Chapter 15 - Hindrances
“It’s been two days, Armin, nabalitaaan naming hinahanap ka na ng parents mo. Nag-aalala talaga sila para sa ’yo, I even encountered your Mom.” Mama said to Armin while reading a book, nakaupo si Mama sa sofa at kami nama’y nakaupo rin sa tabi niya.
“Today is Thursday, March fifteen twenty eighteen. For the weather forecast, we will be expecting some heavy rainfall in Luzon and some other parts of Visayas. Bring your umbrellas before going out to—” narinig kong saad sa TV.
Pinatay naman ’yon ni Mama para mas maituon niya ang kan’yang atensiyon sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo ring natahimik ang paligid bago namin narinig na magsalita si Armin.
“Babalik na po ako bukas, nakokonsensiya na nga rin po ako, eh. Ngayon ko lang po naisip na hindi pala maganda yung dulot ng paglayas ko, I’m going to pack my things up for tomorrow.” Tumayo si Armin para umakyat na sa kuwarto at mag-impake.
Pero bago pa man makaakyat si Armin sa taas ay may narinig kaming ingay sa labas, isang babaeng sumisigaw habang kinakalampag at itinutulak ang gate namin.
“Armin, lumabas ka riyan! Alam kong nadidiyan ka!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Kaagad naman akong nagpunta sa bintana upang tignan kung sino ang nangangalampag sa gate, dalawa kami ni Armin na tumingin at laking gulat nito nang makita lung sino ang taong ’yon.
“I-It’s Mom.” Gulat na saad ni Armin.
Nagulat rin si Mama nang marinig niya ’yon, kaagad siyang tumayo sa sofa. She closed the book she was reading and she approached us.
“Pumunta kayo sa taas, I’m going to deal with this.” Saad ni Mama, tumango naman kaming dalawa ni Armin.
Nauna nang lumabas si Mama sa pinto kasama ang isang payong dahil malakas ang buhos ng ulan sa labas, aakyat na sana kami sa taas pero nagpaiwan si Armin sa tapat ng bintana.
“Gael, I think I’m gonna go with my Mom. I’m going to pack up my things before it’s too late.” Ngiti niya.
Tango na lang ang naitugon ko dahil kaagad rin siyang tumakbo sa taas upang kunin ang mga gamit niya.
Muli akong sumilip sa bintana para makita kung ano bang nangyayari sa labas, laking gulat ko nang makitang nagkakaalitan na sila Mama at ’yong nanay ni Armin.
“What’s going on?” Bigla akong napatingin sa ’king likuran nang may marinig akong nagsalita—si Papa pala ’yon na kagigising lang dahil sa trabahong tinapos niya kagabi.
“Missus Fidel is at the gate, Papa. Alam na po siguro ng nanay ni Armin na narito siya. Armin is currently packing his things up while Mama was talking to Missus Fidel.” Panimula ko, kaagad namang napakunot ang noo ni Papa.
“But the thing is... parang nagkakaalitan na po sila Mama at Missus Fidel sa labas.” Napahinga nang malalim si Papa at kalauna’y ngumiti rin.
“Not too bad for a morning.” Papa yawned and he stretched his arms and feet.
“Maiwan ka rito, I’ll try to talk to Missus Fidel and help your mother out.” Kumuha si Papa ng payong dahil kasalukuyan ngang umuulan sa labas.
Muli ay sumilip ako sa bintana, rinig na rinig mula rito ang usapan nila ro’n kahit malakas ang ulan. Nang sumabad si Papa sa usapan ay mas lalo pang nanliyab ang nanay ni Armin dahil sa galit niya.
“Na-traumatized po ’yong bata kaya po naglayas, hindi na raw po niya kaya ’yong sitwasyon sa bahay ninyo, Missus Fidel.” Nagsimula nang magsalita si Papa, sinundan naman ito ni Mama.
“He’s depressed because you pressured him to get high grades in school, tapos takot po ’yong batang i-express ang sarili niya sa ibang tao dahil sabi niya’y homophobic daw po ang parents niya.” Saad naman ni Mama, pero kahit anong gawin nila’y ayaw pa ring tumigil ni Missus Fidel.
“Wala akong pakialam, ilabas niyo ang anak ko kung ’di ay tatawag ako ng pulis!” Matapang ang babae, but Mama and Papa didn’t stop to persuade her.
“Kung pababayaan niyo lang po sana siyang manatili muna rito sa ’min—” hindi na nakapagsalita si Mama nang tumugon kaagad si Misis Fidel.
“Ma’am, I respect naman po kung anong punto niyo, pero wala naman po kayo sa katungkulan para sabihin ’yan sa ’kin since hindi naman po kayo ang nagdedesisyon para sa anak ko.” Matapang nitong sagot, nakakainis na siya sa totoo lang.
Kasarap niyang tirisin, my Mama in the other world wouldn’t even get this far of being like Armin’s mother. Yes, homophobic din ang parents ko pero to the point na makipag-away sila at ilayo ang anak nila sa kaligayahan...
It’s a no-no.
“Lumabas ka riyan, Armin!” muling sumigaw si Missus Fidel. Iang segundo matapos siyang sumigaw ay nakababa na si Armin sa hagdan dala ang bag niya.
“I’m going now, Gael, thanks for having me.” Ngumiti siya sa ’kin at nagpaalam.
Binuksan niya ang pintuan, sumunod naman ako sa kan’ya para panoorin siyang umalis at para ihatid na rin siya sa gate. Kumuha ng isang payong si Armin at isinindi niya ’yon, saka’y sumulong siya sa malakas na ulan.
“Armin, mabuti naman at lumabas ka na! Dalawang araw na kaming iritang-irita ng Dad mo sa paghahanap sa ’yo! Anong pakulo na naman ’to, ha?! Idinamay mo pa sila Sir at Ma’am Torres sa kabaliwan mo!” Lumapit si Missus Fidel kay Armin at kinuha nito ang braso niya.
Walang kibo si Armin habang mahigpit na hawak ni Missus Fidel ang braso niya, hinila siya nito at pilit naman siyang napapasunod. Sa lakas nang buhos ng ulan ay halos mabasa na si Armin dahil sa paghila ng nanay niya sa kan’ya.
Nakikita kong napipilitan lang si Armin, I think he doesn’t want some commotion at ayaw niyang lumaki pa ang gulo. But still, hindi bukal sa loob niya ang pagsama. Kahirapan siyang hinihila ng kan’yang nanay, naiirita na rin ang babae dahil sa kakuparan ni Armin.
“Missus Fidel, baka naman po nasasaktan na si Armin. ’Wag niyo naman po sana siyang puwersahin—” muling nagsalita si Mama pero hindi ito pinatapos ni Missus Fidel.
“Anak ko siya kaya alam ko’ng ginagawa ko, puwede po ba’y ’wag niyo na lang po akong pakialaman sa pagdidisiplina ko sa anak ko?!” Halata ang galit sa tono ng pananalita nito.
“Eh kung ’wag niyo rin po kayang pakialaman ’yong anak niyo sa mga gusto niyang gawin?!” Hindi na ’ko nag-atubiling sumagot nang pabalang.
Kumuha ako ng kapote at isinuot ko ito habang naglalakad papunta sa kanila. I just can’t take it anymore. I just don’t like these kind of people, sa inis ko’y tumugon sa gano’ng tono.
“Gusto niyong disiplinahin ang anak niyo, pero mali naman ’yong pamamaraan ng pagdidisiplina niyo. Pinagkakaitan ninyo ng freedom of expression si Armin, eh!” Nanlalaking-mata akong tinignan ni Armin, halatang natatakot na siya sa maaring mangyari.
“Puwede ba, huwag kang makialam dito. Hindi porket kaibigan ka ng anak ko ay may karapatan ka nang kuwestiyunin ang sarili kong pagpapalaki sa—” Hindi na siya nakatapos sa pagsasalita dahil sumabad na kaagad ako.
Siya naman ang hindi ko pinatapos sa pagsasalita ngayon, and how dare she say that infront of me, eh siya nga hindi niya ma-realize yung ginagawa niya.
“May karapatan ako, dahil matalik akong kaibigan ni Armin!” I interfered, I noticed that I shut her down so I continued to vent my anger on Missus Fidel.
“Pagpapalaki ba? Kaya naglayas ’yang anak mo eh, nawawalan ng kalayaan dahil sa padidisiplina—kuno—niyong ’yan.” Nanlilisik akong tumingin sa mga mata niya.
“Gael, get inside. Hindi ka rapat nakikisalo sa usapan ng mga matatanda, mali rin na sumagot ka sa mga nakatatanda sa ’yo.” Narinig kong saad ni Papa, pero hindi ko siya pinakinggan sa mga pagkakataong ito.
“Sorry Papa, pero kailangan pong malinawanagan ni Missus Fidel, eh. Dahil sobra na po ang ginagawa nila.” I then again centered the topic on Missus Fidel, I can’t control what words to say because of this anger I’m currently feeling.
“You know what, Missus Fidel, Armin deserved better. He doesn’t deserve a parent—a mother, that isn’t understanding enough to know what her son is feeling. Wala kayong kuwentang ina kay Armin!” sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ni Missus Fidel at binitawan nito si Armin, dali-dali siyang lumapit sa ’kin. It was then that I realized na sasampalin niya pala ako, pero I was ahead of her kaya nasangga ko ang sampal niya. Tinabig ko ang kamay niya para mailayo ito sa ’kin.
“How dare you!” I shouted.
Ako naman ang sumampal—dalawang beses sa kanan at kaliwang kamay. Dahil sa lakas nito’y napaupo sa basang lupa si Missus Fidel. She still endured the pain of the slap after seconds of being knocked down.
“That’s for trying to slap me, para na rin ’yan sa inyo ng asawa mo... Para mag-function naman ang mga neurons niyo sa utak para maisip niyo na mali ang hindi bigyan ng kalayaan ang anak niyo para ilabas kung sino siya at ano ang pagkatao niya!” Dire-diretso akong sumigaw nang dahil sa galit.
Mama and Papa weren’t able to talk, nganga lamang sila dahil sa ginawa ko. Patawarin nawa ako ng Diyos, pero hindi ko talaga kayang tiisin, hindi ko kayang tiisin ang galit ko para sa mga taong katulad ni Missus Fidel.
“Please lang po, nasasakal na si Armin dahil sa inyo.” I bitterly uttered.
Dahan-dahang tumulo ang luha mula sa mga mata ko, malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan at sa pagbuhos nito ay siya ring patuloy ng mga luha mula sa ’king mga mata.
Napatingin ako kay Armin na ngayon ay basang-basa na sa ulan, malalim ang kan’yang paghinga habang nakatingin sa ’kin. Hindi halata, pero... umiiyak siya.
“Hala! Gael! Lumilim na kayo, Armin, Missus Fildel...” Natatarantang nagsalita si Mama.
“Manang Teodora! Manang Teodora! Maghanda po kayo ng damit! Marami pong nabasa ng ulan!” Tumakbo si Mom sa loob ng bahay.
Dahan-dahan naman akong lumapit kay Papa at umiiyak ko siyang niyakap, lubos ang paghingi ko ng tawad dahil sa mga nagawa ko.
Hindi ko napigilan ang sarili kong huwag ilabas ang galit, dahil... minsan ko na ring naranasang masakal sa mga kasinungalingan kagaya nang nangyari kay Armin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top