Part 1|VII|Saving You

Jahric Leo,

"I think i'm falling for you Bia."

Pagkabukas palang nang elevator sa second floor, agad kong narinig ang isang baritonong boses ng isang lalaki. Agad din akong nakaramdam nang matinding lamig sa buo kong katawan.

Hindi dahil sa lamig na ibinibigay nang aircon dito sa mall. Kun'di dahil sa pangalan na aking narinig.

Hinakbang ko ang aking dalawang paa, patungo kung saan naroroon ang boses.

Parang ilang segundo nalang ay titigil na ang pag-tibok ng aking puso, dahil sa binibigay nitong kakaibang kaba.

Muli kong narinig sa aking isipan ang sinabi ng lalaki. Sa pagkakataon na ito mas lumaki ang pag-hakbang ng aking mga paa.

I think i'm falling for you Bia.

I think i'm falling for you Bia.

I think i'm falling for you Bia.

Napakuyom ako sa aking magkabilang palad.

"Sa tingin mo..."

Napatigil ako sa aking pag-hakbang nang marinig ko ang boses na inaasam-asam ko na muling marinig. Limang taon ko na ring hindi narinig ang mala-anghel niyang boses.

Napapikit ako, at bahagyang iminulat ang aking mga mata.

Nang dumako ang aking paningin sa escalator, may isang lalaki na nakatitig sa mga mata ng bestfriend ko. Habang si Bia ay naka-hawak ang kanan niyang palad sa noo ng lalaki.

"Please, kung kaya mo pang pigilan ang feelings mo sa akin. Pigilan mo." Tinanggal niya ang kaniyang palad sa noo ng lalaki at seryosong tumitig dito.

"Bakit ano bang problema?"

"Hindi na ako magtatagal Ryxen..." simpleng tugon ni Bia, s'yaka tumayo't umatras ng k'unti upang lumayo kay Ryxen.

Habang si Bia ay umaatras, panay din ang pag-lapit ni Ryxen sa kanya. Gusto kong lapitan sila, gusto kong ihakbang ang mga paa ko. Ngunit hindi ko kaya.

Para ng nasemento ang aking mga paa sa malamig na sahig.

"Ganun ba ako kahirap mahalin Bia? Para sabihin mo pa na hindi ka na magtatagal..." sagot niya pabalik.

Hanggang naramdaman ko na ang mainit na likido sa aking magkabilang pisngi. Bia sabihin mo na hindi totoo 'yong nabasa ko sa form na 'yon. Hindi 'yon totoo.

"Gustuhin ko mang mahalin ka. Ryxen, may natitira nalang ako na one-hundred-fourteen days bago ako mawala sa mundong ito. Kung ikaw man ang soulmate ko, please. Nakikiusap ako huwag mong sunugin ang form. Nagmamakaawa ako, Ryxen..." mahabang talumpati ni Bia.

Kasunod nito ang pag-luhod niya sa harapan ni Ryxen, na magkalapat ang magkabila niyang palad.

Pasensya na Bia. Pero kailangan kong sunugin ang form para mailigtas ka.

Mas lalong umagos ang luha sa aking magkabilang pisngi at hindi ko na kayang pigilan ang aking pag-hikbi.

Para akong sinaksak nang ilang libong patalim, dahil hindi ko man lang magawang lapitan siya. Hindi ko kaya.

Pagdating sa kanya, duwag ako.

Naduduwag ako.

Patawad Bia.

Third POV
September 20, 2018
104 Days,

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa lamesang kinauupuan ng isang babae at dalawang kalalakihan. Pinagmamasdan lamang nila ang kapwa customer na nakikipag-usap sa kani-kanilang kasama.

Ang kaninang mainit na kape ay para na itong nag-yeyelo, dahil sa kanina pa nilang pagkabalisa.

"Sigurado ka bang si ate Bia 'yon?" muli nanaman na tanong ng lalaking may bilugang salamin.

"Yes," walang emosyong tugon ng kanyang kausap.

"Ano na ang gagawin natin? M-mannequin talaga bang naging m-mannequin si ateng Bia?" hindi rin makapaniwalang sunod-sunod na tanong ng babaeng may kulay abong buhok.

"Yes," walang emosyong tugon muli ng kausap nilang lalaki.

"'Di nga, totoo? Baka may nakatago lang na camera somewhere." Tumayo ang babae sa kanyang kinakaupuan at tumingin-tingin sa paligid.

"Riona mukha kang adik, umupo ka nalang dito. Hindi bagay sa 'yo," hirit ng lalaking nakasuot nang bilugang salamin.

"Pake mo, check mo nga kuya mo. Baka siya ang adik, mannequin juice ko," sagot ni Riona at lumapit sa kuya ng lalaking nakasuot nang bilugang salamin.

Hinawakan niya ito sa noo, at sa leeg. Inamoy-amoy ito kung amoy alak ba ito, ngunit hindi naman.

"Kuya Jah sabihin mo na kasi ang totoo. Nag-d-drugs ka ba?" seryosong tanong ng lalaking may bilugang salamin.

"Gago tumigil nga kayo!" sigaw ni Jah at may ibinatong tatlong piraso ng papel sa pagmumukha ng dalawa.

Nang mabasa ng dalawa ang nilalaman ng tatlong piraso ng papel ay para silang baliw na humagalpak sa pag-tawa. Napahawak pa sa kanyang tiyan ang nakakabata nitong kapatid na halos mahulog na ang kanyang bilugang salamin.

"Mga batang 'to ang ingay ninyong tumawa!" sigaw ng isang matandang babae na mukhang nag-cecelebrate ng kanyang birthday, dahil sa dami ng inorder nila ng siyam niyang kasama.

Napatikom nalang sila sa kanilang mga bibig at mayat-maya ring pinipigilan ang sarili na muling matawa.

"Seryoso na kasi, kuys may pinagdadaanan ka ba? Siguro kailangan mo muna magpahinga kakahanap kay ateng Bia para-" hindi na natapos ang susunod na sasabihin ni Riona ng may umalingawngaw na malakas na paghampas sa kanilang lamesa.

"If you don't believe, I don't need your help," sambit ni Jah at naglakad palabas ng coffee shop na hindi tumitingin sa dalawang kasama niya.

Ang nararamdaman niya lang sa mga oras na ito ay matinding galit, at pag-aalala kung paano niya itatakas si Bia.

"Onux, sa tingin mo hindi lang prank 'yon?" tanong ni Riona sa kanyang bestfriend.

"Ewan ko rin," sabay buntong hiningang tugon ni Onux.

***

Nagbibigay liwanag sa madilim na kalsada ang bilog na buwan, na natatakpan na ng mga kulay abong mga ulap. Libo-libong mga bituin ang nag-kalat na nagpapakinang sa kalangitan.

Nakatingala ang isang lalaki sa mga bituin na 'yon. Nagdarasal na sana mailigtas niya ang kanyang kaibigan. Ilang araw niya ng pinag-isipan na sumugod nalang, ngunit may pangamba siya na baka mas lumala ang sitwasyon.

Ngunit ngayon, wala ng oras. Kailangan niya ng maitakas ito, kahit ano pa ang maging kapalit. Basta makasama niya lang ito.

"Huwag kang mag-alala Bia, itatakas kita," sambit nito at naglakad na papasok sa babasaging pinto ng mall.

Mahimbing nang natutulog ang tatlong mga gwardyang nagbabantay sa establishemento, dahil bago pa siya sumugod ay lumikha na siya ng plano.

Maingat ang bawat galaw niya, baka magising ang mga gwardya. Hindi siya panatag, halos hindi na siya makahinga dahil sa mabilis na pag-pintig nang kanyang puso.

Hindi siya handa, kung may naghihintay mang panganib sa kanya. Basta maitakas niya si Bia. 'Yon lamang ang laman ng kanyang isipan.

Isang hakbang...

Dalawang hakbang...

Tatlong hakbang...

Mas lumaki ang kanyang mga hakbang, hanggang mamataan niya na ang isang dalaga na naka-upo sa escalator at malayo ang kanyang tingin.

"Ryxen ikaw ba 'yan? Gusto ko ng umalis dito..." malungkot na tinig ng dalaga at napabuntong hininga.

"Gusto ko ng makita si mama..." wikang niyang muli, s'yaka ngumiti ng napakapait.

Pinipigilan siyang humakbang ng kanyang mga paa palapit sa dalaga, pero kailangan niya ng labanan ang takot na baka galit pa ito sa kanya. Napakuyom nalang siya sa kanyang magkabilang palad.

'Isang hakbang palapit sa 'yo' sambit niya sa kanyang isipan.

Hanggang tumugtog ang kantang You Are The Reason-Calum Scott (Cover)/Madilyn Paige & Tanner James sa speaker ng mall na nagbibigay ingay sa nakakabinging katahimikan.


~There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now~

Nag-tama ang kanilang mga mata, huminto ang pag-ikot ng oras. Wala sa kanilang dalawa ang bumibitaw sa pagkakatitig at kumukurap na parang namamalikmata sila sa kanilang nakikita.

Nang makabawi ang dalaga, ipinikit nito ang kanyang mga mata na parang naguguluhan sa nangyayari.

'Nasa New York si Jai-Jai. Bia namamalikmata ka lamang' sambit ni Bia sa kanyang isipan.

~And there goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now~

"B-bia," utal na tawag ni Jahric sa pangalan ng dalaga.

Napahinto ito, hindi alam ang gagawin at nanatili lamang siyang nakapikit. Nang unti-unti niyang ibinukas ang kanyang mga mata ay nasa harapan niya na ang binata.

Umagos ang mainit na likido sa kanyang pisngi, naghalo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin naubusan siya ng salita sa kanyang isipan.

"K-kumusta ka na?" utal na tanong ni Jahric s'yaka pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi ng dalaga gamit ang kanyang kaliwang kamay.

"J-jai... Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

~I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason~

Habang parehas silang nakatuon sa presensya nang bawat isa, hindi na nila napapansin ang isang babaeng nagmamasid sa bawat kilos nila na sa 'di kalayuan ay nagtatago siya sa madilim na sulok.

"Sorry sa mga nasabi ko before, i was hopeless. Hindi ko naisip na masasaktan kita. Gulong-gulo ang utak ko Bia so-" naputol ang sasabihin ng binata ng sumagot agad pabalik ang dalaga.

"Napatawad na kita... Matagal na... Hindi kita gustong kausapin. Hindi dahil galit... A-ako sa iyo...”

“Kun'di galit ako sa sarili ko... Wala akong kayang sabihin sa iyo, alam ko na kasi kung saan patutungo ang pag-uusap na iyon... Kapag sa oras na iyon ay nag-usap tayo. Same plot, same scene, and same ending. Ngunit mas doble ang sakit na dulot sa atin...”

“Kaya mas pinili ko nalang na lumayo sa iyo, dahil iyon ang makakabuti sa atin. Patawarin mo ako Jai. Patawarin mo ako Jai-Jai, hindi ako naging sapat na kaibigan sa iyo, hindi ako naging mabuting kaibigan," mahabang talumpati ni Bia habang humahagulgol.

Lumapit siya sa binata, at isinubsob ang mukha niya sa kanyang dibdib. S'yaka niya ito niyakap ng mahigpit. Sa pagkakataong ito parang gripo ng umaagos ang kanyang luha.

Nawalan naman ng boses ang binata, na parang nawala sa kanyang sarili. Dahil sa sinabi ng dalaga, niyakap niya rin ito ng mahigpit pabalik.

"Patawarin mo ako Jai..." paulit-ulit na lumalabas sa bibig ng dalaga.

~There goes my hands shaking
And you are the reason
My heart keeps bleeding
I need you now~

"Please Bia, don't cry," tipid lang na sagot ni Jah, na deep inside ay mas doble ang sakit na nararamdaman niya dahil sa paulit-ulit na pag-hingi ng tawad ni Bia sa kanya na sa katotohanang...

Parehas naman silang may kasalanan sa bawat isa, kaya mali na sisihin at akuin mag-isa ni Bia ang bigat ng konsensya dahil sa hindi nila pagkakaintindihan noon.

Nang biglang umatras ang babae na nagmamasid sa kanila at umalingawngaw ang tunog latang ingay sa buong paligid. Iyon pala ay napa-atras siya sa isang trash can na nasa gilid lamang niya.

Agad nagtago ang babae sa pinaka-sulok dahil may paparating na tao sa kanyang kinaroroonan.

Ipinagsaklob ni Jah ang kanan niyang palad sa kaliwang palad ni Bia at mahigpit itong hinawakan. S'yaka niya ito hinila, upang mag-tago sa storage room.

~And if I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark
I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe~

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Saving you," tipid nitong sagot at tinakpan ng kaliwa niyang palad ang bibig ng dalaga.

~And I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason~

"Halughugin ninyo ang paligid, hindi pa sila nakakalayo," galit na boses ng isang lalaki.

"'Yang walang-hiyang Herdon na 'yan," pabulong na wika ng binata.

Nang mawala ang ingay sa paligid, agad niyang hinila ang dalaga palabas nang storage room. Upang pumunta na sa pinto palabas nang mall.

"If you think you can escape me, think again," baritonong boses ng isang lalaki. Kasabay nito ang nakakabinging palakpak nito.

Napalingon sila sa kanilang likuran. Napakuyom sa magkabilang palad si Jahric, ng makita niya ang malapad na ngiti sa mukha ng lalaking nag-salita.

"Anong kailangan mong gag*ng Herdon ka?!" nanlilisik na matang tugon ni Jahric, s'yaka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa palad ng dalaga.

~I don't wanna fight no more
I don't wanna hide no more
I don't wanna cry no more
Come back I need you to hold me (you are the reason)
Be a little closer now
Just a little closer now
Come a little closer
I need you to hold me tonight~

"'Yang babaeng 'yan," sabay turo kay Bia. Lumapit siya sa kanila at hinawakan ng lalaki ang kanang kamay ng dalaga.

~I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
'Cause I need you to see
That you are the reason~

Ngayon ay napapagitnaan na siya ng dalawang lalaking hinihila siya, at parang pinapapili kong kanino siya sasama.

"If that's what you want, we'll kill each other."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top