsoever.
When I told Sir Lorenzo that I’m gay, he fully accepted it and he even congratulated me for coming out. Nagkaro’n na ’ko ng labis na tiwala kay Sir Lorenzo dahil alam kong iba siya sa karamihan sa mga teachers dito sa school. Just like I thought, he didn’t tell a single soul in this school about what he found out. Alam niyang malalagay ako sa peligro kapag ginawa niya ’yon, naging ehemplo siya sa ’kin dahil sa kabaitan niya.
Alam niya rin kung sino ang taong gusto ko, pero walang lumabas na kahit ano sa kan’ya. ’Di niya ako tinutuya sa tuwing magkakasama kami ni Austin sa klase, he’s not the kind of person that meddles on someon’s life and choices.
Dahil nga kaibigan at ka-close ko si Sir Lorenzo ay kinainggitan ako ng mga classmates namin, naririnig ko naman ang mga sinasabi nila sa ’king sipsip daw ako sa teacher and that I’m only after good grades kaya ko kinakaibigan si Sir. Isinara ko na lang ang aking mga tenga sa lahat ng mga sinasabi nila, I even told Sir Lorenzo about that and ang sabi niya’y hayaan ko lang daw.
“Nagkakaintindihan ba tayo class?” tanong ni Sir Lorenzo. Dito na ’ko bumalik sa wisyo nang marinig ko ang kan’yang tanong, sabay-sabay naman kaming sumagot.
“Yes po, Sir Lorenzo.” Tugon naming lahat sa kan’ya, napangiti naman siya nang marahan at muli siyang nagsalita sa malumanay na tono upang magpaalam sa ’min.
“Sige, goodbye class!” he greeted us goodbye. Sabay-sabay kaming tumayo at binanggit namin ang aming exit greeting para sa hapong ’yon.
“Goodbye, Sir Lorenzo, goodbye classmates. See you tomorrow again. Always remember that one can do all things through Christ who strengthens him.” We said the greeting and after that, we packed our things up to leave the classroom.
Nagpahuli na ’kong lumabas para wala akong makasabay sa hallway, ayo’ko kasing lumakad nang may kasabay ako sa daan bukod kay Armin. Ilang minuto ko pang hinintay na talagang ma-clear ang hallway bago ako lumarga. Nang makalabas ako ay medyo dumidilim na. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang sumindi ang mga ilaw dito sa loob ng school.
Total ay malapit lang naman ang bahay namin dito ay nilalakad ko na lang mula sa school hanggang makauwi ako sa ’min. Ilang kanto ang nadaanan ko bago ako ako makarating, at nang makarating nga ako ay wala rin namang tao dahil na sa trabaho sila Mama at Papa.
Nang makauwi ako sa bahay ay sandali muna akong umupo sa sofa sa salas at nag-alis ng sapatos at medyas upang saglit na makapagpahinga. Hindi nagtagal ay nagbihis ako ng pambahay, nang makapagbihis na nga ako ng damit ay nagluto na ’ko ng pagkain para pagdating nila Mama at Papa ay may nakahain na sa lamesa. Sigurado namang pagod na pagod ang dalawang ’yon dahil sa hirap ng kanilang mga trabaho.
Our life ha always been simple and each day is a constant struggle. Si Mama ay isang palengkera sa public market sa sentro ng bayan, may nirerentahan siyang puwesto sa palengke at do’n ay nagtitinda siya ng kung ano-anong gulay na binibili niya naman sa mababang puhunan.
Dahil medyo nakaka-angat na siya sa pagtitinda sa palengke ay kumuha na siya ng isang helper para tulungan siya sa pagtitinda. At least ngayon ay alam kong napapadali na ang pagta-trabaho ni Mama dahil sa helper niya, at alam kong magiging magaan na rin na rin ang takbo ng buhay namin kapag nakaangat-angat pa kami nang kaunti.
Si Papa naman ay isang construction worker basta’t may ipinapagawang gusali rito sa bayan, wala siyang permanenteng trabaho kung ’di ang pagko-construction. Minsan ay kargador siya sa palengke at tinutukungan niya si Mama sa pagtitinda, minsan naman ay nagbebenta siya ng mga candy at sigarilyo sa highway at madalas niyang parokyano ang mga jeepney druvers, minsan din ay barker siya sa terminal ng bus, nagko-konduktor din si Papa sa mga pampasaherong sasakyan.
Ganito ka-simple lamang ang buhay namin, pero tanggap ko naman kahit ganito lang, the thing that I can’t accept is that my parents are not open for me being the way I am. They’re both homophobic, palagi na nilang nasasabi sa ’kin na huwag daw akong maging bakla dahil pareho raw silang mababaon sa kahihiyan.
Bukod do’n ay hindi na nila ako nakukumusta kung okay pa ba ako dahil araw-araw silang subsob sa trabaho. Sa katunayan nga ay ayaw nila akong maging scholar sa Saint Anthony’s dahil wala naman daw ako sa kalingkingan ng mga istudyante ro’n pagdating sa yaman, totoo ang sinabi nilang mao-outcast ako, pero hindi sa dahilang mahirap ako kung ’di ay sa matter ko between Pressy.
Nagpumilit lang ako kaya ako nakapasok sa eskuwelahang ’yon, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila fully accepted na roon ako nag-aaral, pero ipinapaintindi ko naman sa kanilang maganda na ring do’n ako magtatapos ng high school. Kaya kahit na nahihirapan akong sumabay at maging kaibigan ang aking mga kaklase ay hindi ko ipinapaalam sa kanila dahil ako naman ang may gustong mag-aral do’n.
Kasalukuyan akong nagrereview sa kusina nang madatnan kong dumating na ang mga magulang ko dahil bumukas na ang aming pintuan mula sa salas. I quickly get myself into composure and I stretched my arms and and legs before standing up. I was about to greet them welcome back when I heard Mama shouting. Saglit akong sumilip sa salas nang makita ko silang nagtatalo.
“Hindi ko naman ginustong malooban ’yong puwesto ko sa palengke, Berto! Unawain mo naman sana na napakahirap din namang maging isang palengkera!” bulyaw niya kay Papa. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ’yon. What was she talking about? Tungkol ba ’to sa puwesto ni Mama sa palengke?
“Ang problema kasi sa ’yo, hindi ka nag-iingat! Pa’no ngayon ’yang pag-aaral ng anak natin?! Alam mo namang may utang pa tayo kay Aling Teodora sa puhunan ng paninda mo sa palengke at dito sa renta sa bahay, Nilda!” ganting bulyaw naman ni Papa.
Sa sobrang gulo ng aking isip ay nanatili akong blanko habang nakasilip sa kanilang dalawang nagsisigawan. My hands trembled in fear for thinking how this argument will go, I don’t want anything bad to happen because I’m already struggling in school. Ayo’ko na ng karagdagan pang problema rito sa bahay!
“Alam mo namang wala akong permanenteng trabaho! Tapos mangyayari ’to?! Pa’no ’to ngayon, Nilda?! Pahihintuin mo sa pag-aaral ’yang si Gael?!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ’yon, halos mangapos ang aking hininga dahil sa narinig ko.
Hindi... hindi p’wede!
I have accomplished so much already. I have endured so much at ngayon pa ’ko titigil? Hindi ko kayang tumigil, maiiwan ako!
“Oo, mukang mapipilitan tayong pahintuin si Gael ng isang taon para mabawi natin ’yong puhunang naloob sa ’tin. Patutulungin ko muna siya sa p’westo natin, sa public na rin siya papasok.” Narinig kong muli si Mama, at dito na tumulo ang aking luhang kaagad ko naman ding pinunasan.
Wala na ’kong magagawa dahil desisyon naman nila ang palaging nasusunod, sino ba ako para kumontra ro’n? Kahit ba gustuhin kong manatili sa Saint Anthony’s at ’di na lang tumigil para ma-keep ko ang scholarship ko ay alam kong ’di na ’yon magiging posible.
Alam ko naman ang hirap ng buhay namin, at alam ko rin naman ang pakikipaglaban ng mga magulang ko maitaguyod lang ako sa pag-aaral. So, sino ako para tumanggi? At least naman makakapag-aral pa rin ako at may pagkakataon pa ’kong matupad ang aking mga pangarap.
“Mga bakla nga talaga, wala na silang natamo sa mundong ’to kung ’di ang maging salot sa lipunan. Sino ba namang mag-aakala na pagnanakawan tayo no’ng baklang kinuha mong taga-bantay?” saad pa ni Papa. Mas ikinagulat ko pa ang bagay na ’yon kaysa sa ’di nila pagpapa-aral sa ’kin sa susunod na taon.
“Sinabi mo pa, naawa nga lang ako ro’n kasi sabi niya’y kailangan niya ng trabaho para sa pamilya niya. Ahas pala ang gaga, talagang salot ang mga katulad niya sa mundong ’to.” Pagsang-ayon naman ni Mama at muli naman siyang tinugunan.
“May boyfriend ’yon ang alam ko, eh. Baka ninakawan niya tayo dahil ipangla-lalake niya lang.” Pabalang muling nagsalita si Papa. My father’s firm words about the person slashed through my throat, I held my chest as I breathed heavily.
“Pare-parehas silang mapupunta sa impiyerno, mga buwisit sila!” sigaw naman ni Mama at nakita kong huminga rin siya nang malalim. Hindi biro ang galit niya nang sabihin niya ang bagay na ’yon, it just fueled their hate towards gays.
Naalala ko ang kinuha ni Mama na kasama niyang taga-bantay sa puwesto namin sa palengke. Isang bakla rin ’yon at kinaawaan nga ni Mama dahil walang trabaho. Who would know na pagnanakawan kami no’n?! Talagang nasira na nga ang image ng mga katulad ko sa mga mata ng mga nila dahil sa nangyari.
Bumalik muli ang pag-iisip ko sa pagtigil ko sa pag-aaral. Alam ko na ang mangyayari kapag tumigil ako, mawawala ang aking scholarship sa Saint Antony’s at mapipilitan akong mag-transfer sa isang public school. Ang pinakamasakit sa lahat, kapag nangyari ’yon ay hindi ko na muling makikita si Austin.
Muli akong nagpunta sa lamesa at isinara ko ang librong binabasa ko kanina, habang nag-uusap sila ay doon na ’ko nagpakita. Nakangiti lang ako sa kanilang dalawa habang sila nama’y nagula nang makita akong nakatayo na sa kanilang harapan, mahinahon lang akong nagsalita.
“Magandang gabi po, ’Ma, ’Pa. Okay lang naman po sa ’kin kung patitigilin niyo ’ko, ang importante lang naman po ay mabawi natin ’yong nawala sa ’tin. Okay lang po kahit matanggal ’yong scholarship ko.” Ngumiti ako matapos akong magsalita, kaagad din akong dumiretso sa ’king kuwarto.
Ikinulong ko ang aking sarili ro’n at kaagad kong ihinagis ang aking katawan sa kama. Paglapag ng aking muka sa mga malalambot kong unan ay do’n na tuluyang bumagsak ang nagbabadyang luha sa ’king mga mata. Alam ko namang kahit umiyak pa ’ko ng dugo ay wala rin ’yong magagawa dahil hindi na maibabalik ang mga nawala sa ’min.
I cried to sleep, maybe sleeping is the only choice that could calm me down because of what happened.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top