Chapter 13 - Suicidal
“Viva Nobilista, viva Academia!”
The photographer captured a photo of our class for our batch picture, nang makunan kami ng litrato ay kaagad din akong bumaba ng stage para pumunta naman kila Mama at Papa na ngayon ay nakiki-kamay sa ibang mga panauhin kanina sa graduation ceremony.
Nang makalapit ako sa kanila’y kaagad akong niyakap ni Mama at nahahalata kong masayang-masaya siya ngayon, I don’t know exactly what she feels but it’s that sort. Ang saya rin sa pakiramamdam na makita ko siyang masaya, because I haven’t really saw her as happy as she is now. Saka ano nga rin bang rason kung bakit gano’n na lang ang reaksyon niya?
“I know what you did there, Gael!” bulalas ni Mama sa ’kin habang dala pa rin ang masaya niyang ngiti. Saglit naman akong napaisip sa sinabi niya, and I thought about my speech earlier—that must be where she’s coming from.
So ’yon naman pala, maging ako nga rin ay nabigla kasi nagawa kong nag-impromptu nang gano’n kalinis.
It’s about the impromptu speech, at maging ako ay humahanga sa sarili ko dahil sa naipakita ko kanina. Hindi ko alam kung sa’n nanggaling ’yon, I just let myself speak freely, think about what’s relevant to say and deliver it with ease, and end the speech with a proper conclusion.
“Tumatanaw ako sa podium, wala kang copy. Hindi ka rin naman kaagad nakagawa ng speech mo dahil alam mo na... naiwan natin sa bahay ’yong kopya, but it was as spectacular as I can describe! I’m very proud of you, Gael!” Narinig ko namang pinuri ako ni Papa.
It felt like I won the lottery when I heard those compliments from my parents, tuwang-tuwa ang kalooban ko habang naririnig ko mula sa kanila ang mga compliments, ang mga papuri, and the praise. Ang saya sa pakiramamdam na marinig silang ipinagmamalaki nila ako.
“I didn’t know that you have that kind of skill in impromptu speaking, maging ’yong ibang mga guests napanganga mo dahil wala kang kahit anong kodigo ng speech mo.” Papa praised me more, napangiti na lang ako nang marinig ’yon galing sa kanila.
“So, what do you want us to buy you as a gift for your success?” Mama proceeded, pero walang pumasok sa isip kong kahit ano. Kuntento na akong marinig na masaya sila sa nga ginawa ko.
I want no material thing in particular, I only want them to see what I got for them, to see the efforts I shed, to see me, to be proud of me—in which I haven’t really experienced back on the other side. Pero ngayon... nakaka-flutter, the feeling was surreal and it feels good to be seen.
“I just want all of us to be together, that’s all.” Tugon ko naman sa kanila, nagkatinginan naman sila Mama at Papa matapos kong sabihin ’yon.
“You’re really growing up, Gael. Don’t worry, we’re going to have fun this summer vacation.” Ngiti naman ni Papa.
“Now, go greet you classmates goodbye. Maybe this is the last time na makakasama mo sila so greet them farewell.” Dagdag pa ni Papa, tumango na lamang ako at sandali pa’y nagpaalam muna sa kanila.
I greeted my classmates goodbye, as expected ay marami sa ’min ang magtra-transfer pagdating ng senior high school. Marami rin namang mananatili rito sa Saint Anthony’s, dito pa rin mag-aaral si Pressy, Armin, Klarense at si Austin.
Wala rin silang gagawin sa summer break in particular, I suggested na magkita-kita kami and they agreed except for Pressy. She said that she wanted to help her parents to sell their goods on the public market kaya baka ’di raw siya makasama, okay lang naman sa ’kin ’yon since alam ko rin naman ang sitwasyon niyang naging sitwasyon ko rin.
Maybe, this is also the last time that I’m seeing Austin. Ilang araw na lang ang nalalabi at babalik na ’ko sa totoong mundo, it’s a nice thing to be in this world. Ipinadama nito sa ’kin ang tunay kong halaga bilang isang tao, at ipinadama ng mundong ’to sa ’king may katuparan ang mga bagay na impossible kong makuha.
Napakabuti ng mga tao rito, naoakabuti ng buhay ko rito, napakasaya ng naging paglalakbay at pakikibaka ko rito. Hindi ko naranasang maging malungkot dito dahil lahat ng dating nagbibigay-lungkot sa ’kin ay ang kasiyahan ko na ngayon.
At dahil kaligayahan at kalayaan na lang din naman ang usapan, naalala ko ang sinabi ko kay Armin. Sabi ko’y tutulungan ko siyang mag-open up sa parents niya after graduation. I guess I still have priorities, I couldn’t abandon my bestfriend.
***
Ingay ng cellphone ang bumungad sa ’kin pagkagising ko, it was the day after graduation. It was the beginning of summer break, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko’t nakitang may tumatawag sa’kin. Saglit ko munang pinagmamasdan ang paligid ko, maaliwalas na ang kuwarto ko dahil sumikat na ang araw.
I then turned to my phone and fetched it from the stool on the side of my bed, only to see that Armin’s calling me. Saglit naman akong nagtaka because he’s calling me first thing in the morning.
“It was Armin, ano kayang sasabhin sa’kin nito?” I muttered as I yawned and wiped my eyes before finally answering the call.
“Hello, Bes, anong ganap?” bungad ko, still having a drowsy tone. Pero bigla na lang akong nakarinig ng pag-iyak, nagulat ako sa narinig ko at kaagad nabuhay ang dugo ko sa katawan.
“Bes?! Armin?! Anong nangyayari sa ’yo?!” bulalas kong tanong sa kabilang linya, nagpatuloy pa ng ilang segundo ang pag-iyak niya bago ko siya narinig na kumalma.
Tuluyan nang nawala ang antok na kani-kanina lang ay nadarama ko dahil sa gulat at pagkabigla. Bigla na lang nagising ang diwa ko nang wala sa oras, lumukso ang mga dugo ko sa ’king mga ugat nang marinig ko ang best friend kong umiiyak sa kabilang linya ng telepono.
“Bes... Gael... I can’t take my parents anymore.” I heard Armin cried on the other line.
Kaagad naman akong napatayo sa hinihigaan ko at kaagad akong nagbihis ng pangbahay na damit mula sa ’king pantulog habang kinakausap pa rin siya sa kabilang linya.
“Bes, ayo’ko na.” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya ’yon. Sa gulat ko ay kaagad akong napabulalas. Hindi, hindi p’wede!
“Armin! ’Wag mong gawin ’yang binabalak mo! Narito naman ako, eh! Armin naman! Na’san ka ngayon? Pupuntahan kita! Mag-usao tayo, Armin!” Sigaw ko sa sobrang nadarama kong kaba, my heart is pounding like crazy!
Nang makabihis ako ay kaagad akong bumaba at nagmumog, matapos no’n ay kinuha ko ang isang bisikleta sa garage upang lumabas. Kaya naman akong ihatid ng driver namin pero sa sobrang kaba ko ay ’di na ’ko nakapagsabi pa maging sa mga magulang ko na lumabas ako ngayon.
Nagmamadali ako kaya hindi na rin ako nakapag-paalam kila Mama at Papa, hindi naman nila napansing umalis ako. I don’t want to worry them but Armin is somewhat more urgent, I can’t bear to think about what will happen to him, baka magpakamatay siya!
“Armin, where are you?! Answer me, nasa’n ka?!” Minsan ko pang tanong habang naka-attach ang phone ko sa isang phone holder na nakalagay sa handle ng bike.
Nakasuot rin ako ng headphones para mas clear ko siyang mapakinggan sa kung ano mang sasabihin niya. Habang pumipedak ako ay mas lalong umiigting ang kabang nararamdaman ko. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya sumagot kaya labis-labis ang kabang nararamdaman ko.
“I’m at the school, Gael, I ran away.” Saglit pa’y narinig kong tumugon si Armin sa kabilang linya. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya, kaagad ko namang pinedal ang bike patungo sa school.
Nang makarating nga ’ko ro’n ay nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa school park. He was crying, dala niya ang isang backpak habang nakasuot siya ng standard uniform ng Saint Anthony’s na pinatungan niya ng hoodie jacket. Kaagad naman akong tumakbo patungo sa kan’ya at sinigaw ko ang pangalan niya.
Nalulungkot akong makita siya nang gan’to dahil naranasan ko rin ang kasalukuyan niyang pinagdadaanan ngayon. I don’t want to bring out the past but it suddenly haunted me when I saw what has been happening to my best friend. Nakakadurog ng pusong masaksihan ang isang taong malapit sa ’kin na na sa gan’tong estado.
“Armin!” I shouted.
Tumakbo ako palapit sa kan’ya. Napatayo siya sa kinakaupuan niya at humarap sa ’kin, nanatili lang siyang tulala habang tumatakbo ako palapit sa kan’ya. From a distance, I can see that he’a feeling a sense of relief, I can see his eyes filled with fear as it starts to be filled with comfor.
Niyakap ko siya nang makalapit ako, I hugged him tightly to that point that I didn’t wanna let him go. Mahigpit na mahigpit na para bang ayo’ko siyang pakawalan sa mga bisig ko. And when I hugged my best friend tightly, I felt like he was a broken glass ready to scatter but he keeps on being together for his own good.
“Akala ko naman magsu-suicide ka na! Don’t ever say those words again!” I cried in front of him, tightening my hug as I shed my feared tears.
This time ay may sense of relief naman na akong nadarama dahil hindi naman nangyari ang iniisip kong mangyari. Para akong naging isang nanay na kino-comfort ang kan’yang anak, I’m caressing his back and hair.
Armin did also cry on my shoulders, he let it all out—his anger, his fears, his frustrations, his sadness, he let it all off. After a moment of crying, he faced me with a smile, he’s now feeling okay and can clearly speak well without any form of fear.
“Silly, may takot ako sa Diyos. Para sa’n pang nag-aral ako sa isang Catholic School kung ’di ko susundin ang mga napag-arakan ko rito?” Nagbiro pa siya habang pinatatahan pa rin niya ang kan’yang sarili.
Bakas pa rin sa kan’ya ang sakit kahit magbiro man siya.
I can sense his problems... He chose to run away.
“Basta, ’wag mo na ’kong pinapakaba nang gano’n. Alam mo namang isa ka sa mga mahahalagang tao sa buhay ko, eh!” Napaluha na rin ako out of frustration, yumakap ulut ako sa kan’ya at ’yong tipong ayaw ko na talaga siyang bitawan.
“Promise me, Armin, don’t do this kind of thing again!” I made a firm stance once more.
“I promise.” Narinig ko namang tugon niya. Nangako siya nang wala nang takot na nadarama at nangako siyang hindi na nilalamon ng takot at lungkot.
My summer vacation started with a splash of shock and fear. Out of the blue, Armin ran away from his parents. Hindi ko naman siya masisisi kung ano man ang rason niya do’n dahil napakasaklap ng sitwasyon niya, I know how this feels since I’ve been through this.
“Sa ’min ka muna mag-stay habang pinag-iisipan mo pa kung anong gagawin mo.” I suggested that he should stay with us in our home as he figures things out.
“Yeah, wala naman na rin akong ibang mapupuntahan. Ikaw na lang ang me’ron ako sa ngayon, Gael.” Umiiyak niyang tugon.
“Sige, I’ll tell Mama and Papa once we get home. I’m sure that they’ll understand.” Ngiti ko naman.
Moments later, we found ourselves riding the bike I rode when I got here to Saint Anthony’s. Inangkas ko na lang siya since nakalimutan ko ring magdala ng perang pamasahe pauwi dahil nagmamadali ako—we could’ve taken a ride home but I was too shocked and agitated that I forgot to bring on the essentials.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top