Chapter 14 - Escape

“I see, so you ran away from home dahil sa rami ng kinakaharap mong problema. Didn’t you also think na gumagawa ka lang din ng problema?” ’Yon ang bungad ni Papa nang marinig niya ang istorya ni Armin, kaagad naman siyang napaatras nang marinig ’yon.

“I think so po, Sir Torres, but even so... I just want to escape from all that problems. Kahit isang araw lang po na walang pressure, kahit isang araw lang na hindi po ako dinidiktahan... I will grab that opportunity to be myself.” Matapang na sumagot si Armin kay Papa, napangiti naman ang mga magulang ko dahil do’n.

“You sure have the problems to deal with. You know what... In our teenage years, we had them too so we can relate.” Napatingin naman kaming dalawa ni Armin kay Mama, nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.

“Alam naming dalawa ni Sir Bert mo ang pinagdadaanan mo, the pressure of being an achiever yet you can’t express your identity because your parents are homophobic.” Mama surely learned everything about the problems we’re facing today, lalo na si Armin.

Kadalasan kasi ng mga tao ngayo’y hindi prina-prioritize ang mga taong kailangan ng sulusyon sa kanilang mga emotional problems, may mga tao ring sasabihin maarte at dagdag problema lang ang isang taong nag-oopen up sa kanila—particularly, parents nowadays.

Kaya naglayas si Armin dahil hindi niya na kinakaya ang pressure sa pamilya nila. He’s the only boy out of four siblings in his family, panganay pa siya kaya ang taas ng expectations ng mga magulang niya sa kan’ya.

They want Armin to be a man that can represent their family in the future, ayaw nilang mamali ang landas’ ni Armin dahil sa pagiging homosexual niya. Kailangan rin niyang palaging na sa honors dahil kapag nawala siya’y latay ang inaabot niya sa mga magulang niya.

Bukod dito, mas lalo pang na-pressure si Armin dahil just recently, nabuntis ang kapatid niya. His sister is just fifteen, kaya disappointed at galit na galit talaga ’yong mga magulang niya. They despised his sister and they said to her that she should live on her own.

Hindi na kinaya ni Armin kaya napilitan siyang maglayas, he also said that he left a note on his room confessing everything about his identity, about all of him. Na nahihirapan na siya, na napre-pressure na siya nang todo.

“Don’t worry, Armin, we understand you.” Ngiti ni Papa.

Out of the blue, I saw tears flowed down from Armin’s eyes across his cheeks. Napangiti siya at sumunggab ng yakap kila Mama at Papa, sa pagkabigla ay hindi alam ng dalawa ang gagawin.

So, I told them to hug Armin back by whispering and signalling. They did get my point and they hugged Armin back, I can clearly see the happiness inside Armin through his doings. This is the feeling of getting accepted, when the things favored as they desire them to be.

“Come now, dear. Dito ka na muna hanggang sa maghilom ang mga sugat sa puso mo. We wouldn’t mind since Gael is your bestfriend, hindi rin namin sasabihing nandito ka sa ’min.” Nagsalita si Mama, tumingin siya sa ’kin at muli siyang nagsalita.

“The guest room is currently dirty since hindi naman namin nalilinis ’yon, kapag may bisita lang namin pinapalinis. Since this was so sudden, ipapalinis muna namin ang guest room para may sarili kang space.” Mama then followed.

”Sa kuwarto mo na lang muna siya patuluyin, Gael. Kapag malinis na ang guest room, then doon na siya tutuloy for him to have a proper space.” Narinig ko pang saad niya, I nodded as I smiled.

“Tara, Armin, you need to get some rest since I knew that you woke up too early to run away.” Saad ko, kumawala na si Armin sa pagkakayakap kila Mama at Papa.

Pinunasan muna nito ang luha bago sumunod sa ’kin sa taas, I opened the door of my room and let him in. Medyo nahihiya pang pumasok si Armin sa kuwarto ko, as I close the door I heard him mumble.

“Ang suwerte mo naman, Gael, you have some understanding parents and you can do whatever you want. You’re having the time of your life, there’s lot of books here, me’ron ka ring PC set at higit sa lahat... mahal ka ng mga magulang mo.” He smiled, maski sa mga mata niya’y nakikita ko talaga ang sakit.

“Yes, masuwerte ako. Napaka-suwerte ko dahil na sa ’kin na’ng lahat, pero nalulungkot din naman ako.” Nilampasan ko siya upang ihanda ang kama at makapagpahinga siya.

“Bes, nasasaktan ako kapag nasasaktan ang mga tao sa paligid ko.” Nang maayos ko na ang kama ay umupo ako rito, tumingin ako sa kan’ya habang nakangiti pa rin.

“Dapat masaya ka palagi, smile like you always do.” Saad ko pa, dito niya na ako tinabihan at dalawa na kami ngayong nakaupo sa kama.

“Hindi naman ako pala-ngiti, eh. How can I express myself more?” tanong naman niya. He proceeded before I could even answer.

“I can’t express myself in school and I always try to hide everything about me. Palagi kong tinatago kung ano ako, kahit gusto kong gawin, hindi ko magawa. Natatakot kasi akong mahusgahan, eh.” Nakangiti pa rin siya, ngunit sa mga pagkakataong ito’y lumuluha siyang muli.

“Hindi mo kasi kailangang pilitin ang sarili mo, you could say whatever you want to say. You could also do whatever you want to do, whatever the things you’re thinking you can’t do.” Tumugon naman ako, humiga ako saglit sa kama at tumitig sa kulay puting kisame.

“Alam mo, Bes, masuwerte ka rin dahil may mga taong naririto para tumulong sa ’yo. I know na lahat naman ng problema ay sakit lang din ang dulot kapag hindi nasulusyunan, so every problem is even.” Tumawa ako matapos magsalita.

“How ironic, isn’t it?” tanong ko sa kan’ya habang tumatawa pa rin.

Nakita ko naman siyang humiga rin sa kama at nakatitig na rin sa puting kisame. He digged deeper into his thoughts while staring at the ceiling.

“Madami akong problema, Bes.” Narinig kong sumagot si Armin, bumalikid ako para tignan siya at gano’n din siya sa’kin.

“Pero... bukod sa mga problemang kinakaharap ko ngayon, there’s one that I’m simply afraid to face.” Ngumiti siya

Ngayon ay wala nang halong kalungkutan. Tumingin siya sa ’kin at muli siyang nagsalita. Halos mawalan naman ako nang hangin dahil sa katatawa sa sinabi ni Armin, and by this ay alam kong nanumbalik na ang loob niya.

Gugustuhin kaya ako ni Klarense kahit wala akong kipay?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top