Chapter 1 - Friend
I opened my eyes as soon I heard the sound of the bell chime, it’s then I discovered that I slept under an Acacia tree on our school’s park. It was already one in the afternoon, I spent all the time in lunch break on just sleeping. What a fuss, nananaginip lang pala ako all along.
Pangatlong all-nighter ko na ’to, kasagsagan na kasi ng fourth grading namin ngayon at napakaraming ipinapagawa sa ’min. Wala talaga akong tulog nitong mga nakaraang araw, kung me’ron man ay ilang oras lang kaya palagi akong nakakaidlip sa tanghali. Minsan nga’y malapit pa ’kong nahuhuli sa first period sa hapon dahil lang sa nakakatulog ako.
“Ang bilis naman ng lunch break, nananaginip pa ’ko, eh.” Tawa ko at tumayo ako sa ’king kinauupuan.
Nanghihinayang ako, oo. Sayang lang talagang kailangan ko pang magising sa isang napakagandang panaginip, parang ayaw ko na ngang maising kasi napakaganda ng panaginip ko.
Also, whenever I sleep these days ay napapanaginipan ko si Austin Bautista, a fellow classmate of mine that I have a crush ever since seventh grade. Crush ko siya to the point na napanaginipan ko na siya, I’m so into him that he’s always showing up in my dreams, pero bilang lang naman ang encounters namin sa totoong buhay.
Pero just like I thought it would be, malupit ang pagkakataon dahil pareho kami ng kasarian. Austin and I are both boys, may kan’ya-kan’ya rin kaming buhay at kan’ya-kan’yang mga bagay kung sa’n umiikot ang aming mga mundo. Too sad to say, I’m a guy and I’m way out of his league.
Siya ang mundo ko, pero hindi ako ang mundo niya. Magkaiba rin kami ng antas sa buhay, mayaman siya at mahirap lamang ako. Napakalayo ng agwat naming dalawa, napakalayo na para mapalapit pa ako sa kan’ya.
Sa taong gusto ko pa lang ay malalaman na kaagad ng isang tao kung ano ako. Yes, bakla ako pero hindi ko ’yon pinapaalam sa iba. Walang nakaalam sa buong school at even sa pamilya ko sa kung ano ang totoong ako. There are too many reasons behind it and I’m trying to conceal myself because of them.
First thing is the school, since it’s a Catholic school ay bawal ang mga katulad ko sa loob nito. Ipinagbabawal sa school na ’to ang iba pang gender other than man and woman. The society does work faster than a bullet, malaman lang nilang ikasisira ng isa ay kakalat lahat ’yon sa buong lipunan kung nasa’n sila.
Bukod sa school ay homophobic din ang mga magulang ko kaya hindi ko ino-open-up ang sarili ko sa kanila, natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan if ever na malaman nila kung sino talaga ako. Baka itakwil nila ako, at ang masama pa’y baka mapatay nila ako kapag nalaman nila ang totoo kong pagkatao.
Ang pangalan ko ay Gael Torres, I’m a sixteen-year-old teenager and a tenth grade scholar of Saint Anthony of Padua Catholic Academy. Sa paaralang ’to ay mayayaman lang talaga ang may kakayahang makapag-aral, kaya bilang lang din sa kamay ang bawat istudyante sa isang section. Scholar din ako rito, and I’m just lucky that I made it this far with the struggles I had in life.
During my elementary days ay pinangarap ko na talagang mag-aral dito. Dahil nga wala kaming perang pangbayad ng tuition ay ’di ko talaga kakayaning makapasok dito. Sometime later, it came to me that this school accepts scholars with an average above ninety. Isang teacher ko no’ng elementary pa ’ko ang naglakad sa ’kin para maging scholar sa school na ’to at sa kabutihang palad ay natanggap naman ako.
But the more I wanted to shine in this environment, the more I get outshined by many. There were lots of smart students here at Saint Anthony’s, nahihigitan ko naman ang iba sa kanila pagdating sa academics pero may isang tao talagang hindi ko kayang lampasan.
A girl at the age of mine named Pressy Damaso, the granddaughter of the principal of this Catholic academy. She’s a smart and diligent young lady, iginagalang at tinitingala ng lahat dahil sa kagandahan niyang taglay, artistahin ang muka, maganda ang personality sa ibang tao, amd I bet na masaya rin siya kasama. Siya na nga yata ang pinakamagandang babae sa buong school namin at napakarami niyang manliligaw at marami ring nais siyang maging kaibigan.
The bright girl will always be bright and the loner will always be a loner—ang sabi nga nila. Exceptional si Pressy kasi kahit apo siya ng principal ay makikita namang napakatalino talaga niya. Hindi niya ginagamit ang pagka-principal ng lolo niya para lang sa pansarili niyang kapakanan. Kahit anong gawin kong pag-aaral ay hindi ko talaga siya malampasan kahit isang beses lang, walang silbi kung mataas man ako dahil mas mataas naman siya sa ’kin.
Austin is also popular among the girls because of his looks and charm, gaya ni Pressy ay matalino rin siya at may magandang personality. Dahil nga rito’y sila Austin at Pressy ang pinaka-popular na mga tao rito sa school, madalas din silang shini-ship ng iba naming mga classmates dahil bagay daw silang dalawa. Totoo naman, parehas naman sila nang estado sa buhay at higit sa lahat ay hindi sila magkapareho ng kasarian.
Ang akin lang is nasasaktan rin ako dahil gusto ko nga si Austin, masakit isiping ibinabarko sa iba ang crush ko. I kinda wish na sana’y gaya rin ako ni Pressy—mayaman, maimpluwensiya, matalino, at higit sa lahat ay babae. Pero wala, eh. Unfair sa ’kin ang mundo, at wala naman akong magawa kasi napaka-complicated nito. Complicated ang sitwasyon at pagkakataon.
Nagsimula akong lumakad papunta sa ’ming classroom habang nakikisabay sa bugso ng mga istudyante sa hallway, I’m a nobody within a flood of people who are either chatting with their friends or merely just being with someone related to them. Sa sahig lang ako nakatingin dahil nahihiya akong tumingin sa ibang tao, who am I even to look at them?
Sa paglalakad ko sa hallway ay bigla na lang akong nagulat nang maramdaman kong may umakbay sa ’king isang tao, nanlamig ang buong katawan ko at nanigas ang mga kalamnan ko dahil sa gulat, napatayo rin ang balahibo ko dahil dito.
It was then I realized that it was Armin Fidel—also a classmate of mine here in Saint Anthony’s, he’s my best friend and my only friend among the other students here.
Wala akong kaibigan bukod sa kan’ya, Armin is the only person who actually understands how I battle with my life. Siya lang din ang nakakaalam kung ano ang mga itinatago kong problema at sikreto. He’s fine with me and he enjoys our time together, sabi nga niya’y mas gusto niya pang sumama sa ’kin kaysa sa ibang tao rito sa school.
Armin is just like me, he’s gay and is also into guys. Isa rin siyang scholar na galing sa isang public school. But unlike me ay tanggap naman ng lahat ang pagkatao niya, inilulugar niya ang pagiging homosexual niya sa loob ng school, paglabas naman niya ay do’n na siya labis na nagpapakatotoo sa sarili niya.
Bukod dito ay neutral din ang relationship niya between people and himself. He loves and adores himself, palakaibigan siya, masayahin at medyo magaslaw sa kilos at salita, at isa siyang mabuting estudyante.
Nagtataka nga ang marami kung bakit ko siya naging kaibigan, pero simple lang ang dahilan no’n—it’s because we’re both alike, in gender and in lifestyle, so we’re compatible with one another as friends.
Sa sitwasyon ko naman, I have no friends because of my outlook, sa tingin kasi nila’y trying hard akong maging number one which is true in some aspects, pero it wasn’t that way. Gusto kong taasan si Pressy para makita naman nila ang halaga ko, na katulad rin niya akong magaling.
But my efforts to be the best made a huge impact on how people view me externally. When they heard what I was aiming for top one, they misunderstood it and they called me out. They thought that I wanted to outshine Pressy, so they treated me like an outcast instead. Even though I was in second on the top of our class, I felt like I’m an instant looser.
“Bes, kumusta tulog mo ro’n sa ilalim ng Acacia?” bungad na tanong ni Armin. Bumalik naman ako sa ulirat mula sa iniisip ko at napatingin ako sa kan’ya. Napangiti na lang ako nang malamang alam pala niyang nakatulog ako kanina ro’n sa ilalim ng puno.
“Alam mo palang nakatulog ako ro’n, ’di mo pa ’ko ginising. Nakakahiya kaya, pa’no kung may ibang taong nakakita sa ’kin?” tanong ko naman, narinig ko naman si Armin sa paghagikgik niya.
“Pa’no kita gigisingin, eh alam ko namang puyat na puyat ka Remember na tambak tayo ng schoolworks ngayon and alam ko ring pangatlong all-nighter mo na.” He responded, sabagay ay alam naman niya ang pinagdadaanan ko dahil parehas din naman kami ng sitwasyon.
“Bukod do’n ay humahalinghing ka pa nga, you’re saying Austin’s name in your sleep.” Kaagad akong napabaling ng tingin sa kan’ya, nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.
He heard me mumbling Austin’s name in my sleep?! So ayos lang na siya lang ang nakakita at nakarinig sa ’kin habang natutulog sa ilalim ng puno. Kung may iba pa sigurong taong napadaan do’n ay... sandali lang... siya nga lang ba ang dumaan do’n?
“Armin tell me, ikaw lang ba ang napadpad do’n sa area na ’yon kanina?!” natataranta kong tanong sa kan’ya. Ngumiti naman siya at tumango.
“Yeah, na sa canteen ang karamihan sa mga tao and wala namang napapadpad do’n because they’re afraid of nature. Alam mo naman ang mga rito.” Pabiro niyang sagot, nagtiwala naman ako sa sinabi niya at nakahinga na ’ko nang maluwag.
“And are you sure that I’m mumbling his name in my sleep? Baka naman nagkamali ka lang ng dinig.” I uttered again, Armin then shocked his head and he smirked at me.
“Gael naman, alam ko ang lahat tungkol sa ’yo. Bestfriend mo ’ko, hoy! Mas marami pa ’kong alam na mga bagay sa ’yo kaysa sa sarili mong mga magulang. They don’t even know you’re friends with me kasi nga homophobic mga magulang mo.” Buntong-hininga niya.
Tama naman si Armin, hindi alam ng mga magulang kong kaibigan ko siya kasi tiyak kong kakamuhian lang din nila si Armin kapag nalaman nila. Besides, they don’t wanna know it in the first place. Tanggap ko na rin ang sinasabi ng ilang buti’y kinaibigan pa ’ko ni Armin, kung ’di ay talagang magiging mag-isa ako sa paaralang ’to.
“So, napanaginipan mo ba siya?” tanong niya. Dito na ’ko huminga nang malalim at inisip ko ang mga nangyari sa panaginip kong unti-unti nang nabubura sa utak ko. I replied as I sighed right after I thought about the dream I had.
“Oo, I dreamed about him a while ago. In my dream, he confessed his feelings.” Ngiti ko naman kay Armin, nakita ko naman sa kan’ya ang hinahanap kong reaksiyon.
Ngumisi si Armin at halos mapatili na pero pinigilan pa niya ang sarili niya. Nakita ko ang pagningning ng mga mata niya at ang galak sa mga kilos niya nang sinabi kong nagtapat sa ’kin si Austin ng nararamdaman niya sa panaginip ko.
“Sana all kahit sa panaginip may nagco-confess na crush. Ako nga, hindi ako napapansin ng crush ko kahit sa panaginip.” Hinaing niya naman sa ’kin. Napatawa niya naman ako sa sinabi niya.
“Panaginip lang naman ’yon, eh. Dreams are far less desolate than reality. Tandaan mong kahit anong mangyari ay may reality pa rin, isasampal sa ’yo ng reyalidad ang mga kulang sa ’yo, ang mga flaws mo, at kung ano ang mga insecurities mo.” Tugon ko at saka ako suminghal.
“Oo nga, kulang na nga lang sa ’kin ay kipay para umamin sa ’kin ’yong crush ko.” Dire-diretso niyang saad kaya nama’y nasampal ko ang bibig niya nang ’di oras dahil sa gulat.
“Gago ka, baka may makarinig sa ’yong burikat ka... Ma-guidance pa tayo nang wala sa oras.” Bulong ko, hindi naman na siya tumugon sa ’kin dahil do’n.
Dumating nga sa puntong umabot na sa classroom ang kuwentuhan namin at nang makapasok na kami sa loob ay do’n na kami tumigil, nagpaalam din si Armin na makikipag-usap lang daw siya sa iba niyang mga kaibigan habang ako naman ay naiwang mag-isang nakaupo sa ’king armchair. Pinagmasdan ang buong classroom na kailanma’y ’di ako nagawang tingnan o lingunin man lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top