Chapter 17 - Summer

Six days left and I have nothing in particular to do, I’m currently bored. Ayo’ko namang i-spend ang remaining time ko sa bahay. Kahit masyado pang maaga para mag-ayos ng mga papel sa school ay ginawa ko na para hindi ako ma-bore, it’s very tiring actually but it satisfies me.

I also attended summer class, kahit wala naman akong failed subject or whatever. I just did it because I don’t want to be bored all day, although napakaraming mga nobela sa kuwarto ko ay wala naman akong matipuhang basahin.

Nais kong matuto para sa susunod na school year, sumama nako sa mga nag-aaral na senior high students dito. I took the Humanities and Social Sciences strand dahil balak kong maging katulad ni Papa someday, ang maging school principal.

Although hindi naman gano’n si Papa sa tunay na mundo ay gusto ko pa rin, kasi ang kursong Education lang din naman ang afford ng parents ko sa real world.

Katatapos lang ng isang period sa summer class ngayon, kasalukuyan akong na sa classroom habang nakadukdok sa isang desk. Nakaka-relax ang panahon dahil mahangin, maaraw rin at makakakita ng clear sky blue skies sa kalangitan.

I’m looking down the window from the second floor of this three storey building, the wide green grass fields in the back of this building looks so empty this summer time.

Kapag ordinary school days ay maraming mga taong naglalaro ng kung ano-anong sports sa fields, pero kadalasang ang umu-ukupa sa buong field ay ang baseball team nitong Saint Anthony’s.

I wore a casual white polo and my light brown knitted vest that I recently got, I partnered it with my khaki pants and rubber shoes to have a school uniform vibe attire. I also became more open to what I wear here, ine-enjoy ko na since wala naman akong gan’tong mga damit sa real world.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag at binuklat ito sa unang page, nakalagay sa unang page ang class schedule ko for my summer classes.

Three hours pa pala bago ang susunod kong klase, I got some time to rest before my class in Oral Commination begins, I wonder what’s the new topic today?

That subject has been my favorite of all the new ones I’ve encountered, I really hate General Mathematics, pero kahit hate ko ang subject ay nakakasabay naman ako sa lessons.

Isinara ko ang notebook ko at ibinalik ito sa bag, idinukdok ko ang ulo ko sa ’king mga braso na nakapatong ngayon sa table. I turned my head sideways to breathe some fresh air.

I’ll suffocate if hihinga ako habang natatakpan ng lamesa at ng braso ko ang hangin. Dahan-dahan ko ring isinara ang aking mga mata at huminga muna ako nang malalim bago ako magpahinga.

Dinama ko ang malamig na hanging nagmumula sa labas, naririnig ko rin ang tunog ng mga nakalaylay na kurtinang itinatangay nito.

Bukas ang mga bintana ng classroom kaya malayang nakakapasok ang malamig na hangin sa labas, I can feel the gentle tough of the cold breeze. Halatang hindi pa natatapos ang malamig na panahon, kahit tag-araw naman na’y gan’to na ang karaniwang panahon dito.

Unti-unti akong nawala sa wisyo at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, pero muli akong nagkamalay nang may maramdaman akong parang kung ano sa labi ko.

It feels kind of surreal, slimy yet a little bit wet. I can also smell someone, a familiar scent leading me to conclude that this person doing this to me was that person.

Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko at nakita ang muka ni Austin, nakapikit siya habang... kasalukuyan niya akong hinahalikan!

Nakapikit siya sa mga pagkakataong ito kaya’t hindi niya nakita na gising na pala ako, nagulat ako pero hindi ako nag-react dahil baka magulat rin siya.

I just felt his warm lips against mine, mga ilang segundo rin ang itinagal ng halik na ’yon bago siya kumalas. At no’ng kumalas nga siya ay nagkunwari akong tulog para hindi niya mahalatang may kamalayan pala ako sa mga nangyayari, I half-opened my eyes.

I could see him stare at me with a serious face, his hazel eyes are shining like the golden sun, and so his brown hair that was being swept away by the wind. I saw him smiled, he grinned and sat at a vacant chair.

Saglit niya pa akong pinagmasdan bago niya hawakan at haplusin ang ulo ko, he patted my head and jumbled my hair as he also caressed my cheeks.

“Gael, I wanted to tell you but I don’t have the courage yet.” I heard him whispered, dito na rin siya tumayo sa kinakaupuan niya at muli ay hinaplos niya ang ulo ko.

“Sleep well, Gael, I still have some summer classes to attend. Unfortunately, I’ve decided to learn in advance just like you, goodbye.” He smiled and turned his back on me, after that he left the classroom walking like nothing happened.

Dito ko na iminulat ang mga mata ko at kinuskos ito, I still can’t believe that he did that. He kissed me on the lips! That feeling was unexplainable, there was this mixed happiness, premonition, and excitement. Kinikilig ako in the inside, but I don’t know what to do.

It’s my first time recieving a kiss in my entire life!

At ang first kiss ko’y... sa labi kaagad.

Gusto kong sumigaw pero baka may makarinig sa ’kin, gusto kong ipagsigawan sa buong paaralan na hinalikan niya ’ko—na hinalikan ako ng parallel version ng crush ko!

He also said that he couldn’t say what he wanted to say. Could that be... that he has feelings for me and he wanted to confess, but he doesn’t have the courage—just like Armin once?!

Ah! Umaapaw talaga ang kasiyahan! Pero, nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang isang bagay. Na sa parallel world nga pala ako, so kapag bumalik ako sa totoong mundo ay mawawala rin ang lahat ng ito.

Lahat ng meron ako dito ay pawang imahinasyon lamang pagdating sa totoong mundo.

I wanted it to be permanent, but... limited nga lang talaga ang kasiyahan. I must be happy dahil kahit paano’y nararanasan ko ’to, pero ang masakit lang ay...

Hindi talaga ito panghabang-buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top