Part 1|V|She Died?

Bia Joy Madrid
123 Days,

Paano ka makakaligtas sa isang kulungan na sa una palang ay wala ka ng takas?

Hindi ko na maintindihan ang saysay kung bakit nabubuhay pa ako. Hindi man nakatali ang kamay at paa ko, nakakulong naman ako sa plastic na katawang ito.

Hindi ko na maramdaman na isa pa ako sa mga nabubuhay sa mundong ito.

Mas nadudurog ako, mas nasasaktan ako. Mas gusto ko nalang tanggapin na habang buhay na akong ganito. Hindi ko na maramdaman ang takot ko, pawang ang mabilis na pag pintig
lamang ng puso ko ang aking naririnig, ang paligid ay nababalot nang nakakatakot na kadiliman.

Pwede na ba akong maging-artista?

Ang drama mo Bia...

Parang tanga lang...

Kung may nag-bago man sa akin.

Ay ang pagiging sad ghurl ko.

Ibang klase...

Totoong naging waterproof na ako...

Napatigil ako sa kakausap sa sarili ko ng ang madilim na silid na kinalalagyan ko ay bigla nalang nagliwanag. May mga yabag at boses din akong naririnig na nag-uusap sa labas ng pinto.

"Pre, bilisan mo kunin mo agad ang mannequin. May topak ngayon si boss," baritonong boses ng isang lalaki.

Mas lumaki ang awang ng pinto iniluwa nito ang dalawang lalaki na may tattoo sa kani-kanilang magkabilang braso. Halos pumutok na rin ang kanilang mga braso sa laki ng kanilang pangangatawan.

"Nasaan ang tali?" sagot na tanong naman ng lalaki na papalapit na sa akin.

Bumalik lang ako sa ulirat ng makita kong nasa harapan ko na ang isang lalaki na nakangisi sa akin.

Ang kapal, ah.

Tapos iyong isa namang lalaki ay ibinigay niya kay boy ngisi ang tali na hawak niya.

May taping ba, nasaan na ang director?

Sinong bida? Ako ba?

"Ihanda mo na ang plastic, para malinis. No trace..." seryosong tugon ng lalaking nagbigay ng tali.

"Sigurado ka bang malinis ang plano?" tanong naman ni boy ngisi.

Pinagsasabi ng mga garapal na ito. Sana ayos lang sila.

Wala man akong maramdaman ng itali nila ang paa ko, nararamdaman ko namang natatae ako.

Saan nila ako dadalhin?

Hanggang makita kong nasa ere na ako. Habang buhat-buhat nang kung sino man sa dalawang garapal na ito.

Ilang beses kong hiniling na sana mag-bago ang buhay ko. Akala ko magiging masaya ako, ngunit nagkamali ako.

Maling-mali ako.

Nagbago na nga ng tuluyan ang buhay at pati ang mundong ginagalawan ko.

"Pre natanggal yung kamay ng mannequin."

Third POV

"We found the cctv footage. N'ung August 11, bandang 12:36 pm nakita ang pagpasok nang babae sa mall," wika ng babaeng may hawak-hawak na folder.

"How about the cctv footage in the clothing store?" tanong pa balik ng lalaking naka-ngisi na naka-upo sa kanyang swivel chair habang magkadikit ang kanyang magkabilang palad.

"Nakitang tumatakbo siya papunta sa clothing store, at kalaunay pumasok siya sa fitting room bandang 12:40 pm. Ngunit hindi siya nakitang lumabas hanggang sa may costumer na magsusukat sana ng blouse at nakita ang mannequin na nakasara sa life size mirror. 1:23 pm ng ilabas ang mannequin sa fitting room," tuloy-tuloy na talumpati ng babae.

Inilapag niya ang kanina niyang hawak na folder, na sa ibabaw nito ay may nakalagay na flash drive.

Mas lumawak ang guhit sa labi ng lalaki ng marinig niya ang sinabi ng kanyang kausap.

"Make sure no one else knows. If there is, 'wag kayong magdalawang isip na patahimikin sila, gusto kong i-display ninyo ang mannequin na 'yon at ang latest na damit ang ibenta. Para naman may pakinabang," seryosong tugon ng lalaki.

"Noted. Mr, Herdon." Tumayo ang lalaki sa kaniyang kinauupuan at naglakad palapit sa babae. Nang malapit na ang pagitan nila ay hinigit niya ang baywang ng babae palapit sa kanya.

"Let's make this conversation a warm end," bulong ng lalaki sa tainga nito.

May kumalat na masangsang na amoy sa ere, na dahilan upang mabitawan ng lalaki ang babae at mapatakip sa kanyang ilong.

"S-sorry, may lbm ako." Tumakbo palabas ang babae, dahil tuloy-tuloy na nanghihimutok ang kanyang tiyan.

***

Sa kabilang banda naman may magkaibigan na kakarating lamang galing sa convenience store.

"Ba't ang dami ng binili mo?" tanong ng babaeng may kulay abong buhok at kinuha ang isang cracklings sa isang plastic.

"Gusto mo pang bumalik Riona? Sige ibalik mo 'yan, reklamador. Hindi naman siya ang nagbayad," panghihimutok naman ng kanyang kaibigan.

Bago pa sila tuluyang mag-away may matandang lalaki ang naka-upo sa kanyang wheel chair ang lumapit sa kanilang dalawa.

"Onux 'nak. Dumaan na ba si kuya mo Jahric dito? Kapag dumating siya, sabihan mo ako," bilin ng matanda at tumingin sa kaibigan ng kanyang anak.

Agad itinago ni Onux sa likuran niya ang mga chitchiryang binili nila.

"Sige po dad, pahinga na po kayo sa kwarto ninyo," sambit ni Onux at bahagyang ngumiti.

"Huli ka, akala mo maitatago mo ah. Tito, bumili nanaman siya ng chitchirya," sumbong ni Riona at itinaas ang isang malaking plastic ng chitchirya.

'Walang hiya ka talaga sa buhay ko Riona' ang sinabi ni Onux sa kanyang utak.

***

Ang isang kwarto sa apartment na inuupahan ng mag-ina ay nababalot nang katahimikan, nasa loob ng silid ang inang tulala at nakatingin sa kawalan habang yakap-yakap ang paboritong dress ng kanyang anak.

"U-umuwi ka na anak ko... P-patawarin mo si mama sa nasabi at nagawa niya sa 'yo..." paulit-ulit niyang sinasabi at hindi siya matigil sa paghagulgol.

"Tita mahahanap na natin siya, malapit na," baritonong boses ng isang binata at hinagod ang likod ng ginang.

"Jahric k-kahit na mahanap man natin si Bia, h-hindi niya na ako mapapatawad. Sobra-sobra ang nagawa k-ko sa kanya," garalgal ng ginang at maslalong napayakap sa dress ng kanyang anak.

"Bianca lumabas ka riyan!" sigaw ng ko sino man sa labas ng apartment.

Napatalon naman sa kinauupuan niya si Bianca ng makilala ang pinanggalingan nang boses.

Siguradong isa 'yon sa pinagkakautangan niya.

Nagtatakang tumingin si Jahric sa bintana. Nang makita niya ang ginang na may dalang pamalo.

"Sabihin mo Jahric na wala ako dito," sabay tago ni Bianca sa c.r.

Kumunot naman ang noo ng binata at hindi maintindihan ang naging reaksyon ng ginang. Napakamot nalang siya sa kanyang ulo at tumayo upang puntahan ang ginang sa ibaba.

"Si Bia natagpuan sa nababalang street!" sigaw ulit ng ginang.

Nang marinig ni Bianca ang sinabi ng ginang, hindi na siya nagdalawang isip na lumabas sa cr. Para siyang namanhid at hindi na maka-galaw, halos tumumba na siya dahil sa nanghihina niyang magkabilang binti. Humahagulgol siyang tumakbo palabas ng apartment at hindi na tinignan o pinansin ang nagsabi ng impormasyon na iyon.

Sumunod naman ang ginang at si Jahric na hindi na makontrol ang kanyang kamay sa panginginig.

Para siyang sinaksak ng ilang libong patalim sa kanyang puso, at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Naniniwala siyang hindi iyon ang bestfriend niya.

Na hindi si Bia 'yon.

"Isang babae nanaman ang natagpuan ngayong araw sa nababalang street na tadtad nang saksak. Napag-alamang ilang araw na siyang inaanod sa dagat-" biglang napatigil ang reporter ng may lumapit sa kanya at lumuhod.

"Hindi! Hindi iyan totoo...!" Humahagulgol na sigaw ni Bianca na nakaluhod at hinila-hila ang damit ng reporter.

"T-tita hindi pa alam kung si Bia-" hindi na napigilan ni Jahric ang pagbagsak ng mainit na likido sa kanyang mata at wala ng ibang salita ang kaya niyang bigkasin.

Nakikita lang niya ang bangkay na nakahiga sa tabi ng ilog, ay halos mamatay na siya sa sakit.

"Babe iniwan mo agad ako. Sabi mo magpapakasal pa tayo." Napalingon ang lahat sa lalaking dumating na umiiyak at nilapitan ang bangkay.

"R-rachel... G-gumising ka." Niyakap niya ng mahigpit ang bangkay na halos madurog na ang katawan nito.

"Sir tumabi kayo, ay jusko. Ipapa-autopsy pa 'yan sir, tapos niyakap mo gusto mong makulong ka?" galit na galit na tugon ng imbestigador, na kanina ay kinakausap ng mga pulis.

Napabitaw ang lalaki sa bangkay at maslalong humagulgol.

"Hindi ako ang pumatay, hindi ako. Hindi ako makukulong," nanginginig na sambit ng lalaki.

Sinabunutan ng lalaki ang kanyang buhok gamit ang magkabila niyang kamay, kaya kapansin-pansin ang kamay niya na may rosaryong naka-tattoo. Napaluhod ito habang humahagulgol, nakuha tuloy ng lalaki ang halos lahat ng atensyon nang mga taong naririto.

"Hindi po ang anak ninyo misis ang bangkay. May suot na may engraved na pangalan ni Ms. Rachel Guanes sa singsing na suot niya ng siya ay matagpuan, na magpapatunay din na siya ang natagpuang bangkay na palutang-lutang sa ilog ng nababalang street," tugon ng isa sa pulis sa kanila Jahric at Bianca, bago tumingin ang may bahid na awang mata ng pulis sa lalaking parang nababaliw habang humahagulgol at humahalakhak sa harapan nang bangkay ng kanyang nobya.

"Kamukha ni Bia si IU, mukhang duplicate ni IU ang biktima," sagot naman ng ginang na nagsabi sa nangyari.

"Mapapatay kita Martha!" sigaw ni Bianca at sinugod ang ginang.

Pero bago pa man makalapit si Bianca sa ginang ay nagkagulo na ang lahat.

Naglabas nang baril ang lalaking may rosary tattoo sa kamay, at tinutukan ang isa sa mga chismosang nanunuod sa eksena.

"Lumapit kayo at papatayin ko ang matandang ito," seryoso niyang tugon, bago itinutok sa lalamunan ng ginang ang hawak na baril.

"Sige patayin mo 'yang si Martha," pansulsol pang tugon ni Bianca.

Napalunok nalang si aleng Martha, napapapikit at nananalangin na sana ay hindi pa niya maging oras.

"Tumahimik ka isusunod kita!" sigaw ng suspect kay Bianca at itinutok ang hawak niyang baril sa ginang.

Kaya hindi na nakapag-salitang muli si Bianca. Tikom bibig siyang napa-atras at naipag-krus ang kanyang dalawang daliri.

"Ibaba mo ang baril mo," sagot ng isang pulis sa kanya.

Ang isang pulis ay tumango sa kanyang kasamaan at binaril niya ang suspect na dahilan upang mapaluhod ito. Agad niyang tinamaan ito ng bala sa kanyang braso at nabitawan ang ginang. May police naman na kumuha sa ginang at inilayo roon.

Agad na siyang nilapitan nang mga police para posasan, upang hindi na makapag-laban pa.

"Simula pa lang ito, marami pang magaganap," sigaw ng suspect at parang demonyong humalakhak.

"Isa-isa niya kayong papatumbahin."

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top