Chapter 16 - Confession
“It’s such a nice thing to hear that from you, mabuti naman at unti-unti ka nang tinatanggap ng parents mo.” Ngiti ko kay Armin habang naglalakad kami patungo sa isang train crossing dito sa lugar namin.
“Oo nga, eh, sinampal mo naman kasi si Mom nang magkabilang kamay. Baka natakot nga sa ’yo, baka nakalog mo nga ’yong homophobic niyang utak no’ng sinampal mo.” Tumawa naman siya.
“Siya nga pala, sabihin mo sa Mom mo na gusto kong humingi ng sorry dahil sinampal ko siya out of anger. Hindi ko naman kasi sinasadya, nadala lang ako ng galit ko.” I apologized, hinawakan niya naman ako sa balikat.
“Asus, don’t worry about that, Bes. Basta ako masaya pa nga ako at pina-realize mo kay Mom ang situation ko. Ngayon... nakawala na ’ko sa pagkakasakal sa pressure.” Itinaas ni Armin ang kan’yang dalawang kamay at ininat ito, ihinawak niya ito sa kan’yang batok kalaunan.
“You’re the one that made them realize that I shouldn’t keep my real identity from them. You’ve done so many efforts for me, and somehow... I just need to return the favor.” Kaagad akong napatingin sa kan’ya at napailing, I objected after.
“No, hindi mo na kailangang gumanti sa ’kin, ’no ka ba? Mag-bestfriend nga tayo ’di ba? So ginawa ko lahat ’yon para sa ’yo.” Saad ko, napahinga naman siya nang malalim.
“Kapag ikaw naman ang may problema, Gael, asahan mo ’ko. I’ll help you with anything para makaganti ako sa mga kabutihang ginawa mo.” He still insisted, ngiti na lamang ang ginanti ko at tumugon din kalaunan.
“If you insist, okay.” I giggled, saglit pa’y narating na namin ang train crossing kung sa’n kami pupunta.
Huminto ako sa paglalakad, nginitian ko si Armin at sinenyasang mauna na siya sa paglalakad. It’s because Klarense is standing infront of the train crossing, now it’s time for Armin to confess his feelings that he hides for a long time.
“Ayon na si Klarense, now... go grab that boy! Pasagutin mo whatever it takes. Kapag ni-reject ka, jombagin mo.” Tawa ko, napahagikgik naman siya.
“Excuse me, itong face at personality na ’to mare-reject? I don’t think so, Bes. Humanda talaga sa ’kin ’yan kapag ni-reject ako.” Sakay niya naman sa biro ko.
Tumawa pa kami bago siya humiwalay sa ’kin upang pumunta sa direksiyon ni Klarense.
“Goodluck, Bes.” I smiled, nakangiti niya naman akong kinindatan at dahi-dali na ring pumunta kay Klarense.
Papalubog na ang araw, medyo maulap ang panahon at nagbabanta ang ulan, malamig na rin ang hangin. It gives the confession vibes. Actually, dalawang araw rin naming pinagpa-planuhan ni Armin ’tong confession na ’to.
Inalam muna namin kung sa’n madalas tumatambay si Klarense, sabi naman ng ibang mga students na kilala siya ay dito raw siya madalas na pumupunta.
Hanggang gabi raw siya rito kasi kadalasan ay dito rin siya gumagawa ng outlines and draft ng mga sinusulat niyang mga nobela—saka ko na lang din nalaman na writer pala si Klarense.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench malapit sa crossing, nakasuot siya ng puting sleeves at khaki pants partnered with a knitted vestment for his body I think to counter the cold, sa pang-paa niya naman ay black and white na rubber shoes partnered with brown lightweight socks.
Armin and I are wearing our signature outfit, an white-colored t-shirt and pants partnered with a pair of rubber shoes and white socks. Pero ako, nagsuot ako ngayon ng jacket dahil malamig ang panahon, on the other hand, Armin didn’t wear some dahil hindi naman daw siya nilalamig.
Pumunta ako sa katabing bench para dinggin ang usapan nila, Armin was already there. Now, he just need to get Klarense’s attention so he could talk to him and say what he feels.
“Woah, Klarense! I didn’t expect to encounter you here, how have you been?” Nagsimula nang magsalita si Armin. Tumingin ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila.
Nakita kong napatingin si Klarense kay Armin, ngumiti ito at isinara ang notebook na kan’yang pinagsusulatan. Isininop niya ito sa dala niyang mailiit na sling bag.
“How have you been, too?” tanong pabalik ni Klarense.
“Okay lang naman, I still have to submit some requirements for my enrollment next school year. Ikaw ba, what are you currently doing this time of vacation?” nagtanong naman si Armin.
“You see, I recently got this hobby though... Nagustuhan kong magsulat ng mga nobela, maybe I’m gonna pursue being a professional writer someday.” He replied, dito na umupo si Armin sa bench at tumabi kay Klarense.
“I think you’ll gonna be one, ipagpatuloy mo lang. Write kahit walang sumusuporta sa ’yo.” Armin leaned to the back of the bench as he smiles, halata namang kinikilig siya in the inside.
“Pa’no ka nga pala nadaan dito? Hindi naman dito ’yong daan pauwi sa inyo, ah?” nagtanong muli si Klarense. Magiliw namang sinagot ’yon ni Armin.
“Naglibot lang ako sa bayan, since malapit lang naman dito ’yong bahay ng isang kaibigan ko, pupuntahan ko sana siya para bisitahin. But then, I saw you here so I thought that we could talk just for a moment.” Armin answered, gosh he really is someone else being with someone other than me.
“Oh gano’n ba? I thought it was something else...” Out of nowhere, Klarense suddenly coughed. He cleared his throat by drinking some water from a container that he got on his bag.
“Anong something else, do you think na may iba pa ’kong pakay?” Armin curiously asked.
Inilapit niya ang sarili niya kay Klarense pasaglit-saglit—well, talk about Armin being in a shaggy situation.
“Never mind, I forgot what I wanted to say, anyway.” Tumugon muli si Klarense.
“Well, I guess that’s—” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may maramdaman ito, ako rin ay nanlaki ang mga mata dahil nakadama ako na parang may pumapatak galing sa itaas.
Oh my gosh! Wala akong dalang payong! Uulan pa naman yata, walang malapit na waiting shed dito para pagsilungan... Mukang mabasa talaga ako ng ulan!
Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman ay kaagad din akong napatakbo sa ilamin ng isang puno para kahit paano’y hindi naman ako mabasa nito.
But just before I could make it there ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko, napalingon ako at nabigla nang makita kong si Austin pala ’yon. May hawak siyang isang payong at hinila niya ’ko patungo sa kan’ya.
“What are you doing here this time of night? Are you alone here?” magkasunod niyang tanong.
Napansin ko ngang medyo nagdidilim na since unti-unti na ring nagsisisindi ang mga ilaw habang bumubuhos ang ulan.
“I-I was w-with Armin.” utal kong sagot dahil na rin sa pagkabiglang makita si Austin dito.
“Then bakit wala siya rito ngayon?” nagtanong siya.
Itinuro ko naman ang direksiyon ng bench kung nasa’n sila nakaupo kanina pero wala na sila ro’n, they are currently standing near the tracks.
“Armin is confessing his feelings to Klarense, sinamahan ko siya rito as moral support. Hindi ko naman i-nexpect na uulan pala nang malakas ngayon.” I whispered as a reply.
Mas inilapit ni Austin sa ’kin ang payong niyang dala para mas maliliman pa ’ko sa bumubuhos na ulan.
“A confession, huh, so that means Armin is gay?” he asked confused.
“Apparently, he is.” Tugon ko, sandali pa’y bumugso ang malamig na hangin pero sinangga naman ito ng suot kong jacket.
Austin was just wearing his jersey, shorts, and a pair of blue rubber shoes. Mukang galing siya sa practice ng basketball, suot niya rin ang isang backpak.
“Do you feel cold, use my jacket... naka-shirt naman ako.” Alok ko pero tumanggi siya.
“No, I’m good. You need it because I know that your skin is frail, remember that time we’re both under the acacia tree?” banat niya naman.
Naaalala ko, tama nga naman siya... Mas kailangan ko ang jacket kaysa sa kan’ya.
Sandali pa’y lumingon ako sa direksiyon nila Armin, nando’n pa rin sila at nakatayo sa gilid ng crossing. I overheard what they’re saying since it wasn’t that far.
“Masyadong... masyadong malakas itong ulan.” nagsimula ng panibagong usapan si Armin.
Tinugunan naman siya ni Klarense na ngayon ay pinapayungan na rin siya.
“Oo, malakas nga.” Tugon sa kan’ya ni Klarense.
I then heard some noises coming from the crossing alarm. May paparating na tren, the way between the tracks closed as the train got near.
“Hey, Klarense, noon pa man...” he paused to grab some air, nanlaki ang nga mata ko dahil baka ito na ’yon!
Armin... go grab that boy!
“I’ve always, I’ve always—” dito dumaan ang tren kaya hindi ko na narinig kung ano pa ang mga sinabi ni Armin kay Klarense, but I’m sure that he said what he always wanted to say.
Nang makadaan ang tren ay nagkatinginan lamang silang dalawa, walang reaksiyon si Klarense sa sinabi ni Armin.
“A-Ano 'yon? I didn’t catch you there...”
Oh crap! Of all times why now! Ulitin mo, Armin... ulitin mo!
“Looks like kailangan nang magtutuli ni Klarense.” Narinig kong tumawa si Austin, he’s right though, kailangan ngang maglinis ni Klarense ng tenga.
“Ah... Umn... ne-nevermind, it’s nothing.” Napayuko na lang ako at napahinga nang malalim, bakit naman kasi magsasalita ka Armin habang may papadaan na tren?!
But, I heard Klarense laughed.
“Ha... bakit ka tumatawa d’yan?” nagtanong si Armin.
“I really want that... all these years, I thought so.” Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin sa kanila.
“That’s what I wanted to hear, I like you, too.”
“Yes, eversince then...” Halos maghiwalay ang bibig ko dahil sa narinig, hindi ako makapaniwala.
Pinagmasdan ko ang reaksiyon ni Armin, nganga rin siya habang nakatingin kay Klarense, as in... hindi talaga niya inaasahan ’to, maging ako rin talaga.
“I fell in love with you the day I met you, and then I fell in love with the person you know you are inside.” Niyakap ni Klarense si Armin nang mahigpit, muling umihip ang malamig na hangin sa kanilang dalawa.
Now, I’ve done what I wanted to do with Armin. And still, I have some days left in this parallel world. Now, it’s time to focus on myself.
But, how can I if the Austin here... is the complete opposite of the Austin that I admired?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top