Part 1|IX|Forgive Or Forget

Jahric Leo
104 Days,

"If that's what you want, we'll kill each other." Tinignan ko siya ng napakatalim, na kung nakakamatay lamang ang pagtitig ay pinaglalamayan na siya ngayon.

Gusto ko siyang sapakin, gusto ko siyang bigyan ng malulutong na mga suntok. Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili na gawin ang mga bagay na 'di nararapat na gawin sa mga oras na ito.

Ang kailangan ko lang ay maitakas si Bia, 'yon lang.

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaliwang palad ni Bia, saka ko siya hinila palapit sa 'kin. Pero agad din hinila ni g*gong Herdon si Bia palapit din sa kanya.

Mas nag-apoy ang mga mata ni Herdon, sa muli kong pag-hila kay Bia palapit sa 'kin.

"Subukan mo lang siyang itakas, the news of a living mannequin in the Philippines will be even stronger than the bomb. Siguradong magiging exclusive ito at pagpyepyestahan si Bia ng mga reporter. Pati ikaw madadamay sa issue na ito, Jahric." Itinaas niya ang isang flashdrive sa kanan niyang kamay at may biglang lumitaw na tao mula sa likuran niya, saka may inabot na folder.

Malapad siyang ngumisi sa 'kin, saka hinila si Bia palapit sa kanya. Hihilain ko rin sana ang bestfriend ko palapit sa 'kin. Nang kumalas siya sa pagkakahawak naming dalawa, na ang mga mata niya ay nanlilisik na't may bahid na ng matinding galit.

"Ibang klase! Kayong dalawa, sa umaga natatanggal na ang braso ko kapag mannequin ako... Tapos gusto pa ninyong baliin ang magkabilang braso ko ngayong gabi," sabay turo sa amin ng hintuturo niyang daliri.

Mas lumapad ang pagkakangisi ni Herdon sa sinabi ni Bia. Na parang naghihintay lamang na sabihin ng bestfriend ko sa harapan ko na siya ang pinipili niya.

"Ginigising ninyo ang natutulog kong diwa, ang sarap ninyong pagsasampalin!" Bulyaw niya sa aming dalawa. Sabay hila ko sa kanya palapit sa 'kin. Hindi ako makakapayag na mapupunta lang siya sa lalaking 'yan, kailangan na naming umalis. Kailangan na kaming umalis sa bulok na mall na 'to.

Mas humigpit ang pagkakakuyom ng aking magkabilang palad na halos bumaon na sa aking palad ang aking mga kuko.

"B*bo ka rin Herdon, hindi mo ba naisip na pati ikaw madadamay. Paniguradong mauungkat na kinulong mo siya rito sa bulok mong mall! Okay lang sa akin na madamay, she have her own choice. Hindi mo hawak ang buhay niya pawang b*bo ka lang talaga na makapal ang mukhang papiliin siya. G*go!" nanginginig na sa galit kong tugon sa kanya.

Hindi ko na napapansin na kanina pa umaagos ang pulang likido sa 'king kanang palad na nakakuyom, wala akong maramdaman. 'Di dahil sa manhid ako, kun'di mas nangingibabaw ang matinding galit ko sa taong kaharap ko ngayon.

Naramdaman ko nalang na bumagsak at sumubsob ako sa malamig na semento, dahil may dumapong kamao sa aking pisngi. Namanhid ang buo kong mukha sa malakas na suntok na 'yon, napatingin ako sa aking harapan at muling may dumapo nanamang kamao sa aking pisngi. Napangiwi ako sa unti-unting pag-kirot sa aking pisngi na kanina'y namamanhid sa sakit.

"Tumigil ka nga Ryxen! Ang kapal mo, ibang klase ka! Papayag ako kung ako lang ang sasaktan mo, pero huwag lang ang bestfriend ko," umalingawngaw sa apat na sulok ng mall ang sigaw ni Bia, sabay tulak sa lalaking maitim ang budhi.

Bago pa man ako matulungan ng bestfriend ko na makatayo sa pagkakabagsak sa sahig ay agaran akong sumugod kay Herdon upang suntukin din siya.

Pero bago pa dumapo ang duguan kong kamao sa pagmumukha niya, ay bigla nalang bumagsak ang cellphone ko sa sahig na kanina pa pala tumutunog at nag-vavibrate.

Habang tumutulo ang patak-patak na dugo sa aking kanang palad, pinulot ko ang cellphone ko. Kaya ng ilagay ko sa aking tainga ang cellphone ko upang sagutin ang tumawag, ay umaagos sa aking braso ang dugo.

Play Dance With My Father by Jessica Sanchez.

"K-kuys... S-si tito Anton dinala sa hospital! Nasa er siya ngayon! Kuys..." humahagulgol na tugon ng kabilang linya.

~Back when I was a child~

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, pero malinaw sa akin na nakaramdam ako ng matinding kaba. Hindi ko alam kung ba't ako nakakaramdam ng takot.

~Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then~

Mabilis ang pagtibok ng aking puso, na halos lumabas na ito sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Hinila ko si Bia, saka ko na inihakbang ang isa kong paa at ang lakad ay naging takbo.

"Hayaan mo na ako Ryxen, subukan mong lumapit sa akin. Kukutusan kita," banta ni Bia ang huli kong narinig, bago kami nakalabas ng mall.

~Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved~

Tumingin ako sa mga mata nang bestfriend ko na may bahid ng pagtataka, takot at pangamba. Kahit hindi niya alam ang nangyayari ay alam niyang may problema, may mali sa nangayayari.

Pinaharurot ko ang kotse ko, at nanginginig na minamaneho ang manibela papunta sa nasabing hospital na tinext ni Riona sa 'kin. Walang kahit isa sa 'min ang nagtangkang magsalita sa buong byahe papunta sa hospital.

Agad kaming pumasok ni Bia sa loob ng hospital, at agad ding hinanap ng mga mata ko kung makikita ko ang nakakabata kong kapatid sa paligid pero wala akong nakita. Kaya nagtanong kami sa nurse kung may Anton Leo na na-admit sa hospital na ito.

~If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again, ooh~

Sinabi niyang nasa Operating Room na raw ang daddy ko. Kaya tumakbo ako papunta sa operating room, na ang pag-pintig ng puso ko ay mas bumibilis pa. Habang papalapit ako ay mas nararamdaman ko ang panginginig ng magkabila kong kamay.

Naaalala ko ang mga panahon na galit na galit ako sa aking ama, 'yong mga panahon na hindi ko kayang makita siya at pilit na inaalis siya sa buhay ko. Kasi nga sa sobrang galit ko sa kanya nakalimutan kong ama ko parin siya, nalamon ako ng matinding galit ko dahil sa mga naranasan ko sa lumipas na sampung taon.

Pero ngayon parang instant na nawala 'yong galit ko, mas nararamdaman ko nalang ang matinding pagsisisi na nararamdaman na ng buo kong sistema. Hindi ko matanggap na naging masama akong anak.

~When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me, yeah, yeah
Then finally make me do just what my momma said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me~

Tang*na, gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Kaysa magalit ako ngayon at mawalan nang pake. Mas nararamdaman ko 'yong matinding pagsisisi, pagungulila at takot na baka mawala ang daddy ko. Tangina, akala ko tapos na ang paghihirap ko. Pero hindi pa pala, bumabalik lang lahat ng ala-ala na pilit ko ng kinakalimutan.

Parang bumalik lang ako sa una, tang*na.

~If I could steal one final glance, one final step
One final dance with him
I'd play a song that would never ever end
'Cause I'd love, love, love to dance with my father again~

Hindi ko na napansin na umaagos na sa pisngi ko ang mainit na likido na nagmumula sa aking mga mata. Na para ng nanlalabo ang aking paningin ng makita si Onux at Riona sa labas nang OR.

"Kuys," tugon ni Riona. Kaya napatingin sa direksyon ko ang nakakabata kong kapatid na ang nakikita ko sa mga mata niya ay matinding galit. Na sa mga sandaling ito ay para na itong nagliliyab na apoy.

"Anong ginagawa mo rito? 'Di ba wala ka namang pake kay dad," seryosong tugon niya saka sa naglakad palapit sa akin. Dumapo sa mukha ko ang kamao niya dahilan para humadusay ako sa sahig.

~Sometimes I'd listen outside her door
And I'd hear how my mother cried for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me~

Hindi ko magawang makapagsalita, ang kaya ko lang gawin ay titigan siya. Mula kanina ay namamanhid na ako, at ngayon mukhang tuluyan na akong namanhid sa pagsuntok sa akin ng kapatid ko.

"On-on! Ano ba?! Kuya mo 'yan..." sigaw ni Riona at pilit hinihila si Onux para ilayo sa akin.

"Hanggang sa h-huli... H-hanggang sa huli kuya Jah... I-ikaw parin ang hinahanap ni daddy... Kuya Jahric, kahit dinadala na siya papunta rito sa hospital ikaw parin ang hinahanap niya sinabi niya na sorry sa lahat ng nagawa niya. Naiinggit ako kasi ikaw lagi ang hinahanap ni daddy, pero wala kang pake kay daddy mas nangunguna kasi 'yang lintik mong galit sa kanya. Kuya ang manhid mo, sobrang manhid mo. P*ta!" napaluhod siya sa sahig at lumapit muli sa akin at yinakap ako.

Alam kong hindi galit sa akin si Onux, pero galit siya sa pride ko na dinala ko ng sampung taon dahilan para hindi ko magawang mapatawad ang dad ko. Napahagulgol din ako, habang tinatapik siya sa kanyang likuran.

"Kuya paano kung mawawala si daddy? Hindi k-ko kayang mawala si daddy. Kuya natatakot ako, kuya..." garalgal niya.

"Magiging okay din ang lahat Onux, magiging okay din ang lahat," sagot ko.

Nang bumukas ang OR at iniluwa nito ang isang doctor, napatayo ako at lumuhod sa harapan ng doctor. Habang tuloy-tuloy lang na bumabagsak ang mga traydor kong luha.

"D-doc sabihin ninyo sa akin na buhay ang daddy ko. Please, babawi ako sa kanya. Gagawin ko ang lahat..." Humahagulgol kong tugon.

~I know I'm praying for much too much
But could you send back the only man she loved?
I know you don't do it usually
But dear Lord she's dying to dance with my father again
Every night I fall asleep and this is all I ever dream~

Biglang lumukot ang mukha ng doctor at napabuntong hininga siya.

"I'm sorry, but-" naputol ang susunod niyang sasabihin ng may nagsalita sa likuran namin.

"Ateng Bia, ikaw ba 'yan?" Sigaw ni Riona saka tumakbo palapit kay Bia.

"Ibang klase, ako ito babaeng white hair. At ikaw doc. Ituloy ninyo na, hindi ito drama? Ibang klase, tsk," tugon ng bestfriend ko at malungkot na tumingin sa 'kin.

"Let's face the truth, comatose ang pasyente. Naging critical ang kondisyon niya, kaya hindi natin alam kung magising pa ba siya o kung kailan," malungkot na tumingin sa 'min ang doctor at nag-lakad na paalis.

Naiwan naman akong nakatunganga at hindi alam ang gagawin. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig, na parang lumilipad ang isip ko na naghahanap ng solusyon. Kung ba't nangyayari ito sa 'kin ngayon?

"Kuya Jah, patawarin mo na si daddy. Give him a chance please," sambit ni Onux at muli akong yinakap.

Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon.

Kaya ko bang patawarin ang daddy ko?

Author's Note:

Use #143DML, i-tweet ninyo na 'yan. Sabay-sabay tayong mag-tweet sa Twitter. Libre lang pong mag-comment at vote, kaya arat na comment at vote na sa chapter na ito<3❤️

Maraming salamat po...

©️ Joy Santem...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top