Part 1|XIII|It's Hard To Say Goodbye

Jahric Leo
20 Days,

What if one day you found out that you were seriously ill and your life was already short or you knew in yourself that you were about to die?

Every day, we breath as if this is a punishment and it is forbidden to be happy.

Then everything you dream or want to happen in your life will not happen, because you do not have time to be happy.

Para kang napunta sa impyerno na wala sa oras, kahit buhay ka pa. Unti-unti kang pinapatay sa kaloob-looban mo.

Ang sakit, sakit, sobrang sakit, napakasakit mabuhay sa mundo. Para kang nakikipagpatentero sa sarili mong kagustuhang lumigaya. Gan'on kasi 'yon, kapag sobrang saya mo may kapalit na hinagpis at kapag lumigaya ka ng k'unti may darating nanamang problema.

Nakakasawa na, pero pinipilit ko pa ring maramdaman o maranasan lang kahit sandali lang na lumigaya.

Gusto ko lang naman maging masaya.

Naglalakad ako pababa nang hagdan. Nang makuha ang atensyon ko sa boses na naririnig ko hanggang dito.

Nang mamataan ko na ang imahe ng mga taong nag-uusap ay mukhang alam ko na ang nangyayari.

Ganito mula ng magkita ang mag-ina, mas nararamdaman ko lang ang punyal na unti-unting bumabaon sa dibdib ko. Habang nakikita ang sitwasyon nilang mag-ina.

Hindi maipaliwanag ang sakit sa isang ina na nakikita ang anak na nahihirapan. Pero wala siyang magawa kun'di ang pagmasdan nalang ang parang estatuwang mukha ng kanyang anak.

Napangiti ako ng mapait, kung alam lang ni tita Bianca na mas nahihirapan ang anak niya dahil nagkakaganyan ang mama niya.

Pinagmamasdan ko lang sila sa malayo, ayaw kong guluhin ang pagkakataon na magkasama sila. Dahil wala akong karapatan na sumingit. Sino ba naman ako hindi ba?

Nang mapatingin si tita sa direksyon ko, bumahid sa kanyang labi ang maliit na ngiti. Hanggang madako ang mga mata niya sa suot kong pang itaas.

"'Yan ba 'yong t-shirt na niregalo ni Bia sa 'yo n'ung 16th birthday mo? Na dati pa nga nagtinda pa siya ng candies sa mga classmate niya para lang makabili ng t-shirt at siya mismo ang nag-lettering sa naka-print diyan," malakas na sampal sa akin ni tita Bianca.

Kahit papaano nakaramdam ako ng hiya, awa at sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam na gan'on pala ang ginawa ng bestfriend ko para lang mabili at paghirapab ang naging regalo niyang ito. Napatingin din ako sa suot kong t-shirt.

May naka-imprentang pangalan naming dalawa. Biahric.

"Opo tita, sinuot ko po para po makita niya. Gusto ko siyang makita na masaya," tipid kong tugon, kasabay nito'y pag-ngiti ko ng tipid.

Hindi na sumagot si tita, itinuon nalang niya ang kanyang mga mata sa kanyang anak na parang estatwang plastic na nakatayo sa kanyang harap.

Nakahawak si tita sa matigas na kamay ni Bia, nagbabadya na ang mga luha niya na umagos. Hinahaplos-haplos ang mukha ng kanyang anak na parang manika.

"Kapag bumalik ka na sa dati, magpapatayo tayo ng napakalaking bahay. Tapos magtatayo tayo ng beauty product business at papangalanan nating Bia's Beauty Product. Pangako 'nak, magbabago na si mama. Magtratrabaho na si mama, hindi na ako iinom at magsusugal. Basta bumalik ka lang sa dati Bia, anak ko," garalgal niya. Tuluyan ng nag-landas ang mga traydor niyang mga luha. Hindi na mapigil na luha ang nakikita kong umaagos sa pisngi ni tita.

Napasandal ako sa gilid ng hagdan, hindi na kaya ng mga tainga kong marinig pa ang susunod na sasabihin ni tita Bianca. Parang kumuha lang ako ng patalim para gamitin lang din na saktan ang sarili ko.

Napakuyom ang magkabilang kamao ko, at naramdaman ko nalang ang mainit na likido na umaagos ng walang tigil sa pisngi ko.

***

Madalas akong namamalagi rito sa kwarto ni Bia kapag nasa sala sila ng mama niya, dahil sa tuwing nakikita ko na gan'on ang itsura niya. Hindi ko nakakayanang maluha, at sisihin ang sarili ko.

Kung hindi ko siya iniwan nang dahil sa galit ko sa kanya. Kung kinausap ko siya ng maayos ay hindi kami mag-aaway. 'Di sana hanggang ngayon, hindi nagkakaganito ang sitwasyon, sana hindi siya nahihirapan dahil sa kaduwagan kong harapin ang sakit ng realidad.

Nang mga oras kasi na 'yon, pakiramdam ko dinudurog ako na parang paminta at parang hinihiwa sa milyon-milyong piraso ang puso ko ng marinig ang mga salitang lumabas sa mga bibig niya. Pakiramdam ko kinakampihan niya and daddy ko, na dati ay isinusumpa ko. Dahil sa biglaang pang-iiwan niya sa amin nila mom. Si daddy ang sinisi ko sa pagkawala ng mommy ko.

Hindi ko na namalayan ang oras na nakatulala lang ako sa kawalan, binabalikan 'yong mga nangyari dati na pinangako ko na sa sarili kong kahit kailan hindi ko na babalikan. Dahil bibigyan lang ako ng matinding sakit sa puso.

Ipinikit ko ang aking magkabilang mga mata, gusto ko lang muna damhin ang mapayapang oras na ito. Para makahinga, para buhatin ang bigat ng nararamdaman ko.

Kailangan kong huminga, baka mamaya ay hindi ko na magawa at tuluyan na akong mawalan ng hininga.

Pagmulat ng aking mga mata, tumambad sa akin ang nakangiting si Bia na halos mapunit ang kanyang labi. Pasimple akong tumugon ng mapait na ngiti, tinapik ko ang kamang inuupuan ko.

Naintindihan din naman niya agad at umupo siya sa tabi ko.

Napatingin ako sa pulang kahon na nasa gilid ng kinakaupuan ko. Sana sa pagkatapos nito ay maging okay na si Bia, umaasa akong matatapos din ang lahat ng ito. Kung kailangan kong ialay ang sarili ko ng buong-buo ay gagawin ko, para lang maging masaya at mailigtas lang si Bia.

Siguro ito na rin ang huling regalo na maibibigay ko sa kanya bago ako pumunta sa malayong lugar. Hindi ko alam kung kaya ko bang magpaalam sa kanya, dahil baka sa huling pagkakataon masaktan ko siya ng sobra.

"Ito 'yong araw na nagkahiwalay, nagkasagutan, at nasaktan natin ang bawat isa. Araw kung saan parang tumigil ang mundo, at naging iba ang ikot nito. Ang bawat buhay natin ay nag-iba ng landas. Tinahak natin ang magkaibang daan at sa muli nating pagkikita ay nagkaroon ng resulta. Ang nangyari sa araw na ito, n'ung four-years-ago." Tinitigan ko siya sa kanyang naluluhang mga mata.

Pinunasan niya agad ito bago pa man tumulo. Ito ang isa sa pinagbago ni Bia, hindi niya na kayang ipakita ang kahinaan niya sa ibang tao.

"Ibang klase, ang init. Pinatay mo ba ang aircon Jai?" kunwaring naiirita niyang tugon at tumatawa pa ng bahagya.

Napapansin ko rin ang iwas niyang tingin, kung hindi siya tumitingin sa mga mata ko ay tumitingin siya sa ibang direksyon.

"Tumitig ka sa mata ko Biang, 'wag mong iparamdam sa 'kin na nasasaktan ka. Dahil mas doble ang sakit na nararamdaman ko," walang emosyon kong tugon.

Ganito naman palagi, wala akong ekspresyon. Dahil hindi ko maaaring ipakita na mahina ako. Lalaki ako na kailangan ipamukhang hindi ako nasasaktan. Pero deep inside, namamatay na ako sa sakit.

Tumitig siya sa mga mata ko, ngunit nakita ko kung paano nag-landas ang traydor niyang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi mapigil ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Ito iyong araw na palagi kong sinisisi ang sarili ko kung bakit ka umalis. Kung bakit kita nasaktan ng sobra, kasi nga akala mo kinakampihan ko ang daddy mo. Pero iniisip ko lang na ayaw kitang magsisi sa huli, na hindi mo napatawad ang daddy mo. Habang buhay ka kasing malulunod sa sakit kung hindi mo pinakawalan ang tangang sakit na 'yan. Dahilan para masaktan mo ang mga taong nakapaligid sa iyo," tuloy-tuloy niyang talumpati. Naramdaman ko nalang ang ulo kanyang isinandal sa aking balikat.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng isinandal niya ang kanyang ulo, ibig sabihin lang nito ay napatawad na ako at wala na siyang galit na nararamdaman sa akin. Pero na pagkakakilala ko kay Bia, kahit kailan. Hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino.

"Patawad sa nagawa ko dati Bia, kung pwede lang akong lumuhod sa harapan mo. Para lang mapalitan ng saya ang sakit na dinulot ko sa iyo sa araw na ito ay gagawin ko." Kinuha ko ang pulang box na nasa gilid ko at iniluhod ang kanan kong tuhod.

Bumahid sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka, pero napalitan agad ito ng galak sa kanyang mga mata.

"Hindi ako mag-propropose para pakasalan ka, ang hiling ko lang ay maging masaya ka. Sana sa pagluhod na ginawa ko, ay makalimutan mo ang sakit na idinulot ko sa 'yo sa araw na ito n'ung four-years-ago. Biang, kapag binuksan mo 'yang kahon na hawak ko. Hindi ko siguradong magiging masaya ka sa laman nito, pero sana kapag natanggap mo 'to. Maalala mo si Jahric Leo, na kayang magsakripisyo alang-alang sa babaeng pinakamahalaga sa 'kin. Biang, patawad sa sakit na naidulot ko sa 'yo at salamat sa sayang ibinigay mo sa akin," sambit ko at inabot ang pulang kahon sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit na parang wala ng bukas at iniwan ko na siya sa loob ng kanyang kwarto.

Hindi ko na kayang magtagal pa rito, tama na 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko rin munang isipin ang sarili kong nararamdaman, hindi dapat si Bia lang ang sentro ng buhay ko. May daddy at kapatid pa ako.

Nagtungo ako sa kwarto ng daddy ko, gusto kong magsumbong, gusto kong sabihin lahat kay daddy. Kahit ngayon lang, kailangan ko ang daddy ko.

Kumatok ako sa pinto ng kanyang kwarto at ilang saglit lang ay bumukas din ito. Agad akong naglakad palapit kay daddy at niyakap siya ng mahigpit.

"D-daddy... Hindi ko na kaya ang sakit, para na akong mamamatay sa sakit. Daddy hindi ko na kaya, suko na ako. Sawang-sawa na ako, gusto ko ng mawala ang sakit na ito. Ang sakit," hagulgol ko sa kanyang balikat. Naramdaman ko nalang ang pagtatapos niya sa aking likod.

Ito ang na-miss ko kay daddy, na maka-bonding at may mapagsasabihan ng sama ng loob. Dahil daddy's boy ako, parang bumalik lang ako sa pagiging bata. Para akong batang umiiyak na nakayakap sa kanya.

"Kung hindi mo na kaya, magpahinga ka muna. Hindi mo kayang saluhin ang lahat ng sakit, magtira ka rin ng kaunting awa sa sarili mo Jai. Ikwento mo sa akin, maaari mo akong paglabasan ng sakit ng nararamdaman mo. Sa tingin ko mababawasan din kahit papaano kapag sinabi mo sa iba ang hinanakit ng puso mo," malumanay niyang tugon na maslalong nagpahagulgol sa akin. Mas lalong maraming tubig ang umaagos sa mata ko na parang gripong hindi na matigil sa pag-agos.

Ikwenento ko lahat magmula sa umalis siya at iniwan niya kami nila mommy. Hanggang sa problema ko ngayon, ang lahat ng plano at balak ko sa buhay.

Tama nga si daddy, parang biglang gumaan ang bigat ng puso ko ng masabi ko ang lahat ng nagpapabigat at nakakasakit sa kalooban ko.

"Sigurado ka na ba roon?" tanong niya at napansin ko na rin ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Daddy wala na akong magagawa, nagawa ko na. Kailangan ko lang harapin ang dapat kong harapin kahit ano pa kasing gawin natin. Hindi ko na mababago ang kapalaran ko, daddy sorry sa nagawa kong... H-hindi ko kasi matanggap na ang buhay na akala ko ay perpekto... Ay isang araw magiging isang impyerno, nabuhay kasi ako na akala ko nasa fairy tale story ako. Pero n'ung mawala ka daddy, parang gumuho ang mundo ko maslalo si mommy. Si mommy na minahal ka ng sobra..." mas humigpit ang pagkakayakap ko sa daddy ko na hindi ko na kayang kumawala pa sa mga bisig niya.

Naramdaman ko na rin ang mga luha niyang pumapatak sa suot kong t-shirt, atleast nasabi ko na kay daddy ang lahat.

"Daddy kapag nawala ako 'wag kayong malulungkot. Daddy ikaw ng bahala kay Onux, dad mahal na mahal na mahal na mahal. Hindi ko matansya kung gaano kita kamahal, pero sa ngayon. Ang hiling ko nalang ay ang lumigaya kayo ni Onux, habang wala ako," tugon ko at mas lalong humagulgol dahil sa nakakasugat na sinabi ko.

Hindi ko na kinakaya ang sakit ng nararamdaman ko, mahirap magpaalam sa mga taong minamahal mo.

Bia Joy Madrid

Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng mga yabag ni Jai-Jai ng papalabas siya sa pinto. Parang narinig ko ang boses niya na biglang nanginig at parang humahagulgol. Pero bakit siya iiyak sa pagbibigay lang ng pulang box na ito?

May dyamante ba?

Baka gold?

Or silver?

Ahhhhhhh! Baka may spoekening dollar dito.

Nang mabuksan ko ang pulang box, natulala ako sa kawalan.

Hindi ako nagkakamali 'di ba?

Totoo kaya itong naiisip ko?

Nang bumalik ako sa realidad ng marealize na simula palang naiisip ko ng siya 'yon. Dahil sa vanilla scent na pabango niya, boses, at ang pakiramdam ng yakap niya na hindi matutumbasan ng kahit na sino.

Tuluyan bansang nagbagsakan ang mga luha ko at napahagulgol ako sa laman nito. Nanginginig ang magkabila kong palad ng nailabas ko itong lahat.

Iyong...

Iyong form na kay Jah pala.

Iyong...

Iyong pendant na binigay sa akin ni tatay na kay Jah pala.

May dress na nakatupi sa ilalim ng form at pendant.

Ito 'yong dress na nakasuot sa akin n'ung maging mannequin ako sa mall. Pati ito rin pala na kay Jah.

Ibig sabihin...

Napatakip ako sa aking bibig gamit ang magkabila kong palad.

Siya ang soulmate ko.

Nang mabasa ko ang huling papel na nasa form, parang bumagsak ang pag-asa kong makabalik sa dati kong buhay. Na bumalik ako sa normal.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Siguro, deserve kong gawin ito. Dahil ako naman ang may kagustuhan na sumali sa larong ito.

Akala ko magiging masaya ako sa pagbabago ng buhay ko, dahil ginusto kong sumali sa larong ito para tuluyang magbago ang buhay ko. Humiling ako na sana magbago ang lahat, dahil sa huli ako rin pala ang matatalo. Sa una't sapul palang ako na ang talo, sa una palang nasasaktan ko na ang mga taong nakapaligid sa akin at ang sarili ko.

Tinuloy-tuloy ko na ang pagbabasa hanggang mabasa ko ang paraan para makaligtas ko ang sarili ko.

Kailangan kong isakripisyo si Jai.

Kailangan kong isakripisyo siya, para maging masaya ako.

Kaya ko bang gawin 'yon?

Kaya ko bang isakripisyo ang kaligayahan niya para sa kaligayahan ko?

Pero mas gusto ko nalang na sunugin ito. Kaysa naman isakripisyo kaming dalawa o siya.

Dahil una palang kasalanan ko na ito.

Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak, agad akong nagtungo sa lugar na walang makakakita sa akin at sinunog ang form.

Habang nasusunog ito, parang normal lang na papel na nasusunog at lumilipad sa ere ang abo nito.

Sana sa pag-sunog na ginawa kong ito, ay mahanap mo ang kaligayahan mo Jai-Jai.

"Paalam, mahal ko."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top