Part 1|X|Reporters Scattered
THIRD POV
103 Days,
Sa tatlong palapag na apartment na inuupahan nang halos benteng pamilya, pawang pare-pareho silang walang lakas ng loob na tumapak sa entrada ng establishmento. Dahil sa takot na madawit din sa issue ng isa sa mga umuupa rin sa apartment na ito.
Nagkalat ang hindi mabilang na reporter na nagmula pa sa iba't ibang panig ng bansa. Na may kanya-kanyang hawak na video recorder, microphone, camera at pare-parehas din na abala sa paghahayag nang balita sa bawat sulok ng bansa.
"Kakapasok lang na balita. Nandito si reporter Ettiquete upang makapanayam natin, at ibalita sa atin ang kaganapan sa tinaguriang living mannequin ng Pilipinas. Partner."
Nawalan ng ekspresyon ang mukha ng tinatawag na reporter Ettiquete, at ngayon ay nakatingin sa camera na hawak nang kanyang kasamahan. Habang hawak nang kanan niyang kamay ang microphone na may kahon sa mismo nitong hawakan at may tatak na MJST News.
"Kasalukuyan na nagkakagulo ang mga taong gustong makita ang nasabing living mannequin ng Pilipinas. May mga dumadayo pa galing sa ibang lugar para kumpirmahin na totoo ang bali-balita. Hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang ina ni Bia Joy Madrid sa apartment na ito, pero kakalap pa kami ng impormasyon sa ibang mga taong nakakakilala sa tinaguriang living mannequin," walang emosyong tugon ni reporter Ettiquete. Bahagya pa niyang inayos ang earpiece na nasa kaliwa niyang tainga.
"Maari mo bang ipakita sa amin ang kasalukuyang nangyayari riyan? 'Yong mga taong naghihintay sa labas ng apartment kamusta sila?" sunod-sunod na tanong ng reporter na naka-live sa studio.
Naglakad si reporter Ettiquete patungo sa mga taong naghihintay sa labas, para malaman ang kanilang pahayag patungkol sa balitang ito.
"Nay, taga saan oh kayo?" baritonong tanong nito sa isang matandang babae na nasa sais senta ang edad. Itinutok niya ang microphone malapit sa matandang babae para marinig ang pahayag nito.
"Diyan lang sa tabi-tabi, gusto ko lang siguraduhin na tama ang nabalitaan ko sa kumare ko. May pustahan na rin kasi sa lugar namin," pahayag ng matandang babae. Saka kumaway-kaway sa camera.
"Bumabati pala ako sa kumare kong si Glenda, Ivy, at Josephine. Nandito na ako sa tv," tuwang-tuwang tugon ng matanda.
Napangiwi naman si reporter Ettiquete, at nagpilit ng ngiti para hindi ipahalata na mukhang niloloko lang sila ng source sa kumakalat na balitang ito. Hindi lang sa news, kun'di pati sa internet ay kalat na kalat na pati ang larawan ni Bia. Nadadamay din ang mga taong malapit sa kanya, dahil sa balitang ito.
Mas nagkagulo ang mga reporter ng may maanigan silang palabas sa pintuan ng apartment na nasa kwarenta o higit pa ang edad na babaeng ginang. Agad-agad ding nagmadaling lumapit si reporter Ettiquete sa ginang, pero sa hindi mabilang na tao ang nakikisiksikan din upang lumusot ay hindi niya na kayang makisabayan sa paglapit dito.
"Partner. Si Mrs. Madrid na ba 'yan?" tanong ng kasamahan ng reporter. Ngunit bago pa man maka-sagot si reporter Ettiquete, ay natanggal na ang earpiece na naka-suot sa tainga niya. Nang may nakisiksik ulit sa kinaroroonan niya. Kaya hindi niya na marinig ang mga sumusunod pang tanong ng kanyang kasamahan.
"Mrs. Madrid. Anong masasabi ninyo sa mga kumakalat na bali-balitang ang anak ninyo raw ay isang living mannequin?" banat na tanong ng isang babaeng reporter na nasa unahan.
"Pasensya na hindi ako ang ina ni Bia," tipid na sagot ng ginang.
"Ano ang relasyon ninyo kay Ms. Madrid?" muling banat ng reporter na babae.
"Anong relasyon-relasyon 'yang sinasabi mo?!" sigaw na tanong nang ginang sa sumunod na tanong ng reporter.
"Kayo oh ba ang may-ari ng apartment na ito. May napansin po ba kayong kakaiba sa mga nakalipas na mga araw dito?" muling nanamang tanong ng reporter na babae.
Hindi na sumagot ang ginang at dire-direstsong naglakad papalabas sa apartment. Ngunit hindi siya makalabas dahil nahaharangan na siya ng alagad ng media, mga chismoso't chismosa.
"Papalabasin ninyo ako rito o ibabato ko sa inyo itong dala-dala kong kaldero sa mga pagmumukha ninyo?!" halos magkadikit ng kilay na tugon nang ginang.
Napa-angat na siya ng takip sa stainless na kaldero. Pero hindi parin sila umaalis sa pagkakaharang at mas lalo lang silang nagsiksikan sa paglapit sa ginang.
"Hindi po ba kayo natatakot sa mga pinagsasabi ninyo ginang naka-live po tayo ngayon sa tv at napapanuod ng buong mundo?" may bahid ng pagmamataas na tugon ng isang lalaking reporter na katabi lamang ang babaeng kanina pa nagtatanong sa ginang.
"Tama na 'yan reporter Enriquez," pag-awat ni reporter Ettiquete sa kalabang reporter.
Nang makalapit si reporter Ettiquete sa pinaka-unahan, tumayo siya sa harapan ng ginang at hinarangan ang mga nakatutok na camera at microphone sa ginang.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw ng iba sa mga media.
"Alam ba ninyo ang salitang privacy?! Lintik kasi kayo, puro exclusive ang nasa utak ninyo," walang emosyong tugon ni reporter Ettiquete.
Wala siyang pakundangang nakisiksikan at nakipagtulakan para lang mailabas ang ginang sa mga maiinit na mata ng mga media. Tinanggal niya ang kanyang kulay chocolateng coat at parehas itinakip sa mukha nila ng ginang.
"Ba't mo ito ginagawa? 'Di ba buwaya ka rin sa exclusive report, para mas tumaas ang posisyon mo?" walang pakundangang tugon ng mayabang na lalaking reporter.
"Una sa lahat, siguraduhin mo muna na totoo ang report na ito bago ka mag-asal hay*p," mahanghang na sagot ni reporter Ettiquete. Sabay ngisi sa lalaki na noon pa man ay kalaban niya na sa kanyang trabaho.
Napaawang ang bibig ng lalaki, hanggang hindi na siya naka-sagot at pinagmamasdan na lamang ang papalayong pigura ng kapwa niya reporter at ang ginang.
Sa kabilang banda, may babae at lalaki naman na kakarating lamang sa tapat ng apartment na 'yon. Kitang-kita sa kanila ang halos pag-luwa ng kanilang mga mata sa nasasaksihan.
"T-tawagin mo si Kuys! Bilisan mo Onux," halos mawalan ng hiningang tugon ng kaibigan niya.
Sa ikatlong ring ay sinagot din ng kanyang kuya ang tawag.
"Bro nagkakagulo sa harap ng apartment, pumunta ka rito..." nababakas sa boses ni Onux ang matinding pag-aalala.
"'Wag kayong aalis d'yan. Kailangan ninyong mailabas sa apartment si tita Bianca. May pupuntahan ako na mas importante," seryosong tugon ng kanyang kuya.
Hanggang dumako ang mata ni Onux sa mga taong pinagkakaguluhan nang media, na para silang mga sikat na artista na idolo ng marami at humihingi nang autograph.
"May mga tao na maaaring makatulong sa atin," tugon ni Onux. Saka dumako ang mga mata niya sa kanyang kaibigan na ngayon ay kumakaway sa kanyang ama na papalapit na sa kanila.
"Who are you referring to? Sino sila?" may bahid ng pagtatakang tugon ng kanyang kuya.
"Kuya Jah, si reporter Ettiquete at aleng Martha." Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Onux ng bigkasin niya 'yon.
"Si papa ba ang binanggit mo?" nagtatakang tanong ng kanyang kaibigan ng marinig ang pangalan ng kanyang ama.
Si Jah naman na nasa loob ng kanyang kotse, hinila ang kambyo ng kanyang sasakyan. Hindi nag-atubiling pinaharurot ang kanyang sasakyan na parang nakikipag-karera sa mabilis na sasakyan. Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa kanyang pupuntahan, hinarangan siya ng ilang mga security guard upang hindi tuluyang makapasok sa loob ng establishemento.
"Bitawan ninyo ako, papatayin ko 'yang amo ninyo," galit na galit na tugon ni Jahric. Na halos bumaon na ang kanyang kuko sa kanyang palad, at nagngingitngit ang ngipin niya.
"Bawal po sir," sagot naman ng isa sa mga security guard.
Hindi niya na napigilan ang pag-taas na ng kanyang dugo sa narinig sa isang security guard. Dumapo nalang ang kanyang kamao sa mga pagmumukha sa mga nakaharang na security guard. Habang pilit parin siyang inilalabas sa establishemento.
Napapalingon naman ang ibang mga taong pumapasok at lumalabas sa mall na ito. Hanggang sa may lalaking naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila na pormal na pormal ang kanyang suot.
"What's your problem?! Nakuha mo na ang gusto mo Leo. Ano pa ang ipinuputok nang butsi mo?" nakangising tugon ng lalaking pormal ang kasuotan.
"Ikaw na b*bo ka ang kailangan ko. Inilabas mo pa talaga sa publiko ang mga ebidensyang 'yon?!" hindi na nagawang pigilan ni Jah ang kanyang bugso ng damdamin at kumalas sa pagkakahawak ng mga gwardya at sinugod ang lalaki.
Napigilan naman agad ng mga gwardya ang akmang pag-sugod niya, imbis ay humandusay siya sa malamig na sahig dahil sa dumapong kamao na galing sa isa sa mga gwardya ng lalaki.
Mapaklang humalakhak si Jah, dahil sa ginawa nang gwardya ng lalaki.
"Ganyan ka talaga 'no basta pera, kayang gawin ang lahat. Umamin ka na kasi na ikaw ang b*bong may gawa n'on..." malamig na tugon ni Jah at napa-haplos sa pumutok niyang labi.
"Kahit sabihin ko man sa iyo na hindi ako iyon maniniwala ka ba? Kung ako man ang gumawa nuon, wala ka ng pake. Dahil kagustuhan ko iyon, you deserve to be hurt like that." Naglakad palapit ang lalaki kay Jah at tinitigan ito ng napakatalim.
"Mabulok ka ng Herdon ka sa impyerno! T*ngina ka, papatayin kita!" Hinigit ni Jah ang kwelyo ng lalaki.
Lalapit na sana ulit ang mga gwardya ni Herdon, ngunit pinigilan niya ang mga ito. Itinapat niya ang bibig niya sa tainga ni Jahric.
"Patayin mo ako rito sa harapan ng mga empleyado ko," panghahamon ni Herdon sa galit na galit na kausap.
Mas bumaon ang kuko ni Jah sa kanyang palad at napakagat ito sa kanyang duguang labi.
"Gawin mo na!" hamon ni Herdon. Unti-unting kumalas ang nakakuyom na magkabilang kamay ni Jah sa kwelyo niya, ang pulo kwelyo ni Herdon na kasing puti ng pulbo ay may bahid na ng kulay pulang dugo.
"Gawin mo na! Takot ka rin pala, sumugod-sugod ka pang h*yop ka sa teriyoryo ko pa mismo!" umalingawngaw sa entrada ng mall ang ma-awtoridad na boses ni Herdon na nakapag-patayo ng balahibo sa kanyang mga tauhan.
Dumapo ang matigas na kamao sa pisngi ni Herdon, pag-katapos n'on ay ang pag-atras ni Jahric.
"Magkikita pa tayong b*bo ka," matigas na tugon ni Jah, bago niya tinalikuran ang walang emosyon na si Herdon.
Sa loob naman ng kwarto sa hospital kung saan mahimbing na nakahiga ang wala paring malay na ama ni Jahric.
May nakatayo sa gilid ng kama na isang mannequin. Na katabi lamang ni Anton, nasisinagan siya nang mainit na liwanag na nagmumula sa bintanang naka-bukas.
Hanggang ang makina na nagdudugtong sa buhay ng lalaking para lang mahimbing na natutulog, ay tuluyan ng sumuko. Parang sinasabi ng makina na hanggang dito nalang ang makakaya niya para dugtungan pa ang buhay ng ama ni Jah.
Hanggang sa ang pakurbang linya ay naging tuwid.
Ttttttttttttttttttttttttttttttt...
'Doc, tulong si tito Anton.'
Author's Note:
Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️
Maraming salamat po...
©️ Joy Santem...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top