Part 1|XII|Protect Her, While I'm Gone

Jahric Leo
49 Days,

If you have one wish before you disappear into this world. What is it and why you wish it?

Kung ako ang tatanungin, ang kahilingan ko ay ang pagmasdan ang maamong mukha ng babaeng naging dahilan kung ba't ako naging si Jahric. Si Jahric na natutong maging matapang at kayang harapin ang kahit na anong pagsubok pa na dumating sa buhay ko. Hinihiling ko na sana tumigil ang oras, para walang magbago at manatili lang siya sa tabi ko habang buhay.

Kung minsan traydor ang oras, habang tumatakbo ito. Pinapamukha rin sa 'tin ng oras na lahat ng bagay may hangganan. Kung ngayon masaya ka, baka mamaya ay tumatangis ka na sa luha.

Kulay abong kalangitan, pababa na ang araw na nagbibigay nang matinding liwanag sa kapaligiran. Ilang saglit nalang ay mababalot na ng dilim ang paligid. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ng aking kama, kapansin-pansin ang braso, binti, kamay at katawan nitong plastic na parang estatuwa.

Tuluyan na ngang nawalan ng liwanag sa buong paligid, hinihintay ko lang na tuluyang mag-kulay uling ang kapaligiran. Bago ko pindutin ang switch ng light bulb, para mapaniwala ang aking sarili na dumating na ang pinakahihintay kong oras.

Naging paborito ko na ang oras na ito, kasi sa oras na ito. Mabibigyan ulit ako ng pagkakataong makita ang tunay na huwangis ng pinakamahalagang babae sa 'kin.

Ipinikit ko ang magkabila kong mata at muling iminulat.

Tumambad sa aking harapan ang malawak niyang ngiti, na mapapansin ang kulay puti niyang mga ngipin. Na kapag pinagmasdan ay parang gagaan bigla ang mabigat mong pasanin.

"Teka, kanina mo pa ako tinitignan. Tusukin ko iyang eye balls mo," may bahid ng sarkastikong tono niyang wika.

"Kinikilig ka rin naman sa pagtitig ko sa 'yo, Biang bawat pagtingin ko ay may katumbas na halaga," biro ko rin sa kanya, biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng pagngiwi.

"Ano 'yang mata mo gold? Ibang klase pa-donate naman," sagot niya at saka tumalikod sa 'kin.

Bakit sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay mas nakakaramdam ako ng kutsilyong unti-unting bumabaon sa 'king dibdib? Gusto kong maging masaya, maramdaman na masaya ako. Pero mas madalas ko pa'ng nararamdaman ang kirot na may kasamang hapdi.

"B-biang... Kung may lalaki kang mamahalin sa future. Paano mo siya gustong makilala?" biglang lumabas sa aking bibig ang matagal ko ng gustong itanong sa kanya.

Napaharap siya sa direksyon ko't biglang kumunot ang kanyang noo. Pero kalaunan din ay gumuhit muli ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Gusto ko siyang makilala sa simbahan kung saan ikinasal sila mama at papa, naniniwala kasi akong kapag doon kami unang nagkatagpo. Maaaring siya na nga ang tamang tao para sa akin, na makakasama ko hanggang sa pag-tanda ko. Bakit may biglang tanong Jai?" Ngumiti ako ng mapait sa naging tugon niya.

"Is it forbidden to ask? Of course I'm your bestfriend, hindi naman siguro bawal malaman ang mga kagustuhan ng bestfriend ko," sambit ko na may diin sa salitang 'bestfriend' na may bahid ng kirot sa aking dibdib.

"Tapos? Huwag ka kasing mag-english. Nakakatanga kang kausap Jai," biglang banat niya. Pasimple akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya.

Bigla akong nag-seryoso at prenteng nakatayo sa tapat niya. Tinitigan siya ng makahulugan.

"Kung magmamahal ka rin lang Biang, siguraduhin mong makakasama mo ang lalaking mamahalin mo ng matagal. Bumuo kayo ng pamilya, ipangako mo sa 'kin na magiging masaya ka sa piling ng lalaking pinili mo. Mangako ka rin sa akin na hinding-hindi mo ako mamahalin. Bia mahal mo ba ako?" walang bahid na birong tugon ko sa kanya.

Tumitig siya sa aking mga mata, wala akong mabasang kahit na anong reaksyon o ekspresyon sa sinabi ko sa kanya. Ganito na ba talaga siya kahirap basahin? Sa apat na taon na 'yon, marami ng nagbago sa bawat isa sa amin. Pero gan'on pa rin ang pag-respeto't pagtrato namin sa bawat isa.

"H-hindi kita gusto, ba't naman kita magugustuhan aber?! Assuming ka masyado, ibang klase ka Jai. Sisiguraduhin ko na gwapo, mapagmahal at forever kong makakasama ang lalaking 'yon. Pangako Jai-Jai, pangako," walang atubiling tugon niya at mapait akong ngumiti sa naging sagot niya

"Mabuti naman."

Pero mas nangingibabaw ang hapdi kaysa galak ng marinig ko ang pangako niya na sana ay tunay na matupad.

***

Iba't ibang saliw ng tugtugin ang bumungad sa aking nananahimik na mga tainga, at mga makukulay na ilaw ang tumambad sa 'king mga magkabilang mata. Pumunta ako sa harapan kung sa'n ay naroroon ang bar tender na ganang-gana sa pagkalog sa hawak niyang lagayan na may laman ng wine cocktail.

Naupo ako sa pabilog na upuan, at hinintay matapos ang bar tender sa kanyang ginagawang pagpapasirko-sirko sa lagayan ng panghalo sa wine cocktail.

"Ano ang sa inyo sir?" tanong niya sa akin.

"Champagne Cocktail," tipid kong tugon.

Napatingin ako sa mga taong nagsasayawan sa dance floor, may mga tao ring lango na sa alak dahil sa paugoy-ugoy na nilang kilos. Nang mapunta sa lalaking hindi ko inaasahan kong makikita rito sa mga oras na ito.

May kaakbay siyang seksing babae, na 'yong babae ay halos makita na ang kanyang hinaharap at parang kulang sa tela ang kanyang suot na fitted dress na may punit pa sa likod na umaabot pa hanggang baywang niya.

Hindi siya nagbabago sa pagiging womanizer niya, hindi ko nga alam kung totoo ba 'yong mga sinabi niya kay Bia sa gabing 'yon. Baka niloloko niya lang ang bestfriend ko.

Nang mailapag ng bartender ang alak ay agad ko itong nilagok, nag-iinit ang buo kong kalooban. Gusto kong punuin nang alak ang lalamunan ko, para kahit sa maikling oras lang ay makalimutan ko muna ang mga bagay na nagpapagabagabag sa kalooban ko.

Napatingin sa 'kin ang lalaking may kayakap na babae kanina't kinawayan ko siya upang tugon. Bago muling mag-order nang wine.

Nang hindi na sumagot ang lalaki ay nagpatuloy nalang ako sa pag-inom ng wine at pag-buhos sa wine glass. Hinahayaan ko lang na maramdaman ko ang init ng alak na dumaadaan sa lalamunan ko. Para kahit papaano makalimutan ko muna ang realidad.

Nang may biglang tumapik sa balikat at umupo sa tabi ko. Pasimpleng tango lang ang tugon ko.

"Do you still have a serious problem bukod sa mga reporters, Leo? Lasing ka na brad," mahinahong wika niya.

"No, im fine," tipid na may diin kong tugon.

"Don't say you're still mad at me. Inaamin kong ang t*nga-t*nga ko sa ginawa kong pag-kolekta sa mga ebidensyang iyon. Parang kumuha ako ng batong ipupukpok ko mismo sa sarili kong ulo," walang halong pagbibiro niyang tugon.

Mahinang napatawa ako sa mga sinabi niya. Tama ba ang narinig ko o baka naaapektuhan na ako ng alak na nainom ko?

"Alam mo pala eh, b*bo ka na t*nga ka pa," may diin kong tugon sa kanya. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa pag-lagok sa laman ng wine glass na nasa mesa ko.

"Magpasalamat ka birthday ko, kun'di hindi ka na makakalabas ng buhay dito," biro pa niya. Siguradong nababahid ngayon sa mukha niya ang hindi matanggal na ngisi sa mga labi niya.

"Oo na, pagbibigyan kita ngayon. Ngayon lang, 'wag mo ng sagadin ang pasensya ko. Pasalamat ka rin dahil may k'unting kahihiyan pa akong nararamdaman sa pag-aakusa sa 'yong ikaw ang nagpakalat ng ebidensyang 'yon. Wala kasi akong tiwala sa mukha mong criminal," walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya.

"Speaking of criminal. Nasaan na kaya iyong lecheng source na iyon na nagnakaw sa mga important documents at cctv footage na itinago ko? Leche iyon, nadamay ang pinakamamahal kong mall. Sinabi pa namang malas at magiging mannequin ang pupunta roon. Ang tatalino talaga ng mga may-ari ng ibang mall, ang galing manira."

Hindi ko alam kung matutuwa ako, dahil nadamay si Herdon sa magulong sitwasyon na ito. Pero may katiting na awa pa rin akong nararamdaman, dahil malapit ng bumagsak ang pinaghirapan niyang mall.

"Magaling magtago ang source na 'yan, siguradong may kapit 'yan kung kanino para makapagtago at hindi natin malaman kung sino siya," sagot ko.

"Kapag nahanap ko talaga siya, leche iyan. Ang sarap mag-mura, kapag alam mong walang hiya iyong taong minumura mo," pagmamayabang pa niya sa kanyang sinabi.

"Kaya nga kita laging minumura Herdon," sagot ko naman bago mag-salin muli ng wine sa wineglass ko.

"Sumosobra ka na Leo, sama ng loob ba ang regalo mo sa akin sa birthday ko?" tanong niya na parang batang humihiling ng mamahaling regalo sa kanyang mga magulang.

Tinitigan ko siya ng napakatalim, kung nakakamatay lamang ang pagtitig ay humandusay na siya sa sahig na naliligo na sa kanyang sariling dugo. Pasalamat siya hanggang imagination ko lang siya kayang patayin.

Malapad na ngisi ang tumambad sa kanyang mukha at mga mapupungay na mga mata niya na parang nagsasabing 'ano 'yang tingin na 'yan?'

"May isa akong tanong na kailangan mong sagutin ng walang kasinungalingang sagot. Do you really love Bia?" banat ko sa kanya, hindi nakaligtas sa 'kin ang biglang pagbabago ng kanyang ekspresyon.

Nakita ko ang halos pagluwa ng kanyang mga mata at biglaang pagbabago na halos maluha-luha na nagsasabing tunay nga ang sinabi niya n'ung gabing 'yon at hindi lang isang malaking kasinungalingan. Bumahid din sa mga labi niya ang mapaklang ngiti.

"Kahit mahal ko siya, kung ikaw ang mahal niya Leo. N'ung umamin ako tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya, umatras siya at pilit sinasabing hindi pwede. Alam ko naman na sa simula palang na kapag na amin ko na ang feelings ko sa kanya, baka lumayo na siya ng tuluyan sa akin at ipagtulakan ako palayo.”

“Nang mapagtanto kong ikaw ang mahal niya. Kung paano ka niya titigan at ikwento sa akin, parang nakikita kong sobrang saya niya. Ako 'yong kasama niya Leo, pero ikaw ang mahal at iniisip niya! Leo nakakaramdam ako ng punyal na unti-unting bumabaon sa dibdib ko sa tuwing binabanggit ka niya.”

“Unang beses kong maramdaman na mag-selos, mag-alala at umibig ng totoo Leo pero walang kwenta. Kasi hindi ako ang mahal ng babaeng mahal ko kundi ikaw ang nilalaman ng utak at puso niya. Leo, sana 'wag mong itapon iyang pagmamahal ni Bia. Mahal na mahal ka niya, habang ako hahayaan ko ng maging masaya siya sa piling mo," mahabang talumpati niya.

Para akong nabingi sa mga narinig ko, parang isang bomba na biglang sumabog sa harapan ko ang mahabang sinabi ni Herdon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nalaman ko, pero kahit katiting na tuwa wala akong maramdaman. Kun'di para itong lason na unti-unting pumapatay sa sistema ko. Parang pinamukha sa akin ng mundong ito na may ikahihirap pa pala ang sitwasyon ko, akala ko tapos na ang paghihirap ko. Hindi ko inaakalang mas lalala pa pala sa inaasahan ko.

Napakuyom ako sa aking magkabilang palad para pigilan ang namumuong mga tubig sa magkabilang mata ko na gusto ng kumawala.

Tinignan ko siya ng walang bahid ng ekspresyon, at binabalaan siyang sumagot lamang ng totoo.

"Mapapanatag na ako ng marinig ko ang sagot mo. Herdon, 'wag mong hayaang mahulog sa 'kin si Bia. Gawin mo ang lahat para ikaw ang mahalin niya, kanina sinabi mo na 'wag kong sayangin ang pagmamahal niya. Pero Herdon wala akong nararamdaman kahit na katiting na more than friends na pagmamahal sa bestfriend ko. Hanggang kaibigan lang talaga," ang bawat salitang binibigkas ko ay parang patalim na sumasaksak din sa dibdib ko. Parang doble ang sakit na nararamdaman ko sa sarili kong mga salita.

Napalunok ako at mas naikuyom ang magkabilang palad ko.

Nang mapatingin ako sa bote ng wine na wala ng laman, kaya muli akong nag-order at nag-salin sa wineglass. Nilagok ko agad at ng hindi ako makuntento ay napainom na ako mismo sa bote.

"Intense na intense ka, alam ko Leo may gusto ka rin sa bestfriend mo. Lalaki rin ako at nakikita ko sa mga mata mo na hindi lang isang kaibigan ang tingin mo kay Bia, kundi isang babaeng pinapangarap mong pakasalan at bumuo ng isang pamilya," malakas na sampal niyang tugon na nagpaharap sa akin sa direksyon niya at napatigil ako sa pag-inom sa bote ng wine.

"Wala kang alam," may diin kong tugon.

"Orderin mo ang lahat ng gusto mong alak, ako na ang magbabayad," wika niya. Hahakbang na sana siya ngunit may nakakalimutan pa akong sabihin sa kanya.

"May pupuntahan akong malayong lugar Herdon, na hindi mahahanap nang sino man. Siguro gan'on kalayo, para hindi ako makita ng sino," pagpapaalam ko na nagbibigay sa akin ng paglambot ng buo kong katawan.

Ito 'yong pilit kong tinatakbuhan, pero ngayon kailangan kong harapin para sa kapakanan ni Bia.

"Anong gagawin mo roon? May business meeting or tungkol sa bangkong pagmamayari ng tita mo na i-t-take over na sa iyo." Umupo muli siya sa tabi ko at tinignan ako ng makahulugan.

"No, pero siguradong matagal akong makakabalik. Herdon, habang wala ako. Protect her, while i'm gone. Hahayaan kitang paibigin siya, mahalin at alagaan. Basta ikaw na ang bahala sa kanya," pagpapaubayang tugon ko.

***


Para akong lantang gulay na naglalakad papasok sa loob ng kwarto ko, kakagaling ko lang sa bar. Nang matapos kong sabihin ang mga salitang natatakot akong sabihin, parang nanlambot ang buo kong katawan.

Hindi matutumbasang sakit ang nararamdaman ko ngayon, na parang ginunting-gunting ang puso ko sa milyong-milyong piraso. Ang kaninang pagpipigil ko sa aking mga traydor na mga luha ay unti-unti ng nagsisipagtakas sa aking mga mata. Hanggang tuluyan na ngang nawalan ng pundasyon ang aking mga binti kaya napasandal nalang ako sa dingding ng aking kwarto.

Mas kumuyom ang mga magkabilang palad at para ng bumabaon ang mga kuko ko sa sobrang higpit nito.

Pumunta ako sa cr na nasa loob lang ng kwarto ko, kailangan ko na munang mahimasmasan ng kahit kaunti. Dahil sa mga oras na ito, para na akong nilalamong ng sakit.

Pinihit ko ang gripo at dinampot ang sabon na nasa gilid ng sink. Walang tigil kong ikinuskos ito hanggang maramdaman ko nalang ang paghapdi sa aking pisngi, kulang pa ang hapding ito sa nararamdaman ng puso ko. Napatingin ako sa harapang salamin, nakikita kong umaagos na ang pakaunti-kaunting dugo sa maliit na kalmot sa aking pisngi.

Inihilamos ang mukha kong punong-puno ng sabon, at ilang minuto ko ring binanlawan.

Nang matapos ako napaupo nalang ako sa sahig ng cr, hindi na pinansin kung marumi ba o malinis ang sahig.

Hanggang bumukas ang pinto ng cr at iniluwa niyon ang babaeng dahilan kung ba't ako lumuluha. Pero bago ko pa marinig ang mga sasabihin niya, unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Bia Joy Madrid,

"Kay galing ng lalaking ito," bulong ko sa aking sarili ng makitang nakaupo si Jah sa sahig na parang bata, habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha niya sa kanyang pisngi na parang nawawalang paslit.

Bigla nalang siyang nawalan ng malay kaya agad ko itong nilapitan, tinapik-tapik ang balikat niya. Kalauna'y napasabunot na ako sa buhok niya dahil hindi ko siya magising.

Tinawag ko si Onux na mahimbing na ring natutulog sa kanyang kwarto, pero ginambala ko siya para lang matulungan ako sa pagbubuhat sa kuya niya.

Sa height kong ito, hindi kaya ako mabalian ng balakang kung bubuhatin ko ang malaking tao na 'yon?

Ibang klase. Saan ba 'yon galing ng mapuntahan nga?

Nakayamot na tumingin sa akin ang kapatid niya na parang nagtatantrums, dahil sa pag-gising ko sa kanya.

"Ang ganda ng panaginip ko ate Bia, respeto naman sa walang lovelife," pagaalburuto niya ng maiiga na namin di Jah sa kama niya.

"Tumigil ka, kuya mo itong binuhat natin. Respeto rin sa hindi mo kamag-anak Onux," tugon ko at inirapan ko siya.

"Biang. Will you marry me?" bigla kaming napatanga ni Onux sa narinig naming sinabi ni Jah habang tulog.

Wow, nananaginip ba siya? Sinong Bia ba ang tinutukoy niya, ayie.

Kapangalan ko siguro 'yon, hindi lang niya sinabi sa akin.

"Lapitan mo kuya mo," utos ko kay Onux.

"Ate Bia delikado, baka maglakad na 'yan habang tulog," kunwaring natatakot niyang sagot sa akin.

"Ibang klase, ang lakas ng imagination mo sir," tugon ko at naglakad palapit kay Jah.

Ngunit may bigla siyang sinabi na nagpatigil sa akin at para akong natuod.

"Biang kapag nawala ako, 'wag kang iiyak."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top