Part 1|XIV|I Don't Love You

Bia Joy Madrid
8 Days,

"Kompleto na ba tayo? Patingin 'yong lechon," sambit ng babaeng nasa loob ng cellphone.

Pwede palang makita ang isang tao sa loob ng cellphone. Ibang klase, like wow.

Sino kaya ang nag-imbento nito? Ma-applayan nga. Baka rito ako yumaman.

"Kumusta 'yong bangko mo Shaira? 'Wag lang lechon ang ipadala mo, padala ka rin ng cash," biro ni mama.

Hindi ako natuwa sa biro niya. Nagmumukha tuloy talaga kaming mag-ina, kung siya oportunista. Ako wala lang, dapat ba mayroon?

"Teka, tumigil ka nga Ma," bulong ko sa kanyang tainga. Pero hindi niya ako pinansin, parang hindi ako nag-i-exist sa Earth.

Teka. Ano ako taga Mars?

Ganyan siya eh, kapag usapang pera. Wala ng pake sa iba, pati nga anak niya. Agad niya ng nakakalimutan.

"Ako ba 'di mo kakamustahin Bianca?" tanong ni tita Shaira.

Tumawa lang ng mahina si mama at napakamot sa kanyang batok.

Ayan nanaman tayo eh.

"Sa panahon ngayon, mas importanteng kamustahin ang laman ng wallet bestfriend," tugon niya kaya napatawa ang mga taong naririto sa hapagkainan.

Kahit nga si reporter Ettiquete, napatawa sa kalokohan ni mama, halos maibato na nga niya ang hawak niyang tinidor.

Ay magaling, 'e 'di ako ang deads. Katapat ko lang kasi siya. Halos 'di na nga niya malunok ang kinakain niyang karne ng kare-kare. Kaya inabutan ko siya ng tubig.

"Ito tubig reporter, baka sabihin mo na food poison ka kapag nabilaukan ka," sambit ko. Kaya muli nanaman siyang napahagalpak sa pag-tawa.

Nang sumunod na tawa niya ay hindi na umabot, dahil parang may pumipigil sa kanyang huminga. Sinasabi ko na nga ba. Kaya agad kaming lumapit sa kanya at pinagtatapik ang likuran at batok niya.

Pati nga si tita Shaira ay hindi rin mapakali sa kabilang linya. Pero kahit may ganitong nangyayari ngayon. Napangiti ako, naririto ang mga taong naging parte ng buhay ko.

May maaalala ako na araw na kahit minsan, masasabi kong naging masaya ako at ito ang araw na 'yon.

'Yong totoong saya, ah.

"Ano lumabas na ba? Ano babae o lalaki? CS ba o normal?" paulit-ulit kong tanong ng nailuwa na ni reporter Ettiquete ang nalunok niyang buto.

Muli nanamang umalingawngaw ang tawanan sa buong bahay nila Jah. Tinignan ko sila isa-isa, hanggang napatingin ako kay Ryxen na malapad ang ngisi sa kanyang labi.

Si Ryxen, kahit na nasaktan ko siya sa mga nasabi ko dati at ni-reject ang nararamdaman niya sa akin. Nandito pa rin siya ngayong pasko kasama naming lahat. Pati sa kanya, malaki ang naging epekto ng nangyaring kaguluhan dahil sa nagawa kong katangahan. Kaya deserve ko lang na mawala sa mundo at tanggapin na ang nakatakda kong kapalaran.

Hanggang dumako naman ang mga mata ko sa kanila Onux at Riona na magkatabi ang upuan habang nag-aagawan sa natitirang isang stick ng barbecue. Kalauna'y nagparaya rin si Riona at ibinigay nalang kay Onux ang natitirang barbecue.

Si Onux at Riona na para ko ng nakakabatang mga kapatid. Nalaman ko rin na sila rin ang nagpakahirap na hanapin ako. May mga oras daw na hindi na nagpupuyat pa si Onux, para lang makakuha ng lead sa pagkawala ko. Siguro gan'on siya kung mag pahalaga sa isang tao. Sinabi pa nga ni Onux na ginawa niya 'yon para sa kuya niya.

Ibang klase. Napilitan lang pala talaga siya. Umasa pa naman ako na para sa akin talaga ang ginawa niya. Hayst, buhay ay parang layp.

Napatingin ako sa screen ng cellphone na nasa pinakaharapang mesa, kapansin-pansin si tita Shaira na kumakain din. Nang parang salad pero puro kulay berdeng gulay, alam ninyo na yayamanin. Baka nga sa bawat isang piraso ng dahon na kinakain niya, ay baka isang - daan na ang presyo.

Teka, impossible naman siguro na may gan'on. Imagination ko talaga, ibang klase.

Si tita Shaira kahit naliligo na sa libo-libong pera, hindi pa rin niya kami nakakaligtaan na tulungan nang hindi humihingi ng kahit na anong kapalit. Hindi siya katulad ng iba na matapobre. Kahit mula pa n'ung mag-aral ako sa elementary hanggang college. Siya pa rin ang gumastos at tumulong sa akin na makapagtapos ng pag-aaral.

Hanggang napatingin ako sa kinakaupuan nila Jai at tito Anton, sinusubuan ni Jai ang daddy niya. Natutuwa ako na maayos na sila ngayon, napapansin ko ring unti-unti ng bumabalik sa dati si Jai na hindi kayang magtanim ng galit sa iba. Nagkaganoon lang siguro siya sa kanyang ama, dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Gan'on naman ang tao kapag nasasaktan, minsan nagbabago. Para na rin siguro umiwas sa sakit, kahit mali na. Mas gusto nating tumakas sa sakit, kaysa harapin ito. 'Yon lang naman kasi ang mas madali, at mas pinipili natin ang mas madaling paraan.

Ba't pa ba natin papahirapan ang mga sarili natin kung may mas madali pa na paraan 'di ba?

Si tito Anton na nagpatatag sa pagkakaibigan namin ni Jai. Kahit siya rin ang dahilan kung ba't kami nagkagalit at nagkasakitan. Pero kahit gan'on, natuto kami sa nagawa naming pagkakamali at nag-grow kami bilang kung sino kami ngayon.

Buti na rin, dahil ngayon alam na namin ang sari-sarili naming pagkakamali.

Si Jai-Jai na naging malaki ang parte sa aking buhay na puno ng drama. Siya ang dahilan kung ba't nandito ako at kasama silang lahat. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami nagkaayos ni mama. Kung hindi dahil sa kanya baka pinulot na kami sa kangkungan at nahihirapan na ng sobra sa sitwasyon na kinakaharap namin ngayon. Dahil idagdag pa ang mga reporter na gusto akong makita at mapatunayan na isa akong mannequin.

Paano ko nalaman na lumantad si Jai sa publiko? Si mama ang nag-sabi sa akin, n'ung madulas siya sa pagkwekwento.

Pasalamat si mama, dahil mannequin ako. Kun'di nagwala na ako sa sobrang gulat.

Ang galing 'no, nanay ko ba talaga siya?

Maraming nagsasabing kamukhang-kamukha ko si mama, hindi nga ako naniniwala. Pero may proweba si mama na n'ung dalaga pa siya ay parang ako lang din ang nasa larawan.

Ang gulo 'no? Talagang magulo, ako nga sampung beses kong inisip bago ko naintindihan.

Ibang klase 'no? Nanay ko nga talaga siya. Akala ko pa naman, anak mayaman ako. Para instant spoekening dollar 'no?

Kaso hindi pang wattpad ang buhay ko, totoong buhay ito. Kaya wala tayong magagawa, nanay ko talaga siya. Nanay ko siya. Edi wow.

Bumalik lang ako sa realidad ng may tumapik sa balikat ko. Natingin ako sa direksiyon ng tumapik sa akin. Ay si reporter shunga pala, hindi ko napigilan na matawa sa mukha niyang parang balat ng mansanas.

"Reporter ayos lang po kayo? Promise 'di na ako mag-j-joke," biro ko at muli ko nanamang narinig ang halakhak ng bawat isa. Tumango lang siya at tipid na ngumisi.

Tapos tinuro niya ang screen ng cellphone. Kaya naintindihan ko agad ang pinapahiwatig niya.

"Kumusta ang mama mo. Naglalasing at nagsusugal pa ba?" tanong sa akin ni tita Shaira. Kaya napatingin sa akin ang lahat at tipid lang akong ngumiti.

Ibang klase, makatingin kayo parang isa akong artista. Tuklawin ko mga eyes ninyo.

Pasensya na pero mas maganda at cute ako sa mga artista.

"Pasensya na tita Shaira, wala akong alam," tipid kong sagot.

Nang marinig nilang lahat ang sagot ko ay agad din naman nilang tinanggal ang kanilang mga mata sa akin. Kaya nakahinga ako ng maluwag.

Buti naman, ibang klase kasing tingin ang binigay nila sa akin. Kung nakakamatay lamang ang pagtitig, siguro. Isa na akong bato.

"Hindi na bestfriend, may magagalit. Hanggang milk tea nalang ako o kape, kung hindi ako mamamatay sa alcohol. Patay naman ako sa diabetes at aatakehin sa puso. Kung patay, 'e 'di libing. Atleast may abuloy," sagot bigla ni mama. Kaya biglang nanginit ang ulo ko.

"Ma naman?!" napasigaw ako sa pagka-gulat dahil sa mga lumabas sa bibig ng nanay ko.

Muli nanamang umalingawngaw ang hindi na matigil na tawa ng mga kasama ko.

Ano ako clown? Ibang klase.

***

Nasa dirty kitchen sila Riona at Onux, dahil nag-presenta sila na sila na raw ang maghuhugas nang pinggan.


'Di nga. Ba't dalawa pa sila at hindi nalang 'yong isa ang mag-hugas magkadikit ba ang atay nila para laging magkasamang dalawa?

Hanggang may marinig kami na parang basag na radyo sa labasan, kaya napalabas kaming lahat.

"~Pasko na naman o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan~"

"~Pasko pasko pasko na namang muli
Tanging araw na ating pinakamimithi
Pasko pasko pasko na namang muli
Ang pag-ibig naghahari~"

Napapapalakpak pa si Onux, na parang tuwang-tuwa sa boses ng mga batang kumakanta na akala mo'y naliligo sa malamig na tubig, dahil sa nanginginig nilang boses.

"~Pasko pasko pasko na namang muli
Tanging araw na ating pinakamimithi
Pasko pasko pasko na namang muli
Ang pag-ibig naghahari~"

"Namamasko po mga ate, at kuya," sambit ng bata na mukhang mas nakakatanda sa iba pa.

"'Wag ninyo ng ulitin 'yon," pabulong kong tugon sa sarili ko.

"Ate may sinasabi ka po?" tanong nila sa akin, kaya napalingon din sa akin ang mga kasama ko.

"Wala sabi ko, sumali kayo ng The Voice Kids. Siguradong aabot kayo sa grand finals," tugon kong muli na nagpaluwa sa mga mata ng mga bata.

"Totoo po ate? 'Yon 'yung sa tv, 'di ba? Maganda ba talaga ang boses namin?" natutuwang tinig ng pinaka-bata sa kanilang lahat.

Napa-thumbs-up nalang ako sa kanan kong hintuturo ng pilit, at ngumiti ng tipid.

Kapag joke, 'wag seryosohin. Nagmumukha tuloy akong tanga.

Nang makaalis sila, inakbayan ako ni Jai na ikinagulat ko. Hanggang tainga ang lapad ng ngiti niya, sa hindi ko alam na dahilan.

"Ikaw napaka-honest mo talaga," wika niya.

Akala mo ba talaga hindi ko kayang magsinungaling, akala mo lang 'yon pero hindi.

"Ano 'yan tsansing ka pa?" Ikinalas ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Nakatingin na kasi sa amin ang lahat ng kasama namin na puro malalawak ang ngiti. Pwera nalang kay Ryxen na nababahid sa mukha niya ang lungkot at pighati.

Ito 'yong iniiwasan ko, kasi nga narito si Ryxen. Naaawa ako sa tuwing nasasaktan ko siya, hindi naman kasi niya deserve ang kagaya ko para mahalin niya.

Nginitian ko siya at tinanguan, mapakla siyang ngumiti sa akin at lumapit sa amin ni Jai.

"Pre alis na ako, tumawag sila mom and dad sa akin. Pinapauwi na ako," sambit niya.

"Sige pre, mag-ingat ka sa daan," sagot ni Jai at kakausapin na rin sana ako ni Ryxen pero biglang kinuha ni Jai ang kanang kamay ni Ryxen para makipagkamay.

"Hindi muna ngayon pre," mahinang tugon ni Jai na narinig ko pa rin.

"Exchange gift na," tugon ni Riona na nababakas sa mukha niya na excited na excited siya.

"Kunin ko muna 'yong regalo ko sa inyo," sagot ni Onux at nagtungo sa kanyang kwarto.

"Ako rin," sagot din ni Jai.

"'Wag ninyong sabihin na isa-isa ninyo akong iiwan dito?!" bahagyang napasigaw kong tugon ng makita kong tumatayo na rin si mama, at reporter Ettiquete. Pwera nalang kay Riona na nakatayo na, at si tito Anton na alam ninyo na.

Bigla silang napatigil at imprentang napaupo ulit sa kanilang inuupuan. Pati si Riona napa-upo dahil sa gulat na parang pinagalitan nang istrikto niyang teacher.

"'Nak kunin ko lang 'yong regalo ko para sa 'yo," sambit ni mama.

"Maupo ka nalang ma, ako nalang kukuha. Ayaw kong magmukhang maiiwan ako ng nag-iisa," banat ko at naglakad na papuntang itaas. Nakasalubong ko si Jai, na parang may itinatagong kung ano sa likod niya.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Regalo ko kay Daddy at Onux," sagot niya at inilabas niya ang isang picture na may frame. Na silang tatlo ang nasa litrato.

Abot tainga ang ngiti nilang tatlo, parang dyamanteng kumikinang ang mga mata nila na nakatitig sa larawan at prenteng nakatayo sila Jah at Onux sa magkabilang gilid ni tito Anton.

"Ang ganda, may kukunin muna ako sa kwarto ni mama," tugon ko rin.

"Samahan na kita," sagot niya.

Napahinto kami parehas ng mapadaan kami sa balkonahe na may open door at kita-kita ang paligid mula rito sa itaas.

Napatingin ako sa mukha niyang walang emosyon na nakatitig lang sa malaking buwan, habang inuugoy nang malakas na hangin ang buhok namin.

"Masaya ka ba ngayon Jai?" bigla kong tanong. Napatitig bigla siya sa mga mata ko, nababahid sa mga mata niya na halo-halo ang emosyon pero mas nangingibabaw pa rin ang bigat at sakit.

Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na likido sa aking pisngi. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang kanan kong palad.

"Mahal kita Jai," mahinahong tugon ko. Halos lumuwa naman ang magkabilang mata niya.

Ilang segundo siyang natulala, at nakita ko nalang na namumuo sa kanyang mga mata ang mga tubig na may kasamang hapdi.

"N-nangako ka sa akin na hindi mo ako mamahalin... Biang bakit hindi mo ako sinunod? Bakit mo pa rin ako minahal? Biang hindi pwede, hindi tayo pwede!" napaluhod siya at mas lalong dumaloy ang mas marami pang likido sa mga mata niya.

"Bawal? Bakit? Jai, mahal na mahal kita," humahagulgol kong tugon.

Para akong dinudurog ng paulit-ulit, hindi ko maipaliwanag ang sakit ng nararamdaman ko. Sakit na parang binibiyak ang puso ko na ilang saglit nalang ay ikamamatay ko na.

"Basta hindi pwede, Biang samahan mo ako sa simbahan kung saan ikinasal ang tatay at mama mo. Salubungin natin ang bagong taon ng magkasama, pangako sasagutin ko lahat ng tanong mo kung ba't bawal. Sa ngayon kailangan muna nating lumayo sa isa't-isa, hindi kita kayang makasama sa mga oras na ito," malamig niyang tugon na may diin at iniwan akong mag-isa. Kaya napa-upo nalang ako at napayakap sa sarili kong katawan.

Para ng gripo ang mga luha kong nagbabagsakan sa aking mata. Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib.

Ngayon lang ako nagmahal, mahirap palang mainlove. Maslalo kung bestfriend mo pa ang minahal mo.

"Jai ikaw ang soulmate ko!" Sigaw kaya napaharap siya sa direksyon ko.

"Hindi mo na kailangan i-sigaw, namanhid na ako sa salitang 'yan. Dahil diyan, kaya kita nasasaktan."

"Huling tanong Jai. Mahal mo rin ba ako?" matapang kong tanong.

"Hindi, kahit kailan. Hindi mangyayari 'yon."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top