Part 1|VIII|Hated Father

Third POV
Backstory,

Dumadampi sa makinis na balat ng isang batang lalaki ang malamig na simoy ng hangin. Habang nakatingin sa 'di kalayuan.

Halos mapunit ang kanyang labi ng mamataan niya na ang kanyang amang paparating na sa kanyang kinaroroonan.

"Buti hindi nasira ang saranggola mo," sambit ng kanyang ama.

Tumakbo palapit ang batang lalaki, sinalubong niya ang kanyang ama ng mainit na yakap. Tinugunan naman siya ng kanyang ama ng pag-gulo sa kanyang buhok.

"Yey, thank you dad! You're the best," sambit ng batang lalaki s'yaka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ama.

Binuhat naman siya ng kanyang ama, pinaupo sa malapit na swing at bahagya pang tinulak ang swing.

"Jah, anong gusto mong maging sa paglaki mo?" tanong bigla ng kanyang ama sa kanya.

Napalingon si Jah sa kanyang ama, nagtama ang kanilang mata. Muling gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi.

Sa kanyang murang edad na labing-isang taong gulang, hindi niya pa naiintindihan ang mga nangyayari. Hindi niya maiisip na may mali.

"Gusto ko pong maging katulad mo dad. Gusto kong maging superhero katulad mo," masayang tugon ni Jah.

Bumaba siya sa swing, masaya siyang tumakbo at itinaas pa ang kanyang nakakuyom na kanang kamay. Na kunwari'y isa siyang superhero na tagapag-ligtas ng mundo.

Sa murang edad, ang alam niya lang ay nabubuhay siya sa napakagandang mundo at ito'y perpekto na sa totoo lang ay sobrang gulo.

Hinabol siya nang kanyang ama, at ng mahabol siya ay agad siya nitong kiniliti sa tagiliran. Parang musika ang kanilang halakhak, na parang wala ng bukas pa ang kanilang pag-tawa.

Kinabukasan, ang halakhak na musika'y napalitan na ng pag-hikbing ritmo. Hindi na ang kanyang ama ang humahabol kay Jah. Kun'di siya na ang humahabol sa kanyang ama na nakasakay sa kanyang kotse.

Bitbit na ng kanyang ama, ang napakalaking maleta. Hindi niya maintindihan, dahil hindi siya binibitawan ng kanyang ina.
Ang kanyang ina na kanina pa humahagulgol at paulit-ulit sinasambit ang salitang 'Anton 'wag mo kaming iwan ng mga anak mo...'

Pero kahit anong gawin ng kanyang ina, nagpatuloy pa rin si Anton. Hindi man lang siya lumingon sa kanilang direksyon. Nalilito si Jah, ba't gan'on ang kanyang ama?

Ngunit alam niyang aalis ang ama niya't 'di na muling babalik pa.

Nagpatuloy siyang habulin ang sasakyan ng kanyang ama, hindi niya maramdaman ang kanyang pagod. Nang mawalan siya ng balanse sa pag-takbo at biglang bumagsak sa semento ang kanyang magkabilang tuhod.

Para ng gripong umaagos ang luha sa kanyang pisngi, napatakip nalang siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang magkabilang palad.

Hindi niya na alam kung saan ang sakit, sa tuhod ba niya o sa kanyang mata na kanina pa lumuluha.

"D-daddy... Daddy ko...!" garalgal ni Jah.

Umaasa pa rin si Jah na muling babalik ang kanyang ama, lagi siyang naghihintay sa playground baka sakaling kapag bumalik si Anton ay muli silang magkikita.

Ngunit lumipas ang araw, buwan at taon. Walang Anton ang nagpakita sa buhay nila. Unti-unti na ring nagbabago ang kanyang ina, na madalas tulala at nakatingin sa kawalan.

Palagi rin binibigkas nang kanyang ina ang pangalan ng kanyang ama. Ang dating mundo na akala niya ay perpekto, naging impyerno na ito habang lumalaki na siya.

"Elvis dalhin mo nga rito 'yong mangkop," sambit ng kanyang ina.

Nagtatakang tumingin si Jah sa kanyang ina, hindi niya maintindihan na sa araw-araw na dumadaan. Mas napapansin niya na may mali na sa kanyang ina.

Lumapit siya sa kanyang ina, na may hinahalo sa kaldero na kung ano. Kani-kanina lang ay kumain na sila ng tanghalian. Kaya bakit nagluluto pa ang kanyang ina?

Nang tignan niya ang laman ng kaldero, hindi niya maiwasan na manginig ang kanyang magkabilang kamay sa takot na nararamdaman niya.

'Anong nangyayari kay mommy?' sambit niya sa kanyang isipan.

'Sino si Elvis?' muli nanaman niyang tanong sa sarili.

Hindi na niya napansin ang pag-agos ng mainit na likido sa kanyang pisngi.

"Huwag ka ng iyak Elle," tugon ng kanyang ina ng mapansin niyang umiiyak si Jah. Kaya agad niyang pinunasan ang kanyang luhang hindi matigil sa pag-agos.

"Hindi po umiiyak si Elle, mommy tara hatid ko na po ikaw sa room mo," kalmadong ani ni Jah sa kanyang ina, s'yaka lumuhod sa kanyang harapan at hinawakan ang kanang palad ng ina.

"Paano 'yong niluluto ko?" tanong naman na pabalik ng kanyang ina.

"Ako na po mommy, madali lang namang iluto 'yan," kunwaring tugon niya at iginaya na ang kanyang ina sa kanyang kwarto.

Nang makalabas siya'y bigla nalang siyang napasandal sa nakasaradong pinto ng kwarto. Hindi niya na kayang pigilan ang sariling humagulgol sa bigat na nararamdaman niya.

Wala ang kanyang ama, nawawala sa sarili ang kanyang ina at hindi na sila makilala ng kanilang ina. Tinatanong niya ang kanyang tita Sha-Sha, kung ba't nagkakagan'on ang kanyang ina. Ngunit hindi naman siya sinasagot ng kanyang tita.

Kahit masakit nagpatuloy si Jah, pinag-igihan din niya ang kanyang pag-aaral. Hanggang dumating ang isang araw na hindi na sila kayang alagaan ng kanilang ina. Kaya umuwi si Shaira sa Pilipinas upang alagaan ang kanyang mga pamangkin at pansamantalang manirahan dito dahil sa kalagayan ng ina ni Jah.

July 25, 2013

Umagang-umaga, may naggigisa na ng bawang sa kawali gamit ang sandok. Amoy na amoy din ang mabangong samyo nito, kaya napabangon si Jah upang tignan kung sino ang taong 'yon.

Hindi naman kasi ganito kaaga kung mag-luto si tita niya Sha-Sha. Kaya ng makita niya na ang kanya ina ang gumagawa n'on ay agad niya itong nilapitan.

"Mommy, ako na po riyan," sambit niya.

Lumingon sa kanya ang kanyang ina, ang awra niya na parang walang nangyari at sobrang saya niya. 'Yong mga panahon na hindi pa sila iniwan ng kanilang ama.

"Ang aga mong nagising Jai," sagot nito sa kanya at tinugunan siya nito ng halik sa pisngi.

Nalaman nila na may Alzheimer's ang mom niya, dahil na rin sa stress at masyadong dinamdam ng mom niya ang pag-iwan sa kanila ng daddy niya kaya siya nagkasakit ng ganito.

Sasagot na sana siya ngunit narinig niyang paulit-ulit na umubo ang kanyang mommy. Tinatanong niya kung okay lang ba siya, at sumasagot lang ang mom niya ng simpleng pag-tango.

Hanggang sa makapasok siya sa kanilang paaralan, iniisip parin niya ang sinabi ng kanyang mommy sa kanya bago siya umalis sa kanilang bahay.

"Kapag wala na ako, bantayan mo si Onux. Alagaan mo ang kapatid mo, Jah 'wag kang magtanim ng galit sa daddy mo. Mahal na mahal kita..."

Maaga siyang umuwi sa kanilang tahanan, dahil kinakabahan siya sa huling sinabi ng mommy niya sa kanya. Kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan, kaya kahit kailangan pa niyang makipag-practice para sa kanilang performance ay sinikap niyang maka-uwi ng maaga.

"Mommy nandito na ang gwapo ninyong anak," tatawa-tawang wika ni Jah.

Pinihit niya ang door knob, hindi ito naka-lock. Nang pumunta siya sa dirty kitchen para maghugas nang kanyang kamay, ng marinig niya ang sunod-sunod na malalakas na pag-ubo at pagduwal ng kanyang ina.

Tumakbo siya papunta sa cr, natagpuan niya ang kanyang inang nakaluhod sa harap ng toilet, nagkalat ang pulang likido sa puting-puting tiles at sa kamay ng kanyang ina.

Niyakap niya ang kanyang ina sa kanyang likuran, habang nanginginig ang magkabilang palad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at tinawagan ang tita Sha-Sha niya.

"T-tita sagutin mo po..." garalgal niya.

Pero bago pa man makasagot si Shaira ay humandusay na ang kanyang ina sa sahig, kaya nabitawan niya ang kanyang cellphone. S'yaka lang nasagot ni Shaira.

"Hello Jah?"

"M-mommy wake up..." utal-utal niyang hagulgol.

Tumakbo siya palabas ng bahay nila at nagbabakasakaling may taong tutulong sa kanila.

"Tulong! Ang mommy ko po...!" Sigaw niya ng paulit-ulit habang nagwawala na siya. Ibinabato niya na ang mga halamang may pasong nakikita niya.

Napa-upo nalang siya't napayakap sa kanyang mga binti. Halos wala ng boses ang lumalabas sa kanyang bibig. Kun'di hangin lamang, kahit sumigaw pa siya. Walang tutulong sa kanila, dahil sa baliw daw ang kanyang ina.

Ilang sandali pa nga ay dumating na ang tita niya Sha-Sha. Tulala niyang tinuturo ang loob ng kanilang bahay at binibigkas ang salitang 'mom'

Hindi na alam ni Jah ang gagawin niya, nakakuyom nalang ang kanyang magkabilang palad at nakayukong humahagulgol. Hindi na maawat na luha ang kanina pang umaagos sa kanyang pisngi, may mas lalala pa pala sa naranasan niya.

Nasa labas siya ngayon ng Emergency Room, itinakbo nila ang kanyang ina. Agad dinala sa E. R ang mom niya dahil mababa na ang pulse rate nito, at kailangan nitong agad malapatan ng oxygen.

"L-lumaban ka mommy... P-please naman po... M-mommy..." hindi matigil na pagbigkas niya sa ere.

"Nandito na ako, iiyak mo lang Jai-Jai." sambit ng isang babaeng boses sa kanyang gilid.

Pinunasan ng babae ang basang-basang pisngi ni Jah, at s'yaka pinisil-pisil ito. Kumunot naman ang noo ni Jah.

Sino naman ang hindi magtataka? Hindi mo siya kilala pero, parang feeling close na pupunasan pa ang pisngi mo.

Nag-tama ang kanilang mga mga, bahagyang gumaan ang nararamdaman ni Jah ang marahan na paghaplos sa kanyang likod ng babaeng hindi niya kilala.

"Sino ka?" tanong niya rito.

"Sinabi ni mama na Jahric ang name mo, tapos friend ng tita mo si mama ko. Kaya friends na tayo, ah," walang alinlangan na tugon ng batang babae na kaparehas lang din ng edad ni Jahric.

Siya ay labing-anim na taong gulang palang, ngunit nararanasan na ang ganitong kabigat na pasanin.

"Wala akong pake sa 'yo," supladong tugon ni Jah.

"Wala ka pa rin bang pake kahit sabihin ko sa 'yo ang pangalan ko?" tanong muli ng makulit na babaeng bata.

"I don't care..."

"Maaari mo akong tawagin na Biang-Buang."


Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top