Part 1|XI|Declared War
Jahric Leo
62 Days,
"I'm fixing the mess you got into. Pina-shutdown ko na rin ang kumakalat na mga proof o ebidensya sa social media. Maswerte kayo't bago pa kumalat nang tuluyan ay naagapan ko na," may bahid ng ma-awtoridad na tonong tugon ng kausap ko sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa malaking tulong ng taong ito sa kaguluhang nangyayaring ito, baka nalagay na ako sa bingit ng alanganin sa daming nangyayari sa paligid namin ngayon.
"Tita Sha, our problem now is how can we prevent reporters from going deeper into what they are doing gathering evidence, lumipas na ang halos isang buwan. Pero mas nagiging halimaw sila, at mas nagigipit si Bia." Ngumiti ako ng mapait at inilipat sa kabilang kamay ang cellphone na hawak ko.
Tumingin ako sa mga taong nag-aabang sa pag labas ko mula rito sa sinasakyan ko. Ilang minuto nalang ay lalantad na ako sa publiko para malinis ang duming dinulot nang taong nasa likod ng kaguluhang ito.
Kung sino siya, hindi namin alam. Hanggang ngayon isa pa ring palaisipan sa 'min. Kung sino ang taong wala sa katinuan para gawin sa 'min 'to at guluhin niya ang tahimik naming mundo.
"Wala ako riyan para tulungan ka. Pero sana maging okay na ang lahat. Sige na baka hinihintay ka na ng mga reporters," pagpapaalala ni tita Sha.
Napabuntong hininga ako't hinihintay kong dalawin ako ng tapang ko. Para harapin ang maiinit na mga matang maya-maya lang ay nakatutok na sa 'kin.
Pinihit ko ang bukasan nang pinto ng kotse. Nang bumukas ay unti-unti kong itinapak ang kanan kong paa sa semento. Agad na sumalubong sa 'kin ang mga camera na paminsan-minsan pa ay parang bituin na nagniningning at nakakasilaw.
Aking iniangat ang aking mukha upang makita ang mga taong gumigilid para makadaan ako papunta sa ginawang stage sa harapan lamang ng apartment na inuupahan dati nila ng bestfriend ko.
Matagal na nilang hinihintay na mangyari ito, ngayon na nangyayari na marami ang naririto upang matunghayan ang sasabihin ko sa publiko. Patungkol sa bali-balitang ito.
Ganito naman sila, mas aktibo sa buhay ng iba. Habang ang kanya-kanya nilang buhay ay napapabayaan na nila.
"Ang gwapu niya, boypren ba ni sissy mannequin 'yarn?" Tumitili pang tugon ng isa sa mga babaeng nadaanan ko, pasimple pa niyang hinihila ang suot kong suit na grey, para makalapit lang ako sa kanya.
"Pa-picture paps!" sambit niya't itinutok na sa 'kin ang cellphone niya. Mabilis na nag-pose nang peace sign sa harap ng cellphone niya.
Bago pa man niya ako makuhanan nang litrato, may lumapit na sa kanyang bodyguard para ilayo siya sa 'kin.
Nagpatuloy ako sa pag hakbang nang hindi iniintindi ang mga reaksyon ng bawat isa man sa kanila.
"Bastos ka!" sigaw ng babaeng mag-papicture sana sa 'kin. Tumama sa likurang ulo ko ang papel na nakalukot at parang bola ang itsura.
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa stage. Nang makaakyat ako sa tatlong hakbang na hagdan, agad kong pinosisyon ang sarili ko sa gitna na sinisigurado na matatanaw ko sila't matataw din nila ako.
Hindi mabilang na mga camera ang nakatutok sa 'kin. Mga kilalang reporter sa buong Pilipinas at mga taong nakikisyuso ay nag-aabang din sa sasabihin ko ngayon.
Para akong criminal, na may mabigat na kasalanan at kaso para maging ganito ang kinikilos nang mga taong nasa paligid ko ngayon.
Itinapat ko ang bibig ko sa tatlong microphone na may nakalagay na kahon sa bawat hawakan nila. Na galing sa tatlong istasyon, na ngayon ay mag-i-interview sa akin.
"H-hello... Nandito ako sa harapan ninyo para linisin ang pangalan ng mga nasangkot sa pekeng balita na ito. Maslalong gusto kong linawin sa inyo na nagigipit ang bestfriend ko sa sa maling akusasyon na isa siyang living mannequin-" naputol ang susunod kong sasabihin ng may nag salita.
"Kaibigan mo lang ba talaga si Ms. Madrid para kasing boyfriend ka niya kung makapagtanggol ka sa tinaguriang living mannequin?" malakas na sampal na tanong ng isang babaeng reporter.
"Bia is just my friend. 'Wag kayong gumawa ng akusasyon na wala naman kayong pruweba. Ang hilig ninyo gumawa nang balita na fake news naman," banat ko, kasabay nito'y ang unti-unting pag-kuyom nang kaliwa kong palad.
"Continue," sagot ng babaeng reporter at biglang gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya.
"Nandito ako para patunayan sa mga naniniwala, dahil sa napanood nilang cctv footage at sinasabi nilang ebidensya na kumalat sa social media. Papatunayan namin na hindi 'yon totoo," walang ekspresyon na pahayag ko.
Kumikislap na parang bituin ang mga nakaka-duling na mga ilaw na nangagaling sa camerang hawak ng mga taong kasamahan ng mga reporter.
"Paano ka naman nakakasigurado na hindi 'yon totong ebidensya nandoon ka ba sa actual na oras at lugar ng mangyari 'yon? Mas malinaw pa sa crystal ang cctv footage na mukha ni Ms. Madrid 'yon, hindi kami bulag Mr. Leo!" matapang na tanong naman ng isang lalaki na nasa ibaba ng stage na katapat ko.
"Wala ako sa actual na oras at lugar. Pero nakakasigurado ako na 'di siya 'yon. Kahit itaya ko pa ang pangalan ko," mapait akong ngumiti. Mag tatanong na sana ulit siya pero inunahan ko na baka saan pa mapadpad ang usapin na ito.
Tumikhim na muna ako saka pinagpatuloy ang susunod kong sasabihin.
"'Di ba gusto ninyong marinig si Bia Joy Madrid na lumantad sa publiko para mapatunayan na kaparehas ang itsura niya sa cctv footage, na tama kayo sa pagtawag sa kanya na living mannequin?”
“Puwes, siya ang magpapatunay. Bigyan ninyo siya ng sapat na oras para makapaghanda para harapin kayong lahat. January 01, 2019, araw mismo ng kanyang kaarawan. Hinahamon ko ang lahat ng nagsasabi at naniniwala sa mga pekeng ebidensya na 'yon. Makikita mismo ninyo sa dalawang mga mata ninyo na tao si Bia at hindi isang mannequin.”
“Magpapatawag uli' kami ng press conference sa araw na 'yon. Kung gusto pa ninyong itutok sa kanya ang camera 24/7, para mabantayan ang bawat kilos niya. Gawin ninyo. Para patunayan sa inyong lahat at maisampal sa source na 'yan na hindi kami patitinag. Mag tago ka na kapag nahanap kita, hindi ako magdadalawang isip na ilagay ka sa likod ng rehas," mahabang talumpati ko.
Hindi ko na namalayan na mas humigpit ang pagkakakuyom ng kaliwa kong palad. Para na ring nanginginig ang kanan kong palad sa matinding galit na nararamdaman ko.
Naghintay pa ako ng ilan pang segundo para hintayin kung may mga katanungan pa bang maibabato sa akin, ang mga reporter na pare-parehas na nakatitig sa galit na galit kong ekspresyon.
Kung wala lang talaga ako sa harapan nila, baka hindi ko na alam ang kaya kong gawin sa paligid ko. Mabuti't kaya ko pang kontrolin kahit papaano ang bugso ng damdamin ko.
"Isa pa pala, halos isang buwan na ang lumilipas. Pero patuloy pa rin kayong nagbabalita patungkol sa privacy namin sa mga nasangkot dito. Hihingin ko rin sana sa inyo na bigyan muna ninyo kami ng katahimikan at totoong privacy bago dumating ang araw na 'yon.
Ngayon palang sisiguraduhin ko ng papaulanan ko kayo ng exclusive report at kung patuloy pa rin kayo sa panggugulo. Kapag hindi napatunayan ang allegasyon na ito, isa-isa ko kayong sasampahan ng kaso," pagbabantang tugon ko. Pagkatapos nito'y bumaba na ako sa stage at hindi na tumingin sa mga reporter na patuloy pa rin sa pagtatanong na nahaharangan nang mga kasama kong bodyguard.
"Bakit hindi na ngayon sa mga oras na ito lumantad si Ms. Madrid?"
"Anong dahilan kung ba't humihingi pa kayo ng panahon at oras?"
Niluwagan ko ang suot kong necktie, at tinanggal ang nasa itaas na buttones ng aking puting pulo.
I have already given them the answer. Pero marami pa silang tanong na kanina naman ay hindi nila itinanong, nagpapatawa ba sila?
Kung ako matatawa nalang ako sa sobrang inis sa ginagawa nilang pagbidabida.
Simpleng ngisi ang naitugon ko sa kanila bago ako humarap sa direksyon nang mga reporter na patuloy pa rin sa pagtatanong.
"Sasagutin mismo ni Ms. Madrid sa araw na 'yon. Kaya, prepare everything you can ask."
***
I can't explain how I feel at this time. Sa sobrang galak ng nararamdaman ko, halos sumabog na ang puso ko. Para sa nagniningningang mga mata ng kaibigan ko
Abot tainga ang guhit sa kanyang labi, halos mapunit na sa pagngiti.
'Yong mga panahon na lumuluha siya, palagi niyang sinasabi sa 'kin na hindi siya mahal ng mama niya.
Nakakatuwang makita silang mag-ina na magkasundong-magkasundo. Gan'on talaga siguro, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala sila.
Napangiti ako ng napakapait. Sana ganyan din kami ni daddy, sana magising na siya. Akala ko galit talaga ako sa ama ko. Pero ang totoo na-disappoint at nasaktan lang ako sa mga oras na 'yon. Akala ko galit ang nararamdaman ko sa mga panahon na 'yon, pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ko mapapatawad si daddy. Ngunit ang totoo'y natatakot lang ako na harapin siya. Baka kapag napatawad ko na siya o nag-kita muli kami ay iwan niya ulit kami ng kapatid ko.
Takot pala 'yon, natatakot akong muling mawala ang daddy ko.
"Ang daya ninyo, puro sea food ang nakahandang ulam," bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang nag-iinarteng boses ng nakakabata kong kapatid.
Naroon siya sa pahabang mesa, parang biyernes santo ang mukha niya na patabog na naupo sa tapat nila tita Bianca at Bia na inaayos ang hapag kainan.
Napatingin siya sa direksyon ko, gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.
"Kuya pwedeng papisil sa shrimp, promise isang piraso lang." Lumapit siya sa akin, pagkatapos ay niyakap niya ako ng napakahigpit.
Kung akala niya makukuha niya ako sa paglalambing, akala lang niya 'yon.
"No, subukan mo lang," madiin kong tugon. Kumalas siya sa pagkakayakap at bigla niya akong inirapan.
"Respeto naman sa allergy kong mas loyal pa sa grades ko," pagpaparinig niya sa akin.
Pinigilan ko naman ang sarili kong hindi matawa sa naging reaksyon niya. Isa ito sa mamimiss ko't hindi makakalimutang ala-ala.
"I'll just change daddy's dextrose," sambit ko, kaya napatingin sila tita Bianca, Bia at Onux sa direksyon ko.
"Ako na kuya, halos isang buwan na na ring nag-aalaga kay dad. Halos 'di mo na nga ako pinapayagang asikasuhin si daddy kahit minsan lang," pag awat ng kapatid ko.
"Mag-focus ka nalang sa studies mo On-On," sagot ko naman at tatayo na sana ako para puntahan si daddy. Bigla akong hinarangan ni Onux.
"Bumaliktad na ba ang mundo? Akalain mo, ikaw na kuya mas-concern kay dad. Congrats, 'di ka na manhid. Kun'di parehas na tayong oa, magkapatid nga tayo," biro niya. Ngunit simpleng tingin lang ang naisagot ko sa kanya.
"Mag-aaway nanaman kayong magkapatid," singit ni Bia. Saka ako hinila papalayo kay Onux, na parang batang paslit na nakikipagaway sa katulad kong bata.
"Siya ang nang-aaway sa akin Biang," sumbong ko pa sabay turo sa nakakabatang kapatid ko.
Hindi ko alam pero simula ng nakasama ko si Bia sa bahay namin, parang may sakit ako na bigla-bigla nalang ako umaasta na parang maliit na bata.
"Dugyoting bata ka ba kuya Jah?" sarkastikong tugon ni Onux, napatanggal ako sa kanang tsinelas na suot ko at akmang babatuhin siya. Pero bigla nalang siyang tumakbo at tumago sa likod ni tita Bianca.
"Pupuntahan ko muna si tito Anton," tatawa-tawang tugon ni Bia.
Tinignan ko siya, hinintay hanggang mawala ang pigura niya sa aking harapan.
"Sinabi mo na ba kay Bia 'yong ginawa mong panghahamon sa tv? Parang nanghahamon ka lang sa isang simpleng suntukan, ah," biglang tugon ni tita Bianca kaya napalingon ako sa walang emosyong mukha niya.
"Oo nga bro, eh. Paano kung hindi nga mangyari 'yong pinangako mo sa publiko na lalantad si ate Bia. Siguradong bubulatlatin nila lahat at gigisahin ang bawat nasangkot," panggagatong na sagot din Onux.
Kung alam ninyo lang... Nahihirapan din ako. Ang nasasabi ko palang sa kanila ay isang mannequin si Bia. Tuwing gabi lang siya bumabalik sa normal, pero wala pa silang alam kung paano siya makakabalik sa normal.
"I have my own plan," mapait kong tugon.
"'Yan ka nanaman sa plan, plan, leche flan mo na 'yan kuya.
I-share mo na kasi, para may back-up ka kung sakaling may aberya," pamimilit niya sa 'kin.
Gustuhin ko man, ngunit hindi niya maaaring malaman. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang plano ko. Gusto ko munang sarilinin ito.
Okay na 'yong ako na muna ang masaktan. Kaya ko pa namang akuhin.
"Ang sabihin mo On-on, nagkakaganyan ka kasi nga hindi mo pa nakikita si Riona. Kawawang bata," banat ko't pasimpleng ngumisi ng makita ko ang dalawang kilay niya na halos mag dikit na.
"Kuya naman, dinadamay pa si Ri-ri eh. Sinabi naman ng papa niya na kapag wala na ang gulong ito, siya na mismo ang dadalaw dito. Kaya hanggang tingin nalang muna ako sa malayo," nagkunwari pa siyang malungkot at napabuntong hininga.
"Paano kung mas lumala?" tanong ko sa nakalukot niyang mukha.
"Kuya naman, syempre kasalanan mo. Ang tapang mong manghamon na parang siga, tapos mas papalalain mo pa pala ang sitwasyon. Suntukin kita ulit eh." Ikinuyom niya ang kanyang kamao at itinutok sa akin.
Sixteen-years-old ba talaga itong kaharap ko? Mukha kasing elementary student.
Tumigil kami ng may papalapit na malalakas na mga yabag na nanggagaling sa hagdan.
Napansin namin ang kakaibang sigla at nagmamadaling kilos ng bestfriend ko na pababa sa hagdan.
"Pasensya na hindi ko alam palitan 'yong dextrose. Pero may himala," masigla niyang tugon at napapatalon pa.
"Walang himala. Bumaba ka na riyan, gutom lang 'yan Bia," hirit ni tita Bianca.
"Pumunta na kayo sa kwarto ni tito Anton. Gising na siya mga kababayan, yes!" napasuntok pa siya sa ere.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa narinig ko, gan'on din ang naging reaksyon ng dalawa ko pang kasama. Nagproproseso pa sa utak ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
"A-ano? - What?! - Ah?" sunod-sunod naming tanong.
"Gising na si tito Anton, ibang klase'ng mga bingi!"
Author's Note:
Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️
Maraming salamat po...
©️ Joy Santem...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top