Chapter 10 - Ironical

“Gael, pinatawag ako ni Sir Torres kanina sa office niya.” Napalingon ako nang marinig kong magsalita si Pressy sa ’king likuran. Kaagad akong bumungad ng ngiti sa kan’ya pero nang matanto ko ang sinabi niya ay napaisip ako nang bahagya.

Nakapagtataka naman dahil hindi naman siya gumagawa ng kung anong kabalbalan, malabo namang ma-office si Pressy dahil mabait naman siyang tao. So it might be a different reason kung bakit siya pinatawag sa office ni Papa, a good reason perhaps.

We’re currently at the school park, I skipped recess with Armin just to meet her here because she said that she has something important to tell me. It turns out to be this, kaya nagtataka ako kung bakit. Pressy could be the kind of person that would pop out anywhere without a person noticing, I just knew that based on what she’s doing.

“Bakit, nakipag-away ka ba or something?” I then followed by asking a question, umiling naman siya bilang tugon. Saglit pa’y naghari ang katahimikan sa ’min. Seconds later, Pressy broke the silence between us when she decided to utter.

“Sir Torres called me to his office, he said that he’ll cover all my expenses for the next school year. Sobra akong nabigla, Gael. It was very unexpected. I know na may kinalaman ka ro’n and... tinotoo mo ’yong sinabi mo sa ’kin.” Ngumiti si Pressy at dahan-dahan niyang sinabi sa ’kin ang mga bagay na ’yon.

Saka ko lang din na-realize na ’yon pala ang tinutukoy niya, I did tell Papa about her current situation. Sinabi kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon dahil sa financial matters ng pamilya niya, masasayang lang naman din kasi siya kapag

“Sir Torres doesn’t want to lose someone like me in this school kasi matalino raw ako at napakataas daw ng potential ko. He said that I should continue studying here. Hindi rin niya gustong huminto ako dahil masasayang lang daw ang talino ko, it’s my first time to hear such compliments.” Napanganga ako nang mamasdang tumutulo na ang luha sa kan’yang mga mata.

“It’s the first time, Gael, unang beses na may pumansin sa mga achievements ko. For the first time, may nakakita sa ’king halaga. I feel so... strange, napaka-fulfilling pala ng feeling na naa-appreciate ka.” Marahang ngumiti si Pressy ngunit nababatid ko na ang kan’yang kasiyahan.

I can feel her outmost happiness with the smile she’s showing. I would feel the same thing if someone said those that she’ve heard to me. Napaka-fulfilling nga ang feeling na ma-appreciate ng kapwa sa mga ginagawa natin, at nakikita nila ang halaga natin—something I’d barely to not experience on the other side.

Walang nakapansin sa halaga ko sa kabilang mundo, wala akong halaga sa mga tao ro’n. Kaya rito, I would make that happen to the ones who experience what I’ve experienced. Revenge to Pressy is not an option just because of what happened to me back then, because the Pressy in this world wasn’t that Pressy.

To add up, I would not get my hands on her if I decide to take revenge. Biktima lang din si Pressy ng makamundong standards ng mga magulang niya at ng henerasyong ito. Natatandaan ko pa ang sinabi niya, she’s also pressured by her parents in the real world. Hindi niya ginusto ang mga natatamasa niya, at hindi niya raw ’yon kailangan.

“Oh, good for you then. Have you accepted his offer?” magiliw akong nagtanong ko sa kan’ya. Batid pa rin ang ngiting ngayon ay lumalaki sa kan’yang labi.

Tumango naman si Pressy at halata ko na kaagad na masayang-masaya siya. Sandali pa’y nakita kong tumulo ang ilang butil ng luha mula sa kan’yang mga mata, dahil na siguro ’yon sa sobrang saya ng kan’yang nararamdaman. Habang tumutulo pa rin ang kan’yang luha, she gradually wiped it with her handkerchief.

“Tinawagan ko na rin kanina sila Nanay at Tatay dahil sobrang excited akong ibalita ’to sa kanila, pumayag ang mga magulang ko, Gael. Hindi na ako hihinto for the incoming year, hindi ako maiiwan. I’ll take this opportunity to study better!” Bulalas pa niya at halos mapunit ang kan’yang pisngi sa lapad ng kan’yang ngiti.

Pressy’s so determined, she really reminds me of who I am in the real world. I swear I’m going to help Pressy, not just her but for Armin and Austin as well. I know that there’s something that needs to be done. Ayo’kong pagdaanan ng mga tao rito ang kagaya sa pinagdaanan ko.

I swear, I’n going to make a lot changes here.

***

Two days have passed since I got here, I’ve done so many things I wanted to do. Isang araw na lang at graduation na, and now I’m starting to befriend Pressy. Nararamdaman kong mas nagiging komportable na siya sa ’kin, nag-oopen up na rin siya at madalas na kaming nag-uusap.

Naririto ulit kaming dalawa ni Pressy sa school park malapit sa open area, walang masyadong tao ngayon dito sa school dahil kakaunti na lang din ang pumapasok. Malapit na nga ang graduation namin, kami-kami na lang din ang naririto habang ang iba nama’y pinalalampas na lang ang mga araw sa kanilang mga bahay dahil wala naman nang ginagawa.

“Siya nga pala, Gael, I wanted to ask you this. Since it’s been four years, I wanted to tell you that...” Nakita ko siyang lumunok, yumuko at huminga nang malalim. Para bang kinakabahan siya sa kung anong sasabihin niya sa ’kin.

“Gael, I like you eversince!” Napanganga ako sa sinabi niya. Sa gulat ko’y nadulas ako sa kinatatayuan ko at bumagsak ang puwetan ko sa damuhan.

Napadaing ako ng aray dahil medyo matigas ang binagsakan ko, nagulat din naman si Pressy kaya kaagad niya ’kong itinayo. Napatawa siya dahil sa nangyari pero ’di pa rin naaalis sa kan’ya ang kaba. Gulat na gulat pa rin ako sa nangyari pero pinilit kong kumalma at huminga ako nang malalim para pagkalmahin ang sarili ko.

She likes me?

This Pressy likes me?! Is she out of her mind?!

But why me of all the boys of this academy? bakit ako pa?!

“Pero bakit ako—” I never finished my sentence, tumugon kaagad siya.

“I already know that you’re going to react this way, I never should’ve told you.” Nahihiya ako sa kan’ya ngayon at gusto ko nang tumakbo paalis, gagawin ko na sana ’yon nang hawakan  niya ang braso ko upang pigilan ako.

“I like you since seventh grade, but I never told anyone, though. Alam ko namang ire-reject mo ’ko kasi hindi naman mga babae ang gusto mo.” Alam niya naman na pala eh bakit pa siya umamin? Bakit kailangan ko pang makaramdam ng matinding hiya?!

This world is full of unusual people, I’ll never knew what they think or feel unless they say it. Hindi ko pa kilala nang lubusan ang mga tao rito, ’di ko alam kung pa’no sila mag-isip. Isang malaking twist talaga ’tong pangyayaring ’to, hindi ko talaga ’to inaasahang mangyari!

Saka ko lang din naalalang nag-confess nga pala si Austin kay Pressy sa kabilang mundo. Ni Hindi sumagi sa isip ko na gan’to pala ang magiging kabaliktaran ng scene na ’yon, aamin pala sa ’kin si Pressy! What a bizarre and chaotic coincidence! Sa ’kin pa talaga siya nagka-gusto of all people!

“Alam mo naman palang matu-turn down ka, Pressy. Alam mo, sinasaktan mo lang ang sarili mo.” Sarkastikong tugon ko sa kan’ya, kaagad namang binitawan ni Pressy ang braso ko at hindi siya umimik. Pero bigla na lang akong nakarinig ng boses mula sa likuran ko.

“And so do you... and I.” Napalingon ako sa ’king likod nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, nagulat ako nang makita ko si Armin na naglalakad papunta sa ’min.

Bitbit niya ang isang pagngisi sa kan’yang mukang halatang nasisiyahan sa mga nangyayari. Nakalagay ang kan’yang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang itim na hoodie. Naglalakad siya ngayon papalapit sa ’ming dalawa.

“You did the right thing, Pressy, even though inaasahan mo namang mangyayari ay hindi ka pa nag-alangang sabihin. How brave.” Saad niya, umakbay siya sa ’kin matapos ’yon.

Nadama ko ang bigat ng braso ni Armin habang nakaakbay siya sa ’kin, dadaing na sana ako pero nagsasalita pa siya kaya’t tiniis ko na lang ang bigat ng braso niya. Nakasimangot lang ako habang nakatingin kay Pressy at habang pinakikinggan ko siya.

“Mas masasaktan kasi tayo kapag mas pinili nating manahinik, pero kapag inilabas na natin ang mga feelings natin mula sa puso... p’wedeng magbago ang lahat.” Armin pointed his arm at the nearby Acacia tree, I was shocked to see someone lying down there—sleeping.

It was Austin, he sleeps peacefully under that tree. May mga nalalaglag na mga dahong hinahangin mula sa puno, unan niya ang kan’yang bag habang nakapatong naman sa kan’yang tiyan ang kan’yang dalawang kamay. Ihinahangin ang dulo ng kan’yang polong nakabukas, gayon din ang kayumanggi niyang buhok.

“Kung mas maaga tayong aamin sa mga taong gusto natin ay magiging mabuti ang magiging desisyon natin, but some of us weren’t able to show how they truly feel because of some issues that can affect the way they live.” He stopped pointing on Austin’s direction and instead, he pointed at himself.

“That’s my situation.” He smiled as the gentle wind blew on his face.

“Alam ko naman na rin ang sagot, even though, I still tried. Wala namang masama ’di ba? Tama ka, mas lalo lang tayong masasaktan  kapag mas lalo pa nating kikimkimin” Saad naman ni Pressy, she then walked away as she said goodbye.

“We’ll just be friends, Pressy, and I hope you’re happy with that.” I smiled, she waved and shouted as she walked. Sa nakikita ko sa muka niya ay kontento siya sa naging desisyon niya.

“I look forward to it!” She shouted as she ran. Soon enough, she vanished from our sight.

Dito na ’ko pinakawalan ni Armin mula sa pagkaka-akbay niya, nakahinga na rin naman ako nang maluwag dahil do’n. Masama kong tiningnan si Armin dahil ilang minuto ko ring ininda ang bigat ng kan’yang braso.

“Ang bigat ng braso mo!” reklamo ko pero napatawa na lang siya.

“Gano’n umarte ang mga straight na tao, worth it naman ’yong facade ko sa iba so be grateful na lang.” Ngisi niya, umirap naman ako at bumuntong-hininga.

“Pressy really had the guts, ano? I’ll never have that much confidence.” Nakita kong napakamot sa ulo si Armin nang banggitin niya ang bagay na ’yon, bahagya naman akong napatawa.

“And you have the audacity to advice something like that earlier, what an irony.” I laughed sarcastically as I looked at him with a flattered gaze.

“Aba, nakakahiya sa ’yo, ha. Hoy, remember... hindi ka nga makaamin-amin kay Austin. Alam ko namang may nararamdaman ka towards him and ’di mo kailanman dinis-close ang bagay na ’yon.” Nagulat naman ako nang sabihin niya ’yon. I pushed him to the bench right after he said that.

“Don’t be too loud, nand’yan lang siya sa Acacia tree, oh!” I hushed, nakita ko naman siyang ngumisi habang nakatingin siya nang nakakaloko sa ’kin.

“It looks like I need to also do something for you, Armin.” I sat on the bench where I pushed him to sit and shush, isinandal ko ang likod ko at dumi-k’watro.

“We’ll try to open up your identity to many people. The first will be your parents, things just can’t go on like this.” Nakita ko namang napaiwas siya ng tingin.

“Imposible ’yon, Gael. How the hell can you convey them, aber?” Napatawa ako nang marinig ko ang sinabi niya, saglit naman akong tumingin sa kawalan, sa bughaw na langit na pinalilibutan ng mga makakapal na ulap.

“We’ll think of a way.” I smiled at him as I took a deep breath.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top